Shynelle "Kumusta na kaya ngayon, Kuya, 'yong dating bahay namin ni Mama sa C-6? Nabisita mo ba?" tanong ko sa kanya habang nasa biyahe kami. "Maganda na ang lugar na 'yon ngayon." "Talaga? Paanong maganda na? Wala na ba doon ang bahay namin ni Mama?" "It's still there." Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. Magkakatabi kami ngayon dito sa backseat. Nasa gitna nila ako ni Mama. Nasa kandungan naman niya si Sunnie at nakatanaw sa labas. Nasa unahan at likuran naman namin ang mga tao niya. Ang isa ay nagmamaneho. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Paanong gaganda kung naroon pa rin ang barong-barong namin ni Mama?" "Bisitahin mo na lang sa ibang araw." "Eh, 'yong mga kapitbahay namin dati doon, naroroon pa rin ba hanggang ngayon?" "Maybe."