Chapter 10
Ms. Samonte POV:
Napatulala ako dahil sa katagang binitawan ni Sir. At para hindi niya mahalata ang pagblush ng aking pisngi, tumawa ako ng malakas.
Yung tawa na may kasabay pang palakpak para matakpan ang pagkapula ng aking mukha.
Syempre, maging si Sir ay naweirdohan sa ginawa kong pagtawa. Akala niya siguro ay nababaliw na ako.
At habang tumatawa ako, pinalabas ko muna siya. Sinabi ko sa kanya na magpapalit lang ako ng damit kaya bahagya kong sinarhan ang pinto.
Hindi ko ito ma-lock dahil nga't nasira 'yon ni Sir. Ang lakas kasi ng pagkasipa
niya, kaya ayan tuloy nadamay ang lock ng aking pintuan.
And to be honest, hindi talaga ako m makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na sasabihin niya 'yon sa akin .
Feeling ko nga parang totoo talaga kasi seryoso siyang nakatitig sa akin habang sinasambit 'yon.
Pero teka, totoo ba talaga? O baka naman pinapaasa niya lang ako dahil alam niyang gusto ko siya.
Mahirap nang paniwalaan ang isang tulad ni Sir Nathan, masyado siyang pa-fall. Kung makapagsalita siya sa akin ay akala mo boyfriend ko siya.
'Ayaw niya akong sumuot ng maikling short. At kapag na-fall daw ako sa kanya,
handa niya akong saluhin.'
Oh diba? Ang weird! Wala kaming relasyon pero parang may label. Ang gulo lang!
Nagpalit na nga ako ng damit at matapos no'n, lumabas na ako ng kwarto.
'Di ko inaasahan na nasa gilid ng pinto naghihintay si Sir sa akin.
Side-view palang ang tangos talaga ng
ilong niya. Kyaaaaah! Wala ng tatalo pa sa kagwapuhan ng first love ko! Kahit na iharap niya pa sa akin ang kaibigan niya ay masasabi kong mas nakakalamang pa rin si Sir Nathan.
"So tara na?" sambit nito sabay lahad
ng kanyang kamay.
OMG! Gusto niya akong makaholding
hands palabas. Shet, kinikilig tuloy ako.
Dahan-dahan ko namang inilahad papunta sa kanya ang aking kamay.
At pakiramdam ko, nagkaroon ng kuryente ang palad naming dalawa.
Wala akong masabi. Basta pinipigilan ko lamang ang aking sarili na huwag kiligin nang husto.
Sabay na nga kaming lumabas ng apartment at sumakay ng kotse niya.
"Mabuti naman at medyo mahaba na 'yang suot mong damit." sambit nito habang nagdadrive.
"Ah yes Sir. Sabi mo kasi palitan ko." tugon ko sa kanyang sinabi.
"Good. Ayoko lang makita ng iba ang dapat nasa akin." mahinang saad niya.
"Ho?"
"Nothing Ms.Samonte." agad na sagot niya.
"Ah okay po Sir." bigkas ko na lamang.
"Nga pala, bukas hindi ako makakapasok ng first period sa klase niyo." wika nito na tila sa akin nagpapaalam.
"B-bakit naman ho Sir?" I asked.
"Busy lang ako sa pag-asikaso sa pageant ni Angelica," sagot niya sa aking tanong.
"Ahh. OK." walang ganang sambit ko. Awtomatikong napatingin siya sa akin.
"Anong mukha 'yan Ms.Samonte?" he asked me.
"Maganda Sir." proud na bigkas ko naman at dinaan ko pa sa biro.
"Pilosopa."
"Hindi kaya. Totoo naman na maganda ako ah. Palibhasa kasi--"
"Palibhasa ano?" tanong muli nito.
"Palibhasa kasi hindi ka marunong tumingin sa maganda. Ah oo nga pala,
hindi pala ako maganda sa paningin
mo." mataray na saad ko rito at nagawa ko pang isingit ang aking narinig kanina noong kausap niya ang kaibigan.
"Hindi ka naman talaga maganda Ms. Samonte," aniya nito dahilan para mapalukot ang aking labi.
"--Hindi ka maganda, dahil dyosa ka. Always remember that Ms. Samonte." kindat nitong sabi at talagang bumawi siya sa pamamagitan ng pagbanat.
Palihim tuloy akong ngumiti dahil sa sinambit ni Sir.
Hindi raw ako maganda dahil dyosa
ako? Omeged. Kenekeleg eke. Enebe. Feeling ko parang hinahabol ng kabayo
ang puso ko.
Simula sa kwarto at hanggang ngayon, ang dami niyang banat sa akin.
Ilang minuto rin ang tinagal nang pagmamaneho ni Sir bago kami nakarating sa lugar na kakainan namin.
Kaya lang nagtataka ako nang makita kong kokonti lang ang mga kumakain
dito.
'Bakit kaya?' Ayan sana ang gusto kong itanong kay Sir pero tila nasagot na 'yon nang magsalita siya.
"Andito tayo sa private restaurant kaya
konti lang talaga ang mga tao rito." he said.
"Ahm, b-bakit dito tayo pumunta Sir?" takang tanong ko sa kanya.
"Dahil ayokong may makakita sa atin na ibang guro at estudyante na kilala ako. m Kasi alam kong bibigyan nila ng malisya ang pagsasama natin. Gaya ng sinabi ko sa'yo nung una, ayokong masira ang buhay mo Ms. Samonte kaya hindi pwedeng kumain tayo sa publiko na tayong dalawa lang," muling sagot nito sa akin.
Naiitindihan ko naman si Sir. Isa sa mga bawal ang magkaroon ng relasyon ang guro at estudyante. Kahit na sabihin natin na WALA kaming relasyon ni Sir ay mahirap na. Sa panahon kasi ngayon, marami ng mapanghusga. At baka gawan pang chismis 'yon para lang masira ang buhay ng isang tao. Lalo na't pinaghirapan ni Sir ang propesyon niya na maging isang guro.
Hindi ko na kaya ito. Masyado na akong nahuhulog kay Sir.
"So, let's go?" aya nito sa akin at linahad niya muli ang kanyang kamay.
Eto na nga ba ang sinasabi ko, talagang
na-adik na si Sir sa kamay ko. At gusto niyang holding hands kami lagi.
Wala nang paligoy-ligoy at mabilis kong hinawakan ang kamay niya papunta sa kamay ko.
Nang makapasok na kami sa loob. Halos bilang ko lang talaga ang mga tao.
Kaya lang may mga grupo din ng lalaki na nakatingin sa---sa akin ba sila nakatingin?
"Tsk. 'Wag na lang pala tayo dito." biglang sabi ni Sir na tila ba may pagkainis sa boses niya. Tila nagbago ang desisyon niyang dito kami kakain.
"H-huh?"
"Sa iba na lang tayo kumain." he suggested.
"Pero--"
"Ms. Samonte, huwag mo nang ibuka pa 'yang bibig mo. Nagkausap na tayo kanina diba? Na ayokong may tumitingin sa'yo, lalo pa at parang hinuhubaran ka nila gamit ang kanilang mata." pahayag niya.
"Hinuhubaran? Sir naman, may damit
ako. At kailan ka ba nakakita na mata
ang gamit sa paghubad ng damit?" pilosopang wika ko sa aking guro.
"Tsk." sambit niya na tila naisahan ko siya.
"And besides, kasama naman kita. At higit sa lahat, sa'yo lang naman ako." ngiting bigkas ko sa kanya at nagawa ko na ring bumanat sa binata.
Ang landi ko!
"Then good Ms.Samonte. Dapat lang na sa akin ka lang."
Sa sinabi ni Sir, napagdesisyunan namin na doon na kumain.
Sa gabing ito, sobrang saya ang naramdaman ng aking puso.
Wala kaming relasyon ni Sir pero ang pagsasama namin may label.