Part 4

574 Words
Nang naabutan nya si Raffy na nagbabalak na ewan sila ng kanyang anak. Hindi naman sya tutol na may iba ng mahal ang kanyang asawa. Sa katunayan nagpapasalamat pa sya dahil, aalis man sya may papalit naman na handang mag alaga sa kanyang asawa.Ang tanging pinag-darasal nya lang ay matanggap din nong babae at mahalin din ang kanilang anak. Hiniling lang nya ang 15 days na magkasama sila dahil nais nyang ito ang kanyang makasama sa mga huling sandali ng kanyang buhay.Gusto nyang iparamdam dito kung gaano nya ito kamahal. At naghahangad din sya na muling maramdaman ang pagmamahal nito sa kanya kahit sa huling sandali. At bukod doon, wedding anniversary nila sa ika-15 days. Hiling lang nya sana, tumagal sya hanggang don. Nang dumating sya sa kanilang bahay, nakita nyang nasa may terrace ang kanyang asawa. Napansin siya nito ng tumunog ang gate sa kanyang pagsara. Nakatitig lang ito sa kanya, ngunit bakat ang paghanga sa kanyang mga mata. "Ang ganda mo ngayon Stephy, bagay pala sayo ang magmake-up at ganyang style ng buhok." nakangiting sabi nito ng lumapit si Stephy sa asawa.Totoong ngiti yon, hindi iyong palagi itong galit at nakabulyaw sa kanya. Namis na nya talaga ang kanyang asawa, ang malambing na boses nito, ang pag-aaruga at pagmamahal nito. "Salamat mahal," tugon ni Stephy sa asawa.Humalik sya dito sa pisngi sabay talikod nya dahil di nya mapigilan ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Buti nalang di napansin ito ng asawa. Samantala, may kung ano namang naramdaman si Raffy ng kanyang makita ang asawa.Napakaganda pa rin nito lalo na ngayon, kahit pumayat ito at maputla. Hindi pa rin maitatago ang angking kagandahan ng kanyang asawa. Ipinilig nito ang kanyang ulo upang iwaksi ang kung anuman ang kanyang iniisip.At ipina-alala sa kanyang sarili na may mahal na syang iba. Kinagabihan, naghanda ng makakain si Stephy para sa kanilang dalawa.At habang kumakain, pinapaliwanag ni Stephy sa kanyang asawa ang nais nyang gawin sa loob ng fifteen days. Napagkasunduan nilang gawin ang lahat ng ginagawa nila dati. Hindi tumutol si Raffy kasi fifteen days lang naman nilang gagawin yon. Katulad nong bagong kasal sila, kapag parating na si Raffy galing sa trabaho, nasa labas na ng bahay si Stephy at hinihintay ang pagdating ng kanyang asawa.Kapag dumating naman si Raffy, hahalik ito sa asawa at walang babalang bubuhatin sya nito papasok ng bahay diritso sa kanilang kwarto. Pagdating sa kwarto, tutulungan ni Stephy ang asawang magpalit ng damit.Pero mas madalas na nauuwi sa mainit na p********k. Matapos ng ilang beses na pagsaluhan ang kanilang pagmamahalan. Kakain na sila ng dinner na ilinuto ni Stephy tsaka , maglalaro sila ng kung anu-ano sa sala, habang nakabukas ang TV. Minsan naman nagpipicture at gumagawa sila ng kung anu-anong video nilang dalawa.Hilig din nilang bumili ng mga DVDs tsaka nila palilipasin ang oras habang nagkukuwentuhan. Ganyan kaperpekto ang kanilang pagsasama.Na nabahiran lang ng simula magkasakit si Stephy. Unang araw ng kanilang fifteen days. Katulad na palaging ginagawa nila dati. Inihatid ni Stephy ang asawa sa labas matapos mag almusal dahil papasok ito sa trabaho. Tangkang hahalikan ni Raffy sa pisngi ang asawa ng igalaw nito ang mukha at maglapat ang kanilang mga labi. Napapikit si Stephy wari'y nilalasap ang tamis ng labi ng asawa. Matagal-tagal na rin kasi ng huli syang halikan nito. Si Raffy naman, tuluyan ng inangkin ang labi ng asawa.Hindi nya maipaliwanag ngunit tila sabik din syang matikman muli ang malambot na labi ng asawa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD