One
One
"Siguruhin mong kasama kita sa birthday party ko, Keia Angela Sylene! I'm really excited na mag-celebrate ng birthday ko this year. Kasi pumayag na sila Mommy na sabay tayo!"
"Nakulitan na siguro sila sa'yo." Biro ko habang sinusuklay ang buhok nito. Natutuwa ako sa buhok nito, mahaba kasi iyon at alagang-alaga ni Mommy. Pareho nga ito at si Mommy Rose na may mahabang buhok. 'Yong buhok ko kasi, regular na pinapaputulan nito, hanggang balikat. Tuwid na tuwid iyon, natural na kakulay ng buhok ng mais. Gusto ko rin sanang gayahin si Mary, pero ayaw ni Mommy Rose.
"Kasi naman, gusto ko ring makita kang naka-gown, like ng dress ko. Super saya kaya ng feeling. Tapos, maraming dadalo ng party. Maraming gifts and lahat sila masaya."
"Bigla tuloy akong na-excite!" sabi ko rito. Naisukat na rin naman namin ang gowns na isusuot namin para bukas. Tiniyak lang na sukat na sukat ang mga iyon, bago inihatid sa hotel kung saan kami mag-che-check in.
Pero ng araw ng party, ganito ang naging bungad sa akin pagbaba ko.
"Keia, saan ka pupunta?" takang sabi ni Mommy Rose nang makita akong pababa ng hagdan.
"Mom, 'di ba po later ang party ni Mary?" takang sabi ko rito. Sa isang hotel iyon gaganapin at tiyak na engrande ang idaraos na party para sa kapatid ko. Tumikhim ito.
"Of course not, hindi mo ba alam na hindi iyon tuloy? Nasaan ba ang Yaya mo? Bakit hindi ka sinabihan?" salubong ang kilay na tanong nito.
"W-ala naman pong sinabi si Yaya Elma." Sabi ko na binaha nang lungkot ang dibdib.
"It's okay, darling. Go back to your room, magbasa ka at mag-aral nang mabuti." Bilang masunuring anak, hindi ko na kailangan pakinggan ng ilang ulit ang sasabihin nito. Sa unang sabi pa lang, dapat sumunod na ako. Pumanhik na ako pabalik sa silid ko, hindi pa man totally na nakapasok sa silid narinig ko na ang boses ni Daddy Lucien.
"Where's Keia?" takang tanong nito."Kailangan na nating magpunta sa hotel, alam mo namang super excited ni Mary sa birthday party na ito."
"Sumakit ang t'yan ni Keia, gustuhin man daw n'yang sumama, kaso masakit na masakit din ang t'yan."
"What? Kailangan ba nating dalhin s'ya sa hospital?"
"Naku! Ang sabi naman n'ya hindi na kailangan. I-enjoy raw natin ang party, susubukan n'yang humabol para sa party mamaya. Let's go, naghihintay na si Mary sa car."
Napabuntonghininga ako, at tuluyang pumasok sa silid at ini-lock iyon. Sunod-sunod na bumuntonghininga at nanlulumong nagtungo sa kama. Pero nang mapansin kong nasa table pa ang regalo ko para kay Mary ay agad akong kumilos para ihabol iyon sa mga ito. Lakad-takbo ang ginawa ko, pagdating ko sa labas. Wala na ang sasakyan ng mga ito.
Then I received Marys' text.
"Ang daya mo, dapat kasama kita sa birthday party ko na ito! Birthday mo rin kaya! I'm so nagtatampo. But still, happy birthday, sis! Pagaling ka, ha!" mensahe iyon ni Mary. Napabuntonghininga ako. That's right, it's my birthday also. Napabuntonghininga akong muli bago pumasok ng kabahayan. Pero ang mga kasambahay na may bitbit na cake, balloon and gift ang tumambad sa akin. Umaawit ng happy birthday, malawak ang kanilang mga ngiti.
"T-hank you!" maluha-luhang sabi ko sa mga ito.
"Happy birthday, Seniorita Keia!" sabay-sabay na sabi nila. I'm just so happy to have them. Kahit pa madalas na-le-left behind ako sa family na ito. Sila naman ang nagparamdam sa akin na dapat maging grateful pa rin ako.
Sila ang nakasama ko sa araw na ito. Sobrang saya lang namin na sinelebrate ang araw na ito.
February 18, masaya lang naman. Pero sumapit ang gabi, tutok na tutok kami sa panonood ng tv. Isang flash news ang gumimbal sa akin at sa mga kasama naming kasambahay.
"Kararating lang na ulat, Mary Altamonte-Sylene, anak ni Rose and Lucien Sylene, naiulat na na-kidnap sa gabi ng kanyang kaarawan---" that's not true. Nasa stage agad ako ng denial.
"That's not true! No!" sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Mabilis na inalo ako ng kasambahay na si Ate Ibyang. Takot na takot ako para sa kapatid ko.
"Ganda, 'wag kang umiyak. Susubukan nating tawagan ang Daddy at Mommy mo." Pang-aalo pa nito.
"Si M-ary, ate Ibyang! Si Mary, ang k-apatid ko!" hagulgol nang iyak na sabi ko rito.
Mahigpit ako nitong niyakap. Hindi nila ako iniwan hanggat hindi umuuwi ang magulang ko. Naghintay kami sa sala, at nang dumating sila, agad akong sumalubong. Iyak nang iyak si Mommy Rose na inaalalayan ni Daddy Lucien.
"Daddy? Mom!" umiiyak na yumakap ako sa mga ito. Ngunit tinabig ako ni Mommy.
"Kasalanan mo ito! Ikaw ang may kasalanan kung bakit s'ya na-kidnap! Ikaw dapat iyon! Hindi ang anak ko! This is all your fault!" gigil na gigil na sigaw ni Mommy Rose. Takot na takot ako sa nakikita kong galit nito. Gusto kong magtanong kung bakit ako ang sinisisi n'ya. Kung bakit sa akin s'ya galit, pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at iparating dito ang mga tanong sa isip ko.
"Ibyang, dalhin mo muna si Keia sa silid n'ya." Seryosong utos ni Daddy. But, I don't want to go upstairs. Gusto kong malaman kung ano ba ang nangyari. Kung nasaan na ang kapatid ko.
"Nasaan po si Mary? Dad? Please, please, tell me kung nasaan s'ya?"
"Gusto mong malaman? Nasa mga taong gustong kumuha sa'yo! Dapat noon pa lang ibinigay ka na namin sa kanila, ngayon pati tunay kong anak, nadamay ng dahil sa'yo."
"That's enough, Rose Marie!" saway ni Daddy rito. Pero hindi nakinig si Mommy. Blanko na s'ya ng galit na nararamdaman n'ya. Hinila n'ya pa nga ako patungo sa couch. Itinulak doon at sunod-sunod na pinagpapalo gamit lang ang palad nito. Galit na galit ito kahit pa sinasaway na s'ya ay hindi pa rin tumigil. Iyak lang ako nang iyak. Hindi dahil sa sakit na dulot nang pagpalo nito. Takot na takot ako para kay Mary. Matatakutin pa naman iyon. Simpleng pagtaas nga lang ng boses ay takot na ito. Tiyak na iyak din ito nang iyak.
Mommy's girl pa naman si Mary. Sanay ito na palaging nasa tabi si Mommy Rose.
"Ibyang, iakyat n'yo na si Keia!" muling utos ni Daddy Lucien. Mabilis naman ang kilos ng mga kasambahay at sapilitan na akong iniakyat ng mga ito sa silid ko. Hindi hinayaang makalabas. Kahit pa magsisigaw ako, ultimo pagkain ko'y ipinapasok na lang sa silid para lang hindi kami magpang-abot ni Mommy dahil tiyak ang mga ito na lahat ng sisi ay sa akin nito iyon ibubunton.
Hindi ko maunawaan, bakit sa akin ito galit? Wala naman akong ginawang masama sa mga ito. Noong nasa Orphanage pa ako, marami ang nagtangkang i-adopt ako, pero kapag iprinoproseso na, kusa lang silang humihinto at 'di na pinagpatuloy pa. Sila Mommy Rose lang at Daddy Lucien ang nagtuloy. Pero akala ko, lubusan na nila akong tatanggapin. Pero hindi, pinatuloy lang nila ako sa kanilang tahanan. Pero hindi sa pamilya nila. I only got, Mary and all the workers here. Not totally Dad, definitely not my Mom.
5 days, simula nang mawala si Mary. Nawili sa pag-inom ng alak si Mommy. Si Daddy ang abala sa walang tigil na paghahanap sa kapatid ko. Kagigising ko lang, plano kong makibalita kay Dad sa update kay Mary. Pero bago pa ako makakatok ay narinig ko na ang malakas na tinig ni Mommy.
"Kung kailangan natin gawin iyon para mabawi ang anak ko, gagawin natin, Lucien! After all, s'ya naman ang dahilan kung bakit nasa panganib ang anak natin!"
"Mas lalo tayong mapapahamak, Rose Marie, sa gusto mong mangyari!"
"Hindi mo ako pwedeng pigilan! Mababaliw na ako sa mga oras na lumilipas na wala ang anak ko, minu-minuto iniisip ko kung kumain na ba s'ya, okay lang ba s'ya. Maayos ba ang lagay n'ya!"
"P-ero!"
"Ipapalit natin si Keia, 'yon ang gusto nilang mangyari! Hindi ako uupo lang at hihintayin ang mga autoridad na kumilos. Kukunin ko ang anak ko, kahit pa ang maging kapalit ay ang ampon nating si Keia!"
Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. Sobrang sakit ng mga katagang naririnig ko sa Mommy Rose ko, oo, hindi nila ako tunay na anak, pero tama bang sabihin n'ya iyon? Tama bang ako ang mag-suffer, sila ang naghangad na maampon ako, ang ginusto ko lang nama'y magkaroon ng pamilya na ipinagkain ng tunay kong magulang sa akin, kasi pinabayaan nila ako.
At anong ipapalit? Sa mga kidnappers? Bakit ako?
Nagulat ako nang bumukas ang pinto at bumungad ang luhaang mukha ni Mommy Rose.
"K-eia?" gulat na sabi ni Daddy Lucien na nakita rin ako. Malungkot ang naging ngiti ko.
"K-eia, maililigtas ko na ang anak ko!"
"Kapalit ako?" malungkot na sabi ko rito. Paano naman po ako? Paano kung saktan nila ako? Takot din ako, walang magulang na proprotekta sa akin at gagawa ng paraan para mailigtas ako, kagaya ng ginagawa nila para kay Mary.
"Nakikiusap ako sa'yo, tulungan mo ang kapatid mo. Nababaliw na ako sa sobrang pag-aalala sa kanya. Parang-awa mo na, K-eia!" lumuhod pa ito at niyakap ang tuhod ko. Nanlalambot ako, pero pinilit kong tatagan pa rin ang pagtayo. Nakakapanghina ang mga naririnig ko.
"Tulungan mo kami, titiyakin naming makababalik ka rin sa amin. Hindi ka mapapahamak, titiyakin namin 'yan." Para na itong masisiraan na ng bait. Luhaang nagmamakaawa, nanginginig pa ang buong katawan.
"P-ain? 'Yon po ba ang gusto n'yong gawin ko? M-agiging p-ain, ako?" hirap na hirap ako sa pagsasabi ng mga salitang iyon. Pero madali lang sa ginang na tumango sa mga sinabi ko.
"K-eia!" tawag ni Daddy Lucien na ngayon ay nakikiusap na rin ang expression ng mukha. Gusto kong umiling, of course, I'm scared. Hindi madali ang gusto nilang mangyari.
Napahikbi na ako sa sobrang frustration.
"Para kay Mary, 'di ba, mahal mo si Mary? Pumayag ka na, please!" sabi nito. Pilit akong kumawa rito.
"Hija, pag-isipan mong mabuti, huwag kang mag-alala, titiyakin naming maililigtas ka namin." Sabi ni Daddy Lucien. Kusang napaatras ako, marahan ang naging kilos na tumalikod, kahit ang ginawang paghakbang ay sobrang rahan din. Punong-puno ang utak ko ng mga katanungan. Tumakbo ako sa silid ng makalahati ko na ang hallway. Rinig ko pa ang hagulgol na pag-iyak ni Mommy. Habang inaalo ito ni Daddy Lucien. Binibigyan nang assurance na maibabalik si Mary sa kanya. Paano naman ako? Kung hinahangad ng mga iyon na makuha ako, mababawi pa kaya ako ng mga adopted parents ko? Paano kung hindi? Takot na takot ang buo kong sistema. Gusto kong ipagsigawan 'yong takot ko. Bakit kailangan ako pa? I'm just 14 years old, takot din naman ako. Kailangan ko rin ng proteksyon muna sa kanila, kasi magulang ko rin naman sila. Selfish na ba ako dahil sa puso at isip ko, ayoko ng gusto nilang mangyari? Masama na ba ako sa lagay na iyon?
"K-eia?" pumasok ng silid ko si ate Ibyang. Mabilis n'ya akong niyakap. Sa bisig nito, ibinuhos ko ang lahat ng luha, at ang bigat sa dibdib ko.
"Ate, h-indi ko alam kung ano ang d-apat kong gawin. Takot na takot ako, Ate!"
"K-eia, kumalma ka, please! Gusto mo ba, ialis na lang kita rito? Sama ka sa akin sa province namin? Gusto mo ba 'yon?" mabilis akong umiling. May pamilya si Ate Ibyang na sinusustentuhan. Maganda ang trabaho n'ya rito, malaki rin ang sahod. Hindi ko sisirain 'yong magandang opportunity n'ya sa mansion na ito. Para lang sa akin. Umiling ako rito. Ayoko ring madamay s'ya, dahil tiyak na maghahabol ang mga magulang ko. Hindi dahil gusto nila ako bilang anak nila, kung 'di gusto lang nila akong gamiting pain. Mahal ko si Mary, pero bata pa rin naman ako. Binabalot ng takot ang puso ko.
12 midnight, marahas ang ginawang panggigising sa akin ni Mommy Rose. Sobrang tapang ng amoy nito dahil sa alak. Pero tuwid pa naman ang kanyang tayo.
"M-om?"
"Tayo! Kumilos ka!" dahil naalimpungatan, mabilis kong sinunod ang sinabi n'ya at tinanggap ang nakalahat n'yang kamay. Iniabot n'ya sa akin ang cardigan na kulay itim. Lumabas kami ng aking silid at dere-deretso kaming nagtungo sa sasakyan nakahanda at sumakay roon.
"Saan po tayo pupunta? Si Daddy po? Hindi po ba tayo magsasama ng bodyguards? Mom?" tawag ko rito na nagsimula ng hindi mapakali sa pagkakaupo. Gusto kong buksan ang pinto at tumalon na lang doon, ngunit hindi iyon mabuksan. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Tinatawag ko ang Mommy ko, pero hindi n'ya ako naririnig. Parang tuluyan na itong nawala sa katinuan.
"Mom!"
"S--i Mary, nakausap ko s'ya kanina, iyak s'ya nang iyak. Tinatawag n'ya ako, gusto na raw n'yang umuwi. Kawawa ang baby girl ko! Sabi nito na humihikbi habang mabilis ang takbo ng sasakyan.
"Mom!"
"Don't worry, baby girl, iuuwi ka na ni Mommy. Tapos aalis tayo ng bansa. Ligtas ka roon, doon ka na mag-aaral!"
"Mom! Are you listening! Mom, bumalik na po tayo sa bahay! Please po, o kaya ibalik n'yo na lang ako sa orphanage. Mommy, please, takot na takot na po ako!" nagmamakaawang hiyaw ko kay Mommy pero hindi n'ya pa rin ako pinapansin.
"Mary anak, papunta na si Mommy. I-su-surprise natin si Daddy mo, kasi makababalik ka na."
"Mhieeee!"
"Wait for me!" usal nito. Napakapit pa ako sa seatbelt ko nang mas tumulin pa ang takbo. Lahat ng nadaraanan naming sasakyan ay nilagpasan n'ya. Panay pa ang busina kaya ang mga sasakyang nauuna ay hinahayaan na lang s'yang palampasin. Overspending na nga ito.
2 hours drive, huminto ang sasakyan sa isang abandonadong gusali. Bukod sa building na iyon, wala ng iba pang makikita kung 'di damuhan. Mabilis itong bumaba. Kumapit ako nang mabuti, ayokong bumaba, pero malakas pa rin ito. Kaya wala na akong nagawa.
"Mary? Anak? Nandito na ang Mommy!" desperadong-desperado na ito, kaya naman parang super dali lang para rito na hilain ako at igiya patungo sa gusali. Bumukas ang ilaw sa tapat ng pinto. Saktong may lalaking armado na nagbukas ng pinto.
"Pasok!"
"Kumilos ka, dalian mo!" sigaw nito sa akin. Takot na sumunod ako rito. Pagpasok namin, agad kaming tinutukan ng mga kasamahan ng lalaki ng baril.
"Nasaan na ang anak ko? Nasaan ang baby girl ko?"
"Kunin n'yo si Mary!" utos ng babaeng ngayon ay waring kagigising. Itinatali pa nito ang robe nito ng lumapit sa amin.
"Hi, Keia! Finally---"
"Mhiee!" takot na kumapit ako sa braso ni Mommy. Ngunit tinabig n'ya iyon at itinulak pa ako patungo sa babae.
"Oh, don't cry m! Don't cry, darling." Malambing na sabi ng babae, pero mariing piniga ang pisngi ko.
"Got you!" nakangising sabi nito, bago hinila palapit dito.
"Isama n'yo na ito sa unang batch na ibabyahe!" sabi ng babae. Bago ako itinulak patungo sa isang lalaking may hawak na baril. Agad naman akong hinila at ipinasok sa isang madilim na silid. Sigaw ako nang sigaw pero malakas na sampal ang nagpatahimik sa akin.
Natigilan ako sa pag-atungal ng marinig ko ang tinig ni Mary sa labas ng pinto.
"Mom!" tili nito. Kasunod ay ang iyakan ng mag-ina. Gusto kong sabihin kay Mary na narito ako. Pero nang kalampagin ko ang pinto, parang hindi naman ako naririnig sa labas.
"Mary, nandito ako! Mary!" sigaw ko.
"Tsk, nagsasayang ka lang ng boses. Hindi ka nila pakikinggan, hindi ka rin naman nila maririnig." Nagulat ako ng makarinig ng tinig mula sa madilim na sulok. Ibig sabihin, hindi lang ako ang nakakulong sa silid na ito.
"S-ino ka?" takot na tanong ko. Hindi ko namalayan ang paglapit nito. Napahiyaw na lang ako sa gulat nang makarinig ng 'click' kasunod nang pagbaha ng liwanag sa silid.
"I'm Herea, ikaw si Keia?"
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" takot na sabi ko rito. Mukha namang kaedad ko lang ito, or mas matanda ang isa sa amin. Pero masyado itong intimidating.
Nakakatakot s'ya.
"Keia, bukambibig nang halos lahat ang pangalang iyon, ano bang espesyal sa'yo?" tanong nito na nilaro-laro ang dulo ng buhok ko. Kasunod ay ang paghaplos ng kuko nito sa ilong ko.
"Mukha ka namang walang halaga, pero malay ba natin. Bakit ka nga ba hinangad ng grupo nila na makuha---"
"Hindi ko sila kilala, wala naman talaga silang rason para kunin ako."
"Really? I doubt!"
"Ampon lang ako, hindi pa minahal ng mga adopted parents ko. Si Mary lang ang nagmahal sa akin."
"Kung hindi dahil sa mga adopted parents mo, baka naman dahil sa tunay mong mga magulang." Nanlulumong napasalampak ako sa sahig.
"Hindi ko naman sila nakilala, namulat na ako sa orphanage. Wala kahit isang palatandaan kung sino ang magulang ko."
"Poor child!" anas nito. Nakakatakot talaga ang babaeng ito.
"Ikaw? Bakit narito ka?"
"Hindi mo na kailangan malaman!" bored na sabi nito at tumalikod na, bumalik sa gilid at sumalampak doon.
"Mukhang hindi ka takot, sana katulad mo rin ako."
"Never tayong magiging magkatulad. Magkaiba ang purpose natin dito. Kung ikaw, iniisip mong walang dahilan ang pagparito mo, ako? Ibahin mo ako!" ngumisi pa ito, sabay sandal ng ulo sa pader at pumikit.
"Tayo lang ba ang narito?" dumilat ito at sinulyapan ako.
"No, masyado lang siguro tayong special para ibukod nila." Tumatawa pang sabi nito.
"Ano kaya ang plano nila sa atin? Kidnap for ransom?"
"Definitely not, dahil kung 'yon naman pala ang plano, sana hindi na ako inabot dito." Nakangisi n'yang sabi at muling pumikit.
Sa sitwasyon ko ngayon, parang wala na akong magagawa, at tanggapin na lang ang naging desisyon ni Mommy Rose na abandunahin ako sa lugar na ito.
"Walang mapapala ang pag-iyak mo. Hindi ka nila kaaawaan sa luhang 'yan. Sundin mo ang lahat nang sasabihin nila at tiyak ang kaligtasan mo." Isang payo na tumatak sa isipan ko. Payong ginawa ko sa lahat ng makakaya ko para lang sa kaligtasan ko. Kahit gustong-gusto ko nang umiyak, gusto ko nang sumuko, at magmakaawa sa kanilang patayin na lang nila ako.
Sukong-suko na ako. Pero para sa inaasam kong kalayaan pagdating ng panahon, lumaban ako. Nilabanan ko ang takot, kasama ko si Herea. Dalawa kaming naging magkasangga sa loob ng organization. Ang organization kung saan hinubog kaming mga babae upang maging armas nila, hindi para makipaglaban. Kung 'di, ang gamitin sa mga kalabang ang kahinaan ay ang mga babaeng tulad ko, maganda, matalino at kayang-kayang mambaliw kahit na sa paanong paraan.
The Devil's auxiliary, the organization where I belong.
"...and I, the beautiful Keia Sasane, played the devil's game."