Part 9

746 Words
Umiiyak ang kanyang asawa, pero bakit? Marahil nabigla lang ito sa pagbati nya dito. Itinigil nya ang paghalik dito at marahang pinunas ang mga luha nito ng kanyang sariling palad. "I love you so much mahal, sorry sa lahat ng nagawa ko. Ikaw lang ang pinakamamahal ko, patawarin mo ako mahal," lumuluha si Raffy habang sinasabi nya ang mga katagang iyon. Wala ring tigil sa pag iyak si Stephy sa lahat ng sinabi ng asawa wala na syang mahihiling pa. Si Stephy na mismo ang kumabig sa asawa upang maglapat ang kanilang mga labi. At buong pagmamahal na inangkin nito ang labi ng asawa. Nang matapos ang halik, nagsalita si Stephy habang puno pa rin ng luha ang kanyang mga mata. "Mahal na mahal din kita mahal, alam ko at naniniwala ako na hindi mo talaga ako kinalimutan kaylanman. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita pati na ang anak natin. Ikaw na bahala sa anak natin, lagi mo syang mamahalin ha." "Ano ka ba naman Mahal, bakit ganyan kang magsalita? Sabay nating palalakihin ang ating anak, pati na mga magiging anak pa natin. At sabay tayong tatanda, diba iyon ang pangarap natin?" sabi ni Raffy sa asawa habang dumadaloy ang kanyang luha. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sya sobrang nalulungkot. "Oo naman mahal, yan ang pangarap natin," malungkot na sabi ni Stephy. "Malilate ka na mahal, kelangan mo ng umalis." "Mahal, kung hindi nalang muna ako pumasok ngayon, nag-aalala kasi ako sayo." "Don't worry mahal,pahinga lang katapat nito, mamaya ok na ako nyan." "Ok mahal, kung iyan ang gusto mo, alis na ako." Nagyakap muli ang mag asawa at hinalikan ulit ni Raffy si Stephy bago lumabas ng kwarto. May kung anong nararamdaman sa dibdib si Raffy na kanina pa di mawalawala, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nya,bngunit pilit niya itong winawaksi. Nanibago si Raffy pagdating nya sa labas ng bahay. Dahil sanay sya na palaging inihahatid ng kanyang misis habang nakangiti ng maganda sa kanya. Kahit nga nong time na parati syang galit dito. Walang palya kahit isang beses, ngayon lang. Ilang sandali lang at lulan na si Raffy ng kanyang kotse patungong trabaho. Isang oras na biyahe at narating na nya ang kanilang kompanya. During office hours. Inip na inip na si Raffy, walang laman ang isipan nya kundi ang makauwi at makita ang asawa. Sabik na sabik na syang makasama ulit ito at nag aalala din sya dahil masama ang pakiramdam nito. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, at iniluwa noon ang kanyang batang bata at seksing girlfriend na si Jenny. Bigla syang hinalikan nito sa labi, halik na parang animoy kinakain nito ang kanyang bibig, sabay walang sabi-sabing pinasok nito ang isang kamay sa kanyang pantalon at doo'y walang pakundangang hinawakan ang kanyang kaselanan. At dipa nakuntento, tumaas baba ang kamay nito doon. Dati-rati'y gusto gusto niya ang ginagawa nito kaya naman palaging nauuwi lagi sa mainit na p********k na dito mismo sa kanyang opisina nagaganap. Maraming beses nilang pinagsaluhan ang bawal na p********k. Ngunit hindi na ngayon dahil hindi na niya kayang saktan pa ang asawa dahil batid niyang mahal na mahal pa rin nya ito. Pinigilan niya si Jenny sa ginagawa nito, ngunit pinagpatuloy pa rin ng babae kaya marahan nya itong itinulak. Nagalit ang babae, bigla syang sinampal at nakipagbreak din ito sa kanya. Parang nabunutan ng tinik si Raffy ng makipagbreak sa kanya si Jenny akala kasi nya magiging problema pa nya ito. Ilang oras pa at dumating ang pinakahihintay na oras ni Raffy ang uwian. Bago umuwi, tumawag muna sya sa isang Italian restaurant at nagpareserve doon balak nya kasing ayaing madinner ang asawa sa labas. Ngayon lang niya napagtanto na simula pala nong magkaanak na sila dina nya ito naayang magdate sila. Nagpasya ng umuwi si Raffy, dumaan muna sya sa isang flower shop at doon bumili ng isang dosenang red roses.Ang paboritong bulaklak at kulay ng kanyang mahal na asawa. Lulan na ulit sya ng kanyang kotse at ilang sandali lamang nasa harapan na sya ng kanilang bahay. Bumusina sya para malaman ni Stephy na dumating na sya. Nakailang busina sya pero wala pa ring nagbubukas ng gate kaya pinasya nyang bumaba ng sasakyan at sya ang magbukas ng pinto. Nagtaka sya kasi ito ang first time na hindi sya hinintay ng kanyang asawa sa baba, siguro masama pa rin ang pakiramdam nya. Kinuha nya ang flowers na para kay Stephy at pumasok na ng bahay. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD