KABANATA 12

1302 Words
Chapter 12 Ms. Samonte POV: Pagulong-gulong ako ngayon sa aking kama dahil sa kasiyahan sa puso ko. Matapos kasing sabihin ni Sir ang katagang 'yon, napanganga ako ng lubusan kasabay ng pagtakbo ko sa kwarto. Kaya heto, linalabas ko ang kilig sa pamamagitan ng pag-gulong at pagtili. Feeling ko tuloy, mahal na yata ako ni Sir. Teka, eto na yata ang oras naming dalawa para maging kami. Eto na yata yung hinihintay ko. Ang ma-fall ng tuluyan kay Sir tapos handa niya akong saluhin. At kapag nasalo niya ako, may pag-asang maging boyfriend ko siya. OMG! Kung magkataon na maging kami, siya ang maswerteng first jowa ko. Ayieeeeeee. Sana maging totoo ang lahat ng iniisip ko. Can't wait na mangyari ito. Tiningnan ko naman ang clock sa pader kung anong oras na ba. It's 11 in the evening na pala pero tila hindi ako dinadalaw ng antok. Ganito siguro ang epekto ng mga katagang sinasabi ni Sir. Lakas ng side effects ni Nathan sa akin. Until now kasi, 'yon pa rin ang laman ng isip ko kaya napapangiti tuloy ako na mag-isa. Salamat na lang at sabado bukas kaya walang pasok. Pero naalala kong maglalaba nga pala ako bukas ng umaga. And sa next saturday, ang pagkikita namin ng Bespar ko. Nakakalungkot nga dahil baka di ko ma-meet ang Bespar ko kasi yung cellphone ko nasa kay Sir. Oh well, bahala na nga! Understanding naman 'yong bestfriend ko at alam kong konting paliwanag ko lang sa kanya ay hindi na iyon magtatampo. Ipinikit ko na ng mariin ang aking mata. Kailangan ko ng matulog dahil magiging busy ako bukas. Magiging labandera ang lola niyo! Kinaumagahan, alas-sais ng maaga ako nagising. Oo, kahit gabing-gabi na ako natulog ay nagawa ko pa ring magising ng napaka-aga. Kaya naman napagdesisyunan kong maglaba na. Hindi pa naman gising si Sir kaya uunahin ko muna ang paglalaba. Kahit bumili na lang ako ng pagkain mamaya para sa almusal. Pumunta na nga ako ng banyo at hindi na nakakagulat dahil nandon na yung mga labahan namin. Yung mga damit ni Sir at yung mga damit ko. Napangiti tuloy ako dahil feeling ko parang mag-asawa kami ni Sir. Nagsimula na nga akong maglaba. Isa na don yung mga brief ni Sir. Natatawa nga ako eh. Ah basta secret na lang yon. Ayoko ng i-share sainyo dahil akin lang si Sir noh, madamot pa naman ako. Nasa kalagitnaan na sana ako ng paglalaba, nang biglang may nag-door bell sa pinto ng aparment. Kaya naman nagmadali akong tumayo at iniwan ang aking ginagawa para lang buksan ang pintuan. Isang napakagandang babae ang syang nakita ko. Ang ganda at ang sexy niya. She's a Godess, parang siya yung nakita ko sa laptop ni Sir Nathan. Kaso mukhang nagulat yata siya nang makita niya ako. "Who are you?" tanong nito sa akin. "Ah ako si Ms. Samonte. B-bakit?" Balik na tanong ko rito. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa kasabay ng pagtaray sa akin at pumasok sa loob ng apartment. Abah! Tila hindi ko yata gusto ang ugali ng babaeng to. Hindi man lang sinagot ang tanong ko at nagawa niya pa akong tarayan. Kakagigil sya ha?! Kaya naman dahil sa medyo nainis ako, hinawakan ko ang braso ng babaeng yon. "Sanadali lang Miss. Sino ka ba? At parang feel at home ka kung pumasok dito ha? Kilala mo ba ang may-ari ng apartment na ito?" saad ko na may kataasan sa aking tono. "Hindi ko kailangan sagutin iyang tanong mo Ms. Samonte dahil baka magulat ka kapag sinagot ko kung sino ako." ngising sambit niya naman. "H-huh? Teka-" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang lumabas si Sir sa kanyang kwarto. Bakas sa mukha nito ang bagong gising pero nagulat na lamang ako ng biglang yakapin ng babaeng yon si Sir Nathan! Bwisit na taong ito! Anong klaseng ahas ba siya at kung makapulupot sa first love ko ay wagas. "Hi, Nathan... I miss you so much." saad nito habang mahigpit na nakayapos sa lalaki. "Nandito ka na pala bhie, bakit hindi mo man lang ako tinawagan?" bigkas ni Sir Nathan. B-bhie? Ibig sabihin, siya nga yung ka-video call ni Sir? Yung babaeng sinabihan nya ng I love you at pinagselosan ko nang husto. Dahil sa aking nalaman ay kumirot naman ang aking puso. Nakatingin lang ako kila Sir at Bhie habang mahigpit na magkayakap ang dalawa. Oo' mahigpit na silang magkayakap ngayon. Kanina lang si Bhie ang unang yumakap dahil bakas pa rin sa mukha ni Sir ang gulat nang makita nya ito pero hindi rin naglaon ay tinugon niya ang yakap ni Bhie kaya heto ako, selos na selos na nakatitig sa kanila. Halos mamatay na nga ako sa selos eh. "Sino ba talaga itong si bhie? Magkaano-ano ba sila ni Sir? Totoo kayang girlfrend siya ni Sir?" Ayan ang iilan sa mga katanungang gumugulo sa isipan ko ngayon. Napayuko na lamang ako at akmang tatalikod para hindi na ako masaktan pa. Kaya lang biglang nagsalita ang babaeng si Bhie. "Nga pala, hindi ako nainform na may babae ka ng dinadala rito," sambit nito kay Sir. "Ah- hindi naman bhie... Isa sya sa mga estudyante ko na pinatira ko dito para maging kasambahay. Lagi kasi 'yang late, kaya napagdesisyunan kong kunin siya nang sa gano'n ay wala na siyang maging palusot pa." tugon naman nito sa babae. "Wow! Ibang klase ka talaga Nathan. Ganon pala 'yon? Anyway, bakit di mo ako ipakilala sa kanya? Tutal kanina pa siyang inis na inis sa kakatanong sa akin kung sino ba ako." wika nito sabay baling nang tingin sa mata ko. "Ah sige, ahm Ms. Samonte, huwag ka na munang umalis." saad ni Sir sa akin nang tapunan niya rin ako ng tingin sa aking pwesto. "B-bakit Sir?" nauutal na bigkas ko. "Gusto ko lang ipakilala sayo si Bhie. Siya yung babaeng-- ahm-- " He was about to introduce the lady on his side, kaya lang si Bhie na ang siyang nagtapos nito. "Ako na nga lang. Ang tagal mo naman akong ipakilala sa kanya... Well, Ms. Samonte, my name is Abegail. At kung hindi pa naikwento ng Sir mo ang tungkol sa akin, ako na ang magsasabi sayo. Ako ang babaeng sobra niyang ginusto simula noong nagbibinata pa lang siya. And yes, siya lang ang nag-iisang tao na tumatawag sa akin ng Bhie dahil sabi nya mas cute raw 'yon pakinggan kasi bagay na bagay 'yon sa mukha ko." Mahabang paliwanag nito sa akin. Parang dinudurog ang puso ko ngayon sa bawat sinasambit niya. Nalinawan naman ako na hindi siya ang girlfrend ni Sir. Hindi rin siya kaibigan ni Sir kundi siya yung gustong babae ni Sir simula pa lang. It means, siya ang first love ni Nathan. So ibig sabihin ba nito, siya yung dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ni Sir nung magtapat ako sa kanya? Kaya pala nag-ilove you siya sa babaeng ito noong nagvideo call sila dahil minamahal niya ang dalaga. Parang gusto ko na tuloy lumuha. Tiningnan ko naman si Sir na nakatingin rin pala sa akin. Marami sana akong gustong tanungin kay Sir pero parang nakagat ang dila ko dahil hindi ko magawang magsalita pa. Natahimik ng ilang segundo ang apartment. Kaya naman nagsalita si Sir para basagin ang katahimikan na bumabalot sa loob. "Ahm Ms. Samonte, pwedeng magluto ka ng makakain natin ngayong almusal. Damihan mo na dahil dito na rin kakain si Bhie." Utos nito kasabay ng pag-iwas niya ng tingin. Dahan-dahan naman akong tumalikod kasabay ng pagpatak ng aking luha. Bakit Ganon Sir? Akala ko ba gusto mo rin ako? All this time, pinapaasa lang pala ako ng teacher ko. Ito ang hirap sa ugali ko, ang bilis kong maniwala. Ang bilis kong mauto. Kaya ang ending, ako itong nagiging kawawa. Lagi na lang ako talo pagdating sa pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD