3

2058 Words
Hawak ni Andromeda ang kamay ko, habang pababa kami ng hagdan. Parehong tikom ang bibig matapos ang medyo emosyonal na pagkakabangit nito sa anak nito na namatay dahil sa car accident. Nadaanan namin ang sala ng mansion, saka pumasok sa dining room kung saan inabutan namin ang dalawang taong nakapwesto na roon. May magandang babae na nasa left side ni Hendrix Zimmer, oo Hendrix Zimmer nga. Kahit hindi ko nakita ang mukha nito kagabi, agad na naging pamilyar ang hulma ng likuran nito. "Hija, s'ya si Hendrix, ang anak ko," sabi ni Andromeda. Ngiting-ngiti ito na ipinakilala sa akin ang anak n'ya. "Sit down!" seryosong utos ng lalaki. Iginiya ako ng ginang paupo. Sinulyapan ko ang babaeng masama ang tingin sa akin. Takot ang lumarawan sa aking mukha. Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito na waring na tuwa sa nakitang takot sa mukha ko. Ginagap naman ng ginang ang kamay ko, saka pinisil iyon. Gumawi ang tingin ng magandang babae sa kamay namin ng ginang. Mas lalong sumama ang tingin nito. "Seryoso ka talaga, H? Itinuloy mo talaga ang plano mo? Sinabi ko naman sa 'yong kayang-kaya kitang bigyan ng anak. I'm your fiancee!" pangit ito, pangit ng ugali nito. Para kasi itong galit na galit, samantalang hindi ko naman s'ya inaano. "Shut up, Margaux Almira!" napatingin ako sa binata, akma sanang titingin sa akin ngunit nag-iwas agad nang tingin. "Sinasaktan mo ako sa ginagawa mo! Bakit kailangan mong pababain ang tingin ko sa sarili ko?" naluluhang sabi ng babae. "Hindi ito ang oras sa pagiging childish mo, Margaux. May responsibilidad ang anak ko, hindi lang sa pamilya namin kung 'di na rin sa grupo." Singit ng ginang saka sumenyas sa akin na magsimula nang kumain. Mukhang hindi maganda ang ugnayan ni Andromeda Zimmer at ni Margaux, na kasintahan ni Hendrix Zimmer. Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang kutsara. Pero sinulyapan si Hendrix. Hindi maikakaila na gwapo ito. Hulmang-hulma ang panga, mapupula ngunit manipis na labi, ang ilong nito'y waring inukit ng pinakamahusay na mang-uukit. Kalahati ng mukha nito mula sa baba ay may balbas na manipis lamang. Mas lalaking-lalaki ang dating. Ang buhok nito ay medyo alon-alon. Hindi ito kaputian, ngunit sobrang lakas ng s*x appeal. Pero mabilis ko ring iwinaksi ang paghanga rito. Hindi ko pwedeng kalimutan na ito ang dahilan kung bakit na rito ako. "P-wede ba tayong mag-usap m-amaya?" kabadong tanong ko rito. Kung pwede lang akong batuhin ni Margaux ng kutsilyo ay tiyak na ginawa na nito. Pero mukhang nagpipilig naman ito. "Weakling!" pasaring ni Margaux. Pero hindi ko ito pinansin, hindi naman ito special. "Go to the library later." Tipid na sabi ng binata. Tumango ako saka nag-iwas ng tingin. "Kumain ka, hija." Malambing na sabi ng ginang. Tumango ako rito. Pagkatapos kumain ay sumunod agad ako sa binata. Kitang-kita ko kung paano manlisik ang mata ng kasintahan nito. Ngumiti ako nang mahinhin. Iyong dahan-dahan na waring walang maitim na budhing nakatago. Wala naman kasi akong gagawing masama, kakausapin ko lang ang kasintahan nito na hayaan na akong umalis sa lugar na ito at nang makabalik na ako sa bahay ko, at lalo na syempre sa foundation. Sumunod ako kay Hendrix, buo ang loob na kahit magmakaawa pa upang makalaya lang dito, hindi ko napansin ang paghinto nito sa pinto. May kalakasan ang pagbungo ko rito, dahilan para mawalan ako nang balanse. Ngunit mabilis na nakaikot ito at ipinulupot sa bewang ko ang mga braso nito. "S--orry!" takot na sabi ko rito. Ang mga palad ay idinikit sa dibdib ni Hendrix. Bahagyang lumalim ang paghinga nito. Pero tinulungan pa rin akong makatayo nang maayos. Saka parang walang nangyari na tumalikod at tuluyan nang binuksan ang pinto. Hindi ko binigyang pansin ang pagkahulog ng isang strap ng damit ko. Bahagyang sumilip ang itaas na parte ng dibdib ko. Pero sapat pa naman upang hindi makita ang kabuuan. Pinalamlam ang expression ng mukha habang hinihintay na magsalita ang lalaki. Kailangan maawa ito sa akin, kailangan kong makaalis dito. Nagtungo ito sa mesa nito na wala man lang kahit isang salita na lumabas sa bibig nito. Hinila pabukas ang drawer doon at inilabas ang…baril? Bakit s'ya naglabas ng baril? Tumayo ito, saka lumapit sa akin. Hindi ko maiwasang mag-angat nang tingin. Ipinakita sa lalaki ang labis na takot. Nagsimulang manginig ang buong katawan na umiling-iling. Hindi na nakuha pang gumalaw dahil nakalapit na ito, ang dulo ng baril ay s'yang ginamit nito upang haplusin ang pisngi ko. "Stop crying, or I'll kill you." Parang automatic na huminto ang mga mata ko sa pagluha. Mabilis kong pinahid ang basang pisngi. "Pauwiin mo na po ako, hindi ito ang tahanan ko. Kinidnap lang ako nila Miss Pam, hindi ako mababang uri ng babae na pwedeng gawing labasan ninyo ng init ng katawan n'yo." Wala nang luha. Mabuti naman, dahil sa paraan nito nang pagkakahawak sa baril ay manginginig ka talaga sa takot. "Wala nang magagawa ang pakikiusap mo, oras na lumabas ka sa lugar na ito nang walang permiso ko, mamamatay ka." Idinikit naman nito ang dulo ng baril sa aking noo. Saka pinaglandas iyon sa ilong ko, patungo sa labi. Takot na takot na baka makalabit nito ang baril. "P-ero, pero may kasintahan ka! Sabi ng iyong ina kailangan mo ng anak. Kaya ka n'yang bigyan." "Shut up!" mariing sabi nito. Itinaas ang baril at walang pag-aalinlangan kinalabit iyon. Napakislot ako at napakapit sa damit nito sa tapat ng dibdib sa sobrang takot. "I'll kill you, ayoko nang matigas ang ulo. Dito ka lang, hindi ako manghihinayang na patayin ka kahit 500 milyon ang ginastos ko sa 'yo." Saka nito iniangat ang baba ko gamit ang hintuturo nito. Bahagyang nakaawang ang labi na napatitig ako sa mga mata nito. Sobrang cold no'n, hindi kababakasan ng ibang emosyon kung 'di purong kaseryusohan lamang. "Keia Sasane!" usal nito sa aking pangalan. Saka mabilis na hinaklit ang buhok ko at kinabig ako saka may karahasang inilapat ang labi nito sa mga labi ko. Napasinghap pa ako sa sobrang pagkabigla, saka pilit na isinara ang labi. Ngunit naramdaman ko ang pagdikit ng dulo ng baril sa sintido ko at ang mariing paghawak nito sa buhok ko. Kusa ko na lang na ibinuka ang labi ko at hinayaan itong galugarin ang bibig ko nang eksperto nitong mga dila. Bahagya pa akong napaungol. Nang humiwalay ang labi nito, pakiramdam ko ay namaga ang labi ko. Wala pa ring emosyon ang makikita sa mukha nito. "H! H!" sunod-sunod na katok sa pinto ang bumasag sa matagal naming pagtitigan ni Hendrix. Ibinaba nito ang baril saka lumayo na at nagtungo sa pinto. Nang buksan nito iyon ay agad na lumingkis ang kasintahan nito, saka masama ang naging tingin sa akin. "Tara na sa kwarto mo." Naglalambing na sabi ng babae. Walang pakialam kung nakikita ko sila. Hinahaplos na kasi nito ang umbok sa pantalon ng binata. Nag-iwas ako nang tingin. "Get out!" ako ba ang pinalalabas nito? Tiyak na ako nga, kaya naman sa takot na rin ay mabilis akong humakbang para lampasan ang mga ito, nakaharang din naman sila sa pinto. Ngunit mabilis na nahuli ni Hendrix ang pulsuhan ko. "Not you, stupid. Get out, Margaux Almira! Nag-uusap pa kami." Gumuhit sa magandang mukha ng kasintahan nito ang sakit. Pero nakuha pa ring lumayo, saka marahang tumango. Para itong maamong lion sa harap ni Hendrix, pero sa tuwing tumitingin ito sa akin, parang papatay sa titig pa lang. Tumalikod na ito at iniwan kaming muli sa library. Ini-lock na ni Hendrix ang pinto. Bumalik na naman sa buong sistema ko ang takot na baka saktan ako nito or may gawin itong masama sa akin. Itinuro nito ang papel sa mesa. Waring inuutusan akong kunin iyon. Kaya naman halos matisod pa ako sa pagmamadaling makuha iyon. At iniabot dito. "Read it!" utos nito. Dahil sa pangamba na rin na magalit ko ito, dali-daling binasa ko iyon. "Contract between Hendrix Zimmer and Keia Sasane." Napakagatlabi ako hindi pa man nababasa ng buo ang nakasulat. Hindi ko alam kung bakit narinig ko itong mahinang napamura. Basta ang mata ko ay nasa papel na ipinakuha nito. "B-ibigyan kita ng anak? T-apos makakaalis na a-ko? Iiwan ko sa 'yo ang anak ko? Nooooo!" sunod-sunod akong umiling. Ngunit pinanood lang ng binata ang reaction ko. "Oras na hindi ako sumang-ayon, buhay ko at ang lahat ng bata sa foundation ay mapapahamak---" galit na tinignan ko ito. Binalewala ang takot na mabilis kong pinunit iyon sa harap nito. "Anong tingin n'yo sa akin? Robot na susunod sa gusto n'yo? Bakit ako papayag? Wala akong obligation sa inyo, kung gusto mo ng anak, pwes buntisin mo si Miss Pam. Tutal s'ya ang dahilan kung bakit ako narit---" nawala agad ang tapang ko nang itutok nito ang baril sa akin. "Talk more, I'll kill you later." Nagpapadyak ako sa sobrang frustration. "B-akit ako? Marami pang iba d'yan." Muli akong napahagulgol nang iyak. Kung barilin man n'ya ako, wala na akong magagawa. Nanlulumong napasalampak ako sa sahig. Luhaan, ang damit ay wala na sa ayos nito. Tiyak na kung nakatingin ito sa akin, ay baka isipin nito na inihahain ko na ang malulusog kong dibdib sa harap nito. "There is no room for tears in this f*cking place. Kung gusto mo silang mabuhay, then do what I say," sabi nito. Saka humakbang at lumuhod sa harap ko. Masakit ang paraan nito nang paghawak sa balikat ko. Saka dumapo ang kamay nito sa baba ako, saka bahagyang iniangat at mabilis na inilapat na naman ang labi nito sa labi ko. Bahagyang akong napaungol. Ibang klaseng init ang naging dulot lalo na sa idea'ng nakatapat ang baril nito sa sintido ko. Gaga, fetish mo, girl? Kastigo ng utak ko. Pero muling nilamon ang matinong utak ko nang pagkahibang nang mas dumiin pa ang labi nito sa pagkakalapat. Ang dila nito'y tinudyo-tudyo ang dila ko. Pero huminto ito, nang tignan ito nang luhaang mata ko ay sunod-sunod itong nagmura. Tumayo na at basta na lang akong iniwan sa library. Nanghihinang pinanood ko lang ito hanggang sa makalabas s'ya at naiwan ako sa silid na iyon. Ilang minuto rin akong nakasalampak, nang dumating ang ina nito ay mabilis akong niyakap habang gano'n pa rin ang ayos. "Tahan na, nandito lang ako. Hindi ka maaagrabyado rito. Proprotektahan kita." Naiiyak na ring sabi nito. "B-akit kailangan gawin ito nang anak n'yo? Bading po ba s'ya?" ewan kung bakit tumawa ang ginang. "Of course not! Tigasin ang anak ko, sadyang may mga responsibility lang s'ya na pasan-pasan sa kanyang balikat." Biglang lumamlam ang expression ng mukha nito. Iniayos pa nito ang damit ko. Hinaplos ang buhok, saka tinulungan akong tumayo. "Balik ka muna sa kwarto mo, hija. Tama na ang pag-iyak kasi mugtong-mugto na ang mata mo. Hindi rin makatutulong kung kontrahin mo ang anak ko, narinig ko s'ya kanina---" "Ano po?" "Kapag daw pinasakit mo ang ulo n'ya, titiyakin daw n'ya na mawawalan ng lupain ang foundation na pinagsisilbihan mo." "Ay, gago!" malutong na mura ko. Napangiwi naman ang ginang. "Pasensya ka na, hija. Ganoon kasi pinalaki ng asawa ko ang anak ko. Kailangan n'yang kontrolin ang lahat para sa advantage n'ya. Hindi kita masisisi kung galit ka sa kanya. Pero hindi ko hawak ang magiging desisyon ni Hendrix. Kapag inutos n'ya sa kanyang mga tauhan ang anumang gustuhin n'ya, hindi ko s'ya mapipigilan." Ayoko nang umiyak. Napapagod din akong umiyak. Pero paano naman ang kalayaan ko? Paano naman 'yong normal na buhay na mayroon ako? Pero hindi ko na isinatinig iyon. Pakiramdam ko, kahit ina pa ni Hendrix si Andromeda ay wala pa ring say ang ginang sa lahat nang gustuhin ni Hendrix. Pagbalik namin sa silid na una kong pinanggalingan after kong magising iniwan na rin n'ya ako roon. Nakita ko bago kami pumasok na may nakapwesto nang bantay sa silid ko. Dalawang lalaki na kahit nasa loob ng bahay ay may bitbit na baril. Tinignan ko rin ang balcony ng silid na inuukupa ko ngayon. Sa baba ng balcony ay may nakatayong dalawang lalaki na waring doon nakatoka upang magbantay. Napabuntonghininga na lang ako, saka hinubad ang sapin sa paa at bumalik sa loob ng silid. Humiga sa kama saka bumuntonghininga. Mukhang hindi nga talaga madali ang kinasuungan kong sitwasyon. Pakiramdam ko, nakakulong ako sa mas malaking hawla pero walang pagkakataon na makalaya pa. Kahit gaano pa kalaki, nakakasakal pa rin. Nakaka-suffocate pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD