Two

2705 Words
Two "Ate Keia, ingat ka po!" kaway nang kaway ang mga batang nakasilip sa bakod na bakal habang palayo ako. Natatawang tumango ako sa mga ito. Saka kumaway. Tapos na naman ang schedule ng pag-vo-volunteer ko sa Munting Anghel Bahay Kalinga. Dito dinadala ang mga batang wala nang pwedeng umaruga na kapamilya. Parami na nga nang parami, kaya medyo na sho-short na sina Nanay Martha sa pantustos sa foundation. Kaya naman kaming mga volunteer ay sinusubukan pa ring makatulong sa foundation. Nang makalayo na, hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga. Naaawa kasi ako kay Nanay Martha, dahil ito ang namumuno sa foundation, ay mas malaki ang obligasyon nito roon. Malaki kasi ang gastusin, hindi sapat ang donation na pumapasok. Madalas nga'y humuhugot na lang si Nanay Martha ng pera sa sarili nitong bulsa para lamang sa mga bata. Mahirap na namang sumakay ng jeep. Kaya ang ginawa ko ay naglakad-lakad na lang muna upang makatipid din sa pamasahe. Hindi pa man ako nakalalayo ay bigla na lang huminto ang isang itim na van, at pwersahan akong isinakay. Wala man lang ginawa ang mga taong naghihintay rin ng sasakyan. Kahit nang pilit akong nagpumiglas, ay pinanood lang ako nang mga ito. Hanggang sa mawalan ako nang malay, dahil sa matapang na amoy na mula sa panyong itinakip sa ilong at bibig ko. Nagising na lang ako sa isang silid, kung saan naroon ang ibang babaeng nag-iiyakan din. Anong nangyayari? Prank ba ito? Bakit na sama ako rito? "Nasaan tayo?" takot na tanong ko sa babae. Ngunit umiling lang ito, at muling umiyak. Napabuntonghininga ako. Kailangan kong tatagan ang loob ko. Ang nasa utak ko ay sina Nanay Martha na kailangan ang tulong ko. Bumukas ang pinto nang silid. Nagsiksikan pa lalo sa sobrang takot ang mga babaeng kasama ko. "Good evening, ladies. Tawagin n'yo akong Miss Pam, and welcome to my auction house." Pumalakpak ito, pero ni isa sa mga babaeng na rito ay wala man lang tumugon. Nagsimula itong magturo, nang mga babaeng napili nito. Lumakas ang iyakan habang ako ay nakadama na rin nang takot. Lalo't isa ako sa kasama sa mga naituro nito. Sapilitan kaming pinatayo kahit pa pumapalag kami. Halos kaladkarin na patungo sa kabilang silid. Noong mga nakaraang araw ay pansin ko ang mga sasakyan na waring umaaligid sa akin. Pero hindi ko naisip na ako talaga ang target ng mga ito. Malaking pagkakamali ko iyon. Binihisan kami, inayusan. Pero syempre dahil pare-parehong umiiyak ay umaalpas din ang make up namin. Isa-isa na ring pinalabas. Ako ang pang-huli base na rin sa numerong nakalagay sa papel na nasa suot ko. Nagmamakaawa ako kay Miss Pam, pero hindi ito nakikinig. Takot na takot ako, pero parang normal na makakita ito nang tulad ko. Nang panghuli na, at ako na ang isasalang sa entablado ay hinila na ako nito. Napaigik ako nang hilain ni Miss Pam ang braso ko at pwersahang itinulak papasok sa malaking hawla na iaangat mamaya sa entablado. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Larawan nang takot sa maaaring kahinatnan ng gagawing auction mamaya. "Tumigil ka na sa kaiiyak mo! Malilintikan ka sa akin, kung hindi ka naibenta mamaya!" mariin pa nitong piniga ang panga ko saka patulak na binitiwan. Napahikbi sa takot na tumango ako rito. Ito ang gabing pinakahihintay ng mga taong tulad nila Miss Pam. Kikita sila, kikita sila sa pagbebenta sa mga babaeng tulad ko na sapilitang pinapalahok sa mga ganitong auction. Hindi materyal, tulad ng paintings, cars and precious items---kung 'di, mga babaeng tingin nila ay papatok sa mga mayayamang tao na handang magwaldas ng pera para sa mga babaeng matitipuhan nila. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag-angat ng hawla na kinaroroonan ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko, pero hindi pa rin sapat iyon upang hindi makita ng lahat ang luhaang mukha ko. Napahikbi na ako sa takot, lalo't lumikha ng ingay ang mga tao roon. Tuwang-tuwa na makakita ng babaeng tulad ko na helpless sa ganitong sitwasyon. "Oh, a very beautiful cry baby. Tiyak mahusay umiyak ang ganito sa kama!" malaswang sabi ng baklang may hawak ng microphone. Ginigising ng mga kataga nito ang diwa ng mga lalaki sa baba ng entablado. Iba-iba ang ayos ng mga ito. Sa totoo lang, naka-half mask ang mga ito. Ang kalahating parte ng mukha lang ang masisilayan, ang kalahati ng ilong pababa ay s'ya lang ang mabibistayan. "May gusto ba sa ganitong kaamong mukha? Mabango, maganda! Tiyak na magiging mahusay sa pagpapaligaya sa inyo." Tumawa pa ito na ikinanginig ko sa takot. Napahikbi na naman na sumiksik sa gilid ng hawla. Hinila pababa ang manipis na suot, sinusubukang ikubli ang makinis na hita sa mga nagnanasanang mata ng mga tao roon. "Magsimula tayo sa isang milyon!" sabi ng emcee. Nagsimulang magsipagtaas ng numero ang mga tao sa ibaba. Mula sa isang milyon, dalawa, sampu, at hanggang sa umabot na ng 100 million. Kitang-kita ko ang pagpupursige ng isang matandang malaki ang t'yan na napalalamutian ang leeg ng mga kwintas na ginto. Ganoon din ang mga daliri nito na may naglalakihang singsing. Waring hayok sa laman ang isang ito. Ang iba na naghahangad din na makuha ako ay sumuko na. Habang tumataas ang amount, mas lumalakas ang palakpak ni Miss Pam. Tuwang-tuwa ito, dahil ang babaeng pwersahan lang nilang ipinasok sa lugar na ito ay pinag-aagawan ngayon. "150!" malakas na sigaw ng isa pang matanda na payat na payat at parang isang bulate na lang ang pipirma. "200!" sigaw naman ng mataba. Iginala ko ang mga mata ko. Nanlalabo pa iyon dahil sa pag-iyak. "500!" natigilan ang lahat nang magsalita ang isang lalaki na naka-black suit, sa tabi nito ay lalaking parang walang pakialam sa bidding na nagaganap. Natahimik ang lahat, nakita ko pa ang nanlulumong matabang lalaki na naupo na lang. Katulad din ng payat na sinabayan pa nang iling. "500? Wala na ba? Sold!" nagpalakpakan ang lahat. Pwera sa dalawang matandang sumubok na maglaban. Binuksan ang hawla at pwersahan akong hinila palabas. Sinulyapan ko pa ang pwesto ng lalaking nakabili sa akin. Ngunit tumayo na ito kasama ang mga bodyguards nito. Pagtalikod nito ay nakita ko pang nagtanggal ito ng maskara, ngunit hindi na nakita pa ang mukha nito. Hinila na ako pababa ng entablado. "Mahusay, Keia." "Pakawalan n'yo na po ako, Miss Pam! Ayoko po!" nagmamakaawang sabi ko rito. "Hindi mo pa rin yata nauunawaan ang sitwasyon mo, ikamamatay mo kung aayaw ka, my dear. Ang taong nakabili sa'yo, bestfriend no'n si Satanas. Tiyak na kapag hindi n'ya nagustuhan ang serbisyo mo, kahit pa milyones ang inilabas n'ya para sa'yo, itutumba ka n'ya." Bulong nito sa akin, bago tinapik ang pisngi ko. Mas lalo akong nanginig sa takot. Lalo't ang tauhan ng lalaking nakabili sa akin ay lumapit na at bumulong kay Miss Pam. Hinila naman ako ni Miss Pam at itinulak patungo sa lalaki. Mabuti na lang at nasalo n'ya ako. "Tumawag lang kayo kapag nagkaproblema, pakisabi kay Boss, salamat!" seryosong tumango lang naman ito at sinenyasan na akong maglakad. "Sandali! Hindi naman kasi ako bayaran, hindi ako gano'n klase ng babae. Please! Hindi ako magsusumbong sa mga pulis. Please po!" hiyaw kong nakikiusap dito. May inilabas itong panyo at iniabot sa akin. "Ayaw ni Boss ng iyakin." Nanginginig na tinanggap ko iyon. Ayoko mang ihakbang ang mga paa ko, ngunit kusa na iyong ikinilos at sinundan ito. Bahagyang idinampi ang panyo sa luhaang pisngi. Takot na takot sa posibleng kaharapin. Para akong dinala sa isang hawla ng mga lion, at ang tanging magagawa na lang ay magdasal nang . Matamlay pa rin at halatang galing sa pag-iyak, nang makarating sa sasakyan, at lumulan nang buksan ang pinto. Madilim ang loob no'n at pagkasarang-pagkasara ng pinto ay sumiksik ako sa pinakadulong parte na takot na takot. "Let's go!" mula sa lalaking nasa kabilang bahagi lamang ng upuan. Hindi ko maapuhap ang dapat sabihin. Takot akong buksan ang bibig at magsalita pa. Iniwas ko na lamang ang tingin dito. Unti-unting nanlabo ang tingin ko, at bago tuluyang dumilim ang lahat ay napatitig pa ako sa panyong ibinigay nang tauhan ng lalaki. ••••••••• "Tiyakin n'yo na walang sakit ang dalagang 'yan!" dahan-dahan akong nagmulat ng mata at agad na nagawi iyon sa lalaking nakasuot ng lab gown. Kinukuhanan ako nito ng blood sample. Ibinaling ko sa babaeng agad namang ngumiti at umupo sa gilid ng kama. "Hi, dear!" malambing ang boses nito. Agad na ginagap ang kaliwang kamay ko. At mas lumawak pa ang ngiti nito. Kilalang-kilala ko s'ya, she's Andrameda Zimmer, sikat ito noon bilang modelo ng company ng magulang nito. "Tulungan n'yo naman po ako, hindi po ako bayarang babae." Luhaan agad na pagmamakaawa ko rito. Sinapo nito ang pisngi ko at pinahid ang luha ko. Saka bahagyang umiling-iling na waring nahabag sa akin. "Huwag kang mag-alala, hija! Sumunod ka lang sa gusto ng anak ko, at tiyak kong magiging maayos ang buhay mo." Malambing pa rin ang tinig nito. "Ano po bang planong gawin sa akin ng anak ninyo?" umiiyak na tanong ko rito. "Bigyan mo lang s'ya ng anak---" nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ko naisip na ito pala ang plano ng lalaki sa pagtungo nito sa auction event na iyon. Bakit kailangan pa nitong bumili ng babae para lang magkaanak ito? Wala bang kasintahan ang anak ng babaeng ito para gawin pa iyon. 500 million is not a joke. "Bakit ako? Hindi ko naman kilala 'yang anak n'yo." Sabi ko rito na mas nilakasan pa ang pag-iyak. Binabalot nang matinding takot ang buong sistema. "Hindi ka naman namin pababayaan, kung may pamilya ka, tutulungan namin sila. Maging mabait ka lang, lahat ng gusto mo, ibibigay namin sa'yo." Waring hinihikayat na sabi nito. Ngumiti pa at tinap ang balikat ko. "Wala na po akong pamilya, sarili ko na lang po ang binubuhay ko. Tumutulong na lang din po ako sa isang foundation, kailangan ko na pong umalis." Bumuntonghininga ang ginang. "Pasensya ka na, hindi ka pwedeng umalis dito. Tiyak na tutugisin ka rin ng auction house na pinanggalingan mo oras na i-report ng anak ko na umalis ka rito." Nakikita ko naman ang sincerity sa mukha ng ginang na panay ang buntonghininga."'Wag kang mag-alala, magiging okay ka rito." Sabi na lang nito. "Kahit ano pong mangyari ay hindi ako magiging okay rito. Please po, marami pa po akong gustong gawin sa buhay ko. Hindi kasama ang maging ina sa panahong ito. Maawa naman po kayo sa akin." Hindi ako tumigil sa pag-iyak kahit pa yakap-yakap na ako nito. "Tahan na, huwag ka nang umiyak. Hindi rin naman kasi makatutulong sa'yo iyan. Bakit ba kasi na roon ka sa auction house?" "D-inukot po ako nila Miss Pam. Sapiliting ipinasok sa lugar na iyon. Ayoko po ng gano'n pero sinabi ko naman po na hindi ako pariwarang babae. Pero hindi po sila nakinig. Sinubukan ko rin pong tumakas, pero pinagbantaan nila akong sasaktan nila 'yong mga bata sa foundation na pinagsisilbihan ko. Ayoko pong mapahamak ang mga bata at sina Nanay Martha." "Oh, poor child!" pagkahabag na sabi nito. Lumabas na kanina pa ang Doctor. Niyaya ako nitong magpalit muna ng damit. Halata sa mga damit na nasa walk-in closet na mamahalin ang mga iyon. Mula sa damit, sapatos at mga alahas na nakahanay sa mesa sa gitna. "Nagustuhan mo ba?" natigilan ako, at napatingin sa ginang. Napakaganda talaga ni Andromeda Zimmer. Matangkad ito, balingkinitan ang katawan, kahit may edad na ay makinis pa rin ang balat. "Napakaganda po, ang mga damit ay napakaganda. Pero tiyak na mamahalin. Ayoko po nang ganyang kasuotan." "Ha? Ano naman ang gusto mo?" tanong ng ginang. "Gusto ko po 'yong simple lang." Napabuntonghininga ang ginang. "Pasensya ka na ha, hindi ko kasi alam. Nang iuwi ka kagabi ng anak ko ay inutusan lang n'ya akong mag-shopping. Tapos lahat nang nakita ko sa favorite online store binili ko na." "Sayang po ang pera, marami na po iyang maipapakain sa mga bata sa foundation. Tapos itong mga ito, nakakabili po ako sa divisoria ng tsinelas, tig-35 pesos lang po. Murang-mura!" napangiti na ang ginang na pinagmamasdan ako. "Pasensya na, ganyan kasi ang nakasanayan namin dito. Hayaan mo, kukunsultahin kita kapag may bibilhin ako." "Pero alam n'yo po, mahilig po akong magtahi, marunong din po ako gumuhit." Pagbibida ko rito. "Really? Nakapagtapos ka ba nang pag-aaral, hija?" tanong nito. Natigilan ako saka umiling. "Hindi po, pero tinulungan ako ng foundation para makapag-training sa ilang skills na meron ako. Naging part time designer ako, pero hindi po in-acknowledge 'yong skills ko. Ibig ko pong sabihin, hindi po na-cre-credit sa akin ang mga designs ko." "What? That's so unfair!" sabi ni Andromeda. "Pero ayos lang din naman po, kasi po kumita ako kahit papaano. Naitulong ko po sa foundation." "Hayaan mo, kapag pumayag si Hendrix, pupunta tayo sa foundation na iyon at mag-do-donate ako." Napapalakpak ako, ngunit agad ding nawala ang excited. "Hendrix po ang pangalan ng anak n'yo?" tanong ko rito. "Hindi s'ya nagpakilala sa'yo? 'Yong batang iyon talaga. Oo, Hendrix Zimmer ang pangalan nya." "Pero po ibig po bang sabihin nito'y hindi na ako makakaalis dito. Paano po ang buhay ko?" tanong ko sa ginang. "Hija, pangako ko sa'yo gagawin ko ang lahat para magkaroon ka nang maayos na buhay." Lumapit pa ito at ginagap ang kamay ko. "Pero hindi po ito ang gusto ko." "Sorry, hindi kasi talaga kita matutulungan umalis. Malalagot ako sa anak ko kung ginawa ko iyon." Sabi pa nito."Sige na, magbihis ka na. Lalabas lang ako, hintayin kita sa labas." Tumango na lang ako rito. Nang makalabas ang ginang. Panay ang sipat ko sa mga damit na naka-hanger. Magaganda ang lahat ng iyon. Pero hindi kasi ang mga ganoong style ng damit ang gusto ko. Pero hindi naman ako pwedeng lumabas ng silid na ito na ang suot ko pa mula kagabi ang gamit. Para na nga lang akong naka-two piece sa sobrang ikli no'n. Napansin ko ang isang pulang damit, isa iyong spaghetti strap beach style dress. Malambot ang tela na lagpas sa tuhod ko. It's a flowy red dress with sexy open back. Nang isuot ko iyon at humarap sa salamin ay nagmukha akong innocent seductress. Bumagay ang 'v' cut sa harap na nagpakita ng nakakaenganyong guhit sa dibdib ko. Hindi kailangan magsuot ng bra. Pero nakadipena pa rin ang dibdib ko. Ang buhok kong mahaba, oo mahaba. Lagpas bewang iyon na alon-alon. Inilugay ko na lang iyon. Saka nagpasyang lumabas ng silid. Nakapaa lang ako, at nang makita ng ginang ang ayos ko ay napapalakpak ito. "Mahusay pumili ang anak ko nang magiging ina ng kanyang anak." Mahina lang iyon pero sapat para marinig ko. Mahinhing ngumiti ako rito. "Ito lang po ang natipuhan ko. Masyado pong pormal ang iba roon." Sabi ko rito. "Tumawag na ako sa isa pang store na paborito kong bilhan, magpupunta raw rito ang isa sa mga designer nila, at kukunin ang detalye ng mga damit na gusto mong isuot. Ipapagawa nila iyon mismo." "Totoo po?" "Oo, hija. Halika na sa baba, naghihintay ang anak ko." Lumarawan ang takot sa mukha ko. Ngumiti naman ito sa akin. Pumasok ito sa walk-in closet, paglabas nito ay may bitbit na itong style ballerina flat shoes. "Isuot mo ito!" tinanggap ko iyon nang iabot nito iyon sa akin. Nanginginig pa ang kamay ko nang ilapag iyon sa sahig. "Relax, mabait naman ang anak ko. Huwag kang kabahan." "N-atatakot po ako." "Hindi ako aalis sa tabi mo, magtiwala ka lang sa akin." Ngumiti pa ito, at hinaplos ang pisngi ko. "Napakaganda mo, Keia." Ngumiti ako rito. Saka niyakap ito. "Ipangako n'yo po iyan. Huwag po kayong umalis sa tabi ko." Nang bahagya akong lumayo, nakita ko ang pangingilid ng luha nito. "Siguro kung buhay pa ang anak ko, kasing edad mo siguro s'ya." "Talaga po?" "Oo, kaso namatay s'ya sa isang car accident." Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang detalye. Mukhang ayaw naman nitong ibahagi ng buo iyon. Tumango na lang ako at ginagap ang kamay nito. "Tara na po, baka sakaling makausap ko po ang anak ninyo, at pumayag s'yang umuwi na ako." Hindi na ito nagkumento. Feeling ko, kung isasalita lang ang ganoong expression sa mukha nito ay tiyak ko ang magiging laman no'n. "Hindi s'ya papayag. Malabong pumayag."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD