Ang Sumpa ni Ibarra
AiTenshi
Part 6: Engkantao
"Ma, siguro ay mas maka bubuti kung iuwi mo na si Tob doon sa siyudad. May mga bagay lamang na hindi akma sa kanya kaya't nais ko sana siyang ialis muna rito sa hacienda." ang wika ko kay mama habang kumakain ng almusal. "Paano ang pag aaral niya? Minsan ko nang inuuwi ang batang iyan sa siyudad ngunit nag kakasakit ito dahil hindi sanay ang kanyang katawan sa ingay at polusyon doon. Maniwala ka hijo, noong dalawang taong wala kay ay pabalik balik kami sa doktor." tugon naman ni mama.
"Kung ganoon ay ano ang gagawin natin? Nag alala na ako kay Tob, kung ano ano ang nakikita nya at nakaka usap. Kagabi ay may nakita akong tao doon sa labas ng bintana hawak yung manok na inalay ko. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ba ito, mapula ang mata, may pangil at may sungay. Parang isang demonyo." seryoso kong salita dahilan para magulat si Manang Bering.
"Ang sabi sa akin ng aking ama ay may isang makapangyarihang engkanto raw na naninirahan sa bundok Hiraya. Ang pangalan nito ay Ibarra, ayon sa mga nakaka kita rito ay kahali halina raw ang itsura ng binata, talagang ang lahat ay nahuhulog sa kanya mapa babae at pati lalaki. Ang kanyang tingin ay nakaka lusaw na parang isang sumpa. Ngunit sa kabila ng mala anghel na mukha nito ay naka tago dito ang nakaka kilabot na anyo. Parang isang demonyo. Siya ang engkanto ng lupa malupit at mapanlinlang." salaysay ni manang Bering
"Kung ganoon ay bakit si Tob ang nais niyang pag diskitahan? Ano ang kinalaman ng aking anak sa mga bagay na ito?" tanong ko na may halong galit
"Hindi ko alam ngunit sa tingin ko ay napag lalaruan lamang ang iyong anak. Maaring mayroon itong nasirang isang mahalagang bagay na pag aari ng engkanto kaya't nakabantay ito sa iyong anak. Ang sabi ng aking ama ay maaari daw mag alay ng prutas o karne ng hayop sa mga engkanto upang hingin ang kanilang kapatawaran kung mayroon mang kasalanan ang iyong anak." tugon ni manang.
"Matagal nang nakikita ni Tob ang nilalang na iyon. Bago pa ako mawala ay nakikita ko na itong may kinakausap o kaya ay may iginuguhit na larawan ng mga kakaibang nilalang na lumalapit sa kanya. Susubukan ko ulit mag alay bilang peace offering sa kanila. Kapag hindi ito tumalab ay mapipilitan ako ilayo ang aking anak sa lugar na ito. Sa ikalawang beses ay gagawin ko ito."
"Wala namang mawawala kung mag aalay ka sa kanila ng paulit ulit, siguro ay nag papakipot lamang ang mga ito. May mga bagay na hindi nakukuha sa dahas." ang wika ni manang kaya naman noong mag hapong iyon ay nag handa ako ng isang bilaong prutas at mga karne para sa nilalang na sumusunod sa aking anak.
Batid kong dalawang nilalang ito, yung UNA ay yung parang demonyong engkanto na kinain yung manok na aking inalay. Siya yung nakakatakot na nilalang na madalas sa bintana ng aming silid.
Ang IKALAWA naman ay yung engkantong nag mamay ari ng asul na paru paro. Yun mismong nasa bundok ng Hiraya na nakita ko. Siya yung nag tatanggol sa akin sa tuwing inaatake ako ng kung nilalang na iyon. Batid kong dalawang nilalang ito na nag lalaban kung sino ang makaka kuha sa aking anak.
Alas 6 ng hapon, nag tungo ako sa likuran ng hacienda kung saan naroroon ang puno ng Akasya sa tabi ng aming patubig. Ito ang isa sa lugar na naka guhit sa larawang ginawa ni Tob kaya tingin ko ay may tiyansang marinig niya ako kung sakali man. Madilim na ang paligid at tahimik ang buong bakuran, walang ibang maririnig kundi ang lagaslas ng tubig at mga sumasayaw na sanga dulot ng malakas na hangin. May kaba at takot sa aking dibdib ngunit para sa aking anak ay gagawin ko ang lahat kahit ano pa ang maging kapalit nito. Batid kong ang nilalang dito ay yung lalaking may kaaya ayang mukha at yung tumulong sa akin na makalabas sa bundok ng Hiraya gamit ang kanyang paru paro.
FLASH BACK
"Diretsuhin mo ang batis na ito!! Makikita mo ang daan palabas!! Bilisan mo!!!!!" ang sigaw nito sabay pakawala ng isang kumikinang na paro paro sa kanyang kamay. "Sundan mo iyan, sya ang mag tuturo sayo ng daan palabas." ang dagdag pa nito.
Hindi na ako nag akasya sa sandali agad kong sinundan ang paro paro sa pag lipad nito. Tinahak namin ang daan sa batis, malayo layo rin ito kaya't takbong walang mulat ang aking ginawa. Noong mga sandaling iyon ay wala na akong naisip kundi ang makalabas sa sinumpang bundok na ito at makasama ko ang aking anak. Ilang oras pa lamang akong nandito ngunit marami na nang nangyari. Kung nakinig lamang ako sa babala ni manang Bering at nang iba ay hindi ko sana dadanasin pa ang bangungot na ito.
Ilang minuto rin ang aking tinakbo hanggang sa marating ko ang hangganan ng batis. Ito na ang paanan ng bundok at sa wakas ay nakalabas na rin ako. Nag laho ang paro paro na parang isang bula sa hangin kaya naman muli akong nag tatakbo pauwi ng hacienda. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay naging impyerno ang buhay ko sa pag tapak sa lugar na iyon. Ang akala ko ay tuluyan na akong mababaliw at mawawala sa aking sarili.
End of Flashback
Niligay ko ang alay sa ilalim ng Akasya, ibinuhos ko rin ang alak sa lupa kagaya ng habilin ni manang Bering at kasabay nito ang pakiki usap ko na tigilan na ang aking anak. "Para sa iyo ang alay na ito. Kung sino o ano ka man ay nakikiusap ako na tigilan mo na ang aking anak. Kung mayroon man siyang nagawang pag kakamali sa iyo ay pinag sisisihan na nya ang bagay na iyon. Ako na kanyang ama ay humihingi ng kapatawaran sa inyo, alam kong may kasalanan din ako kaya't kung maaari ay ako na lamang ang gambalain ninyo, huwag lamang siya. Nakiki usap ako. Dalawa na kayong nang gugulo sa aming buhay, kung maaari sana ay itigil mo na ito, ikaw na may mabuting puso, batid ko iyon dahil ilang beses mo na akong tinulungan."
Halos ilang minuto ko rin kinakausap ang buong paligid ngunit wala akong sagot na nakuha mula dito. Para akong isang tanga na nag mamakaawa sa isang bagay na sa imahinasyon lamang nagagaganap, ngunit ang nakaka tuwa ay realidad ito at buhay ng aking anak ang naka taya. Wala mang sumagot sa akin ay umaasa naman ako na narinig nila ang aking pag susumamo at pag bibigyan nila ang aking paki usap.
Tumalikod ako at nag simulang lumakad palayo sa puno ng akasya..
Lalong dumilim ang paligid, at mas lumamig ang ihip na hangin na humahaplos sa aking buong katawan.. Maya maya ay tila may pumapaswit sa akin kaya naman hindi ko mapigilan ang mapahinto at palingon kung saan man ito nang gagaling.
"Psst.."
Hinanap ko kung saan ito nag mumula..
"Psst.."
"Sino ka? Nasaan ka?" tanong ko bagamat nakatitiyak ako na nag mumula ito sa likod ng puno ng akasya. "Kung sino ka man alam kong nandyan ka lamang sa likod ng puno." dagdag ko pa habang lumalapit dito.
Maya maya ay sumagot ito "Nandito nga ako sa likod ng puno." boses ng isang lalaki.
"Bakit nandyan ka?" tanong ko
"Bakit gusto mo akong makita?" tanong din nito
"Wala lang, nais ko lamang makaharap ang nilalang na nakabantay sa aking anak." sagot ko.
"Makaharap? Baka matakot ka kapag nakita mo ako?" tanong ulit nito.
"Ipakita mo sakin ang iyong mukha."
"Ang aking mukha? Dapat kang matakot.." ang wika nito at maya maya ay marahang lumabas ang lalaking mula sa likod ng puno.
Matangkad ito, maputi, maganda ang mata, matangos ang ilong, mapula ang labi. Daig pa ang artista sa telebisyon. Naka suot ito ng itim na damit na may kakaibang desenyo at ganoon din ang kanyang pantalon na kakaiba ang tela. Kapansin pansin ang kanyang bilugang braso at magandang pangangatawan. Nakaka agaw din ng atensyon ang kanyang kulay abong buhok na siyang nag papatingkad sa kanyang kakaibang anyo."Teka pamilyar ang mukha mo sa akin. Ikaw yung nandoon sa bundok Hiraya, yung nag panggap na isang puno. Tama ako diba?" tanong ko
"At sinaksak mo." ang dagdag nito habang naka ngiti samantalang ako naman ay hindi makatingin sa kanyang diretso. Naalala ko kasi ang habilin ni Manang Bering na huwag titigin ng direkta sa kanyang mata dahil ang katumbas nito ay isang sumpang pag kahulog sa kanya. Ang ibig sabihin ay magiging alipin nya ako at sunod sunuran sa kanyang nais. Totoo nga haka haka dahil talaga kaakit akit ang mukha nito at nakakabakla.
"Oo sinaksak kita ngunit ipinag tanggol ko lamang ang aking sarili. Ngunit gayon pa man ay humihingi ako ng tawad dahil nagawa ko ang bagay na iyon. Salamat sa pag ligtas mo sa akin, kung wala ka doon marahil ay tuluyan na akong nawala sa mundong ito." wika ko habang iniiwas ang tingin sa kanya.
"Ang bundok ng Hiraya ay portal ng hiwaga. Ang gitnang parte nito ay may kakayahang baguhin ang oras, pabilisin o pabagalin ito depende sa sitwasyon. Mabuti na lamang dahil nakalabas ka agad kung nag kataon ay baka pag balik mo dito ay binata na ang anak mo. Teka, bakit tila yata iwas ang iyong tingin sa akin? May problema ba?" tanong nito
"Wala, hindi lamang ako komportable na tumingin sa mata ng kapwa ko lalaki." sagot ko.
"Iyon ba talaga ang dahilan? O baka naman natatakot kang mahulog sa akin? Marahil ay nabalitaan mo na ang sumpa ng mga engkanto. Kapag tumingin ka sa aking mata ay mahuhulog ka sa akin. Nakakatuwa lamang isipin na ang isang matigas ang ulo, pasaway, maton at lalaking lalaking katulad mo ay mahuhulog lamang sa isang lalaki rin." wika nito habang naka ngisi.
"Hindi na mahalaga sa akin iyon, ang importante ay ang paki usap kong tigilan mo na ang pag sunod sa aking anak. Hindi maganda ang epekto nito sa kanyang pag iisip."
"Mag kaibigan kami ng iyong anak. Maraming beses ko na siyang iniligtas mula sa tiyak na kapahamakan. Kung tutuusin nga ay mas ama pa ako kaysa sa iyo. Ako ang gumagabay sa kanya sa mga oras na walang mahalaga sa iyo kundi ang negosyo at karir mo." sagot nito.
"Tao ang aking anak at ikaw naman ay isang engkanto. Mag kaiba ang inyong mundo kaya't huwag mo siyang ilayo sa akin. Ang mga larawan iginuhit nya ay nag saad ng kanyang pag layo kasama ang isang nilalang na nag nanais na makuha siya. At naka titiyak akong masama ang balak mo sa kanya."
"Hindi yata ako ang tinutukoy mo? Wala akong intensyon na ilayo saiyo ang iyong anak. Baka naman ibang engkanto ang nag nanais dito. Alam mo Leo, maraming engkanto at kakaibang nilalang ang naninirahan sa bundok ng Hiraya. Nandyaan ang engkanto ng lupa, tubig, hangin, mga hayop at kung ano ano pa. Lahat sila ay may kanya kanyang agenda sa buhay kaya't sa tingin ko ay isang malaking kamalian ang pag bintangan mo ako. Dapat nga ay mag pasalamat ka pa sa akin dahil iniligatas kita sa kabila ng malalim na sugat na natamo ko mula iyong pag kakasaksak. Kung may balak akong ilayo ang iyong anak, sana ay hindi na kita tinulungan pa at hinayaan na lamang kitang mabulok doon sa ilog ng kawalan." ang seryosong salita nito dahilan para matahimik ako.
"Bakit nga ba kasi iniligtas mo pa ako? Hindi ba't galit ka sa amin dahil kami ang sumisira ng iyong tirahan?" tanong ko ulit.
"Dahil kaibigan ko ang iyong anak, ayokong lumaki siyang walang ama. Napaka espesyal na bata ni Tob kaya't naeenganyo akong bantayan siya." sagot naman nito
"Bakit hindi nalang ang kapwa mo engkanto ang bantayan mo? Ang maki halubilo ka sa mga mortal na katulad namin ay tila yata isang malaking pag kakamali. Naisip mo sana iyon."
"Naisip ko iyon Leo, ngunit kaya kong mag katawan tao kung nanaisin ko dahil isa akong engkantao." ang wika niya at naging itim ang kulay ng kanyang buhok.
"Engkatao? Ano naman iyon?"
"Ang engkantao ay kalahating tao at kalahating engkanto. Kami ay bunga ng pag kakasala ng aming mga pasaway na amang umibig sa mga babaeng mortal. Ngunit sa palagay ko ay hindi naman na mahalaga kung ano ako. Ang mabuti pa ay umuwi kana lamang at bantayang mabuti ang iyong anak dahil katulad nga ng sinasabi mo ay marami umaaligid na nilalang para kunin ito." wika nito
"Iniwanan ko si Tob sa pangangalaga ng aking ina kaya't naka titiyak ako na maayos siya doon. Pero sa tingin ko ay kailangan ko na ring umalis dahil lumalim na ang gabi at patindi na rin ng patindi ang lamig." ang wika ko sabay talikod sa kanya.
"Salamat sa mga prutas. Matutuwa ang mga kasamahan ko nito." ang wika nito habang kumakain ng mansanas.
"Anong pangalan mo?" ang pinaka huling katanungan ko sa kanya bago tuluyang lumisan.
"Tawagin mo akong Ibarra.." sagot nito
"Ibarra..." bulong ko sa aking sarili sabay talikod sa kanya at doon ay ipinag patuloy ko ang aking pag lalakad. Kapag tataka lamang dahil hindi ako nakakaramdam ng takot habang kausap ko siya, napaka banayad ng kanyang dating bagamat kakaiba sya sa akin o ibang tao. Ramdam ko rin na masayahin siya dahil lagi itong naka ngiti.
Ilang hakbang pa ang aking ginawa at muli akong lumingon sa puno ng Akasya ngunit wala na si Ibarra dito, wala na rin ang mga prutas, gulay at karne na inialay ko para doon sa nilalang na nang gugulo sa anak ko. Ewan, hindi naman para sa kanya iyon pero kinuha nya ang mga ito, pakiramdam ko tuloy ay naisahan nya ako pero okay lang din pasasalamat ko na rin iyon sa pag ligtas nya sa akin.
Pag dating ko sa tarangkahan ng aming hacienda agad ko nakita si Manang Bering at si mama na tumatakbo patungo sa akin bakas sa mukha nila ang labis na pag aalala kaya naman tumakbo na rin ako para salubungin sila. "maaa. bakit? anong problema?" ang pasigaw kong tanong.
"Anak, mang nangyari kay Tob.. Bilisan mo..." ang wika ni mama habang nag kakanda iyak ito sa pag sasalita.
Halos atakihin ako sa puso noong marinig ko ang sinabing iyon ni mama. "Anong nangyari kay Tob? Anong nangyari?" ang sigaw ko na hindi maitago ang pag alala.
"Kanina lamang ay nag lalaro ito roon sa labas sa hardin, pag katapos ay bigla na lamang siyang bumagsak at hanggang ngayon ay hindi pa nag kakamalay." ang wika ni Manang Bering kaya naman nag kakandarapa akong nag tungo sa loob ng bahay kung saan naroroon ang aking anak.
"Tob!! Anak ko gumising kaaa!" ang sigaw ko habang tinatapik ang mukha nito ngunit walang epekto. Humihinga naman siya at normal ang pulso kaya naman agad kong ipinahanda ang sasakyan upang isugod na ito sa ospital.
Kumuha rin ako ng damit upang palitan ang saplot nito at noong hinubad ko ang kanyang pantalon ay nakita kong nag iba ang anyo ng kanyang tiyan pababa sa hita, naging kulay brown ito na parang sanga ng kahoy ay tumutubong dahon sa kanyang balat. "Anong nangyayari sa anak ko? Bakit parang naging punong kahoy ang kanyang balat?" ang tanong ko kay mang Bering habang hinihimas ang katawan nito.
"Leo, mukha hindi doktor sa ospital ang kailangan ng iyong anak. Tatawag ako ng albularyo ngayon din." ang wika ni manang Bering sabay takbo palabas ng pintuan
Samantalang ako naman ay halos mapaiyak habang niyayakap ng mahigpit ang aking anak at doon ay nag patuloy sa pag kayat ang kakaibang anyo ng balat nito hanggang sa gumapang na sa kanyang leeg at mukha..
itutuloy..