Chapter 6
Ms. Samonte POV:
Hindi na sana ako gagalaw pa sa aking kinatatayuan kaso bigla akong hinila ni Sir paupo sa kanyang tabi.
Kaya naman pilit na rin akong kumain para makaligo na.
Isinantabi ko muna ang sinabi nito kanina dahil kapag sineryoso ko iyon ay baka ma-late nga kami.
At hindi rin nagtagal, naligo na nga ako.
Minadali ko lang ang pagsabon sa aking katawan dahil medyo malamig ang tubig.
"5 minutes and 21 seconds? Ganyan ka ba kaikli maligo Ms. Samonte? Parang hindi ka man lang nanghilod," tanong ni Sir nang makalabas ako ng banyo.
"Huh? Teka, ino-orasan mo ba ang pagligo ko?" tanong ko sa kanya sapagkat nakatingin siya sa kanyang relo.
"Hindi pa ba halata Ms. Samonte?" balik na bigkas niya sa akin.
"Che! Ewan ko sayo Sir. And besides, nagmamadali lang ako dahil ayoko ng ma-late, noh! Ikaw na ang nagsabi na bawal ma-late diba?" pagpapalusot kong sambit.
"Wow! Dinahilan mo pa talaga 'yan Ms. Samonte. Bakit 'di mo na lang kasi sabihin na takot ka lang sa tubig. Para kang kambing na ayaw madampian ng malamig na tubig." wika nito.
"H--hindi kaya! Saka, pake mo ba ha? Pati pagligo ko dyan, nakikita mo pa Bakit hindi mo atupagin 'yang sarili mo," mataray na sambit ko at tinalikuran siya.
Nagsimula na akong mag-ayos sa sarili.
At nang nang matapos, agad na kaming umalis ni Sir.
Gaya ng dati, sa kanyang kotse ako nakikisakay.
Oh 'diba? Feeling ko tuloy ang yaman ko dahil mismo sa paghahatid at sundo ni Sir sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Kaso nga lang, wala pa sa gate ay bigla niya itong hininto dahilan para magtaka ako.
"Pwede ka ng bumaba Ms. Samonte." saad nito nang balingan ako ng tingin.
"H--huh? Ano?" tanong ko dahil baka nabibingi lang ako.
"Sabi ko, bumaba ka na," pag-uulit na sabi niya.
"Pero malayo pa ang gate Sir." pagmamatigas ko naman rito.
"Yah I know. Kaya nga pinapababa na kita dahil ayokong magawan tayo ng issue. Kasi kapag nakita tayo ng ibang estudyante at mga guro baka bigyan nila ng malisya ang pagsakay mo sa kotse ko," paliwanag ng binata para sa gano'n ay maintindihan ko.
"Sir naman, kahapon nga hindi ka nahiyang sabihin sa mga kaklase ko na
kasambahay mo ako. At hindi ka rin nahiya na pasakayin ako sa kotse mo nung uwian. Tapos ngayon ka pa magdedesisyon ng ganyan. Ang gulo mo. Para kang--," hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla siyang
magsalita.
"Ms. Samonte pinaliwanag ko naman 'yon sa Dean kung ba't tayo magkasama. So now, kapag nakita nila tayong magkasama ulit at nakasakay ka sa kotse ko, baka masira lang ang buhay mo. At ayokong mangyari 'yon sayo. Okay? Do you now get my point?" taas-kilay na sambit niya.
Para akong natulala sa sinabi ni sir.
Wait, tama ba ang pagkakarinig ko? Ayaw ni Sir na masira ang buhay ko? Ibig sabihin ba nito, concern siya sa akin?
Oh my gosh! Kinikilig ako!
Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya bago ako bumaba ng kotse.
Ayos lang kung lumakad ako papuntang gate. Ang mahalaga, nalaman kong concern sa akin si Sir! Concern sa akin ang first love ko! Shet! Ang haba ng hair ko!
Dahil nga't naka-kotse si Sir, mas nauna itong nakarating sa classroom.
Kaya sa hindi kalayuan, natatanaw ko na kaagad siya sa may pinto. And I just realized na kausap niya pala ngayon ang muse namin na si Angelica.
May pangiti-ngiti pang nalalaman ang demonyitang ito kay Sir. Akala mo naman kung sinong maganda.
Dahil hindi ko na nakayanan pa ang aking nakikita, mabilis akong naglakad patungo sa kanilang pwesto.
Rinig na rinig ko pa ang tawanan nila na ikina-init lalo ng ulo aking ulo. Nagseselos ako dahil feeling ko ay inaagaw ni Angelica ang atensyon ni Sir.
"EXCUSE ME LANG PO HA? DADAAN
AKO!" malakas na saad ko sa kanila.
Sabay naman silang napalingon sa akin.
Kaya may pagtataka ang tingin ng dalawa dahil sa akto ko.
Pero hindi ko inaasahan na hahawakan ni Muse ang braso ni Sir at tumabi pa talaga ito sa kanya. Umusog na rin ito ng konti para makalakad ako papasok.
"Tsk. Pigilan niyo ako. Masasapak ko
talaga ang babaeng 'to! Gigil niya si akess! Bwisit!" naiinis na bigkas ng utak ko.
"Samonte? Bakit hindi ka pa dumadaan?
Kita mo naman sigurong nag-uusap kami ni Sir at nakakaistorbo ka," isang
wika ni Angelica dahilan para magising ang aking diwa.
Oo nga pala, hindi pa kasi ako humahakbang papasok dahil nakatingin pa ako sa kanila. Parang na-glue ang paa ko dahil hindi ko ito maihakbang.
"Sa pagkakaalam ko MS. D. MUNYO, oras na para magdiscuss si Sir. So tell me, sino ba sa atin ang nakakaistorbo?
Hindi ba ikaw?" baling na saad ko para magmukha akong palaban.
Yes, her name is Angelica D. Munyo. Bagay na bagay ang kanyang pangalan sa pagkatao niya at pagiging mang-aagaw niya sa first love ko.
"Ms. Samonte!" saway ni Sir sa akin kaya awtomatikong napatigil ako.
"Pumasok ka na sa loob dahil may mahalaga kaming pinag-uusapan ni
Angelica," muling sabi nito.
Tsk. Talagang kinampihan niya ang demonyitang 'yan!
Edi wow! Magsama sila!
Lalakad na sana ako papasok, kaso bigla akong ininsulto ng Angelica na 'to.
"That's right. Mabuti ngang pumasok ka na Ms. Samonte. Wala ka naman kasing ambag sa University natin. Kung sabagay, hindi ka naman pala maganda
para piliin sa pageant dito sa campus."
Dahil do'n, lalong kumulo ang aking dugo. Pinigilan ko lang dahil akala ko papagalitan ni Sir ang babaeng 'to, pero HINDI! Hindi niya man lang sinigawan ang babae katulad nang pagsigaw nito sa akin.
My Gosh! It is so UNFAIR on my side.
Kung inaakala ni Angelica na magpapatalo ako, pwess HINDI! Hindi
ako papayag!
Mamayang break time, I shall return.
Inis akong pumasok at umupo sa aking
upuan. At do'n ko napagtanto na may
nakasulat na pala sa blackboard. Kita
ko rin ang mga kaklase ko na busy sa pagsusulat. So kinuha ko na rin ang aking notebook at ballpen para magsulat.
Dahil mabilis tumakbo ang oras, dumating na nga ang pinakahihintay ko.
Ang BREAK TIME!
Nagmadali akong pumunta ng cafeteria dahil nakita ko si Angelica na papunta roon kaya sinundan ko talaga siya.
Ewan ko ba pero may lahi sigurong aswang ang taong ito dahil naamoy niya agad na nasa likuran niya ako.
"Hey, sinusundan mo ba ako?" she asked me nang lumingon siya.
"Me? Myself? And I? Susundan ka? Bakit ko naman gagawin 'yon? Remember that it's already a break time. Kaya dito talaga ang puntahan ng mga estudyante.. Gosh, isip-isip din 'pag may time, Ms. Angelica," wika ko bilang pagpapalusot.
"I know you Ms. Samonte. Alam na alam ko na ang pagkatao mo. Kaya hindi mo na kailangang mag-deny pa," mataray na sambit nito.
"Really? Kilala mo ako? How sweet naman. Talagang naglaan ka ng oras para makilala ako nang lubusan. Nakakataba ng puso," ani ko naman na may ngisi sa labi.
"Talagang maglalaan ako ng oras sayo dahil hindi ko gusto ang pagdidikit mo kay Sir Nathan. Masyado kang papansin at malandi. Akala mo ba ay hindi ko halata na nagseselos ka? Oh come on, alam kong gusto mo ang Teacher natin. Kaya lang, ang katulad mo, hindi niya magugustuhan. Kasi sino ka ba naman diba? Look at yourself in the mirror. Pagmasdan mong mabuti 'yang mukha mo. Kung magkakatabi tayong dalawa, siguro magmumukha ka lang na talampakan ko. Kaya itigil mo 'yang pagiging pabida mo kay Sir dahil hindi ka maganda," pahayag nito.
"Kung makapagsalita ka naman ay akala mo ikaw na itong pinakamaganda dito sa Campus... Para sabihin ko rin sayo, hindi ka maganda. Nagiging maganda ka lang dahil sa kapal ng foundation d'yan sa mukha mo! Tandaan mo rin 'yan!" hirit kong bigkas para matauhan din siya.
Nakakakulo siya ng dugo ha?