THIRD PERSON POV NAGISING NA LAMANG si Chase na nasa loob na ng hospital at pinalilibutan na ng pamilya niya. Walang hinto sa pag-iyak ang kanyang inang si Lhevyrose pero naroroon din ang galit nang malaman ng mga ito mula kay Nikay at Niall ang lahat ng ginawa nito kay Shynelle. Ngunit pinanatiling lihim ni Niall ang ugnayan nilang dalawa ng kapatid na babae sa lahat. "Anak, sinabi mo na lang sana sa amin ang nangyari sa condo unit mo para kahit papaano ay napayuhan ka namin ng mga dapat mong gawin. At nagawan sana nang paraan na mahuli kaagad ang mga taong 'yon!" puno nang hinanakit na turan ni Lhevyrose sa kanyang anak. "Pati sa akin ay inilihim mo rin. Ni wala man lang ding nabanggit sa akin si Shynelle kasi tinakot mo!" sigaw ni Chloe sa kapatid. Mababakas din ang galit sa anyo n