Ang Sumpa ni Ibarra
AiTenshi
Aug 18, 2020
Part 7: Tembong
"Pinag lalaruan ng engkanto ng anak mo Leo, galit na galit ito at talagang balak niyang wakasan ang buhay ng bata. Sa aking palagay ay may naperwisyo itong nilalang mula sa labas ng inyong bakuran kaya't mabilis na nag bago ang anyo nito. Ito ay isang uri ng sumpa mula sa nag aalburutong nilalang na iyon. Mabuti pa ay mag handa kayo ng mga prutas at gulay bilang pang alay sa kanya." ang wika ng albularyong kaibigan ni Manang Bering
"Pang alay? Iyon lang yon? Nasa panganib ang buhay ng aking anak, hindi ko matitiis na makita siya sa ganitong kalagayan. Ilang araw bago ito gumaling? May pag asa pa ba?" ang tanong ko.
"Hindi ko alam kung ilang araw ang aabutin ng sumpa, ang kailangan nating gawin ay kausapin ang nilalang na nag sumpa ang iyong anak. Walang kasiguraduhan ang maaaring maging resulta nito ngunit mas mabuti nang subukan." sagot nito.
"Kung ganoon ay hindi ka sigurado sa mga sinasabi mo? Maaaring mamatay ang anak ko at ano mang oras ay baka mawala siya sa akin tapos sasabihib mo na walang kasiguraduhan ang gagawin nating ito? Putangna!! Walang kwenta!!" ang sigaw ko sabay hablot ng kanyang kuhelyo
"Leo, huminahon ka, hindi tao ang kalaban natin kundi isang engkanto. Walang magagawa ang init ng ulo mo sa ngayon." ang sagot naman ng albularyo kaya agad ko rin binitiwan ang damit nito.
Tahimik..
Wala akong nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa aking silya at doon ay pag masdan ang kaawa awang lagay ni Tob. Ang buong katawan nito ay mistulang naging katulad ng sanga ng punong kahoy at habang tumatagal ay tila nahihirapan ito sa kanyang sitwasyon. Lalo lamang kumikirot ang aking dibdib kapag nakikitang kong hinahabol nito ang kanyang pag hinga na tila malalagutan ng hangin sa kanyang katawan.
Basta hindi ko na alam ang aking gagawin, halos balutin na ako ng matinding takot, pag aalala at kawalan ng pag asa kaya naman pumasok sa aking isipan ang isang mapangahas na desisyon.
Agad kong binuhat ang aking anak na ikinagulat nina mama. "Leo, saan mo dadalin si Tob? Hindi makabubuti sa kanya ang dalhin sa labas." ang wika ni Manang Bering ngunit hindi ko na ito pinakinggan pa.
Mabilis akong nagtatakbo sa labas buhat ang lupaypay na katawan ni Tob. Tinahak ko ang daan palabas sa likuran ng hacienda kung saan naroon ang puno ng akasya at doon ay sumigaw ako ng pag lakas lakas "Ibarraaaaa!! Ibarraaaaaa!!! Tulong... Tulungan mo ang anak kooo." ang wika ko at doon hindi ko na napigil ang aking emosyon. "Ibarraaaa!!!!!" muli kong sigaw..
Halos ilang beses ko rin ito tinatawag bago tuluyang lumabas ang mga asul na paro paro na nagiging bahagi ng kanyang katawan kapag nag sasama sama. "Sabi na nga ba eh hihingi ka rin ng tulong sa akin." bungad nito habang sinusuri ang katawan ni Tob.
"Baka naman ikaw ang may kagagawan kung bakit nag kaganito ang anak ko?" tanong ko naman.
"Tado, huwag mo nga akong pag bintangan. Hindi ako ang may gawa nito. Sa palagay ko ay nasira ni Tob ang tirahan ni Tembong yung nuno doon sa bakuran ninyo." ang wika nito.
"Tembong? Nuno? Paano mag kakaroon ng nuno sa punso doon eh pina landscape ko lang iyon noong nakaraang taon." tanong ko naman.
"May nuno sa punso doon sa loob ng bakuran ninyo, hindi ito nagalaw noong mag pa landscape ka ng bakuran dahil nandoon dito sa tabi ng puno ng Mangga kung saan naka kabit ang duyan ni Tob. Marahil ay nasira ng iyong malikot na anak ang bahay niya kaya't nagalit ito."
"Paano natin maililigtas ang buhay ng anak ko? Ayokong mawala siya sa akin."
"Madali lamang iyan, kakausapin natin si Tembong na alisin na iginawad na sumpa sa iyong anak."
"Paano natin gagawin iyon? Tao lamang ako, wala akong kapangyarihan katulad mo." tanong ko
"Madali lang, pupuntahan natin ang tahanan ni Tembong at kakausapin ito. Ang mabuti pa tayo na baka umakyat ang sumpa sa ulo nya, mahirap na itong alisin." wika nito sabay karga sa aking anak at lumakad ito patungo sa tarangkahan ng aming hacienda.
"Sure ka? Lalakad ka kasabay ako?" tanong ko.
"Oo naman. May problema ba?" tanong din nito.
"Diba engkanto ka? Paano kung makita ka ng mga tao doon sa loob ng hacienda?" tanong ko ulit
"Oh edi okay lang, baka nga pag kaguluhan nila ako dahil napaka gwapo ko. Saka baka nakakalimutan mong tao pa rin ako. Kaya kong mag katawang engkanto o tao kung aking gugustuhin kaya't hindi ako pag duduhan ng mga tao doon sa bakuran ninyo. Bilisan mo mag lakad dahil baka makatunog si Tembong na pupuntahan natin siya, mag tatago iyon panigurado."
"Sino ba ang Tembong na iyon? Saka bakit parang hindi ka natatakot sa kanya?" tanong ko lang.
"Mas makapangyarihan ako sa kanya kaya't hindi ako natatakot. Mabait si Tembong, ayaw lamang niyang nasisira ang kanyang pag aari. Sya ay isang baklang nuno sa punso kaya't natitiyak kong masiyahin ang nilalang iyon. Eksperto sya sa pag gamit ng mga halamang gamot at kung ano ano pang may kinalaman sa mga punong kahoy." salaysay ni Ibarra
Makalipas ang ilang minutong lakaran ay narating namin ang bakuran ng hacienda kung saan naroon ang isang malaking puno ng mangga. Dito nakatali ang duyan ni Tob dahil malilim dito at presko ang hanggin. Sa gilid nito ay may isang tumbok ng lupa na animo maliit na bundok. Marahil iyon ang "punso" kung tawagin na sinasabing tirahan ng mga nuno.
Tahimik..
Maya maya lumakad si Ibarra palapit sa puno at kinatok ito. "Pareng Tembong nandyan ka ba?" ang tanong nito na animo tangang sumisilip sa katawan ng puno ng mangga. "Pareng Tembs."
Ilang sandali rin tumatawag si Ibarra hanggang sa may narinig akong nag salita sa loob ng puno. "Ano bang problema ninyo? Nag bebeauty rest yung engkanto, hindi nyo ba alam na linggo ngayon? Bawal mang gamot." ang masungit na boses nito sabay bukas ng pintuan sa katawan ng mangga. Ewan ngunit parang namamalik mata ako ngunit para may pintuan nga dito. "Bumalik nalang kayo bukas okay. Mainit ang dugo ko. Imbyerna!!!" ang wika nito na naka suot ng kulay brown na damit na may mga gintong burda. Eh parang nakahawig nga ni John Lapuz ang nuno, mataray ito at talagang nakasuot pa ng magarang sumbrero.
"Pati ba naman ako ay paalisin mo." ang nag tatampong salita ni Ibarra habang naka tayo sa pintuan ng kanyang tahanan. Ang dalawang kamay ay naka kapit sa haligi nito kaya naman kitang kita ang bilugang braso niya na parang nang aakit na hindi mo malaman. "Ayyy ikaw pala papa Ibarra. Hindi mo naman sinabing ikaw iyan. Masyado kasing malaki itong hairdress ko hindi tuloy kita nakita agad. Pasok kayo." ang wika nito.
"May kasama akong kaibigan si Leo at ang kanyang anak." ang wika ni Ibarra
"Ofcourse I know Leo at sutil na batang iyan." ang mataray na salita nito. "Naparito kami para paki usapan ka na kung maaari ay alisin mo na ang sumpa sa bata. Kawawa naman sya." ang wika ni Ibarra.
"Eh kung ayoko? Cute pa naman kayong mag ama, lalo kana Leo, ang tagal ko nang nag papa charming sayo pero di mo ako pinapansin. At dinedma mo na nga ang beauty ko sinira mo pa ang dating bahay ko na nakatirik doon sa puno ng santol na sinira mo. Naku nakaka imbyerna ka talaga, ilang beses ko na ring iginawad sayo ang sumpa ko pero ayaw tumalab talab, siguro ay masyado nang makapal ang balat mo kaya wa epek ang powers ko. Ke gwapo mo pa naman. Edi ayon nga, nasira ang bahay ko dati kaya no choice ako kundi ang lumipat dito sa mapangheng puno ng Manggang ito na naging ihian ng sutil na anak mo. Aba e araw araw ay umuulan doon sa opisina ko dahil sa ihi niya. Pasalamat sya at hindi ko pinapalaki ang ari nya." ang galit na salita nito na halatang nangigigil.
"Ano ba ginawa ng anak ko para parusahan mo siya ng ganito?" ang tanong ko naman.
"Malaki!! Sinira lang naman niya ang buong laboratoryo ko. Tinapakan niya ang punso doon sa gilid ng puno. Aba e ang akala ko ay kinakain na ako lupa noon pala ay nagigiba ang bahay ko. Dapat lang iyan sa anak mong malikot." sagot nito
"Pareng Tembong baka naman pwede nating pag usapan ito." ang malambing na boses ni Ibarra habang hinihimas si Tembong sa balikat.
"Pare? Over ha. Huwag mo nga akong akitin. Isa ka pa Ibarra, ang tagal ko nang hinihiling na sana ay pansinin mo ang beauty ko pero waley talaga. Kung sa bagay sino ba naman ako para pansinin ng pinaka gwapong engkanto sa balat ng lupa. Hanggang panaginip nalang kita." pag mamaktol pa nito.
"Pwede naman tayo maging mag kaibigan diba? Alisin mo na ang sumpa doon sa bata. Ibalato mo na sakin ang isang ito. Please naman." paki usap ni Ibarra.
"Eh paano naman ako makatitiyak na hindi na uulitin ng bagets na yan na sirain ang bahay ko?" ang mataray na tanong nito.
"Ililipat ko na lamang ang laruan ni Tob sa balkunahe ng bahay. At pababakuran ko ang paligid ng punong ito upang hindi ka maabala. Maawa ka sa anak ko, bata siya para makaranas ng ganito.. Sana ay ako na lamang ang isinumpa mo, ayoko lang makitang nag hihirap ng ganito ang anak ko. Paki usap, patawarin mo na siya."
"Oo nga naman pareng Tembong, patawarin mo na si Leo at ang anak nya. Minsan lang ako humiling sa iyo ay ipapahiya mo pa ako." sabad ni Ibarra kaya mas lalo napaisip si Tembong.
"Oh sige na. Napaka hirap naman kasi na dalawang gwapong lalaki ang nasa harap ko. Oh ayan, ipainom nyo iyan sa kanya. Katas iyan ng dahon ng makahiya na matatagpuan doon sa bundok ng Hiraya. Okay lang sa akin kahit na sineen zone nyo ang beauty ko, makaka move on din ako. Babushhh!!" ang wika nito sabay sara ng pintuan ng kanyang bahay.
"Ganun kabilis?" ang tanong ko
"Oo bro, mabait iyang si Tembong. Ayaw lamang niyang naiistorbo siya. Mabuti pa ay gamutin na natin ang iyong anak bago tuluyang kumalat ang sumpa sa kanyang ulo." pag yaya nito.
"Saan naman natin siya gagamutin?" ang tanong ko.
"Edi doon sa bahay ninyo. Tayo na." ang wika nito sabay lakad papasok sa aming balkunahe.
"Teka baka mag taka sa iyo sina mama at manang Bering." pag suway ko naman. "Hindi sila mag tataka dahil tao rin naman ako. Walang nakaka alam na isa akong engkanto kaya't relax ka lang." tugon nya habang naka ngisi.
Nasa ganoong pag uusap kami ng biglang lumabas si Manang Bering at doon ay nakita nila ang aming pag pasok sa loob ng bahay. "Leo, saan mo dadalhin si Tob? Hindi pa siya tapos gamutin ng albularyo." bungad ni manang. "May bisita ka pala, hindi mo man lang sa akin sinabi upang nakapag handa ako ng makakain." dagdag pa nito noong makita ni Ibarra na nakangiti.
"Si Ibarra po kaibigan ko. Siya ang tutulong sa akin para mapabuti si Tob."
"Kung ganoon ay isa albularyo ang kaibigan mo?" pang uusisa nito.
"Ah eh, parang ganoon na nga po." sagot ko habang napapa kamot ang ulo.
"Ang bata namang albularyo nito, isa pa ay napaka gwapong niya para maging isang manggamot ng kulam. Mainam pa ay dalhin nyo na si Tob doon sa loob at subukan itong gamutin." ani manang kaya naman agad naming ipinasok si Tob sa bahay at pinahiga ito sa sofa.
Iniligay ni Ibarra ang katas ng dahon ng makahiya sa isang taas at bago niya ito ipainom kay Tob ay dinasalan pa nya ito kaya't ang kaninang kulay berdeng likido ay naging dilaw. "Nilagyan ko ng karagdagang proteksyon ang gamot upang hindi basta basta tatalaban ng kahit na anong negatibong sumpa si Tob mula sa mga elemento sa paligid." paliwanag niya at ipinainom sa aking anak ang naturang gamot.
Ilang sandali lamang ang aming hinintay at maya maya ay muling gumapang paibaba ang sumpa sa katawan ng aking anak. Muling bumalik sa normal ang balat nito at ganoon din ang kanyang temperatura. Walang mapag sidlang kaligayahan ang aking naramdaman noong mga oras na iyon kaya naman agad kong niyakap si Tob at hinalikan ito sa noo. Abot langit din ang aking pasasalamat kay Ibarra na siyang tumulong sa akin upang mailigtas ang aking anak. "Salamat, utang ko sayo ang buhay ni Tob." wika ko.
"Wala iyon, napamahal na rin sa akin si Tob. Kung tutuusin nga ay para ko na rin siyang anak kaya't hindi ko siya magagawang pabayaan." ang wika nito sabay bitiw ng matamis na ngiti.
Muling bumalik sa normal ang kondisyon ni Tob kaya naman halos maiyak sina mama at Manang Bering dahil sa sobrang tuwa. Bilang pasasalamat kay Ibarra ay inanyayahan siya ni mama upang sumalo sa hapunan at para maka kwentuhan na rin. Syempre ay bumalik na rin sa sigla ang buong kabahayan dahil sa kakulitan ng aking anak na siyang nagbibigay ng ibayong tuwa at ngiti sa lahat.
Abot rin ang kwentuhan nina mama at Ibarra na parang close silang dalawa dahil nag tatawanan pa ang mga ito habang nakaharap sa hapag kainan. Ang akala naman nina mama at Manang Bering ay ordinaryong tao ang kausap nila. Paano kaya kung malaman nila na si Ibarra at ang engkantong nakatira sa bundok Hiraya ay iisa. Ewan, baka kapwa sila himatayin. Anyway hindi naman talaga halatang super human itong si Ibarra dahil sa kanyang napaka gwapong mukha at aminado naman ako roon. Kahit ako mismo ay natutulala kapag ngumingiti ito na tila may bumababang anghel mula sa kalangitan.
Matapos ang hapunan nag karoon ako ng pag kakataong makausap ng masisinsinan si Ibarra, nais kong idulog sa kanya ang tungkol kay Tob at sa mga larawang iginuguhit nito. May pag kakataon kasi na binabalot ako ng kaba lalo't alam kong hindi basta basta ang nag babanta sa kanyang buhay.
Ipinakita ko kay Ibarra ang drawing ni Tob kung saan mayroon siyang kasamang isang lalaki na binabantayan siya kahit saan ito mag punta, sa pag lalaro, sa pag tulog o maging sa paaralan kaya naman labis akong nag aalala. "Ang totoo noon ay nag lagay ako ng proteksyon sa inyong bakuran para kay Tob dahil may pag kakataon na nakikitang kong umaaligid ang isang nilalang sa inyong bahay lalo na kapag gabi. At ang nakakatuwa ay kahit gaano ka kalakas ang harang na aking ginagawa ay pinipitik lamang niya ito at pati ako ay naitataboy din. Malakas ang nilalang na iyon at sa palagay ko ay hindi siya naka tira sa bundok ng Hiraya." paliwanag ni Ibarra.
"Bakit si Tob? Ano ang pakay niya sa aking anak?" tanong ko naman.
"Hindi ko alam, marahil ay may nakita siyang isang espesyal na bagay sa iyong anak kaya't nais niya itong isama sa kanyang kaharian." sagot din nito.
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Dadalhin ko na lamang si Tob sa siyudad o kaya ay sa ibang bansa upang hindi na ito masundan pa ng mga nilalang na iyon."
"Kahit na dalhin mo ito sa malayong lugar ay susundan pa rin ito. Maaring matigil ito pansamantala ngunit kapag bumalik ka sa lugar na ito ay muli nanaman siyang gagambalain. Hanggang nandito ako ay tutulungan kitang solusyunan ang problema mo."
"Talaga? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?"
"Oo naman, para saan pa ang kapangyarihang na mana ko sa aking amang engkantado kung hindi ko ito gagamitin."
"Salamat.. Malaki na ang utang ko sayo."
"Wala iyon, parang anak ko na rin si Tob.. Mahalaga rin siya sa akin." ang sagot nito sabay bitiw ng matamis na ngiti. "Tawagin mo lang ako. Darating ako.." ang dagdag pa niya bago tuluyang maging mga paru paro ang katawan at lumipad palayo sa aming bakuran.
Habang pinag mamasdan ko ang mga asul na paru parong naliliparan sa aking harapan ay gumihit ang ngiti sa aking labi dahil sa pag kakataong ito ay mayroon na akong makakatuwang sa pag aalaga kay Tob. Salamat kay Ibarra at sa kanyang espesyal na talento.
itutuloy.