Sa mga oras na ito nagluluto na ng hapunan si Stephy, kaya naman tiningnan nya ito sa kusina pero wala ito doon. Tinawag nya ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Biglang may kung anong pakiramdam na sumalakay kay Raffy, ngunit pilit nya itong iwinawaksi sa kanyang utak.
"Baka naman natutulog lang sya dahil masama pa pakiramdam nya,"sabi ni Raffy sa sarili.
Kaya dumiritso siya sa kanilang kwarto. Nakasara ang pinto ngunit di naman ito nakalock. Dahan-dahan niya itong binuksan sa takot na baka natutulog nga ang kanyang mahal na asawa at magising nya ito. Nang ganap na maibukas ni Raffy ang pinto, nagimbal sya sa nakita. Agad agad nyang nabitawan ang hawak na bulaklak at tinakbo ang nakahandusay nyang asawa sa sahig. Pinangko nya ito at niyakap.
Umiiyak na rin sya, ngunit napagtanto nya na buhay ang kanyang asawa. Kaya bubuhatin na niya sana ito para dalhin sa hospital ngunit nagsalita ito.
"Mahal, wag mo na akong dalhin sa ospital. Wala na rin silang magagawa," nanghihinang turan ni Stephy habang itoy lumuluha.
"Mahal, ano ba nangyari? Dadalhin kita sa ospital."
Nagpatuloy lang sa pagluha ang kanyang asawa.
"Wag na mahal, pinilit ko kasing tumayo kanina, alam ko kasi malapit ka ng dumating kaya balak ko sanang salubungin ka. Pero bigla nalang akong bumagsak dito at diko na kinayang makatayo."
Hinaplos ni Raffy ang pisngi ng asawa, habang patuloy ang pagluha. Sya pa rin ang iniisip nito kahit masama na ang kanyang pakiramdam.
"Patawad kung pinaghintay kita ng fifteen days, kahit alam ko na gustong gusto mo na syang makasama. Salamat sa pag papaunlak mo sa aking kahilingang makasama kita sa loob ng fifteen days. Dumating na ang oras ko mahal, sa palagay ko ito na ang huling beses na masisilayan ko ang mukha mo,"mahabang sabi ni Stephy sa asawa habang umiiyak.
"Mahal ko, bakit kaba nagsasalita ng ganyan?"garalgal ang boses na tanong ni Raffy sa asawa.
Iniangat ni Stephy ang isang kamay na animo'y gustong haplusin ang mukha ng asawa ngunit dahil mahina sya di nya tuluyang maiangat ito. Kaya naman hinawakan ni Raffy ang kamay ng asawa at buong pagmamahal na hinalikan iyon habang humahagulhol. Pagkatapos dinala sa kanyang mukha, sabay sabing...
"Please mahal, wag ka ng magsalita mas lalo kang nahihirapan. Naaalala mo ba 6th Wedding Anniversary na natin. May hinanda akong sorpresa para sayo mahal, please wag mo akong iiwan.Wag mo kaming iwan ni Jr, lumaban ka para samin. I'm so sorry Mahal."
Ngumiti si Stephy sa asawa, tinigil ang marahang paghaplos sa pisngi nito at pinahid ang luha ng asawa gamit ang kanyang daliri.
"Wag ka ng umiyak, maaari mo na syang makasama mahal. Masaya ako dahil kahit wala na ako meron naman akong maiiwan na magmamahal sayo at mag aaruga. Ang hiling ko lang sana mahalin din niya ang ating anak. At maging mabuti siyang asawa sayo."mahabang pahayag ni Stephy habang lumuluha.
"Hindi mahal! Im so sorry, hindi ko mahal ang babaeng yon! Patawarin mo ako sa kasalanan ko,hindi ko kayang mabuhay ng wala ka!Please wag mo saking gawin ito mahal."
"Please Mahal lumaban ka, nangangako ako gagawin ko ang lahat para maging masaya ulit ang pamilya natin. Please wag mo kaming iwan, mahal na mahal kita."
"Patawad Mahal,gusto ko mang makapiling pa kayo ng matagal ngunit wala tayong magagawa kung ito ang kagustuhan "NIYA". Ipangako mo na mahalin mo at alagaan ang ating anak. Sabihin mo sa kanya kung gaano ko sya kamahal," sabi ni Stephy na katulad ni Raffy walang tigil sa pag Iyak. Hindi na rin ito makapagsalita.
"Alam mo ang huli kong hiling mahal, ang malagutan ng huling hininga sa iyong bisig. At ngayon masaya akong papanaw dahil tinupad mo ulit ang aking hiling." lumuluha ngunit nakangiting muling sabi ni Stephy.
"Ikamamatay ko kapag nawala kaaaa!Wag mo akong iiwan!Diyos ko!" Parang mababaliw na sigaw ni Raffy.
"Wag kang umiyak mahal,
I love you so much. Please kiss me kahit sa huling sandali."
Sinunod naman ni Raffy ang kahilingan ng asawa habang ang masaganang luha ay dumadaloy sa kanyang pisngi.
Nang maramdaman ni Stephy ang mainit na labi ng asawa sa kanyang labi. Dahan-dahang kusang pumikit ang mga mata nito sabay ang pagdaloy ng kanyang butil ng luha at dahan-dahan ding bumagsak ang kanyang kamay na humahaplos sa pisngi ng asawa.
"MAHAAAALLLLLLLLL!!"
Malakas na sigaw ni Raffy habang yakap yakap ang walang buhay ng katawan ng asawa.
Umiyak man ng umiyak, mag wala man sya o kaya lumuha man sya ng dugo hindi na ito makakatulong para maibalik ang kanyang asawa.
Unang araw ng burol.
Nakiramay ang Doctor ni Stephy at dito nya nalaman ang tungkol sa sakit ng asawa.
Nagkulong si Raffy sa kwarto at doo'y umiyak ng umiyak habang yakap yakap ang picture ng asawa. Habang iniisip, pano nya nagawang hindi mapansin na may sakit ang kanyang mahal na asawa at pano niya nagawang mambabae habang ang kanyang asawa ay marahil naghihirap sa sakit nito.
Anong klaseng asawa sya!
Magsisi man sya.
Huli na ang lahat.
Hindi na maibabalik ang nakaraan.
THE END