Chapter 9
Ms.Samonte POV:
"Sige pare, uuwi na ako. Mukhang ayaw mo yata akong makausap at makita," pagpapaalam nito na tila nahalata niya na hindi siya gustong makita ni Sir Nathan.
"--But I'm glad to meet you, Ms. Samonte." baling na sambit niya sa akin kasabay ng pagkindat.
Ito ang huling katagang narinig ko sa binata. Kahit papano, gumuhit ang matamis kong ngiti sa aking labi. Halatang interesado sa akin ang kaibigan ni Sir Nathan. Ngayon ay naniniwala na ako sa kasabihan na kung hindi para sa akin si Sir, baka para sa akin ang kaibigan niya.
Kaso nga lang, malakas na sinara ni Sir ang pinto ng apartment at pumunta siya sa kanyang kwarto.
"Luh... Kung makapagreact ang lalaking 'to, akala mo naman nagseselos," inis na
bigkas ko.
Babalik na sana ako ng kusina pero bigla siyang lumabas.
Ngayon ko lang napagtanto na may kabilisan si Sir sa pag-galaw at dinaig niya pa si the flash.
Lumapit naman ito sa aking harapan at
tiningnan ako ng seryoso.
"Halika na Ms. Samonte, aalis tayo," pag-aaya nito kaya litong-lito akong napatingin sa kanya.
"H-huh?" kunot-noong tugon ko.
"Sabi ko halika na at kakain na tayo sa
labas," pag-uulit niyang sabi.
"Kakain tayo s-sa labas? T-teka, magdedate ba tayo?" tanong ko sa binata at ito kaagad ang pumasok sa utak ko.
"Yah, lalabas tayo dahil baka sabihin mong tinitipid kita sa pagkain. Pero HINDI DATE ang tawag do'n. Kakain lang tayo sa labas na walang malisya. You are my student and maid here, kaya normal lang na kumain tayo sa labas. Nang sa gano'n ay hindi ka na tatanggap ng pagkain sa kahit sinong lalaki," paglilinaw nito at talagang pinitik niya pa ang noo ko.
Dahil sa sinabi ni Sir, hindi na lamang ako umimik pa.
Kaya lang nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso.
"Palitan mo pala muna ang damit mo Ms. Samonte." ani nito.
"Palitan? Pero okay naman 'to Sir ha?" saad ko naman sa kanya.
"Kapag sinabi kong palitan mo 'yan. Palitan mo. Huwag ka ng umangal pa para makakain na tayo." matigas na sabi niya.
"Eh, bakit ba Sir? May mali ba sa suot ko?" ngusong tanong ko sapagkat hindi ko siya maintindihan ngayon. He's being strict and possessive. Kung makaakto siya ay tila girlfriend niya ako na pinapagalitan.
"Huwag ka ng madaming tanong Ms. Samonte. Ayoko lang na may tumingin sayong lalaki na ganyan ang suot mo. Gusto ko, AKO LANG." wika nito na diretsang nakatingin sa mata ko.
Sumagi tuloy sa isip ko yung inakto niya kanina kay pogi.
"Ayieehh, kaya ba pinaalis mo si gwapo
dahil sa suot ko? Tama ba Sir?" I asked him na may pilyang ngiti sa labi ko.
"Tsk." bigkas nito.
"Uyyy aminin,nagseselos ka," sundot ko sa kanyang tagiliran.
"Tsk."
"Sabi na nga ba, gusto mo ako," saad
kong muli.
"Hindi ko sinabing gusto kita. Kaya 'wag kang mag-assume Ms. Samonte." agad na bigkas nito sa akin kaya napatigil ako sa pang-aasar sa lalaki.
"Okay, fine!" I just rolled my eyes.
"Pero pwede ba, huwag mong ipakita o iparamdam sa akin na parang gusto mo ako, para hindi ako mag-ssume. Ang hilig mo kasing magbigay ng motibo, tapos wala pang kahulugan 'yon. Napaka-red flag mong tao, hindi ko alam kung bakit naging color blind ako pagdating sayo", tanging sabi ko at umalis na sa harapan niya.
Sa pangalawang pagkakataon, nainis na naman ako kay Sir Nathan.
Dear Diary,
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari kay Sir. May oras kasi na pakiramdam ko, gusto niya ako. Sa bawat kilos niya at sa bawat pananalita niya, naguguluhan ako.
Nagiging malabo tuloy ang lahat para sa akin. Pero dahil sa sinabi nito kanina na wala palang meaning ang lahat ng 'yon ay nabigyan akong linaw. And I'm so stupid dahil umasa ako sa mga pinakita niya. Kakapikon! Bahala siya sa buhay niya! Manigas siya d'yan!
"Ms.Samonte! Buksan mo 'to!" sigaw
niya sa labas ng aking kwarto.
"Wala akong naririnig. Lalalalalala." pagkakanta ko para kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Ms. Samonte!" tawag niya ulit.
"Lalalalalalalala."
"Kapag nakabilang ako ng tatlo Ms. Samonte at hindi mo pa 'to binuksan, sisirain ko talaga ang pinto na 'to!" pananakot niyang bigkas.
"Lalalalalalalala. As if naman gagawin
mo." bulong na sambit ko. Alam ko kasi na hanggang salita lang naman si Sir.
"Isa.."
"Abah nagbilang talaga." mahinang wika ko.
"Lalalalalala..." pagpapatuloy ko sa kanta.
"Dalawa.."
"Lalalalala."
"Dalawang may kalahati." bigkas niya pero hindi pa rin ako nagpatinag.
"lalalalalalalalalalalalal--"
Hanggang sa pagbilang niya nang ikatlo ay gulantang akong napatayo.
"Tatlo!" bulyaw nito at sinipa ng malakas ang pinto.
Napatigil naman ako sa pagkakanta nang makita ko kung paano nasira ni Sir ang pinto ng aking kwarto.
Ginawa niya talaga! Tinotohanan niya ang pagbabanta kanina na sisirain niya ang pinto.
Napalunok na lamang ako ng laway habang lumalapit si Sir sa aking gawi.
Wala ring ekspresyon ang mata niya
kaya medyo natatakot ako.
Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto
niyang iparating sa akin. Feeling ko tuloy parang kakainin niya ako ng buhay.
"Bakit di mo ako pinagbuksan ng pinto
Ms.Samonte?" malamig na tanong nito
sa akin.
"Ah, -eh-ih-oh--uh--" pagbibigkas ko ng abakada.
"Hindi ako nakikipagbiruan Ms. Samonte," muling saad niya.
"Ehh-"
"Ilang minuto kitang hinintay sa labas dahil ang akala ko ay papalit ka ng damit. Pero hindi ka man lang kumilos at hinintay mo pang magalit ako," wika ni Sir at nagsasalubong ang kanyang kilay.
"Ano kasi-- "
"Hindi mo ba alam na nakakapagod maghintay?" saad nito na hindi pa rin mawala ang pagiging seryoso ng boses niya.
"Kasi-"
"Tapos hindi mo pa ako pinagbuksan
ng pinto. Sigaw ako nang sigaw kanina pa." ani nito.
"Ehh pano kasi--" hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin magawang tapusin dahil inuunahan akong magsalita ni Sir Nathan.
"At nagawa mo pang kumanta ng walang kwentang lalala na 'yan."
"Ehh kasi Sir--"
"Kasi ano?" cold na tanong niya.
"Kasi nakakainis ka! Naiinis ako sayo!" biglang sigaw ko rito at hindi ko napigilan pang ilabas ang aking hinaing.
"Masyado ka kasing pa-fall Pinaparamdam mo sa akin na parang
gusto mo ako, pero hindi pala! Kaya
natatakot tuloy ako na baka pagna-fall
ako sa'yo, hindi mo ako saluhin." wika
ko sa kanya.
Ewan ko ba pero maging ako ay nagulat nang sambitin ko 'yon sa harapan ni Sir.
Tiningnan ko naman ang mukha niya at bakas dito ang pagkagulat.
Pero ilang minuto ang nakalipas bago
siya nagsalita.
"Huwag kang matakot Ms. Samonte. Dahil kung ma-fall ka man sa akin, handa akong saluhin ka. Basta ba sa akin ka lang mahulog."
'Yan ang katagang narinig ko mula sa labi niya dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko.