Shynelle NAPANGITI ako nang matanaw ko na sa ibaba ang lupang sinilangan ko at lupang nagbigay sa akin nang napakaraming alaala. Mga alaalang magaganda at masasakit. Na-miss ko ang lugar na ito. Apat na taon din akong nawala dito. Parang kailan lang. Napakabilis ng panahon. At sa pagbabalik kong ito ay may makulit na akong prinsesa. Pero natutulog siya ngayon sa tabi ko habang yakap ang bunny stuffed toy niya. May bunny neck support pillow din siya sa leeg para hindi siya mangawit. Kanina pa talaga siya inip na inip. Napakalayo naman daw pala ng bahay ng Ninong niya. Parang ayaw na daw niyang tumuloy. Pinangalanan ko siyang Sunnie dahil siya ang nagbigay liwanag sa buhay ko. Siya ang nagpapasaya ngayon sa akin. Dahil sa kanya kung bakit patuloy akong gumigising sa umaga at nagpapatul