Part 8

502 Words
Hindi naman nabigo si Raffy sa pakay,nagising ang kanyang asawa. "Good morning mahal,kain na tayo,"sabi ni Raffy sa asawa. "Wow, breakfast in bed?! Salamat mahal ko.Pero nakakahiya naman, di pa ako nagmumumog," nakangiting sabi nito sa kanya. "Naku, hayaan mo na mahal. Mabango ka pa rin naman." sabay halik sa labi ng asawa. "Hmmm... amoy cappuccino," pabirong sabi ni Raffy. Hinampas ito ng marahan sa braso ni Stephy. Habang natatawa. "Ikaw talagang tao ka, puro ka kalokohan." nagtangkang maupo si Stephy ngunit hindi kinaya ng kanyang katawan na bumangon mag-isa. Kaya tinulungan sya ng asawa para makaupo. Mas lumala ang panghihina ng katawan ngayon ni Stephy, kahit bumangon sa pagkakahiga mahirap na para sa kanya. "Mahal, bakit napapansin ko parang namumutla ka yata.Tapos pumapayat ka, lage ka pang nanghihina.May sakit kaba mahal?!" nag-aalalang tanong nito. "Wala ito mahal, napagod lang ako. Kain na tayo,medyo nagugutom na ako ei,"sagot ni Stephy sa asawa. Yon lang at nagsimula ng kumain ang mag-asawa. Sinubuan ni Raffy si Stephy, natatawa naman nitong tinatanggap ang mga subo ng asawa. Nang matapos ang sweet na breakfast in bed ng mag-asawa, sinabihan ni Stephy ang asawa na maghanda na para sa pagpasok sa trabaho. Sabay humingi din ito ng pasensya kasi di nya ito maasikaso ngunit sinagot sya nito na ayos lang.Basta pagaling ka lang. Lumabas na si Raffy ng kanilang kwarto dala ang kanilang pinagkainan, matapos hugasan ang mga iyon. Nagbihis na sya at inihanda ang kanyang dadalhin sa office. Medyo nanibago lang sya dahil ito ang unang beses na hindi sya naasikaso ng kanyang asawa. Ngayon nya napagtanto kung gaano kahalaga sa kanya ang asawa. Kung gaano nya ito kamahal. At hindi nya kayang iwan ito dahil hindi nya makakaya kapag nawala ito. Bago bumalik sa kwarto nila si Raffy, pumunta muna sya sa labas ng bahay. Tiningnan nya ang maliit na hardin ng kanyang asawa na may nakaramihang nakatanim ay rose na may ibat-ibang uri. Ito kasi ang favorite nya na flowers lalo na ang red roses. Pasalamat naman sya may tatlong bulaklak ang isang puno,at nagkataon pang red ito. Pinitas nya ito at sinamyo. Napangiti sya sa sarili, sigurado matutuwa ang kanyang Misis kapag binigay nya ito doon. Dali daling bumalik si Raffy sa loob ng bahay, male late na kasi siya sa trabaho. Dumeretcho sya sa kanilang kwarto para magpaalam sa asawa. Tinago nya sa kanyang likuran ang bulaklak ,nakahiga na ulit si Stephy. Marahang hinalikan ito ni Raffy sa noo.. "Ano naihanda mo ba lahat ng kailangan mo?" Tanong ni Stephy sa àsawa. "Oo naman mahal,wag mo na ako alahanin magpalakas ka lang ha ."sagot ni Raffy sa kabiyak. "Pasensya na mahal kong di kita naasikaso, mali-late kana tuloy." "Wag mo ng alalahanin yon mahal, basta magpahinga ka lang dito maghapon. Happy 6th Anniversary mahal." pagkasabi non ilinabas nya ang red roses tapos ibinigay iyon sa asawa. Hinalikan nya ang asawa at sa pagkabigla nya tinugon sya nito ng mas mapusok. Ilang sandali lang at nalasahan nya ang maalat na likidong iyon. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD