Part 5: Pag-aalay

2110 Words
Ang Sumpa ni Ibarra (The Cursed of Ibarra) BXB Fantasy Ai_Tenshi   Part 5: Pag-Aalay "Tob! Bumalik kaaa!! Bumalik ka dito!!" ang sigaw ko at muli akong tumayo saka hinabol silang dalawa. Habang nasa ganoong pag takbo ako ay nakita kong lumilipad ang isang paru parong kulay asul sa aking tabi. Katulad dati ay nag liliwanag ang pakpak nito sa gitna ng kadiliman. Bumilis ang aking pag takbo, walang humpay hanggang sa makapit ako sa aking anak at hablutin ito sa kamay ng lalaking may hawak sa kanya. "Tang ina mo! Layuan mo anak ko! Hinding hindi mo siya makukuha sa akin! Patayin mo muna ako bago mo siya mailayo!!" nag sigaw ko sabay suntok sa kanya pero tumagos lang ang aking kamay sa kanyang katawan. Gumalaw ang kanyang kamay ay dinakot ako sa leeg saka ako itinaas sa ere. Napatingin ako kay Tob na noon ay walang malay. Nasa ganoong posisyon ako noong biglang dumami ang asul na paru paro sa aking paligid at isa isa silang umatake sa patungo sa kalabang lalaki. Nabitiwan ako ng lalaking iyon ngunit ang kanyang sakal ay ang iwan ng galos sa aking leeg. Habang abala ang mga ito sa pag lalaban ay agad kong binuhat si Tob at nag tatakbo ako sa gitna ng dilim. Sinundan ko ang maliit na liwanag na nag mumula sa bakuran ng aming bahay. Hingal na hingal ako sa pag takbo, noong mga sandaling iyon ay wala akong ibang naisip kundi ang maging ligtas ang aking anak. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa aking leeg pero hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin. Nag tatakbo ako papasok sa aming bakuran at noong buksan ko ang pinto ng bahay ay siya ring pag bukas ng aking mga mata, napahinga ako ng malalim sabay balikwas sa aking higaan. "Panaginip lang ba ang lahat?" tanong ko sa aking sarili. Napatingin ako kay Tob, tulog na tulog ito habang nakayakap sa kanyang unan. Alas 4 palang ng madaling araw, bumangon muna ako para uminom ng tubig at nanunuyo ang aking lalamunan. Noong tumayo ako ay napansin kong puro natuyong putik ang aking paa at nakita ko rin sa salamin ang galos sa aking leeg. Napa atras ako at nabuwal sa sahig, lalo akong natakot, lalo akong naguluhan. Ang alam ko ay panaginip lang ang lahat pero bakit ako may ganito? Takot na takot ako agad kong hinugasan ang aking paa at dito ay ginising ko si Manang Bering dahil pakiwari ko ay mabubuang ako anumang oras. "Hindi ko na kayang ipaliwanag ang lahat, basta iyon ang nangyari manang Bering. Kahit isipin mong nababaliw ako ay iyon talaga ang totoong naganap. Mamatay man ako,hindi ako nag sisinungaling." ang wika ko na hindi malaman kung iiyak ako o sisigaw sa matinding takot. "Uminom ka muna ng tubig at ikalma mo ang iyong sarili. Huwag mong isiping nabubuang ka dahil imposible ito. Alam mo Leo, ang lahat ng bagay dito sa paligid ng bundok ng Hiraya ay mahiwaga, ang bawat bagay dito sa bakuran natin ay may sariling buhay at mayroon isang nilalang ang nag mamay ari sa kanila. Katulad na lamang ng malalaki puno ng Balete doon sa paanan ng bundok na sinasabing tirahan ng mga kapre. Mayroon ring nag sasabihin tirahan ito ng mga mabubuti at masasamang diwata. Bata palang ako ay pinaniwalaan ko na ang lahat ng ito, at ang ilan sa kanila ay talaga nakita ng aking mga mata. Kaya't alam kong totoo ang kababalaghan, totoo ang mga isinumpang panaginip at bagay bagay. Naalala ko ang kwento ng aking lolo tungkol sa naganap sa kanya noong siya ay binata pa lamang. Habang natutulog daw siya aksidenteng nakita niya ang isang tikbalang sa kanilang bakuran. Pinaalis niya ito at pinana hanggang sa tamaan ito ng palaso sa gawing tiyan. Nagalit sa kanya ang tikbalang at pinarusahan siya nito. Gabi gabi ay tinatawag siya ng tikbalang sa kanyang pag tulog at dito walang humpay siyang tumatakbo, paikot ikot siya sa bundong ng Hiraya hanggang pag sapit umaga ay matatagpuan nalang siya ng kanyang asawa sa kanilang bukuran na nakalupaypay at walang lakas. Tapos, sa pag sapit dilim ay muli nanaman siyang tatawagin ng nilalang na nag sumpa sa kanya at muli nanaman siya tatakbo ng tatakbo hanggang sa pag putok ng araw. Tapos ay matatagpuan nanaman siya ng kanyang asawa sa bakuran nila pag sapit ng umaga. Paulit ulit ang nangyari sa kanya hanggang sa tumagal siya ng ilang buwan sa gaanong sumpa." "Kung ganoon manang Bering paano natigil ang sumpa sa inyong lolo?" tanong ko "Bata ako noon, basta ang natatandaan ko lang ay nag alay ng dalawang manok ang aking lolo sa lugar kung saan niya nakita ang tikbalang at nanghingi siya ng tawad habang isinasabog niya nag dugo nito sa lupa. Pinatawad naman siya ng tikbalang at malaunan ay nahinto na ang pag papatakbo sa kanya ng walang katapusan." "Kung gayon ay susubukan kong mag alay rin sa ating bakuran, baka may nagawang kasalanan si Tob sa lalaking nakabantay sa kanya. Sana ay patawarin siya nito." "Maaari mong subukan, basta't huwag mong kalimutang sambitin ang tungkol sa pag papatawad." At iyon nga ang set up, alas 6 ng umaga ay nag tungo kami ni Manang Bering sa likod bahay, doon mismo sa bakuran kung ko madalas nakikita ang imahe ng lalaking nakasilip sa bintana kapag gabi. Bitbit ko ang tatlong buhay na manok at isang basket ng prutas. Sinunod ko ang instructions ni Manang Bering. Una, dapat ay lumuhod sa lupa, gilitan ng sabay sabay ang tatlong manok. Ikalawa ay sindihan ang insenso at sasambitin ni manang Bering ang kanyang dasal. Ikatlo, ang dugo na nag mumula mismo sa leeg ng manok ay isasabog sa lupa bilang alay at simbolo ng pakikipag bati sa nilalang na naperwisyo ng aking anak, kung mayroon man. Hindi ko tiyak ang aming ginagawa, ngunit hindi naman ako nawawalan ng pananalig na ang lahat ay magiging maayos. Pag katapos sa bakuran ay nag alay rin ako ng mga manok sa paanan ng bundok at nangako ako na hindi na tatapak doon upang manguha ng troso, basta ang nais ko lamang ay ang katahimikan ng aming buhay. Bandang alas 9 ng umaga noong matapos sa pag aalay, dito ay naabutan ko si Tob at si mama na kumakain ng almusal. "Saan ka ba galing Leo?" tanong ni mama. Umupo ako sa kanilang tabi. "May importante bagay lang po akong inasikaso. Kamusta ang tulog mo big boy?" tanong ko kay Tob. Tumingin ito sa akin at saka ngumiti. "Okay naman po papa." "Wala ka bang napanaginipan na kahit ano? Wala ka bang gustong ishare kay papa?" tanong ko. "Hmmm, wala naman po papa. May dream ako kagabi nag punta daw tayo sa mall at kumain kasama ang friend mo." ang wika niya. "Friend? Sino?" pag tataka ko. "Hindi ko po kilala basta love niyo ang isa't isa." Natawa ako at ginusot ang kanyang buhok. Uminom ako ng kape at ngumiti sa kanya. "Siguro isang magandang babae ang kadate ni papa. Kasama si Tob. Tama ba?" tanong ko. "Hindi po. Lalaki po iyon. Nag kiss pa nga kayo." ang wika nito dahilan para maibuga ko ang aking iniinom na kape. Natawanan sila mama at Manang Bering.. "Lalaki? Bakit naman anak? Ayaw mo bang mag karoon ng bagong mommy? Alam ko na siguro namimiss mo lang lumabas diba? Dont worry sa weekend ay pupunta tayo sa mall. Ayos ba iyon? Give me five big boy!" ang wika ko. Nag apir kami ni Tob at saka nag patuloy kami sa pag kain. "Alam mo naninibago siguro sa iyo si Tob dahil ngayon ay nag aaya kana lumabas sa mall. Dati ay nakakulong ka lang doon sa opisina at wala kang gumawa kundi ang sumigaw at mag pakaboss sa mga tauhan mo." wika ni Manang. "Iyon naman po ay dala lamang ng matinding pressure. Ayokong sabihin ni papa na wala akong kwentang anak na hindi ko kayang mag patakbo ng isang negosyo. Pero ngayon ay naluge na ito ng tuluyan kaya't tiyak na napatunayan na niyang totoo nga na wala akong kwenta at wala akong mararating." sagot ko. "Leo, huwag mo na ngang pinapansin ang papa mo. Nasa siyudad siya at noong ibalita ko sa kanya na nag balik ka ay natuwa naman ito." ang sagot ni mama. "Nakatanggap nga ako ng mensahe mula sa kanya na pinapa bayaran niya yung negosyong naluge sa akin. Kaya kapag tumatawag siya pinapatay ko nalang yung telepono para hindi na niya ako magulo pa." sagot ko na may halong pag kainis. "Huwag mo na isipin ang tungkol doon, ako na lamang ang bahalang umayos ng mga dokumento tungkol sa negosyong naluge. Maaari mo naman itong irevive, papahiramin kita ng kapital." wika ni mama "May ipon pa naman ako ma, marami ring naka time deposit kay Tob para sa pag aaral niya. Ngayon palang ay sinisigurado ko nang makapag tatapos siya ng kolehiyo dahil malaking halaga iyon." "Basta, kung kailangan mo ng dagdag na puhunan ay sabihin mo lang sa akin." ang sagot ni mama sabay kandong kay Tob. Alas 9 ng gabi, maaga kaming nahiga ni Tob sa aming silid. Binabasahan ko siya ng kanyang paboritong alamat sa libro. Ngayong gabing ito medyo gumaan ang aking pakiramdam dahil batid kong gumana ang proseso ng pag aalay kanina. Ang sabi ni manang Bering ay magiging mas epektibo ito kapag nilakipan ang taos pusong pag papakumbaba at pag hingi ng tawad bilang dasal. Sa palagay ko ay ganoon naman ang aking ginawa. Ang lahat ay para sa aking anak at sa kanyang ikatatahimik. Patuloy ako sa pag babasa ng Alamat ng Pinya.. Umabot ng matagal ang sakit ni aling Rosa kaya napilitan si pinang na gumawa ng mga gawaing bahay. Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo kaya itinanong niya ky aling Rosa kung nasaan ito. Nang sumunod na araw naman ay sandok naman ang kanyang hinahanap sa kanyang ina. At halos araw araw ay wala siyang ginawa kundi tanungin si aling Rosa sa mga bagay na hindi pa niya sinusubukang hanapin ng mabuti. Kaya nayamot si aling Rosa sa kakatanong ni pinang, kaya't na wika niya na. "Naku Pinang, sanay magkaroon ka ng maraming mata at nang makita mo ang lahat ng mga bagay at hindi ka tanong ng tanong sa akin." Dahil alam niyang galit ang kanyang ina ay dinalang umimik si Pinang at naisip din niya na my pag kakamali siya, kaya nag paalam na siya sa kanyang ina upang hanapin ang sandok. Ngunit kinagabihan ay tinatawag ni aling Rosa si Pinang ngunit walang sumasagot, kaya napilitan siyang bumangon at nag handa ng pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling na si aling Rosa subalit ganundin katagal nawawala si Pinang. Kaya agad itong pumunta sa mga kalaro ni pinang at pati sa mga kapit bahay ay ipinag tanong niya ito. subalit walang makapag sabi o makapag turo kung nasaan si Pinang. At malungkot siyang umuwi patungo sa kanilang tahanan ng matanaw niya ang isang napakagandang halaman na noon lamang niya nakita ang ganung klaseng halaman. Kayat inalagaan niya ito ng mabuti tulad ng pag aaruga at pag aalala sa anak niyang si pinang. At hindi nagtagal ay lumaki ang halaman at nag bunga ito, na ikinagulat ni aling Rosa nang makita niya ang hugis nito, ay mistulang ulo ng tao na napapalibutan ng maraming mata. Napahinto ako sa pag babasa noong makitang natutulog na si Tob, nakayakap ito sa aking braso kaya naman kinuha ko ang kanyang kumot. Hinalikan ko ito sa noo at iniayos ang kanyang pag kakahiga. Malaking pang hihinayang na lumipas ang dalawang taon sa kanyang buhay na hindi ko man lang nakita kung ano ang ginagawa niya. Sa isang iglap ay parang nag bago ang lahat at bago ko pa mamalayan ay malaki na pala ang aking anak. Napangiti ako habang pinag mamasdan ko siya. Papatayin ko na sana ang ilaw sa aking lampshade noong biglang hinangin ang aking kurtina at dito ay may paswit akong narinig. "Pssst!" Natahimik ako at muling kumabog ang aking dibdib. Kasabay noon ang pag harap ko sa bintana kung saan mas nasindak ako sa aking nakita! Ang lalaking itim ay hawak ang dalawang patay na manok na aking inalay ay kinakain niya ito hilaw. Kumaway pa ito sa akin habang balot ng dugo ang kanyang kamay at bibig. Dito ko napag tanto na balewala ang pag aalay, hindi ito makukuha ng ganoon kadali. Ang engkantong ito ay may ibang pakay sa aking anak at ramdam kong hindi siya titigil! "Tama na! Sino ka ba? Layuan mo na ang anak ko!" ang sigaw ko dahilan para magising si Tob at umiyak dahil sa matinding takot sa aking galit na boses. Dito na bumukas aking pintuan at pumasok sina mama at manang Bering. Agad kong ibinigay si Tob sa kanila at mabilis kong kinuha ang aking baril saka ako lumabas sa bakuran kung saan nakatayo ang lalaki. Pero bigo na akong makita ito. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD