Episode 3

2070 Words
Tanya's POV Mahigit pitong buwan na ang nakararaan ng huling makita ko si Ryven bago ang aksidente at si sir Isaac ng mapanuod ko sa tv ang pag anunsiyo na gising na si Ryven at nagbalik na din ang kanyang ala-ala. May galak sa aking puso na malaman na magiging masaya na rin sya sa taong tunay nyang minamahal. Simula nuong araw na ipinagtabuyan nila ako sa hospital ay hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob upang makipag kita pang muli sa kanila. Ipinangako ko sa aking sarili na kalilimutan ko na ang anumang pag ibig na mayroon ako para kay Ryven upang matahimik na rin ang aking kalooban at ayoko ng makasakit pang muli ng aking kapwa, tama na ang isang beses na sinira ko ang buhay nila. Natuto na ako at tanggap ko na sa buhay ko na si Ryven at hindi para sa akin. Napaka swerte ni Raine na magkaroon ng isang Ryven sa kaniyang buhay na kahit na nakalimot ito ay isinigaw pa rin ng puso nito ang pangalang Raine. Nang magpasya akong kalimutan si Ryven ay nahirapan ako sa simula ngunit pitong buwan na rin mula ng huli kaming nagkita at sa tingin ko naman ay unti-unti ko na syang nakakalimutan. Wala na ring kirot sa aking puso ng malaman ko na ikinasal na din sila ni Raine sa ikalawang araw ng pagka gising nya. Totoong tunay at wagas ang pagmamahal nya kay Raine, sana ay makahanap ako ng magmamahal sa akin ng katulad kung paano mahalin ni Ryven sa Raine. Napaka swerte nya dahil sya ang minahal ng isang tulad ni Ryven. Alam kong isang araw ay mapapatawad din nila ako sa aking nagawa, sana nga dahil ipinagdadasal ko ito gabi-gabi. "Ate magkano po yang ube?" Tanong ng isang binatilyo na pumukaw sa malalim kong pag iisip sabay tingin sa kaniya at nginitian ko ito. "Fifty pesos lang, pero pag bibili ka ng tatlo 130 pesos lang kaya makaka save ka ng twenty pesos." Masaya kong turan sa kaniya. Agad namang bumili ng tatllng ube ang binatilyo sa akin na ipinagpasalamat ko dahil may kita na agad ako sa araw na ito, kailangan ko na lamang na ubusin ang lahat ng ito upang makauwi na agad ako sa amin. Buti na lang at masarap akong magluto ng ube kaya sa natira kong sweldo galing kay sir Isaac ay ginawa ko itong puhunan upang makapag lako-lako ako ng kakanin. Malaking tulong din sa amin nila nanay ang kinikita ko at kahit papaano ay nakakapag-aral si Boyet. "Ube halaya, banana cue, turon, bili na po kayo." Pag-aalok ko ng paninda sa mga nadaraanan ko. "Tanya?" Wika ng isang boses ng babae sa akin kaya agad akong napatingin dito. "Michelle?" Masaya kong wika ng makita ko ang dati kong katrabaho sa Migz Cafe na si Michelle, ang tanging nakasundo ko nuon. "Omg, bestie ikaw nga!" Wika nyang hindi makapaniwala at agad ay niyakap n'ya ako. Agad niya akong niyakap dahil sa sobrang kasiyahang nararamdaman n'ya sa muli naming pagkikita ngunit agad ko din siyang inilayo sa akin dahil basa ako ng pawis at pakiramdam ko ay ang baho-baho ko kaya nakakahiya naman sa kanya. "Sus! Ano ka ba, parang hindi tayo magkaibigan." Wika n'ya sa akin na may matamis na ngiti. Nagulat ako sa malaki nyang pagbabago, sobrang ganda nya at ang kaniyang kasuotan ay hindi nalalayo kung paano manamit si Raine. "Salamat, sinuwerte kasi ako na nakapag asawa ng isang mayaman, na love at first sight kami sa isa't-isa kaya eto pinakasalan nya ako." Wika nya na ngiting-ngiti sa akin. Mabilis nya akong hinila at pagkatapos ay inaya niya akong kumain na tinanggihan ko naman dahil nakakahiya ang hitsura ko saka kailangan ko pang ubusin ang mga paninda ko. Kailangan ko kasi ang kikitain ko ngayon dahil may kailangan pang bayaran si Boyet sa eskwelahan nya at pambili na din ng gamot ni nanay. Kinuha nya ang kanyang telepono at pagkatapos ay may tinawagan ito sa phone at makalipas lamang ng ilang minuto ay may dalawang lalaki na lumapit sa amin at kinuha ang hawak kong bilao at bayong na ikinagulat ko. "Teka kuya, sa akin po yan." Gulat kong ani sa kanila habang nakikipag hatakan ako ng aking bilao at bayong sa dalawang lalaking kaharap ko. "Binibili na nila yan para makakain na tayo, bodyguards ko ang mga yan." Wika nyang tumatawa na ikinagulat ko naman. Bodyguards? Ganoon kayaman ang kaibigan ko ngayon? Nagulat ako sa kaniyang tinuran at hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa napakalaking pagbabago nya. Pagkaabot ko sa kanila ng bayong at bilao ay agad naman nila akong inabutan ng pera at nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto ko ang halaga nito kaya napatingin ako sa kanila at mabilis ko silang tinawag. "Limang libo? Teka kuya, napakalaking halaga po nito at hindi ko po ito matatanggap." Kahit anong tawag ko sa kanila ay hindi na nila ako pinansin at iniwanan na kami ni Michelle sa tapat ng isang restaurant na kinatatayuan namin. Kaya wala na din akong nagawa kung hindi tanggapin ito at pasalamatan na lamang sila dahil aaminin kong napakalaking tulong nito para sa pamilya ko. Napatingin ako sa restaurant na nasa aming harapan at binasa ang pangalan nito. "Juliano Cuisine." Sambit ko habang pinagmamasdan ang napaka gandang restaurant. "Yes, at diyan tayo kakain." Wika nya na agad kong tinanggihan. Juskong mahabagin naman, seryoso ba siya na dito nya gustong kumain? Agad akong tumanggi sa kaniya at pinakita ko sa kanya ang hitsura ko dahil baka bigla lang akong mapagkamalang pulubi sa loob at palabasin pa ako ng guard. "Problema ba yan? Halika sumama ka muna saglit sa akin." Wika nya at hinila na nya ako papasok sa isang malaking gusali na sa tingin ko ay five-star hotel. Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit sa aking sarili ng magsimula akong tignan ng mga tao sa loob at ang iba ay tinataasan pa ako ng kilay, habang ang iba naman ay tila ba nababahuan sa akin dahil nagpapaypay pa sila sa kanilang ilong. Kaya napaamoy ako sa damit ko sa may bandang dibdib at napangiwi ako ng maamoy ko ang aking sariling pawis. "Anong gagawin natin dito?" Nagtataka kong ani habang hila nya ako sa kamay na naglalakad sa loob ng gusali. "May room ako dito at wag kang mag alala dahil pag-aari ito ng asawa ko." Wika nya na ikinalaki ng aking mata. Ganito pala kayaman ang napangasawa ng aking kaibigan? Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, dahil ang dating mahiyaing si Michelle ay isa ng bilyonarya. Nang nasa kalagitnaan na kami ng lobby ay halos mag yukuan sa amin ang mga empleyado ng hotel at isa-isang bumabati ang mga ito kay Michelle. Napatingin ako sa mukha ng aking kaibigan at masaya ako sa kung ano man siya ngayon. Iba-iba talaga ang kapalaran ng tao, may mga taong nagkakakilala na itinadhana para maging isa at may mga taong katulad namin ni Ryven na ipinaglapit upang maging sanhi lamang ako ng isang malaking trahedya sa kaniyang buhay. Pagbukas ng elevator ay agad kaming pumasok at pinindot nya ang numerong 32 so ibig sabihin ay duon ang kanyang silid. "Ting" Pag bukas ng elevator ay magagarang pintuan ng bawat silid ang makikita mo rito. "Sumunod ka lang sa akin bestie at huwag kang mahihiya." Wika nya kaya nakasunod lamang ako kung saan man sya pupunta at habang naglalakad kami ay napapahawak ako sa mga nag gagandahang paintings na nakalagay sa bawat dingding na madaanan namin. Isang two door na silid ang kanyang pinasok at manghang-mangha ako sa karangyaang aking nakikita, napatakip pa ako ng aking bibig ng pagbukas ng kurtina ng balcony ay may nakita akong swimming pool na tila umaagos ang tubig papababa ng 1st floor. "Dito bestie," Ani niya at itinuro n'ya sa akin ang isang silid at binuksan n'ya ito. Pakiramdam ko ay nanunuod ako ng tv dahil sa karangyaang aking nakikita. "Sige na pumasok ka na dyan at maligo ka na bilisan mo at aayusan pa kita." Nakangiti nyang turan sabay tulak sa akin ng bahagya papasok ng napakagarang banyo. "Pero Michelle wala naman akong pamalit na damit." Ani ko sa kanya at tumawa lamang sya. "Don't worry mukhang magkasing katawan naman tayo at marami akong bagong underwear, at mga damit dito na hindi ko