Episode 5

2046 Words
Isaac's POV Nasa loob ako ngayon ng aking opisina at pinag-aaralan ko ang mga dokumentong ibinigay sa akin kahapon ni Hanz nang bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Gabriel. "What the hell are you doing here in my office?" Ani ko dito at umupo lamang ito sa sofa at itinaas niya ang kaniyang dalawang paa sa aking coffee table. "Do you have a problem bro?" I added as I turned my swivel chair and look at him. "Kapag ba dinalaw ka dito sa opisina mo ibig bang sabihin ay may problema na agad?" Nakatawa nitong ani kaya naman napailing na lamang ako dito. "Ewan ko sa iyo." Ani ko naman dito at muli kong hinarap ang tambak na dokumento na nakapatong sa aking table. "Bilisan mo diyan bro, may lakad tayo!" Napataas ako ng aking ulo at napatingin sa kaniya, saan na naman kaya nag-aaya ang mga ito. "Saan tayo pupunta?" Kunot-noo na tanong ko dito. "Nag-iimbita si Rye na kumain ng lunch sa restaurant niya." Tugon niya ng hindi man lamang ako tinitignan na tila ba may kung ano ang tinitignan sa kuko niyang pudpod naman. "Awesome!" I said sarcastically at hinarap ko ng muli ang mga ginagawa ko at hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi ni Gabriel sa akin. Sumapit ang alas dose ng tanghali at panay na tunog ng telepono ni Gabriel kaya panay tingin ko din sa kaniya. "Si Rye na naman, bilisan mo na kasi diyan!" Ani sa akin nito kaya napapailing na lamang ako. Hindi ko pa natatapos ang mga ginagawa ko kaya naman itinabi ko na lamang ang mga ito at isinara ang aking laptop. Tumayo ako at kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng aking swivel chair at isinuot ko ito at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng aking opisina, nagbilin na rin ako sa aking sekretarya na baka hindi na ako makabalik pa ng after lunch at kung may maghahanap man sa akin ay pabalikin na lamang ito. Kilala ko kasi ang mga kaibigan kong ito na kapag nag-aya ng lunch ay siguradong may mga lakad kami na gagawin kaya imposible na akong makabalik pa dito. Dumiretso ako sa parking lot sa basement na nakasunod lamang sa akin si Gabriel. "Dito ka rin ba nag park ng sasakyan mo?" Ani ko dito. "Sa tabi ng car mo para siguradong wala kang kawala." Pagbibiro niya na ikinatawa naming dalawa. Pagkasakay ko ng sasakyan ay nauna ko na itong pinasibad at sumunod lamang sa likuran ko ang sasakyan ni Gabriel, alam ko naman kung saan kami magkikita-kita kaya inunahan ko na ang mokong. Pagkaparada ko sa harapan ng LaCuesta building ay inabutan ko sa harapan ng malaking glass door si Rye na nakasandal dito na animo ba modelo ng isang sikat na magazine at lahat ng nagdadaan na mga babae ay kinikilig sa tuwing mapapatingin siya sa mga ito kaya naman napapailing na lamang ako sa sira-ulo kong kaibigan. Paglapit ko sa kaniya ay biniro ko naman ito. "Sakay ni Gabriel si Raine sa sasakyan niya, inabutan kasi niya kami sa aking opisina." Ani ko dito at bigla na lamang itong tumayo ng tuwid at hindi na pinansin ang mga babaeng nagpapa-cute sa kanya kaya naman malakas na tawa ang namutawi mula sa akin na ikinanoot ng noo niya habang salubong naman ang kaniyang mga kilay. "Tarantado ka talaga Isaac!" Malakas niyang sigaw habang tawa lamang ako ng tawa at dumating naman ang sasakyan ni Gabriel na nagtataka sa galit na mukha ni Rye. "Oh! Anong nangyari sa iyo at mukhang galit na galit ka yata?" Ani nito at ipinatong naman nito ang kamay niya sa balikat ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng restaurant. "Sira ulo 'yan eh! Panira ng moment." Asik nito sa akin kaya naman hindi ako tumitigil sa kakatawa. "Masyado ka kasing matatakutin diyan sa asawa mo. Isang sigaw nga lang pinagpapawisan ka na ng malagkit at nanginginig na agad ang mga tuhod mo." Panunukso ko dito at isang suntok naman ang natanggap ko mula sa kaniya na tumama sa aking balikat. "Tarantado! Hindi ako takot sa asawa ko, mahal ko lang siya kaya hindi ko gustong masaktan ang damdamin niya." Ani nito na naiinis at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng kaniyang restaurant. Pagpasok namin sa loob ay naghihintay na rin sa amin sina Hanz, Ray at George kaya umupo na agad kami sa bakanteng upuan at kumuha ng menu na nakalapag sa tapat ko. "Napakatagal naman ninyo kanina pa kami gutom na gutom kakahintay sa inyo. Akala namin wala na kayong balak pa na dumating dito." Ani ni Ray na salubong ang kilay. "Kailan ka ba nabusog?" Ani naman ni George kaya natawa naman ako sa sinabi niya. "Gago! Kunwari ka pa eh ikaw din naman kanina pa nagrereklamo na ang tagal nilang dumating." Inis na sagot naman ni Ray kaya inawat na sila ni Rye para makaorder na kami ng pagkain. Pagkatapos naming umorder ay masaya kaming nagkukluwentuhan at tulad nga ng hinala ko ay may lakad nga kaming lahat. "Road trip lang tayo?" Tanong ni Hanz. "At food trip din, susubukan nating tikman ang lahat ng madadaanan nating street foods." Ani naman ni Ray. "What?! Are you insane?" Asik ko na ikinatawa naman nila. Okay lang naman ang kumain kami sa simpleng fastfood pero hindi talaga ako kumakain ng mga street foods na 'yan. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasama ba ako sa kanila dahil alam ko namang pagtitripan lang nila ako. Wala na din akong nagawa dahil kahit naman sabihin kong ayoko ay hindi nila ako titigilan at baka pwersahan pa nila akong ipasok sa sasakyan nila. Mga sira ulo pa naman ang mga kaibigan kong ito. Pagkatapos naming mananghalian ay tumungo naman muna kami sa mall nila Rye dahil may i-memeet lang muna siyang isang kaibigan sa business. Hinayaan lang namin siyang pumasok sa kaniyang opisina habang kami naman ay naglalakad-lakad. Napahinto ako sa isang store ng mga suit kaya naman pumasok ako sa loob nito upang tumingin at kung may magugustuhan man ako ay bibilhin ko. "Good afternoon, sir!" Masiglang ani sa akin ng clerk ng boutique. Ngumiti naman ako dito at natawa ako ng mahina ng kinilig ito. "Ang gwapo ni sir." Narinig kong ani ng isang maliit na babae pero cute naman kaya naman kinindatan ko ito at tila ba ito isang bulate na kinikilig sa sulok ng store kaya napapailing na lamang ako. Habang tumitingin ako ng mga suit na nakasuot sa mannequin ay ganoon na lamang ang gulat ko ng marinig ko ang boses ni Tanya kaya naman nagpalingon-lingon ako sa paligid at hinanap ko ito. 'What the hell is she doing here?' Bulong ko sa aking sarili ng makita ko ito at naningkit naman ang mga mata ko ng mapag-sino ko kung sino ang kaniyang kasama. "Bagay sa'yo 'yan Jacob, lalo ka tuloy gumwapo." Ani nito habang inaayos ang suit na sinusukat ng Jacob na 'yon. Nakaramdam ako ng matinding inis ng makita ko ang mga ito na animo ba may relasyon sa inaasta nila kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na nilapitan ang mga ito. "Hanggang dito ba naman nagagawa mong mang-akit at mang-landi ng lalaki, iba rin naman talaga ang style mo noh?" Mapang-insulto kong ani dito na ikinagulat naman nila at tumingin si Jacob ng matalim sa akin. "Mister. Howard, bakit para ka yatang bitter sa itsura mo? May problema ba sa kasama ko? Kilala mo ba ang kasama ko o baka naman isa ka din sa lihim na may gusto sa kaniya kaya naman nagawa mo pa talagang pag-aksayahan ng oras na lumapit dito para lamang magpapansin?" Mapang-inis na ani sa akin ng bunsong anak ng mga Wilson kaya naman natawa ako ng pagak sa kaniya. "Ako? May lihim na gusto diyan sa kasama mo?!" Malakas na tawa ko kaya naman napatingin na sa gawi namin ang mga tao na nasa loob ng boutique. Napayuko si Tanya at hindi man lamang makapagsalita samantalang si Jacob naman ay kitang-kita sa kaniyang mukha ang matinding pagkapikon. "Kung ako magkakagusto sa isang babae, sisiguraduhin kong malinis, karespe-respeto at karapat-dapat. Hindi ako pumapatol sa desperadang babae!" Pang-iinsulto ko pang muli at akma sana akong babanatan ni Jacob ng biglang may kamay na pumigil sa kaniyang braso. "Subukan mo lang!" Ani ni George na nakangisi din habang ang iba ko pang mga kaibigan ay nandirito na rin sa loob. "Matapang ka lang dahil marami kayo!" asik sa akin ni Jacob na ikinatawa ko ng malakas. "Kahit isama mo pa ang kuya mo laban sa akin, sa sahig lang kayo pupulutin." pagyayabang ko dito at pagkatapos ay tinalikuran ko na ang mga ito at nagsimula na akong lumakad papalayo sa mga ito. Bago pa man kami tuluyang makalabas ay huminto akong muli at nagsalita sa mga ito. "Sa susunod na makikipag date ka Mister. Wilson, siguraduhin mo namang hindi ito basta-bastang babae. Masyado namang mababa ang standard mo pagdating sa babae." ani ko dito at narinig ko na ang paghikbi ni Tanya kaya naman napangisi ako at tuluyan ko na silang iniwan. "Sira ulo ka Howard! Akala mo kung sino kang magsalita! Malinis na babae ang kasama ko at hindi siya katulad ng iniisip mo!" Sigaw niya sa akin at tuluyan na kaming lumabas ng store ng may ngisi sa aking labi habang malalakas na bulungan ang maririnig sa loob ng store at nakita rin namin ang patakbong paglabas ni Tanya habang umiiyak. "Grabe bro! Ang sakit ng mga sinabi mo." Ani sa akin ni Ray ngunit ngisi lamang ang isinagot ko sa mga ito. Nang pinuntahan na kami ni Rye ay tuluyan na rin naming nilisan ang loob ng mall. Ang dami talagang pwedeng makita sa mall pero bakit kailangang ang babae pang 'yon? Napapailing na lamang ako sa aking sarili habang naglalakad kami patungo ng parking lot. "May problema ba?" Ani sa amin ni Rye at nagkatinginan naman kami. "Nasa loob ng mall mo si Tanya, kasama ang bunsong anak ng mga Wilson." Ani ni Hanz. Natahimik sandali si Rye at napatingin sa akin at tinaasan ko lamang siya ng aking kilay habang kunot naman ang aking noo. "May ginawa ka ba sa kanya ha Isaac?" Ani niya sa akin at natawa naman ako ng pagak at napailing-iling. "Ano naman ang gagawin ko sa kaniya?" Nagtinginan naman ang aming mga kaibigan at natatawa na lamang sa akin. "Something's happened. What is it?" Tanong muli ni Rye. "Ininsulto ni Isaac si Tanya sa harapan ng maraming tao at lalong-lalo na sa harapan ng Jacob na 'yon." Ani naman ni George kaya napangisi ako at umiling-iling na naman ako ng aking ulo. "So what? Bagay lang sa kaniya 'yon." Ani ko sa kanila at tinapik na naman ako ni Rye sa aking balikat habang naiiling. "Bakit kaya kasama ng isang Wilson si Tanya?" Nagtatakang tanong ni Hanz. Maging ako ay nagulat na makitang magkasama sila at tila ba sweet pa sila sa isa't-isa ngunit wala naman akong pakialam na kahit na sino pa ang kaladkarin ni Tanya ay bale-wala lang sa akin, ang nais ko lang ay makapag higanti ako sa kaniya. "Baka bagong biktima ng Tanya na 'yon ang bunsong anak ng mga Wilson." Ani naman ni Ray. "Hindi na mahalaga kung bakit sila magkasama, hayaan na ninyo mamuhay si Tanya ng tahimik. Matagal na naman ang nangyaring gulo kaya mag move-on na tayong lahat." Ani ni Rye at nagkibit-balikat lamang ako dahil para sa akin ay walang kapatawaran ang ginawa ni Tanya sa kanila. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na muntikan ng mawalan ng isang kaibigan na itinuring ko na parang isang kapatid, kaya imposibleng balewalain ko ang mga nangyari nuon. Hindi pa ako tapos, kung tutuusin ay hindi pa nga ako nagsisimula. "Tara na nga, may alam akong masarap na nagtitinda ng mga kwek-kwek malapit lang dito. Try n'yo lang at magugustuhan ninyo 'yon." Ani ni Hanz na ikinanuot ng noo ko. "Kumakain ka pala ng mga street foods?" May pagtataka kong ani sa kaniya. "Sarap niyan kapartner ang beer." Ani naman nito na malakas na tumatawa kaya natawa ako. "No Thanks!" Ani ko na ikinatawa naman nila at pagkatapos ay nagsisakayan na kaming lahat sa aming sasakyan at pinaharurot na namin ang mga ito na tila ba kami nasa isang car racing event.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD