KABANATA 11

1143 Words
Chapter 11 Ms. Samonte POV: Dear diary, Tatlong araw na ang nakalipas simula mangyari ang pagpunta namin ni Sir sa private restaurant, kung saan naging masaya ang pagkain naming dalawa roon. Isa lang talaga ang masasabi ko diary, kundi ang swerte ko! Yes ang swerte ko nga! Dahil nitong nakaraang araw, sobrang malambing at maalaga ni Sir sa akin. Kahit busy siya kay Angelica sa pag-asikaso sa pageant, lagi niya akong chinachat. Syempre, kilig na kilig naman si akes dahil kahit walang kami, kung itrato niya ako para akong isang prinsesa ng buhay niya. Sige diary, hanggang dito na lang muna. May kumakatok kasi sa pinto ng apartment at baka si Sir na 'yon. Nauna kasi akong umuwi sa kanya dahil marami siyang ginagawa. And besides, meron na akong duplicate key ng apartment kaya hindi na ako tumagal pa sa campus. So bye, bye diary. Mabilis kong iniwan ang aking notebook para pumunta ng pinto. Kaya nang makalapit ako, agad ko itong binuksan. At bumungad nga sa akin ang mukha ni Sir na may dalang pagkain na take-out niya sa fast food. "Dumaan ako sa fast food dahil naisipan ko na baka 'di ka pa kumakain Ms. Samonte. So here, you eat this first," wika nito. "Ah p-paano mo nalaman Sir?" tanong ko sa kanya. "Paanong hindi ko malalaman Ms. Samonte kung pag-open ko ng social media ay lagi ka ring online kahit nasa oras ng klase mo," saad niyang muli na may halong panenermon. "Ah hehe." kamot na sambit ko sa aking ulo. "Halika na. Kumain ka na," tanging bigkas ni Sir. After niyang sabihin 'yon, pumasok na siya sa loob at bigla niya akong hinila dahilan upang mapa-upo ako. Siya na rin mismo ang nagserve ng pagkain para sa akin. "Ubusin mo lahat 'yan Ms. Samonte." saad nito na aking ikinagulat. "Ho? Ako lang?" turan ko sa kanya. "Yeah. Ikaw lang," tipid na sambit nito. "Eh ikaw Sir?" tanong ko sa kanya dahil ang akala ko ay sabay kaming kakain. "Kumain na ako kanina kaya sa'yo na 'yan," sagot nito sa akin. "Pero Sir-- 'di ko kayang ubusin lahat ng 'to." "Then I dont care Ms.Samonte." sambit niya muli. "Sir--" "Shut up and just eat." seryosong sabi nito. "Eh kasi--" "Mamili ka Ms.Samonte, kakainin mo 'yan o ikaw ang kakainin ko?" pananakot na tanong ni Sir. Mabilis namang napatikom ako ng bibig at napayuko dahil sa kanyang sinabi. Tila dumikit ang pwet ko sa upuan. Puteks! Kain ako nang kain at 'di ko na nagawang tumingin pa sa mukha ni Sir. Kahit hindi man nakatingin ang mata ko sa kanya, alam kong nakatitig siya sa akin. "Very good Ms. Samonte. Kainin mo lahat ng 'yan para tumaba ka naman. Maawa ka sa katawan mo. Gusto ko magkaroon ka ng laman, hindi yung puro buto lang," natatawang wika nito kaya hindi na ako umimik pa. "By the way Ms.Samonte, mamaya ibigay mo sa akin ang email at password ng social media mo," biglang saad niya dahilan para mapatitig ako sa binata. "Ho?" "Ako na ang gagamit ng f*******: mo Ms. Samonte." usal nito na hindi ko maintindihan kung bakit. "Pero Sir privacy ko 'yon. Ang sagwa naman kung pati privacy ko ay pakikialaman mo," wika ko sa binata. Kaso matalim niya akong tinitigan kaya hindi na ako nakipagsagutan pa. "-Sabi ko nga Sir ibibigay ko sa'yo mamaya heh," pagpapayag ko na lamang nang tingnan niya ako ng nakakatakot. "Good. Dahil naniniguro lang ako Ms. Samonte. Baka kasi may ibang lalaki na nagkakagusto sa'yo." Tanging paglunok tuloy ng laway ang aking nagawa sa mga oras na 'to. Patay! Kachat ko pa naman ang bestfriend kong lalaki! Hindi ko alam kung pa'no ko naubos lahat ng pagkain. Ang tanging alam ko lang ay lutang ang aking isipan. Iniisip ko kasi na baka magalit si Sir kapag nakita niya ang usapan naming dalawa ni Bespar. Nang matapos akong kumain, nakalahad na agad ang kamay nito para kunin sa akin ang cellphone ko. Nagdadalawang isip ako na ibigay 'yon. Kaya naman tiningnan niya ulit ako ng nakakatakot. "Kailangan mo ba talagang buksan ang social medi ko Sir?" kinakabahang tanong ko. "Yeah. So akin na 'yan Ms. Samonte," ani nito. "Pero kasi Sir, 'di naman tayo ah. Kaya bakit parang-" "MS. ANGEL SAMONTE." mariing bigkas niya sa aking pangalan at talagang whole name pa ang kanyang binigkas. "Oh ayan na." galit na saad ko kasabay nang pagbigay ko ng cellphone sa kanya. "Email?" he asked. "QueenAngel ang email ko kaya i-type mo na lang d'yan Sir." sagot ko. "Okay. Then, ano yung password mo?" tanong niya muli. "Secret Sir." "Ms. Samonte hindi ako nakikipagbiruan." seryosong sabi nito. "Sir, sectet nga." tugon ko naman. "Miss Samon-", "Sir naman oh! S-E-C-R-E-T. Secret nga po ang password ko. Hays." inis na turan ko dahil paulit-ulit siya sa kakatanong. "You mean, word na secret?" "Paulit-ulit Sir? Ano 'to? Unli call tayo? Ganon?" saad ko sa lalaki. "Tsk." sambit niya at tinype na ang password ko. Tiningnan ko naman ang reaction ni Sir. Siguro nabuksan na nito ang sss ko dahil biglang umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Baka mamaya ay giyerahin niya na ako. Nagtagal nang ilang segundo hanggang sa nagawa niya ng magsalita. "One week Ms. Samonte, hindi ka gagamit ng cellphone mo," sabi nito na seryosong nakatingin sa mata ko. "ANO?! Sir naman, wala 'yan sa usapan natin!" Isang malakas na sigaw ko pero hindi niya 'yon pinansin sa halip, tumalikod siya sa akin. Syempre, hindi ako papayag. Kaya sinundan ko ang binata. "Sir, hindi pwedeng one week. Kahit two days mo akong pagbawalan na huwag magcellphone, okay lang sa akin. Pero yung one week? Sir naman." pagmamaktol ko. "Kapag sinabi ko, hindi ko na babawiin pa Ms. Samonte." buong desisyong sambit nito. "Pero Sir, hindi nga pwede dahil--" "Dahil may katagpuan ka sa sunod na sabado, tama ba Ms. Samonte?" asar na tanong niya at siya na mismo ang dumugtong ng sasabihin ko. "Sir, kaibigan ko lang 'yon." paglilinaw ko naman. "Kaibigan mo nga siya Ms. Samonte. Pero ang tanong, kaibigan ba ang tingin niya sa'yo?" balik na turan niya. "Sir--" "Lalaki ako Ms.Samonte kaya alam ko ang mga galawang lalaki. At ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, gusto ko akin ka lang," pahayag niya. "Sayo lang naman ako Sir. 'Yon nga lang, nalilito ako kung ano bang meron tayo?" Dahil sa sinabi ko, bigla siyang lumapit sa akin. Yung tipong malapit na malapit talaga. "Gusto mo bang malaman kung anong meron tayo?" nakataas-kilay na sambit niya. Bahagya naman akong napatango. "---Well Ms. Samonte, hindi ko rin alam kung anong meron tayo. But one thing I know, takot akong agawin ka ng iba sa akin." sambit nito habang ang kanyang mukha ay nakatapat na rin sa aking mukha. Halos napanganga tuloy ako sa katagang binitawan ni Sir na hinding-hindi ko makakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD