KABANATA 14

1058 Words
KABANATA 14 Sir NATHAN's POV: Sinundan ko naman nang tingin si Ms. Samonte habang papunta ito sa may banyo. Hindi na siya lumingon pa sa gawi namin na tila ayaw na nitong pagtuunan kami ng pansin ni Bhie. Base palang sa mukha, kilos at boses nito ay alam kong inis na inis na si Ms. Samonte dahil siguro sa mga nasaksihan niya sa amin ng babaeng katabi ko. Pero wala siyang magawa kundi ang sundin ang utos ko kahit labag ito sa kanyang kalooban. Napaisip tuloy ako na baka nagseselos lang siya dahil sa biglaang pagdating ni Bhie? Kung sabagay, kaselos-selos nga naman ang ginawang pagpapakilala ni Bhie sa kanyang sarili sa harapan mismo ni Ms. Samonte. Kaya kahit sinong nasa kalagayan ni Ms. Samonte ay talagang maiinis lalo na't nalaman niya na itong bisita ko ngayon na dumating ay ang babaeng nagustuhan ko noon. Alam ko na marami sainyo ang humuhusga sa akin dahil sa eksenang ginawa ni Bhie. But let me explain first nang sa gano'n ay maging malinaw ito sa inyo. Well, tama naman yung sinabi ni Bhie. Siya talaga yung babaeng gusto ko noong 10 years old pa lamang ako. Bata pa lang ay nagkaroon na ako ng tinatawag nilang puppy love. Nagkataon na si Bhie ang siyang hinangaan ko noon. Pero ngayon, hindi na. Dahil itong babae na katabi ko ay fiance ng pinsan kong lalaki. At ikakasal na silang dalawa next month. At nung araw na magtapat si Ms. Samonte sa akin na gusto niya ako ay tinawanan ko lang siya dahil ang bata niya pa para sa salitang pag-ibig na 'yan. Kaya nagawa kong i-reject si Ms. Samonte dahil alam ko na wala pa siyang alam sa gano'ng pagmamahal. Naisip ko rin na baka laro-laro niya lang 'yon. Pero yung pag-kahanga ko kay Bhie ay mabilis na nawala dahil alam kong hindi kami puwede at wala rin naman akong balak na gawing girlfriend siya. Because I know to myself na ibang babae ang nais kong gawin na girlfriend, and that is only Ms. Samonte. Hindi kasi mawala-wala sa isipan ko si Samonte. Halos siya na nga ang lagi kong bukambibig kila Bhie at sa pinsan ko. Lagi kong sinasabi sa kanila kung gaano kaganda si Samonte at kung gaano ka-anghel ang mukha niya. Until they told me talagang inlove na nga ako sa babaeng si Samonte. Sa sobra kasing pagka-inlove ko sa kanya ay nagawa kong maging guro para lang magkita ulit kami ni Ms. Samonte. Kaya masayang-masaya naman ako dahil tinupad ng Diyos ang aking hiling para muli kaming pagtagpuin. At first, hindi niya pa ako gaanong nakilala dahil maraming nagbago sa akin nang maging binata na ako. Naging matured na kasi ang aking itsura at mukha. Kaya medyo alinlangan pa siyang makilala kung ano ba ang pagkatao ko. Hanggang sa nagpanggap akong galit sa pagiging late niya. Pero ang totoo ay ginawa kong mag-galit galitan para maging kapani-paniwala ang aking pagkakausap sa kanya. Ginawa ko pa ngang rason ang pagiging late niya para kunin siyang kasambahay. In that case, I have a chance to know her better and to see her always. At aminado naman ako na gusto ko na talaga si Ms. Samonte pero hindi ko magawang magtapat dahil maling-mali para sa amin ito. Guro niya ako at estudyante ko siya. Kaya isang napakalaking bawal 'yon sa batas at eskwelahan. Nang wala akong mapagsabihan, ay gumawa rin ako ng isang maliit na diary para doon ko ibuhos ang totoo kong nararamdaman kay Ms. Samonte. Balak ko kasing ibigay ang diary na sinusulat ko tungkol sa kanya kapag dumating na ang tamang panahon para sa aming dalawa. Pero dahil sa nangyari ngayon ay mukhang kailangan ko na namang suyuin ang babae. Tiyak kong nasaktan ko na naman siya sa biglaang pagdating ni Bhie. Masyado kasing mapang-asar itong fiance ng pinsan ko, kaya ganon na lamang ang kanyang inakto kay Ms. Samonte. Hindi ko rin naman inaasahan na magiging ganon ang reaksyon ni Ms. Samonte, matapos niyang makilala ang babae. Alam ko na medyo magulo pa rin sa inyo ang lahat dahil nagawa kong mag-i love you sa video call nung kausap ko ang dalaga. Pero ginawa ko lang naman 'yon dahil nakita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin sa akin si Ms. Samonte. And yes, I did that with a purpose, nais kong paselosin siya para kahit papaano ay makumpirma ko kung may pagtingin pa ba sa akin ang babae. So that time, alam ko at ramdam ko na gusto pa rin nga ako ni Ms. Samonte kahit na todo deny pa siya pagdating sa akin. Napalingon naman ako kay Bhie nang marinig ko ang mapang-asar niyang tawa. Medyo inis ko syang tiningnan at tinanong gamit ang aking mata kung bakit siya tumatawa. "Ang cute niyo parehong tingnan, Nathan. Alam mo ba 'yon?" natatawang sambit nito. "Tsk. Bakit mo ba kasi sinabi yon?" taong ko naman sa kanya na may kapikunan sa aking pananalita. "Wala lang. Trip ko lang. Malay ko bang napakaselosa ng Ms. Samonte mo?" she smiled again. Naiiling naman ako sa kanyang isinagot. Ibang klase ang trip niya. Suyo malala ang aabutin ko nito. "Pero infairness ha, ang ganda niya pala sa personal. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay ka sa kanya," wika nitong sabi. "Huwag ka ngang maingay. Baka mamaya ay marinig ka pa niya." pagsasaway ko sa dalaga. "So what? Hanggang ngayon ba ay natatakot ka pa rin?" bigkas nito. "You know the reason, bhie. Ayoko lang na masira ang buhay niya," sagot ko naman sa tanong nito na seryoso na ang aking datingan. "Ayaw mong masira ang buhay niya? Pero paano naman ang puso niyong dalawa? Hindi mo man lang iniisip 'yan. Oh come on Nathan! Guro ka diba? So dapat matalino ka pagdating sa mga ganyan," sambit nito sa akin. Umupo naman ng pa-dekwatro si Bhie kasabay nang pagsalita niyang muli. "Next month na ang kasal namin ng pinsan mo. So I hope na next month, maging kayo na ni Ms. Samonte. Kayo pa naman na dalawa ang gagawin kong abay. Kaya kilos-kilos din pag-may time Nathan. Alisin ang takot, at sundin ang puso," pakindat nitong pahayag. Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Kung pwede lang sana ay matagal ko ng ginawa 'yon. Kaso hindi gano'n kadali ang maging karelasyon mo ang isang estudyante mo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD