CHAPTER 10: Postponed the Wedding

1294 Words
Shynelle NAGPAALAM na rin ako kila Mrs. Barrah at sa anak niyang si Baida. Natanaw ko naman na si Chase sa loob ng kotse niya mula sa glass wall. Nakabukas ang bintana nito sa driver's seat. Suot din niya ang sunglasses niya. Lumabas na rin ako ng shop at lumapit sa kotse niya. Pumasok ako sa front seat at naupo sa tabi niya. Tahimik niyang pinaandar ang kotse. Mabilis ko namang isinuot ang seatbelt ko. Akala ko ay dito na kami mag-uusap. Kinakabahan ako sa kung anumang pag-uusapan namin. Siguradong matindi ang galit niya sa akin ngayon dahil nakita niyang sinaktan ko kanina ang ex-girlfriend niya. Itinago niya lang ito kanina sa harapan nila Mrs. Barrah at ng mga tao doon. Ngayon pa lamang ay nasasaktan na ako. Dapat kasi ay masanay na ako. Hindi ako dapat mag-demand ng kahit na ano sa kanya dahil ginagawa niya ang lahat ng ito sa akin para pagbayarin lamang ako. No love involved. "Where are your shoes?" mahinang tanong niya sa akin na siyang ikinalingon ko sa kanya. Nananatili namang nakatutok ang paningin niya sa unahan. Di ba niya ako sisigawan? "Iniwan ko na muna sa shop." Tumanaw ako sa labas ng bintana. Hindi ko na rin naman sila maisusuot pa. Sinadya ko pa ring isukat kanina ang gown para kahit minsan sa buhay ko ay maranasan ko ang maisuot 'yon at malaman kung ano ang pakiramdam. Okay na 'yon. Malakas kasi ang pakiramdam ko na walang kasalang magaganap sa pagitan naming dalawa. Hangga't naririyan sa paligid namin ang ex-girlfriend niya, hinding-hindi matutuloy ang aming kasal. Malakas ang pakiramdam ko na ipipilit ni Misty ang kagustuhan niya. Pag-aari lang daw niya si Chase kahit alam na niyang buntis ako. Lumabas din ang tunay na kulay niya at ang totoong hangarin niya. Hindi ako naniniwalang may sakit siya. Oo meron, baka sa isip. May problema siya sa isip. Hindi nagtagal ay huminto ang kotse sa gilid ng kalsada. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami dito sa lugar namin. Inihatid na pala niya ako. Kaagad kong inalis ang seatbelt ko. "Misty is sick." Napalingon naman ako sa kanya nang magsalita na siyang muli. Nakatulala siya sa kawalan. Mababakas sa anyo niya na tila pasan niya ang mundo. "Leukemia." "Paano ka nakakasiguro?" tanong ko sa kanya. "Ako ang kasama niya sa tuwing nararanasan niya ang hirap. Ako ang nagdadala sa kanya sa doctor." Napahinga ako ng malalim. Lumingon akong muli sa labas ng bintana. "Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo sa kaniya kanina." Napalingon akong muli sa kanya. "Ininsulto niya 'ko. Tinawag niya akong hampas-lupa at sinabi niyang pag-aari ka lang niya. Kinukuha ka niya sa akin." "You should have comprehended her. Misty feels depressed due to her illness." Saglit niya akong sinulyapan. Napanganga naman akong bigla sa sinabi niya. "At paano naman ako? Kung depress siya, huwag niyang idamay ang ibang tao. Hindi ako ang nagbigay ng sakit sa kanya!" Napatitig naman siya sa akin. "She told me she begged you." "Kailangan din kita, Chase!" Hindi ko na napigilan pa ang maging emosyonal sa harapan niya. Hinubad niya ang sunglasses niya at doon ko nakita ang pangungunot ng noo niya. Tuluyan nang nagsalubong ang aming mga mata. "You know the reason why we're getting married, right?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. "Hindi ito mangyayari kung wala kang ginawang kasalanan sa akin." Nag-umpisa na muling dikdikin ang puso ko sa mga sandaling ito. "Oo nga. Oo nga naman." Napatango-tango ako. "Dahil sa krimen na 'yon," sagot ko sa kanya. "Ang gusto mo lang naman ay magbayad ako, 'di ba? Gusto mo lang akong gawing alila? Eh, bakit magpapakasal ka pa sa akin? Pwede naman kitang pagsilbihan kahit hindi tayo kasal. Mangangatulong ako sa iyo. Hindi ko rin naman gustong magpakasal sa iyo." Napansin ko ang paghinto niya at biglaang pagtigas ng anyo niya. "Hindi mo gustong magpakasal sa akin?" Napalunok akong bigla sa galit na nababasa ko sa anyo niya. Hindi ako nakasagot. Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla na lamang niyang suntukin ang manibela! Tinamaan nito ang busina at lumikha ito ng ingay. Kumabog ng husto ang dibdib ko at nakaramdam ako ng takot sa kanya. Gumagalaw na ang kanyang panga. Pero nakita ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim na tila pinipigilan ang galit niya. Nakakuyom ng mariin ang mga kamao niya sa ibabaw ng manibela habang nakatitig sa unahan. "Ang gusto ko lang naman ay intindihin mo muna ang sitwasyon," aniya. Muli siyang lumingon sa akin. "I need to postpone our wedding by a month... I'm unable to make time for it right now." Napanganga akong bigla sa sinabi niya. Naikuyom ko rin ang mga kamao ko at nagsimula nang manlabo ang mga mata ko sa luha. "Walang ibang tutulong kay Misty dito sa Pilipinas kundi ako lang. Her family is in Las Vegas." "Hindi ko maintindihan... May sakit siya pero iniwan niya 'yong mga taong dapat ay mag-aalaga sa kanya." Hindi naman siya sumagot. Yumuko siya na tila hindi na rin malaman ang gagawin. "Ikaw ang bahala... Wala naman talaga akong magagawa. Sunod-sunuran lang naman ako sa lahat ng gusto mo. Ikaw ang boss ko at may utang ako sa iyo na dapat kong bayaran." Binuksan ko na ang pinto sa tabi ko at lumabas. "Hayaan mo, kapag nakahanap ako ng pera, babayaran kita para hindi ka na mahirapan pa. Hindi ka maiipit sa aming dalawa. Ibibigay na kita sa kanya." "Shynelle--" Kaagad ko nang isinara ang pinto at naglakad palayo sa kanya. Ngunit naramdaman ko ang paglabas niya rin, at nagulat na lamang ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko at malakas akong isinandal sa gilid ng kotse niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at marahas na hinalikan sa mga labi. "Hmmm!" Gusto kong manlaban ngunit wala akong magawa sa lakas niya. Mabuti na lamang din at itaas na bahagi lamang ng likod ko ang tumama sa kotse! Safe naman ang anak ko. Kaagad din niyang pinakawalan ang mga labi ko ngunit hindi ang katawan ko. Mariing tumitig sa akin ang kanyang mga matang puno nang kaguluhan. Hinahabol din niya ang kanyang paghinga at tumatama ang init nito sa akin dahil sa halos pagkakadikit na ng aming mga mukha sa isa't isa. "Ch-Chase..." "We're going to get married whether you like it or not. And there's nothing you can do about it!" Halos manghina ako sa mga sinabi niya. Muli niyang hinagkan ang mga labi ko, pero ngayon ay bigla itong naging masuyo. At may bagay na tila gustong iparamdam sa akin. Nakakapanghina. Nakakadala. Nakakabuhay nang p********e. At parang bibigay na naman ang puso ko anumang oras. Pero kailangan kong matutong maging matigas sa kanya. Dahil kung hindi, ako rin ang mahihirapan. Kami ng anak ko ang magiging kawawa sa huli. Malakas ko na siyang itinulak. Nakawala naman akong bigla sa kanya at mabilis siyang tinalikuran. "Shynelle..." Hindi ko na siya pinansin pa. Nagmadali ako sa paglalakad. Hindi naman na niya ako hinabol pa pero ramdam ko pa rin ang pagtitig niya sa akin mula sa malayo. Kaagad akong bumaba ng bangin at tumawid ng tulay. Pagpasok ko sa mga kabahayan ay muli akong huminto at sinilip siya sa itaas. Nakita kong nasa labas pa rin siya ng kotse niya at sinusuntok ito. Ilang beses din niyang tinadyakan ang gulong nito. Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari ngayon sa kanya! Ni-postponed niya ang kasal namin para sa babaeng 'yon? Sa ex-girlfriend niya! Kung mas mahalaga para sa kanya si Misty, bakit ayaw na lang niya akong pakawalan?! Bakit pinahihirapan pa niya ang sarili niya sa akin?! Sinasaktan lang din niya ako! Dahil lang ba sa isang milyong piso? Malulugi na ba siya sa isang milyong piso lang na nawala sa kanya?! Napaka-imposible niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD