Part 6

589 Words
Si Raffy naman tapos ng maghanda ng hapag kainan. Nakaupo habang hinihintay ang asawa. Naalala nanaman nya ang halik na pinagsaluhan nila ng kanyang asawa kaninang umaga. Katulad sa office kanina, paulit ulit bumabalik sa isipan nya ang halik na iyon. Kahit na andon ang kanyang girlfriend, hindi pa rin mawala sa isipan nya ang naganap sa kanila. Ilang sandali pa at dumating na si Stephy, nagsimula na silang kumain. Habang kumakain, marami pa silang napag usapan. Nang matapos, iniligpit ni Stephy ang kanilang pinagkainan. Si Raffy naman,pumunta sa sala at binuksan ang TV. Nang matapos si Stephy, sumunod sya sa sala. Kinuha nya ang baraha,at umupo din sa sofa. Hinamon niya ito ng tong-it, kinagat naman nito ang hamon. Nagsimula ng magbalasa ng baraha si Stephy. Bilang parusa, kukutusan sa ulo ang sinumang matalo. Muling maririnig sa kabahayan ang masayang halakhak ng mag-asawa. Marami pa silang linaro, pinanood din nila ang ilan sa mga ginawa nilang video.Tawa sila ng tawa, ngunit ilang beses din inatake ng sakit si Stephy pero katulad ng ginawa nya kanina, nagkulong lang sya sa sa cr. Naging masaya ang unang araw ng fifteen days, parang bumalik ang nakaraan. Nang mapagod ang mag asawa nagpasya silang matulog na. Nakatulog sila ng magkayakap, na matagal ng di nangyayari sa kanila. Araw-araw yon at yon lang ang nangyayari, pero mas lalong nagiging masaya ang bawat sandali sa kanila. Namasyal din sila maghapon nung day off ni Raffy,pumunta sila sa Manila Ocean Park, gumala sila sa isang sikat na mall at kumain sa mamahaling restaurant. Pumunta din sila sa Baclaran Church. Doon sila nanalangin, hindi napigilan ni Stephy ang maiyak habang taimtim na nananalangin ng nakaluhod. Gusto niyang itanong sa Diyos, bakit sya pa?Bakit hindi nalang yong mga halang ang kaluluwa. Gusto pa nyang mabuhay, para makasama ang kanyang mga mahal. Pero batid nyang maling magtanong sya sa Diyos. Dahil ang lahat ay may magandang dahilan. Nag-aya ng umuwi si Stephy, dahil pagod na pagod na sya. Laking pasalamat nga nya dahil hindi sya inatake sa pamamasyal. Hindi rin sya inatake ng panghihina ng katawan. Matuling lumipas ang araw,natapos ng masaya at matiwasay ang kanilang thirteen days. Lingid din sa kaalaman ni Stephy, na sa loob ng thirteen days na iyon. Muling nanumbalik ang pagmamahal sa kanya ng asawa. Unang araw palang, batid ni Raffy na may nararamdaman pa rin sya sa asawa. Gabi ng ika-14 days. Nakahiga ang mag-asawa sa kanilang kama habang nanonood ng TV. Nagsawa na kasi silang maglaro, isa pa medyo nanghihina si Stephy. Nakaunan si Stephy sa kanang braso ng asawa, habang ang kaliwang braso nito ay nakayakap sa kanyang bewang. Naramdaman ni Stephy na hinalikan sya ng kanyang asawa sa buhok, iniangat nya ang kanyang mukha at nagtama ang kanilang mga mata. May kung anong mahika ang bumalot sa kanya ng mga sandaling iyon. Nanatili lang na nakatitig sa kanya si Raffy, ganon lang din sya dito.Dahan-dahan ilinapit ni Raffy ang mukha sa kanya, kusang napapikit ang kanyang mga mata ng malanghap nya ang mabango at mainit na hininga ng kanyang asawa. At tuluyan ng naghinang ang kanilang mga labi. Buong pagmamahal na inangkin ng kanyang asawa ang kanyang labi. At buong pagmamahal din nyang tinugon ang mainit nitong halik. Nais ni Stephy na malasap muli ang maangkin ng asawa at ipalasap din dito ang init ng kanyang pagmamahal. Batid nyang nalalapit na ang kanyang pagkawala sa mundo. Kaya nagpasya syang ipagkaloob ito ngayong gabi kahit pa nanghihina ang kanyang katawan. Inipon nya ang lahat ng lakas para sa asawa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD