PROLOGUE
PROLOGUE...
"Hi Nathan, para sa'yo. Binili ko talaga iyan para sayo dahil alam kong pagod ka maglaro ng basketball. Sana magustuhan mo," lakas-loob kong sambit sa isang lalaki. Siya yung binata na gustong-gusto ko. Bukod sa magaling na siyang magbasketball, ang pogi-pogi niya pa.
Kaya gumagawa talaga ako ng paraan upang mapansin lamang ng binata. Kaso nga lang, sa halip na tanggapin niya ang pagkain na niluto ko ay ginulo niya lang ang aking buhok.
"Bata, sayo na lang 'yan... Hindi mo kailangan na bilhan ako ng makakain. Alam mo, kung ako sa'yo, yung mga ginagastos mo ay dapat iniipon mo na lang," saad nito na tila tinatanggihan niya ang pagkain na binili ko para sa kanya.
"Pero Nathan, gusto kita. Hindi mo ba halata iyon? Crush kita Nathan... Humahanga ako sa'yo," mabilis na sambit ko at inalis ko na ang kahihiyan sa aking katawan.
Nasimulan ko nang umamin kaya wala nang rason para bawiin ko pa ito.
"Ano? Gusto mo talaga ako? Parang hindi mo yata alam ang sinasabi mo, bata... Dapat sayo ay nag-aaral nang mabuti. Napakabata mo pa para sa mga ganyan..." ani nito sa akin.
"Bakit? Wala na bang karapatan na magmahal ang mga katulad ko?" malungkot na turan ko sa kanya.
"Dose anyos ka pa lang diba? Kaya hindi mo pa alam ang sinasabi mo... Hindi kita gusto, bata. At wala akong balak na gustuhin ka... Kung ako sa'yo, i-enjoy mo ang pagiging bata mo... Mauunawaan mo rin 'yan kapag nasa tamang edad ka na katulad ko," saad nito.
"Ibig mong sabihin, pwede maging tayo kapag 18 years old na ako?" sambit ko na tila ginanahan ang aking puso.
Natigilan naman siya at bahagyang tumawa ang binata.
"Hindi ko alam. Dahil hindi naman ako magtatagal sa lugar na ito, bata... Hindi ako mag-aaral dito, lilipat na kami ng matitirahan sa Manila... Pero malay mo, after ten years ay magtagpo ulit ang landas natin," ani niya nang yumuko pa talaga para lang maging kapantay ako.
"Maghihintay ako... Pangako, mag-aaral ako nang mabuti para magustuhan mo ako," pahabol kong sabi nang makita kong naglalakad na siya palayo.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang salitang pag-ibig. Pero masaya ang puso ko kay Nathan sa tuwing nakikita ko siya.
Alam ko, pagdating ng panahon, malalaman ko rin ang kahulugan ng pagmamahal.