naman ginagamit, sige na maligo ka na dyan " Wika nya sabay tulak muli ng mahina sa akin papasok ng banyo at agad nyang isinara ito. Mabilis lamang akong natapos maligo, nahihiya naman kasi ako kung paghihitayin ko pa si Michelle sa akin kaya minadali ko na lamang ang sarili ko at pagkatapos ay lumabas din agad ako ng nakatapi lamang ng tuwalya ang aking katawan. Paglabas ko ay marami ng damit na nakalatag sa napakalaking kama at namamangha ako sa sobrang gaganda nito. "Mamimili ka ng gusto mong isuot dyan, huwag kang mag-alala dahil ang lahat ng iyan ay bago pa at hindi ko naman ginagamit kaya ang lahat ng iyan ay sa iyo na." Turan nya sabay takip ko ng kamay sa aking bibig. "Naku! Hindi na noh, nakakahiya naman sa iyo saka ang mamahal nyan baka hindi ko mabayaran kapag namantsahan ko yan o kaya nasira ko." Pagtanggi ko sa kanya na ikinatawa naman nya. "Ano ka ba ibinibigay ko nga ang lahat ng yan sa iyo dahil hindi ko naman yan sinusuot." Wika nya. Jusko nagbibiro ba ang babaeng ito? Ang lahat ng ito ay akin na? Panginoon ko naman, kahit yata maglako ako ng kakanin hanggang pagtanda ko ay hindi ko kayang bayaran ang mga yan. Hindi na rin ako nakipagtalo pa sa kanya at agad na din naman akong namili ng aking isusuot. Nang makapili ako ng aking isusuot ay agad kong tinungo ang closet na tinuro nya sa akin upang magbihis, pati sapatos na binigay nya ay kasyang-kasya lamang sa akin. Paglabas ko ay gulat na gulat si Michelle kaya hindi ko tuloy maintindihan ang aking nararamdaman. "Pangit?" Nakangiwi kong tanong sa kanya ngunit hindi siya kumibo at nananatili lamang siyang nakatitig sa kabuuan ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya, dapat talaga hindi na ako pumayag na magsuot ng ganito. "Ayiiish sabi ko na nga ba at hindi bagay ganitong mga damit sa akin, nakakahiya tuloy." Nakasibangot kong wika sa kanya at saka pa lamang parang natauhan si Michelle at sa wakas ay nagsalita din. "Oh my god bestie, ang ganda-ganda mo at bagay na bagay sa iyo ang suot mo, para kang isang modelo na cover ng isang magazine." Nagniningning ang mata nyang wika sa akin. "Teka aayusan muna kita para mas lalo kang maging bongga." Dagdag nya pang wika sa akin habang tuwang-tuwa na inilalabas ang kanyang mga make-up. Iginiya nya ako sa isang upuan na nakatalikod sa isang napakalaking salamin at sinimulan na nyang pintahan ang aking mukha. Saglit lamang ay natapos na din sya sa pagkukumpuni ng aking pagmumukha at nakangiti syang humarap sa akin na parang kinikilig na hindi ko mawari at pagkatapos ay iniharap ako sa isang malaking salamin na nasa likuran ko. Napamaang ang aking labi ng makita ko ang aking sarili at hindi ako makapaniwala na may igaganda pala ako. "Bestie ako ba talaga ito?" Gulat kong turan sa kanya habang titig na titig ako sa malaking salamin at hindi makapaniwala. "Ang ganda-ganda mo bestie, grabe tinalo mo pa ang mga modelo sa magazine." Ani nya na pumapalakpak pa. "Ngayong ready ka na tignan ko lang kung hindi lumuwa ang mga mata ng mga lalake sa iyo lalong-lalo na yang Isaac na 'yan, hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa n'ya sa iyo sa cafe, wala lang talaga akong nagawa nuon, ngunit ng pinalayas ka n'ya ng araw na 'yon ay nag resign na din ako." Mahaba n'yang litanya sa akin na ikinagulat ko. Nagulat ako sa sinambit n'ya kaya napatanong na din ako kung ano ba talaga ang dahilan n'ya at nag resign sya sa cafe ni sir Isaac. "Simple lang, mas matimbang ang friendship natin kesa sa kikitain ko sa cafe nya." Wika nya at halos mapaluha ako sa kanyang tinuran at pagkatapos ay nagyakap na kami ng mahigpit. Isang yakap ang ibinigay ko sa kanya dahil kahit nuon pa man na una kaming nagkakilala ay tanging siya lamang ang naging mabait sa akin kaya mabilis kaming nagkasundo at mas naging malapit sa isa't-isa. kahit papaano ay napakaswerte ko pa rin dahil binigyan ako ng diyos ng isang kaibigan na katulad ni Michelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD