Chapter 8
Ms. Samonte POV:
Isang malalim na paghinga ang narinig ko kay Sir.
Hindi ko man makita ang mukha niya, ramdam kong nalulungkot siya. Ilang saglit pa ay binuksan niya na ang pinto ng apartment.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at
pumasok na ako sa loob. Gusto ko mang patawarin si Sir, mali pa rin ang ginawa niya. And besides, magpapakipot pala ako.
Kaya hindi ko muna siya iimikin para magmukha akong galit.
Sa naisip kong 'yon, napangiti ako ng wala sa oras. Gusto ko kasing maranasan ang lambingin kahit papano.
Alam kong imposible na gawin yun ni
Sir, but I'm still hoping. Kaya naman matapos kong magbihis ng pambahay lumabas na ako ng kwarto para gawin ang aking trabaho.
Ewan ko ba sa kaniya, masyadong kuripot. Lagi na lang kasi delata ang
ulam namin. Pakiramdam ko ay tinitipid niya ako. Pero wala naman akong karapatan na magreklamo dahil Boss ko siya rito.
After kong magluto, nagsimula na akong maglinis ng apartmet.
At sa bawat pagwalis ko, I know na sinusundan ako ng tingin ni Sir. Kaya medyo naiilang tuloy ako na kumilos.
Hindi ako sanay na may tumitingin sa gawa ko.
"Ms.Samonte," tawag nito sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Kaya lumapit ang binata sa aking gawi.
"Ayokong ganito tayo." muling bigkas niya at nanatili pa rin akong tahimik habang pinagpapatuloy ang paglilinis.
"Tayo na nga lang dito, ganyan ka pa,"
saad nito.
"--Nagawa kong sigawan ka dahil nakita kong nakikinig sa atin ang isang guro habang nag-uusap tayo," paliwanag ni Sir sa akin.
"Kahit na! Masakit pa rin 'yon," sambit
ko sa aking isip.
"Huwag ka ng magalit Ms.Samonte. Sorry na ha?" hinging pasensya ng lalaki na may kalambinga na sa boses.
"Hindi ako galit! Nagseselos ako!" bigkas ko ulit sa aking isipan.
"Ms.Samonte, magsalita ka naman," ani niya upang kulitin lamang ako.
"Ayoko nga. Nagpapakipot ako sa'yo," saad kong muli sa isip.
Para akong engot na sinasagot siya gamit mismo ang aking isipan kaya hindi niya ito magawang pakinggan.
"Ms. Samonte, kausapin mo naman ako," pangungulit nito.
"Kiss mo muna ako Sir."
Medyo nagulat ako dahil wala sa oras nasabi ko ang katagang 'yon. Buong akala ko kasi sa isipan ko lang ito sinasambit. Tapos ngayon, bigla itong lumabas sa bibig ko.
"Gusto mong ikiss kita Ms.Samonte?" tanong nito na may mapaglarong ngiti sa labi.
"H-huh? Wala akong sinabing ganyan Sir ha!" pagdedeny ko naman kahit na halatang-halata naman na narinig niya ito.
"Hindi ako bingi Ms. Samonte kaya rinig na rinig ko ang sinabi mo," turan niya habang lumalapit siya sa akin.
"--At dahil gusto kong magkabati na tayo. Edi sige, hahalikan kita Ms. Samonte para lang mapatawad mo ako." smirk na saad ng binata.
Ewan ko ba pero nung malapit na ang labi ni Sir sa labi ko, biglang kumabog
ang aking puso kasabay nang pagpikit ko ng aking mata.
Hanggang sa naudlot ito dahil sa tunog
ng doorbell dahilan para mapalayo kami sa isat-isa.
Tsk! Panira ng moment!
Napalayo tuloy ang mukha ni Sir buhat
ng antipatikong asungot na tao sa labas.
Isa lang ang masasabi ko, SAYANG! Oo, sayang talaga! Nawala na sana ang pagpapakipot ko, kaya lang may humadlang naman.
At si Sir na mismo ang siyang bumukas ng pinto upang tingnan kung sino ang nasa labas.
Kaya ang tanging ginawa ko ay silipin kung sinong tao ang nang-istorbo sa
amin.
At alam niyo ba kung sino? Isang gwapong nilalang.
Mukhang lalabas na yata ang pagiging
malandi ko sa lalaking 'to dahil sa kagwapuhan na taglay niya.
Nang tumingin ang hottie guy sa side
ko, kagat-labi ang aking tinuran upang simulan ang aking pagpapacharming.
Kung si Sir Nathan ay may jowa na, panahon na siguro para palitan ko siya. I-uncrush ko na so Nathan at bubuksan ko na ang aking puso sa iba. Give chance to others, ika nga. Since sobra-sobra na rin yung pagmamahal ko kay Nathan. I think it's enough.
"Kaya pala ang tagal mong buksan ang
pinto dahil may kasama kang babae. So 'yan na ba ang kinikwento mo sa akin, pare?" ngiting tanong nito kay Sir.
"Tsk. Ang daldal mo. Kasambahay ko
lang 'yan." wika nito na talagang pinakilala lang ako na katulong.
"Grabe pare, bilib din ako sa'yo. Naging guro ka lang, kumuha ka na agad ng kasambahay. At hindi lang 'yan pare, maganda pa talaga ang kinuha mo."
Sa sinabi ng lalaking 'to, feeling ko biglang pumula ang aking pisngi.
Tinawag nya akong MAGANDA. At siya lang yata itong naka-appreciate ng ganda ko.
"Kyaahhh! Wala akong pera, pero thank
you po," sambit ng isipan ko habang tumitili pa.
"Ikaw talaga pare, lahat naman maganda sa paningin mo lalo na pagdating sa babae. Pero para sa akin, hindi naman siya maganda," litanya ni Sir Nathan na talagan pinangalandakan niyang panget ako.
Nakakausok ng ilong ang taong ito. Kahit kailan bida-kontrabida siya sa buhay ko.
Ako? Hindi maganda? Aba! Aba! Pigilan niyo ako at masasapak ko talaga ang binatang ito!
Wala akong pakialam kahit guro ko pa siya! Bwisit siya!
"Hindi ka talaga marunong tumingin sa maganda Nathan. Ang hina ng taste mo,"
"--By the way, kumain na ba kayo? May dala kasi akong ulam. Napadaan ako kanina sa restaurant kaya nagtake-out
na rin ako," pahayag nito at pinatingin sa amin ang ulam na dala niya.
Dahil nagsasawa na ako sa de lata ay para akong nanlaway sa ulam na bitbit niya. Amoy pa lang kasi nito ay natatakam na ako.
"Salamat pare, pero may ulam na rin
kami," sagot naman ni Sir sa kanya dahilan para mapangiwi ako.
Ulam daw? Anong ulam na naman ba? De lata? Jusko! Magkakasakit ako sa atay neto!
"Ganon ba? Sige kung ayaw niyo, ibigay ko na lang 'to kila mom," sambit ni kuyang pogi.
Dahil nanghinayang naman ako sa dala nitong grasya ay agad akong sumingit sa
kanilang usapan.
"Naku, sorry gwapo kung feeling close ako ha? Pero pwede bang akin na lang 'yang dala mo? Sawa na kasi ako sa mga delata eh saka nagugutom na ako," makapal na mukhang sabi ko.
"Of course Ms.---"
"Ms. Samonte. Ms. Samonte na lang ang
itawag mo sa akin," ngiting turan ko sa kanya at talagang nagawa kong magpakilala sa kanya.
Pagkakataon na ito para malaman niya ang aking pangalan.
"Okay, Ms. Samonte. Sa'yo na 'to. Nice
meeting you pala. Hoping to see you again," wika niya at ibinigay ang ulam sa akin.
"Ahh, thank you--" hindi ko na naitapos pa ang aking sasabihin dahil marahas na
kinuha ni Sir ang ulam sa kamay ko. And yes, binalik niya ito sa lalaking kaibigan niya.
"Tsk. 'Wag na pare. Meron talaga kaming ulam. Pagpasensyahan mo na ang katulong ko, matakaw talaga ito. Pero may ulam na talaga kami. Kaya i-uwi mo na lang 'yan sa bahay niyo at ibigay kila tita," pahayag niya na hindi man lang nabulol.
"--Makakauwi ka na. Salamat na lang
sa pagpunta. Ingat ka pauwi," patuloy na saad nito kay pogi habang pinagtutulakan nito ang kaibigan na umalis na.
Takang-taka naman ako sa inasal ni Sir. Ngayon ko lang nakita na ganyan siya.
Kaya hindi maiwasan ng utak ko ang mapatanong kung bakit at anong nangyayari sa kanya?
Bigla kasi siyang sumingit sa usapan namin ng kaibigan niya at sasabihing may ulam kami, kahit wala naman.