CHAPTER 9: In Her Gown

2493 Words
Shynelle "Sabihin mo na ang lahat nang gusto mong sabihin," ani ko sa kanya. "Let's order first--" "Busog ako. Huwag ka nang mag-abala pa." Muli naman siyang ngumiti. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa isang coffee shop na malapit sa shop ni Mrs. Barrah Mokalam. "I understand why you treat me like that." "Sa tingin mo ba ay may nakakatuwa? Ikaw ang lumagay sa posisyon ko," mabilis kong sagot sa kanya. "Sana nga ay ako na lang ikaw." Hindi naman ako sumagot sa sinabi niya. "Ayoko ng away, Shynelle--" "Yon naman pala, eh. Eh, 'di layuan mo na ang fiancé ko. Matagal na kayong wala. Iniwan mo na siya noon. Bakit ngayong magpapakasal na siya sa iba ay bigla ka na lang lalabas at manggugulo ng relasyon?" "Hindi na ako magtatagal." Napahinto naman akong bigla sa sinabi niya. Nangunot bigla ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "May taning na ang buhay ko." "Tss." Natawa akong bigla. "Luma na 'yan. Ang lakas-lakas mo pa nga, eh. Wala naman sa hitsura mo na may sakit kang nakakamatay." "I'm just trying to be strong." "So, anong gusto mo ngayon? Bakit nakikipag-usap ka sa akin? Hindi naman tayo close, lalong hindi magkaibigan. Hindi rin ako Doctor... At saka, bakit nandito ka sa Pilipinas? Hindi ba at nasa ibang bansa ang mga magagaling na Doctor? Mayaman ka naman, di ba?" Lumungkot ang anyo niya. "Wala nang pag-asa pa." "So, anong gusto mo?" "Umuwi ako dito sa Pilipinas para makasama si Chase." "Ayon. Lumabas din... Gusto mong makasama ang fiancé ko? Paano? Ikakasal na kami. Ang gusto mo ba ay mag-share tayong dalawa sa kanya? Ganun ba? Tayong tatlo sa iisang bubong at iisang kama?" "That's not--" "Yon ang gusto mong sabihin!" kaagad kong sigaw sa kanya. Napalingon namang bigla sa amin ang ilang customers na kasama namin dito sa loob ng coffee shop. Natahimik naman siya. "Pinakikialaman mo pati ang pribadong buhay niya. Kaya pala hindi siya nag-reply sa akin ay dahil pinakialaman mo ang phone niya. Ano? Buong araw at magdamag kayong magkasama ng fiancé ko? Hinalikan mo pa nga siya sa lips sa opisina niya, hindi ba?" Muling lumingon sa amin ang mga kalapit naming customers. Wala na akong pakialam pa kung naririnig na nila ang usapan naming dalawa. "Please, don't make a scandal here--" "Kung ayaw mo ng eskandalo at kung may delikadesa kang babae, layuan mo ang fiancé ko. Tigilan mo ang pang-aakit sa kanya. Ikaw ang nagpapahiya sa sarili mo." "Chase still loves me. I can feel it from him." Ako naman ang hindi nakasagot sa sinabi niya. Parang sinaksak muli ng kutsilyo ang puso ko. "Hindi ko naman siya aagawin sa iyo. Gusto ko lang siyang hiramin pansamantala." "Hindi siya laruan na pwede mong hiramin kung kailan mo gusto." "Hindi niya ako matitiis. He loves me." "Bumalik ka na lang kung saang planeta ka nanggaling--" Sabay kaming napahinto nang biglang tumunog ang phone niyang nakapatong sa mesa. At nabasa ko kaagad sa screen niyon ang Babe na pangalan na ngayo'y tumatawag sa kanya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko kasabay nang pamimigat nito. "He's calling. He's looking for me again," aniya kasabay nang pagdampot niya dito. Nagsimulang manlabo ang mga mata ko sa luha habang nakatitig sa kanya. Sinagot naman niya kaagad ang tawag at inilagay sa tainga niya. "Babe..." Mabilis ko naman itong inagaw at dinala sa tainga ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko. "Where are you?" tanong ni Chase sa kabilang linya. "Why didn't you wake me up?" Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko sa pisngi. Ibig sabihin ay magkasama nga sila buong magdamag. Sa condo unit ba niya? Parang dinudurog na naman ang puso ko sa mga oras na ito. Huminga ako ng malalim bago sumagot, "k-kasama ko siya." Biglang nanahimik sa kabilang linya. "Pinuntahan niya ako dito sa shop ni Mrs. Barrah. Naka-schedule ngayon ang pagsusukat ko ng gown." "Shynelle?" Natawa ako ng mapakla. "Kilala mo pala ako?" "What the--pupunta na ako dyan." Kaagad ding naputol ang linya. Ibinaba ko ang phone ni Misty sa table bago ako naglakad palabas ng coffee shop. "Shynelle!" Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Pero hindi ko siya nilingon hanggang sa tuluyan na akong makalabas. "Huwag ka naman sanang madamot!" Bigla naman akong napahinto sa sinabi niya. Aba't--ako pa ngayon ang madamot? "I've been with Chase for 13 years. You never know how much we've been through. Hindi ko ginustong magkasakit. Sandaling panahon lang naman ang hinihingi ko sa iyo." Kaagad ko siyang nilingon. "Kailangan ko din siya, Misty. Buntis ako." Natigilan din siyang bigla. Siya naman ang hindi nakasagot. Bumaba ang paningin niya sa tiyan ko. "Yong mga araw na kailangan ko siya? Nasaan siya? Kasama mo siya, hindi ba? Matagal na kayong wala. Hindi ka na sana bumalik pa! Kasi sa ginawa mo mas lalo mo lang siyang pahihirapan! Sa tingin mo ba magiging madali lang para sa kanya ang lahat kapag namatay ka na?! ... Pagluluksain mo pa siya! Nakalimutan ka na niya. Umalis ka na lang dito! Huwag mo nang guluhin pa ang buhay namin!" "No." Kaagad siyang umiling habang nakatitig sa akin. "I can't do that... Chase is all mine." Ako naman ang napanganga. "Ano?" "Kung sinumang dapat na umalis dito, ikaw 'yon. Hindi ka nababagay sa kanya. Tingnan mo nga 'yang hitsura mo? Isa ka lang hampas-lupa." Biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. "Ano'ng sinabi mo? Hampas-lupa?" Naglakad ako palapit sa kanya. "Sino'ng hampas-lupa?" "A-Ano'ng gagawin mo?" Napaatras naman siyang bigla. "Eh, ano ngayon kung hampas-lupa ako? Ano'ng tawag mo sa sarili mo? Makating higad. Malandi!" Kaagad ko siyang sinabunutan at inihagis ng malakas. "Nooo!" Napasalampak naman siyang bigla sa lupa. "Mayaman ka nga pero mas makati ka pa sa higad! Layuan mo ang fiancé ko!" "Shynelle!" Susugurin ko pa sana siya nang bigla na lamang dumating ang isang humaharurot na kotse. Nakadungaw sa bintana nito si Chase at napakadilim na ng anyo habang nakatitig sa akin. "Chase! She hurt me!" Bigla namang umiyak ng malakas si Misty. Kaagad na huminto ang kotse sa gilid ng kalsada at lumabas mula doon si Chase. Mabilis niyang nilapitan si Misty at inalalayang makatayo. "What did you do?!" sigaw niya sa akin. Hindi naman ako makasagot. "Sinabunutan niya ako at itinulak ng malakas. Ang sakit ng balakang ko. Kinakausap ko lang naman siya ng maayos. Gusto ko ngang makipagkaibigan sa kanya, eh." "Sinungaling siya. Inaagaw ka niya sa akin," mahinang sagot ko sa kanya. "That's not true! I informed you about my illness, yet you still struck me!" sigaw din ni Misty. "You shouldn't have done that!" sigaw din Chase sa akin. "C'mon." Inakay niya patungo sa kotse si Misty at ipinasok sa loob. "Careful." Natawa na lamang ako ng mapakla habang may luha sa mga mata. Kaagad din niyang isinara ang pinto bago muling bumaling sa akin. "Wait for me here. I'm warning you." Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Umikot siya patungo sa driver's seat at pumasok sa loob. Kaagad din niyang pinaharurot paalis ang kotse. Tumulo na lamang ang mga luha ko sa pisngi ko. Ngayon ko lang napansin na may mga mangilan-ngilang tao na ang nakatitig sa akin. Kaagad akong tumalikod at pumasok sa loob ng shop ni Mrs. Barrah. "Hello, Ma'am! Okay lang po ba kayo?" Kaagad akong nilapitan ng anak niyang si Baida na siyang assistant niya dito. "Maupo po kayo. Gusto niyo po ba nang maiinom?" "Sige, please." Mukhang nakita niya ang nangyari sa labas dahil yari lamang sa salamin itong shop nila. "Just a moment, Ma'am. Tatawagin ko na rin po si Mommy." "Okay, thank you." Naupo ako sa sofa. Kaagad na rin siyang tumalikod at pumasok sa isang pinto. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko hanggang ngayon, at nanginginig ang mga kamay ko. Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Hindi ko naman napigilan ang muling maiyak. Okay lang si Mama, anak. Magiging okay lang si Mama. Paulit-ulit akong huminga ng malalim. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas muli si Baida na may dala ng isang baso ng tubig. "Heto na po, Ma'am. Palabas na po si Mommy." "Salamat." Kaagad kong tinanggap ang baso ng tubig at ininom ito. Halos maubos ko ang laman nito. "Relax lang po kayo, ha. Parang nanginginig kayo, eh." Muli niyang kinuha sa akin ang baso. "Okay lang ako." "What happened?" Biglang lumabas si Mrs. Barrah mula sa pintong pinanggalingan niya kanina. "Huwag ka nang tumayo. It's okay," pigil niya sa akin nang tinangka kong tumayo. Kaagad na rin siyang nakalapit at naupo sa tabi ko. "May kaaway ka daw sa labas? And Chase is there?" Hindi naman ako kaagad nakasagot. Napakabilis namang magsumbong sa kanya nitong anak niya. "Sino 'yong girl?" "Ahm, e-ex-girlfriend ni Chase," mahinang sagot ko sa kanya. "Mukhang maldita at plastic, Mommy. Mang-aagaw pa yata ng fiancé," sagot naman ni Baida. Bumaling namang muli sa akin ang ina niya. Kinuha niya ang mga kamay ko at marahang pinisil. "Sigurado namang hindi ka ipagpapalit ni Chase do'n. You're going to be married soon." "Mukhang hahadlang pa siya sa kasal, Mom," muling sagot ni Baida. "Tumigil ka nga. That won't happen. May paninindigan naman ang mga Delavega." Nakangiting bumaling sa akin si Mrs. Barrah. "Huwag kang mag-alala. Huwag mo nang masyadong isipin pa ang babaeng 'yon." Paano ako maniniwala sa kanila? Hindi naman ako mahal ni Chase. Baka nga ipahinto na niya talaga ang kasal naming ito. "P-Pwede ko na po bang sukatin ang gown?" ani ko sa kanila. "Sure! Come on. Hindi pa namin ikinakabit ang mga diamond dahil gusto ko munang malaman kung saktong-sakto na ba talaga sa iyo ang sukat niya." Kaagad niya akong hinila patungo sa hagdan na nasa kaliwang bahagi nitong shop niya. Marami din siya ditong manikin na nakasuot ng mga gown na may iba't ibang klase ng disenyo. Umakyat kami sa itaas hanggang sa makarating kami sa second floor. Bumungad sa amin ang malawak na lobby kung saan mayroon ding mga naka-hanger na gown. "Dito tayo sa loob." Hinila niya ako hanggang sa makapasok kami sa isang pinto. Bumungad sa amin ang isang silid na puno din ng mga naka-hanger na gown at naglalakihang mga salamin. Kaagad naagaw ang pansin ko ng isang gown na suot ng isang manikin. Mukhang ito na ang gown ko. Tube lang ito at napakagarbo na kaagad kahit wala pang mga beads. "Ang ganda." Hindi ko napigilang humanga. "Just wait until the diamonds are added; it will look even more stunning," turan ni Mrs. Barrah. "Diamond po ba talaga ang ilalagay? Tunay na diamond?" tanong ko sa kanya. "Yeah. 'Yon ang gusto ni Chase. You'll look even more stunning on your wedding day." "Bagay kaya sa akin?" "Sukatin mo na. We'll help you." Pumasok naman dito sa loob ang mga assistant niya. "Salamat, Mrs. Barrah." "No worries." Isinara nila ang pinto. Hinubad ko na rin naman ang dress ko dito. Tanging panty at bra na lamang ang naiwang suot ko. "Mamaya mo na lang hubarin 'yang bra mo kapag naisuot mo na ang gown. May mga pads naman ito." "Sige po, Mrs. Barrah." Tinulungan na nga nila akong maisuot sa akin ang gown. "Medyo bibigat ito kapag naikabit na ang mga diamond. Marami-rami din 'yon," aniya sa akin. "Talaga po?" Kaagad kong pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. Inila-lock naman na nila ang mga tali nito sa likod ko. Ang isa sa kanila ay itinaas ang buhok ko at ginapos. Sobrang ganda ng gown. Napakagarbo at bumagay nga ito sa akin. "Wow! You look so beautiful!" bulalas sa akin ni Mrs. Barrah. "Wala pang mga diamond 'yan pero napakaganda na. It suits you! Really." Para naman akong maluluha habang nakatitig sa salamin. "Para naman ako ditong reyna." "You're right! You look like a goddess. Ang ganda, di ba?" Bumaling siya sa mga assistant niya. "Opo, Ma'am. Mas lalo pong nangibabaw ang ganda niyo." "Lalo na kapag naayusan kayo, Ma'am." "Mas lalo pong mai-in love sa inyo si Sir Chase." Hindi naman ako nakasagot sa mga sinabi nila. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin, pero biglang mukha ni Misty ang nakita ko sa sarili ko. Napakaganda nang pagkakangiti niya habang nakatitig sa akin. At nakita kong mas bagay sa kanya ang gown dahil maputi siya at maganda. At dito rin nababagay ang white shoes na binili nila ni Chase kahapon sa mall. Baka nga sa kanya talaga nakatalaga ang gown na ito at hindi sa akin. Pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Ilang ulit akong huminga ng malalim. "Mom?" Sunod-sunod na katok naman sa pinto ang bumulabog sa amin. Kaagad din itong bumukas at bumungad doon si Baida. "Sir Chase is here." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi nga nagtagal ay bumungad na rin sa likod niya si Chase. Hinayaan niya itong makapasok dito sa loob. May dala itong isang malaking paper bag. Muli namang lumakas ang kabog ng dibdib ko, lalo na nang agad nagtama ang aming mga mata. "Come here, Mr. Delavega. Saktong-sakto na ang sukat ng gown sa kanya. 'Yong mga diamond na lang ang kulang. Pero mabilis lang naman namin 'yang maikakabit," paliwanag sa kanya ni Mrs. Barrah. Naglakad siya palapit sa akin habang lumilibot ang mga mata niya sa kabuuan ko. Nababasa ko naman ang paghanga sa kanya. "What do you think, Mr. Delavega," tanong sa kanya ni Mrs. Barrah. "Great." Hindi maalis-alis ang mga mata niya sa akin. "It will be truly perfect once you put this on." Kaagad niyang inilabas mula sa paper bag niyang bitbit ang isang box. Ibinaba niya ito sa sahig at binuksan. Ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko na ang laman niyon! Namilog bigla ang aking mga mata! Y-Yong bridal shoes na gusto ko at napakamahal ng presyo! "Wow! Ang ganda ng shoes! Talagang babagay 'yan sa gown niya!" bulalas naman ni Mrs. Barrah. "Mukhang mamahalin 'yan, Sir Chase!" turan naman ni Baida. Kaagad ang mga itong inilabas ni Chase sa box. "Sit down," aniya sa akin. Nilagyan naman ng isang assistant ng silya ang likod ko. Dahan-dahan akong umupo. Nagtungo naman si Chase sa harapan ko at isa-isa niyang isinuot sa mga paa ko ang sapatos. Hindi ako makapaniwala. Para sa akin ba talaga ang mga shoes na ito? Nakita ko itong hawak niya kahapon sa mall. Binili niya pala, pero bakit sa akin niya ito ngayon ipinasusuot? "Okay." Muli na siyang tumayo. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalalayan akong makatayo din. Hindi ko na napigilan pang maging emosyonal sa harapan niya. "P-Para sa akin 'to?" tanong ko sa kanya. "May iba pa ba?" Muli niyang sinipat ang hitsura ko. "Absolutely stunning. You look incredibly beautiful." Nanlambot bigla ang puso ko sa mga sinabi niya. "I'll wait for you outside. We'll talk about something." Kaagad na rin siyang tumalikod at lumabas ng pinto. Abot-tainga naman ang ngiti ni Mrs. Barrah habang nakatitig sa akin. Kilig na kilig din ang mga assistant niya habang tila pinipigilang tumili sa harapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD