KABANATA 13

1070 Words
Chapter 13 Ms. Samonte POV: Lutang ang aking isipan nang pumunta sa kusina matapos kong masaksihan at marinig kung sino ba ang babaeng 'yon. Kahit sino naman ganito ang magiging reaksyon dahil sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na magagawa sa akin ito ni Sir Nathan. Ginawa niya akong tanga at pinaikot gamit ang mga salitang nagpapahulog sa puso ko. Akala ko tuloy ay merong pagtingin sa akin si Sir Nathan, pero maling akala lang pala iyon. Dahil ang totoo, it's just only part of his game. Pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko. At naging klarado naman ito nang dumating ang babaeng mahal niya. Pero ang sakit eh. Ang sakit lang kasi umasa ako. Nag-assume ako na gusto niya rin ako dahil yung mga kilos niya nitong nakaraang araw ay sobrang sweet at maalaga niya pagdating sa akin. Kaya ayon, nahulog ako sa bitag niya. Nagawa kong maniwala sa mga salitang binitawan niya na halos ay kasinungalingan at pangbobola lang pala. Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na sisihin ito. Masyado kasi akong uto-uto. Siguro ay dahil sa pagmamahal ko kay Sir Nathan kaya ang bilis kong magpaloko at ang bilis kong magkaroon ng tiwala. Iba talaga ang nagagawa ng isang pag-ibig. Nagiging bobo ang isang tao. "Bakit ba kasi ang tanga mo Ms. Samonte? Bakit ba ang dali mong umasa? Patay na patay ka kasi sa kanya, kaya ayan, nasasaktan ka na naman. Sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag mong bibigyan ng malisya ang pinapakita niya. Marahil sa'yo ay may kahulugan 'yon, pero para sa kanya, wala siyang motibo pagdating sa'yo. Hanggang kailan mo ba kasi wawakasan ang katangahan mo? Pwede bang ngayon mo na tapusin iyang pagiging tanga mo?! Hindi ka naman yayaman sa pagiging tanga at martyr na babae! Kaya kung ako sa'yo ay tanggapin mo na lang ang katotohanan na masyado talagang pa-fall ang lalaking 'yon dahil alam niyang gusto mo siya!" Ito ang mga sinasabi ng isip ko na tila pinapagalitan ko ang aking puso dahil masyado itong nagpapaloko. Huminga naman ako ng malalim at saka ako bumitaw ng isang kataga na dapat lang na panindigan ko. "Tama na Ms. Samonte. Maawa ka sa sarili mo. Hanggang doon lang talaga kayo ni Nathan. Hindi ka niya gusto at lalong hindi ka niya mamahalin... Malayo ang agwat niyo kaya hindi kayo nababagay sa isat-isa... So please, tama na," mahinang sambit ko habang isinasapuso ko ang pagsasalita. Kaya heto ako ngayon, matapos kong kausapin na masinsinan ang aking sarili ay pinili ko na ngang gawin ang utos ng mahal kong bossing dito sa apartment niya. Nagluto na nga ako nang makakain ng bwisita niya --- este ng bisita niya na mahalaga tao sa kanyang buhay. Kaso lintik lang! Hindi ako makapag-focus sa pagluluto dahil kahit nandito ako sa kusina ay naririnig ko ang tawanan ng dalawa. Tuwang-tuwa ang mga loko-loko na akala mo ay matagal silang dalawa na hindi nagkita at nagkasama. Napailing na lamang ako at mariing napapikit para maibalik ang aking concentration sa pagluluto. Pagdilat ko ng aking mata, I decided to act normal. Hindi ko na lamang pinapansin pa ang mga tawanan nila para hindi na ako maapektuhan pa. Nang matapos akong magluto, ako na mismo ang nagserve ng pagkain nila para doon na sila kumain sa may sala. Ayoko naman kasi na dito pa sila kumain dahil dito rin mismo ako pupwesto kapag kakain na ako. Yes, uumpisahan ko nang iwasan si Sir Nathan. Since his girl is now here, wala nang rason para magkausap pa kami sa ibang bagay. Kung mag-uusap man kami, siguro ay kung may kailangan lang siyang ipagawa sa akin. And after that, wala nang rason pa para kausapin ko pa siya. Habang papalapit naman ako sa kanila, rinig na rinig ko ang kanilang usapan ngayon. Bitbit ko na yung pagkain na siyang siniserve ko para ilagay ito sa mesa. "Hindi mo man lang ako minessage na ngayon ka pala darating, edi sana nasundo kita sa airport. Nag-commute ka pa tuloy," wika ni Sir sa babaeng kausap at katabi niya. "Ano ka ba?! Kaya nga surprise diba? May surprise bang magpapaalam sa taong isusurprise mo? Ikaw talaga Nathan, napaka-slow mo... But honestly, akala ko kasi ay busy ka sa University na pinapasukan mo, kaya nahiya na rin ako magpasundo. Alam ko naman na marami kang ginagawa. Ang hirap kaya na maging teacher, ang daming mga papers na inaasikaso. So I decided na dumiretso na rito... Siya nga pala, dito muna pala ako titira sa apartment mo for two weeks, kasi babalik din naman ako sa Canada. Is that okay with you?" saad naman ni Bhie kay Nathan. "Kailangan pa bang tanungin 'yan? Alam mo naman welcome na welcome ka rito sa apartment ko, ano mang oras at araw na gustuhin mo," ngiting tugon naman ni Sir sa babaeng 'yon. Sumingit naman ako sa kanilang pag-uusap nang masilayan ko ang pagngiti-ngiti nila sa isat-isa na akala mo ay nasa isang pelikula ang mga ito. "Oh ayan. Kain na kayo," madiin na bigkas ko sa kanila sabay lapag nang pagkain na medyo padabog ko pa nga itong inilagay. "Thank You Ms. Samonte. Napaka-sipag mo naman," sambit sa akin ng dalaga na alam kong isang kaplastikan lamang ang ngiting inukit niya sa kanyang labi. Kaya ang ginawa ko ay ngumiti rin ako pabalik na punong-puno rin ng kaplastikan. "Maliit na bagay... Sige, maiwan ko na kayo." aniya ko sa babae. Kaya lang nang akmang aalis na ako para talikuran sila ay bigla akong hinawakan ni Sir Nathan sa aking kamay. "Sandali lang Ms. Samonte, kumain ka na rin kaya dito para sa gano'n ay may kasalo ka na kumain," pigil ni Sir kasabay nang pag-aya nito sa akin. "Huwag na ho Sir. Salamat na lang ho. Hindi rin naman kasi ako sanay na kumain na may kasamang iba lalo na kung hindi ko naman kilala. Alam mo na, baka kasi masuka pa ako kapag sumabay ako sa inyo. Nakakahiya naman kung gano'n diba? So excuse myself," turan ko na may katarayan sa aking boses. Umalis na nga ako sa harapan nila. Nakakakulo lang ng dugo. Hindi niya ba ramdam na sasabog na ako sa galit? Ang kapal ng mukha niya! Anong akala niya, magpapakatanga ulit ako sa kanya? Duh! Hindi na noh! Tatlong beses na akong nasaktan kaya siguro tama na 'yon. I already learned my lesson. At 'yon ay hiindi na ako magpapadala at maniniwala pa sa sasabihin niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD