bc

FIFTEEN DAYS (Complete) - FREE

book_age16+
6.6K
FOLLOW
14.5K
READ
second chance
tragedy
heavy
female lead
like
intro-logo
Blurb

"Maaari bang makasama kita kahit 15 days lang mahal?"

Ang huling kahilingan ni Stephy sa asawa bago nito tuluyang iwan silang mag-ina.

Pagbigyan kaya siya ng asawa?

At kung pumayag ito, ano ang mangyayari sa loob ng 15 days?

Maibabalik ba sa loob ng 15 days na iyon ang dating pagmamahal nito sa kanya o tuluyan silang iiwang mag-ina?

chap-preview
Free preview
Part 1
Five years ng nagsasamang masaya at payapa ang mag asawang Raffy at Stephy. May apat na taong gulang silang anak na lalaki. Masaya ang pamilya nila dahil lubos ang pagmamahalan ng mag-asawa. Maganda rin ang trabaho ni Raffy sa isang kompanya bilang Manager doon. Magkababata sina Raffy at Stephy dahil sabay din silang nag-graduate sa high school at college. High school ng marealized nilang dalawa na hindi lang bilang magkaibigan ang nararamdaman nila para sa isa't-isa kaya nagpasya si Raffy na ipahayag ang tunay na nararamdaman para kay Stephy at hindi naman siya binigo nito. Simula noon, naging masaya at makulay ang buhay ng mag kasintahan. After 5 years na pagiging magkasintahan.Sa wakas napagpasyahan nilang magpakasal. Matapos ang kasal, nakatanggap ng tawag si Raffy mula sa kompanyang kanyang inaplayan. Natanggap sya dito, kaya nagpasya ang bagong kasal na sa Manila na manirahan para malapit sa trabaho ni Raffy. Si Stephy naman ay naging taong bahay lang dahil na rin sa kagustuhan ni Raffy. Makalipas ang isang taon, nagsilang ng isang malusog na batang lalaki si Stephy.Walang pagsidlan ng kasiyahan ang mag-asawa. Lalong naging masaya at puno ng pagmamahalan ang pagsasama ng dalawa. Parang kaylan lang ang kanilang munting angel ay apat na taon na sa ngayon. Ibigsabihin lang na limang taon na rin silang masayang nagsasamang mag-asawa. Isang araw, nagluluto si Stephy ng kanilang hapunan nang biglang makaramdam sya ng matinding sakit ng ulo, wala noon si Raffy sa bahay. Napasabunot siya sa sariling buhok at napaiyak ng malakas dahil sa sobrang sakit. Ang kanilang anak ay lumapit sa kanya at umiiyak, marahil naguguluhan kung bakit umiiyak ang kanyang Mommy. Napahandusay na si Stephy sa sahig habang sinasabunutan ang sarili dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Laking pasasalamat nalang niya at ilang sandali pa ay humupa na rin ang sakit na iyon. Ngayon lang nangyaring inatake sya ng sobrang sakit ng ulo. Madalas syang makaramdam ng sakit ng ulo, sa katunayan nong high school pa nya ito nararamdaman. Pero pinagpapalagay nya na simpleng migraine lamang iyon. Kahit mag-asawa na sila ni Raffy panaka-naka pa rin ang pag-ataki ng sakit. Ngunit nitong mga nakaraan nararamdaman nya ang bahagyang panghihina ng kanyang katawan pero hindi lang nya ito pinapansin. Iniisip niya na baka dahil lamang sa pagod. Ngunit ngayon, napagtanto niya na kailangan na yata niyang kumunsulta sa doctor. Medyo nakakaramdam na kasi siya ng takot para sa kanyang sarili pati na sa kanyang mag-ama. Kailangan nyang maging malakas para sa mga ito. Kaya kahit medyo nakakaramdam sya ng panghihina hindi niya pinapahalata sa kanyang mahal na asawa. Ilang sandali pa at dumating na ang kanyang asawang si Raffy. Sinalubong nila itong mag-ina, sabay naman silang hinalikan sa pisngi at may pahabol pang kiss sa kanyang labi. Kahit kailan talaga ang kanyang mahal na asawa ay hindi nawawala ang pagiging sweet. Araw ng pagkonsulta ni Stephy sa doctor kasama ang kanyang anak. Lihim lang sa kanyang Mister ang bagay na ito. Ilang sandali lang at tinawag na sya ng doctor. Maraming ginawang test sa kanya, kaya medyo natagalan. Marami ring tinanong sa kanya. At ng matapos... "Doc,Ok lang poh ba ako? I mean,wala naman po akong malalang karamdaman diba?" tanong ni Stephy sa doctor. Ngunit hindi agad ito nakasagot. "Hindi ko pa sa ngayon masasabi misis kung ano ang kalagayan ninyo dahil hindi pa natin nakikita ang result ng mga test na ginawa sayo. So, ang maipapayo ko lang iyong lahat ng pagkain na sinabi ko sayong bawal ei sundin mo. Balik nalang kayo Misis next week para sa result ng inyong laboratory test." "Ganon poh ba Doc? O sige po, susundin ko lahat. Salamat po. Ahmm, Doc maaari mo ba akong resitahan ng gamot para sa sakit ng ulo ko. Kasi po yong dati kong gamot na iniinom kapag sumasakit ulo ko ei hindi na tumatalab." "Ah,sige saglit." may sinulat ito at iniabot sa kanya. Pagkuwa'y nagpaalam na rin siya sa butihing doctor. ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

To Love Again

read
52.0K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
459.5K
bc

DARK DESIRE (SPG)

read
41.4K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
240.7K
bc

THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS

read
40.6K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
109.0K
bc

Her Devirginizer (Cougar Series #2)

read
598.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook