Dumating ang mga designer na mula sa sinasabing store ni Andromeda. Sabi nito tawagin ko raw s'yang Mommy, Mommy talaga? Samantalang 'yong kasintahan ni Hendrix ay Tita lang.
Honestly, sinubukan ko talagang lumabas kanina. Ngunit hindi ako pinayagan ng mga bantay sa pinto ng silid. Hindi raw pwede, kailangan nang permission ni Hendrix o kaya naman ni Andromeda. Kaya nga alas-10 na ako ng umaga nakalabas. Inihatid lang kaninang alas-7 ng umaga ang almusal ko, pagsapit ng 10 ipinasundo ako ni Andromeda dahil sa mga dumating.
"Miss Andromeda, napakaganda naman ng iyong future daughter-in-law." Papuri ng babae. Tatangi sana ako ngunit bahagyang pinisil ng ginang ang kamay ko. Hindi naman masakit, super light nga lang.
"Oo naman, hindi naman kami tumatanggpap ng pangit sa pamilya namin." Biro nito. Natawa naman ang babae.
"Good morning, future Misis Zimmer. I'm Tiqa." Naglahad pa ang babae ng kamay. Maganda ito, parang modelo.
"Good morning, I'm Keia." Nakipagkamay ako rito. Saka kami pumwesto sa couch. Nakahanda ang mga gagamitin ng babae sa pagguhit.
"Ano bang mga style ang gusto mo, Miss?"
"Can I?" tanong ko rito. Napatingin si Tiqa sa ginang na s'yang katabi ko. Tumango naman ang ginang. Saka lang iniabot ng babae ang Sketch paper nito at lapis. Nagsimula akong gumuhit.
"Wow!" manghang ani ng ginang nang makita kung gaano kabilis ang kamay ko. Pinahahanga ito sa simpleng desenyo.
"Sa ganitong concept kayo bumuo ng mga gusto kong design. Simple lang at hindi kakailanganin ng mga mamahaling tela." Inspiration ko sa design ko ay ang mga spaghetti strap dress. Style inosente, hindi ma-effort. Pero tiyak na babagay sa akin. Saka ako nag-note ng mga gusto kong tela na gagamitin. At ang isa sa mga iyon ay mga bulaklakin.
Kung gusto kong maging ligtas sa lugar na ito, hindi lang si Andromeda ang dapat makuha ko ang loob. Kailangan pati si Hendrix din. Kailangan kong maging mautak sa lugar na ito. Naisip ko kagabi, wala na rin naman akong choice. Papayag na ako sa gusto nila, pero hindi ko gagawing madali ang lahat.
"Ano pa po ang gusto n'yong idagdag?" tanong nito.
"Sa concept na iyan ninyo kunin ang mga iguguhit ninyo. Ayos na po 'yan," sabi ko kay Tiqa. Tumango naman ito at saka iniayos na ang gamit n'ya.
"That's it?" takang tanong ng ginang. Parang hindi makapaniwala na ganoon lang iyon at tapos na kaagad.
"Yes, that's it," sabi ko rito. Tumango-tango na lang ito.
Umalis din agad si Tiqa, the designer. Niyaya ako nang ginang na mag-stay muna kami sa garden. Sumang-ayon agad ako, gusto ko ring ma-check ang lugar na ito. Kung may chance na makaalis, mabuti.
Pagdating namin sa garden. Mabilis nang bumagsak ang pag-asa ko, dahil nang makita ang garden. Nakapanlulumo iyon. Malayo ang pwesto ng pader na bakod. Ngunit kitang-kita ko kung gaano iyon kataas. Parang mas mataas pa iyon kaysa sa dalawang palapag na gusali ng foundation. Kalahati ng apat na palapag na mansion na ito.
"Are you okay?" tanong ni Andromeda.
"Y-es." Nag-iwas ako nang tingin dito. Ayokong mabasa nito ang expression ko. Pakiramdam ko kasi ay mababasa nito ang iniisip ko.
"Aalis ako mamaya, bukas na ako babalik. Magpakabait ka, huwag mo sanang gagalitin ang anak ko." Bahagya akong tumango rito.
"Alam mo kasi, hindi naman talaga rito ang bahay ko. Pero ayoko lang kasing nananatili ang fiancee ng anak ko rito."
"Pero malapit na po yata silang ikasal. Bakit po parang ayaw n'yo sa kanya?" tanong ko rito.
"Ewan ko ba, mabigat ang loob ko sa batang iyon. Hindi naman talaga s'ya ang nakatakdang mapangasawa ni Hendrix. Kaso, 'yong inaasahang anak na babae ng bestfriend ng asawa ko ay nawala pa."
"Bakit po ba kasi kailangan pang itakda ang kasal na iyon? Arranged marriage po, tama?"
"Oo, kailangan iyon upang mapanatili ang kapayapaan sa buhay naming lahat."
"Wala s'yang kalayaang pumili? Mukha naman pong mahal ni Margaux si Hendrix."
"Tsk, I don't care. Pero hindi ko talaga gusto ang batang iyon para sa anak ko. Kaya madalas ako rito. To make sure na hindi mananatili ang babaeng iyon dito." Bumungisngis pa ito na akala mo naman ay masyadong brainy ang naisip nito. Alanganin akong ngumiti rito.
11 am, nagpaalam na ito na aalis na. Agad naman akong iniskortan pabalik sa silid na inuukupa ko. Lunch ay inihatid lang ang pagkain. Pati na ang merienda.
Wala akong ibang magawa, kung 'di ang manood ng tv. Matulog at mag-exercise. Hindi ko rin maiwasang ma-bored dahil sanay akong maraming ginagawa. Raket dito, raket doon, raket all the way. Kaya hindi sanay ang katawan ko na walang ginagawa.
Abala ako sa pagtuwad-tuwad sa higaan. Bored na talaga ako. Sakto namang bumukas ang pinto, sa sobrang taranta ko'y nagkamali ang ikot ko. Literal na bumagsak ako sa sahig, at napatili.
"Aray!" daing ko. Sobrang sakit ng pwet ko. Iyon kasi ang bumagsak at napuruhan.
"Stupid!" dinig kong sabi ng lalaki. Humakbang ito at umikot para makarating sa pwesto ko. Mangiyak-ngiyak ako dahil sa iniindang sakit sa pang-upo. Binuhat ako nito, saka inilagay sa kama. Wala akong pakialam kung nakalihis ang suot kong bestida. Kitang-kita ang kulay yellow na underwear na suot ko. Nakalislis ang strap ng bestida, dahilan para mag-hello ang pisngi ng aking dibdib.
Nang sulyapan ko si Hendrix, titig na titig ito roon. Takot na napaatras ako palayo rito.
"A-nong k-ailangan mo?" takot na sabi ko rito. Mabilis na nag-iwas nang tingin ang lalaki.
"Sign it!" inihagis nito sa lap ko ang folder, na ng tignan ko ay ang papel na kung saan nakasaad ang contract naming dalawa. Puro lang sa advantage ng lalaki ang naroon. Paano naman ako?
"Patayin mo na lang ako." Seryosong sabi ko rito. Saka mabilis na nilukot iyon at itinapon ang papel sa paanan ko.
"Tine-test mo talaga ang pasensya ko." Mahinang sabi ni Hendrix. This time, lumaban ako nang titigan dito. Pero ako rin ang kusang nag-iwas nang tingin. Nakakatakot talaga ito.
"H-indi ibig sabihin na mayaman kayo ay pwede n'yo nang kontrolin ang buhay ng mahirap na tulad ko--"
"I don't f*****g care if you think na ginagamit ko ang rich card ko, pag-aari na kita. Lahat ng gusto ko ay gagawin, lalo na sa katawan mo!" marahas akong itinulak nito. Saka mabilis na dumagan sa akin.
"Ano ba! Umalis ka nga d'yan, may kasintahan ka. Anong klaseng utak mayroon ka? Ha!" sigaw ko rito. Saka pilit na nagpumiglas dito. Hindi ito natinag. Damang-dama ko ang bigat nito, mas lalo ang matigas na bagay na ngayon ay nakadagan sa puson ko. Gago, may baril s'ya.
"Lumayo ka nga! Nakakatusok 'yang baril mo! Kahit saan na lang may bitbit na baril," sabi ko rito sabay irap.
"A gun?" takang tanong nito. Saka umalis sa pagkakadagan sa akin.
"Aba'y parang nagtaka ka pa."
"Wala naman kasi akong dalang baril!" inirapan pa ako nito.
"Eh, ano pala 'yan?" tanong ko rito, saka dinakot ang baril na naramdaman ko kanina. Magsisinungaling pa ito samantalang naramdaman ko na kanina---.
"Tang'na, hindi baril?" napaiktad pa ang lalaki. Nang hawakan ko iyon. Kung pwede lang lumuwa ang mata ko sa gulat nang matiyak na hindi nga iyon baril, sh*t.
"Nakumpirma mo na bang hindi baril 'yan? Go on, touch it!" ngayon ko lang nakita ang light mood nito. Bahagyang umangat ang gilid ng labi na waring tinutukso ako. Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa kanyang p*********i, saka umatras.
"H-indi nga baril!" hintakot na ani ko rito. Umiling-iling pa.
"Pero kayang pumutok n'yan," sabi nito. Pero bumalik ang seryosong expression.
Tumayo ito, at dinampot ang nilukot kong papel. Iniharap nito iyon sa akin.
"Woman, you need to sign this f*****g agreement! Now!"
"Ayoko!" humaba ang nguso na humiga ako ng kama. Pero malakas akong napatili nang hilain nito ang paa ko.
"Ano ba?" frustrated na sigaw ko rito. As usual, seryoso na naman ang expression ng mukha nito.
"Bakit ang tigas ng ulo mo?"
"Malamang, it's normal na matigas ang ulo!" palaban na ani ko rito.
"Pilosopo ka pa!" waring nasasagad ang pasensya nito sa mga sagot ko eh.
"It's normal too!" sabi ko na ngayon ako na ang masama ang tingin dito.
"How about I'll kill all the children in that f*****g foundation?" natigilan ako. Pero nakabawi rin agad.
"Go on!" panghahamon ko rito.
"W-hat?" hindi makapaniwalang sabi nito. Saka mariing hinawakan ang panga ko.
"Ouch! Ano ba?" inis na sabi ko rito.
"Fine, if that's what you want!" ngumisi na ito. Saka inilabas ang cellphone nito sa bulsa. Pinapanood ko lang ang kilos nito.
"Bakit naman po biglaan? Kung babawiin n'yo ang lupang ito, saan ko dadalhin ang maraming bata na kailangan nang kalinga rito?" boses iyon ni Nanay Martha. Nanlaki ang mata na tinignan ko si Hendrix.
Bumalik na naman ang expression nitong cold.
"Gagamitin na po kasi ito ng may-ari para sa plano n'yang pagtatayo ng school. May isang linggo na lang ho kayo. Para makalipat."
Mabilis na inagaw ko ang cellphone rito. Saka sunod-sunod na umiling.
"Bakit pati sila? Ang kapal din ng mukha n'yo eh 'no?"
"Lady, that's my land, that's my property. Masyado na ring matagal na ipinahiram ko sa foundation na iyon ang pag-aari ko. This time, kukunin ko na iyon."
"Oh God!" naluluhang anas ko. Saka mabilis na lumayo rito. Pero inilapag ni Hendrix ang papel sa dulo ng kama.
"Pero posible namang magbago ang isip ko," sabi nito, at iniwan na ako sa silid na inuukupa ko. Gumapang ako palapit sa papel at sunod-sunod na napabuntonghininga. Malalim na nag-iisip kung ano ang dapat na gawin.
MARAHANG binuksan ko ang pinto ng silid. Obviously, agad na naalerto ang mga tauhan na nakabantay roon. Agad na nag-iwas nang tingin nang makitang nakasilip ako.
"Pupunta ako kay Hendrix, kailangan ko s'yang imporma ko sa mga ito. Ayaw talagang tumingin ng mga ito sa akin. Siguro dahil na rin sa suot ko. Hindi ako komportable na magsuot ng bra kapag nasa bahay lang. Spaghetti strap dress pa iyon. Na may malalim na cut sa dibdib. Labas din ang likod na natatakpan lamang nang mahaba kong buhok.
"Sasamahan ka ho namin." Tumango naman ako sa mga ito. Nauna na ang mga ito. Nakabuntot lang naman ako sa kanila.
"Huwag n'yo pong balaking tumakas dahil may mga bantay rin sa labas. Malabong makatakas kayo sa ganitong klase ng lugar."
"Hindi ko naman plano." Nakaingos na sabi ko rito. Pero sa totoo lang, pasipat-sipat na nga ako kung may chance na bang magawa ko ang pagtakas.
Pagdating namin sa library, kumatok ang isang guard saka inanunsyo na narito ako at gusto ko itong makausap. Nakarinig lang kami ng 'go on' saka binuksan na ng guard ang pinto para sa akin. Pagpasok ko roon ay agad ding isinara ang pinto. Inabutan ko si Hendrix na tutok na tutok sa laptop nito. Nakasuot ito ng salamin, para tuloy akong naglaway sa sobrang hot ng lalaki. Istriktong-istrikto ang ayos nito. Para bang kapag ito ang nagsalita ay sasang-ayon ka na lang basta.
"What do you need, lady?" tanong ni Hendrix. Humakbang ako palapit, oo nga pala. Nakapaa lang ako. Habang ang dulo ng spaghetti strap dress na suot ko ay bahagyang humahalik ang dulo sa sahig.
Nang sulyapan ako nito ay nagsalubong ang kilay nito.
"f**k!" mahinang anas ng lalaki.
"Usap tayo." Parang maamong tupa na sabi ko rito. Lumapit nang tuluyan hanggang sa harapan ng table nito. Umupo ako sa upuang naroon. Inilapag ang contract na iniwan nito kanina. Nagsalubong ang kilay ni Hendrix na dinampot iyon.
"Puro sa 'yo lang ang advantage na nakasulat d'yan. Kaya isinulat ko rin ang advantage na dapat kong makuha upang pumayag ako." Nakangising sabi ko rito.
"Playing dirty now?" seryosong sabi nito. Nagkibitbalikat lamang ako saka inudyukan ito na basahin.
"Co-parenting?"
"Kung magkaanak tayo, hati tayo sa custody ng anak natin. Sa isang linggo, apat na araw sa akin sa 'yo 'yong tatlo." Matalinong paliwanag ko rito.
"Paanong naging hati iyon, kung lamang ka?" seryosong tanong nito. Bahagyang iniayos ang kanyang salamin. Ang gwapo, s**t.
"Of course, ako ang nanay eh." Bumuntonghininga ang lalaki saka isinandal ang likod sa upuan.
"No s*x kapag narito si Margaux?" takang tanong nito. Sunod-sunod akong tumango.
"Of course, malaking insulto na sa fiancee mo na ibinahay mo na ako rito. Dapat lang na i-respeto mo rin s'ya."
"Tsk!"
"Your freedom, ha?" bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Hendrix.
"Kailangan ko rin namang lumabas, oras na pumirma tayong dalawa sa kasunduan na 'yan. Hindi ko na babalaking tumakas. Gagawin ko 'yong part ko sa deal." Tumango-tango naman ito.
"Help the foundation?"
"Oo naman, bukod sa kailangan mo ng ipangalan sa aking ang lupa na kinatitirikan ng foundation, gusto ko ring makatiyak na hindi maaagrabyado sina Nanay Martha na nasa Foundation." Bahagya pa akong ngumisi.
Bumuntonghininga si Hendrix. Saka tumango-tango na waring naiintindihan na ang gusto kong mangyari.
"Don't fall in love with you?" nakataas ang kilay na basa nito. Saka waring napailing-iling."Crazy woman."
"Sabi ni Nanay Martha, kamahal-mahal daw ako. Kaya inaalala ko na baka ma-in love ka sa akin. Hindi ako mang-aagaw. Saka hindi kasi kita type. May gusto na akong iba," sabi ko rito.
"Sobrang taas nang tingin mo sa sarili mo."
"Oo naman."
"Siguro naman binasa mo rin ang gusto kong mangyari."
"Oo! Bibigyan kita ng anak, susunod ako sa mga sasabihin mo---not all ha, kung ano lang 'yong sa tingin ko ay tama. Saka lang ako susunod. Pero kapag against sa will ko, sorry ka. Hindi ako magjo-jowa. Given naman na iyon."
"Bakit binura mo itong perang makukuha mo after this deal? Kulang ba?" tanong nito.
"Ayoko ng pera. Isaksak mo 'yan sa baga mo," mataray na ani ko rito. Nagsalubong ang kilay nito.
"Really?" amuse na ani nito.
"Ipaayos mo na 'yan sa abogado mo, para mapirmahan na natin," sabi ko rito saka tumayo na. Dumapo ang tingin nito sa dibdib ko.
"f**k!"
"Alis na ako!"
"Seriously? No bra?"
"Hindi kasi ako sanay na may bra sa tuwing nasa bahay lang ako."
"Next time, magsuot ka. Maraming lalaki ang pagala-gala sa mansion na ito." Bilin nito sa akin.
Humarap ako rito. Sabay sapo ng dalawang dibdib.
"Ayoko nga. Hindi komportable sina Sun and Moon."
"Sun and Moon?"
"Iyon ang pangalan nila, ito sa left si Sun dito naman sa right si Moon." Ngiting-ngiting sabi ko rito. Saka tinalikuran na ito at lumabas na ng silid.