Part 5

596 Words
Matagal-tagal din bago sila bumitiw sa isa't isa. Bago sumakay si Raffy sa kanyang kotse sinabihan nya itong mag-ingat. Hinatid muna ni Stephy ng tingin ang asawa bago pumasok sa bahay. At doon, saksi ang kanilang mga kagamitan sa ilang beses na pag atake ng matinding sakit ng ulo ni Stephy. Ngunit pagkalipas ng sakit mag-aayos sya ng lahat ng kanilang gamit na animo inhahanda na nya ang mga ito para kapag wala na sya. Hindi na maabala ang kanyang mahal na asawa sa pag aayos. Nakapagluto na ng hapunan si Stephy, tiningnan nya ang oras. Nabatid nya na malapit ng dumating ang kanyang Mister. Nagpulbos lang sya at inamoy ang sarili saka na sya lumabas ng bahay. Binuksan nya ang gate,Ilang sandali lang natanaw na nya ang kotse ng Mister na paparating. Nakangiti si Stephy na sinalubong ang asawa, parang napipilitan lang na ngumiti si Raffy, ngunit di nito binigo ang asawang naghihintay. Hinalikan nito ang asawa pero bahagya lang tapos katulad ng dati nilang ginagawa. Kinarga nito si Stephy, ngunit ang kaibahan lang hindi maririnig ang masayang tawanan nila katulad ng dati. Habang papasok sila sa bahay. Blanko lang ang expression ng mukha ni Raffy,walang mababasang kahit ano doon. Si Stephy naman, nakatitig sa mukha ng asawa habang dahan dahang hinahaplos ang mukha nito. Nang makarating sila sa loob ng kwarto,tinulungan ni Stephy ang asawang maghubad ng damit at kumuha rin sya ng isang white cotton shirt at short para pamalit nito. Nang makabihis, naupo ito sa kama. Hindi katulad ng dati na maglalampungan na sila habang ang kanilang masayang halakhakan ay maririnig sa labas ng kwarto. At Ilang sandali pay mapapalitan ng mga impit na pag-ungol. Ibang-iba ngayon dahil tahimik lang sila, binuksan ni Raffy ang TV at nahiga sa kama habang nakatayo lang si Stephy. "Higa ka dito Stephy, alam ko napagod ka sa maghapon," sininyas nito na mahiga sya sa tabi nito. Nahiga naman si Stephy sa tabi ng asawa. Tahimik lang sila ng matagal. Ngunit si Stephy ang bumasag ng katahimikan. Nagsimula syang magtanong ng magtanong sa asawa. Hanggang sa napunta na sa kabataan nila ang usapan. Napansin ni Stephy na parang naiinis si Raffy sa mga sinasabi nya o nababagot pero dipa rin sya sumuko.Tinuloy lang nya ng tinuloy ang kanyang mga sinasabi.Kalaunan, nakikitawa na rin si Raffy habang inaalala nila ang kabataan nila.Mas lalo silang nagkatawanan ng maalala nila nung kumuha sila ng bayabas sa puno na pagmamay-ari ng masungit nilang kapitbahay ng walang paalam. Nahuli kasi sila nito at dahil sa takot nilang mapalo.Naiwan ni Raffy ang kapares ng kanyang tsinelas sa may puno ng bayabas. Hanggang sa marami pa silang napag-usapan. Napansin nila na malapit na palang mag alas otcho, kaya inaya na ni Stephy si Raffy na kumain. Nakaupo si Raffy habang nag aahin naman ang asawa. Nang biglang napahawak ito sa ulo at nabitiwan ang kutsarang hawak. "Okey ka lang ba?" "Ah, ayos lang ako mahal. P-pwede bang ipagpatuloy mo itong ginagawa ko.Punta lang ako sa banyo. M-medyo masama kasi ang tiyan ko, kanina pa sumasakit," nakangiwing sabi nito sa kanya. Mahahalata rin ang mga butil ng pawis sa noo nito. "Sige ako ng maghahayin, sigurado kabang okey kalang?!" "Oo naman, Okey lang ako." sagot nito sabay dali-daling nagtungo sa cr. Samantala sa loob ng cr,dali-daling binusalan ni Stephy ang sariling bibig,naupo sya sa bowl habang nakasabunot ng mariin ang dalawang kamay sa sariling buhok.Pinigilan din nya ang kanyang pag-iyak dahil natatakot syang mapansin ng kanyang asawa na sya ay umiyak. Hirap na hirap man, pinaglalabanan ni Stephy na hindi mapasigaw ng malakas. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD