Part 3

567 Words
Simula ng mangyari iyon. Nagbago na ang kanyang asawa sa pakikitungo sa kanya. Pero tiniis niya ito lahat para sa kanyang pamilya. Palagi na itong galit sa kanya. Lagi ring lasing sa tuwing umuuwi sa bahay at napatunayan din niyang nambababae na din ito. Inaasikaso pa rin niya ito kapag lasing kahit mahirap para sa kanya dahil napakabigat nito at isa pa mahina na rin siya dahil lalong lumalala ang kanyang kalagayan. Kahit masakit ang natuklasan, hinayaan lang niya ito dahil alam naman ni Stephy na hindi na nya kayang ibigay ang pangangailangan ng asawa. Ngunit hindi lang flings ang nangyari kundi nainlove si Raffy sa isa nitong katrabaho. Isang batang-bata at magaling pagdating sa pagpapaligaya ng lalaki kaya nahumaling ng husto dito si Raffy. Isang araw, galing sa palengke si Stephy, naabutan nya ang asawang nag-iempake ng damit. "M-mahal,saan ka pupunta?May out of town meeting ba kayo?" nakangiting tanong ni Stephy sa asawa. "Ako na ang gagawa nyan?!" patuloy ni Stephy. Lumapit siya sa asawa para sana siya na ang magpatuloy sa ginagawa nitong pag iimpake pero nagulat siya ng tabigin siya nito. "Sorry Stephy, ngunit iiwan ko na kayo ng anak natin. May mahal na akong iba magsasama na kami." matigas na turan ni Raffy. Nabitiwan ni Stephy ang damit ng asawa na kanyang hawak-hawak. Nagimbal siya sa sinabi nito. Ngunit nagpakahinahon siya. Na taliwas sa inaasahan ni Raffy. Pasimpleng pinahid lang niya ang butil ng luha na lumabas sa kanyang mga mata. Inaasahan ni Raffy na magwawala si Stephy at iiyak ito ng walang humpay. Ngunit ibang-iba sa halip ngumiti ito sa kanya. Napansin ni Raffy na may kapayatan at maputla ang kanyang asawa. "Pwede bang makasama kita, kahit 15 days lang." pagkuway sabi ni Stephy. Naguluhan si Raffy kaya napakunot noo ito.Naweweirduhan kasi sya sa asawa. Tila, naintindihan naman ni Stephy na naguguluhan ang kanyang asawa kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Ito ang huling request ko,after nito promise hindi kita guguluhin.Hahayaan kita na makasama sya.Gusto lang kitang makasama sa loob ng 15 days." sabi ni Stephy sa asawa.Gumaralgal din ang boses nya sa huling salitang kanyang binitawan. Naguluhan man si Raffy sa gusto nang kanyang asawa,sumang-ayon na lang sya dito. Para na rin sa ikatatahimik ng lahat. At natuwa rin sya sa sinabi ng kanyang asawa na hahayaan sila nito.Ibigsabihin,mapapadali kapag nagfile sya ng annulment. Nagkasundo sila na,ihatid muna sa mga lolo't lola nito sa Batangas ang kanilang anak. Magkasama nilang inihatid ang kanilang anak at ng pabalik na sila.Nakatuwaan ni Stephy na mag ayos sa sarili,nagpahatid sya sa isang sikat na salon at alam nya na maiinip lang si Raffy kaya sinabi nya ditong mauna na itong umuwi. Nang matapos magpamake-over namangha sya sa nakita. Halos hindi na kasi nya makilala ang sarili,alam nya na maganda sya ngunit hindi nya akalain na mas gaganda sya kapag nag-ayos sya ng sarili. Kaya naman pala napakarami sa kababaihan ang handang gumastos ng malaki para lang dito. Mababakat pa rin ang karamdaman sa kanyang maputlang balat.Ngunit hindi na masyado. Excited syang umuwi ng bahay,ngunit bago yon dumaan muna sya sa isang boutique.Bumili sya ng isang simpleng floral dress,at ilang damit para sa kanyang mag-ama. Habang namimili ng damit doon,muling bumalik sa kanya ang sinabi ng doctor kahapon.Wala ng isang buwan ang itatagal ng kanyang buhay,kung umabot ng isang buwan ito ay isang malaking himala. Naluha siya sa parteng yon,ngunit pinili pa rin nyang magpakatatag. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD