Chapter 5
Ms. Samonte POV:
Dear diary,
Wala na yatang mas sasakit pa dahil sa mga narinig ko mula sa bibig ni Sir.
Mukhang hindi na yata kami meant to
be. Ang lahat ng imahinasyon at pangarap ko ay magtatapos na dito dahil sa Bhie na iyan. Naunahan ako ng ibang babae.
Kung ikukumpara ako sa babaeng kausap niya ay halatang hindi ako mananalo. Maganda at professional 'yon katulad ni Sir Nathan. I mean, maganda din naman ako but still, I am not enough. Estudyante pa lang ako at wala akong maipagmamalaki kay Sir Nathan. Malayong-malayo ako sa dream girl niya. Kaya kahit masakit ay kailangan ko na sigurong tanggapin na hanggang dito na lang talaga.
Ano ba 'yan! Hindi ko maiwasan na magdrama.
Sa isang araw na pag-stay ko ay parang ang dami na kaagad na kaganapan sa akin dito sa apartment. Marami akong nalaman. Marami akong nasaksihan. And God knows that my heart and mind is really tired.
Una, naging kasambahay ako ni Sir. Pangalawa, nalaman kong si Sir pala
ang first love ko. Pangatlo, maraming kahihiyan ang aking nagawa. At pang-apat, nasaktan ulit ako.
Bakit gano'n? Bakit parang ang hirap sa kalooban ko na tanggapin ang katotohanan? Ang katotohanan na may girlfriend na si Sir.
Diary, help me. Help me kung pa'no
magmove-on please. Gusto ko nang limutin at alisin si Sir sa puso ko, pero hindi ko alam kung papaano.
Itinago ko na ang aking diary nang matapos kong sulatin ang madramang
nangyari sa akin ngayong araw na 'to.
Kahit masakit ang mga nalaman ko, minabuti kong ipikit ang aking mata para makatulog.
Kinaumagahan, nagising na lamang
ako dahil sa mga sundot sa aking
tagiliran na ginagawa ni--- SIR.
Agad akong napabangon nang makita
kong nakaupo si Sir sa gilid ng kama.
OMG! Kanina pa ba s'ya nandito?
Kanina niya pa yata minamasdan ang
maganda kong mukha habang mahimbing na natutulog.
"6 a.m na Ms.Samonte. Wala ka bang
balak na bumangon? O baka naman, wala kang balak na pumasok? Kaya nga kita pinatira dito sa apartment para hindi ka na ma-late. Pero yung pag-gising mo, daig mo pa ang isang matandang pensyonado sa buhay... Ipapaalala ko lang sa'yo na estudyante ka pa. So don't be lazy. Wake-up on time," panenermon niya kaya't napatakip naman ako ng aking tenga.
"Ah sorry ho Sir. Ang sarap kasi ng tulog ko... Ikaw naman, para ako nakapatay ng tao kung pagsabihan mo," sambit ko rito.
"Tsk. Bumangon ka na dyan at magluto
ka na ng almusal natin," saad nito kasabay nang pagtayo niya at akma na sanang lalabas ng silid ko.
"Huh? Ako? Ako ang magluluto?" turo ko sa aking sarili at napabangon na rin ako.
"Yeah. Ikaw nga. Kasambahay ka dito Ms. Samonte baka nakakalimutan mo," pahayag nito.
"Bakit ba kasi ako pa? Kung makapag-utos ka naman sa akin akala niya close kami," bulong ko sa sarili.
Parang nawalan ako ng ganang bumangon dahil pagluluto lang pala ang dahilan kung bakit niya ako ginising.
"May sinasabi ka ba Ms.Samonte?" lingon na turan niya.
"Ho? wala Sir. Sabi ko nga, magluluto na ako para makakain ka na," turan ko sa lalaki.
"Then good. Bilisan mo na. Make sure na kapag natapos akong maligo, dapat tapos ka na ring magluto," bilin na utos nito sa akin.
"Yes Sir.", tugon ko na lamang na medyo plastic pa ang aking pagkaka-ngiti.
Lumabas na si Sir sa aking kwarto. At
heto ako, niligpit ko muna ang aking hinigaan.
Hindi na rin nagtagal at dumiretso na
ako sa kusina. At pagbukas ko ng ref ay parang nagkaroon ng clean and green dito, dahil sobrang linis, at halos ni isang de lata ay wala akong nakita.
"WOW! GRABE! ANG DAMING
PAGKAIN! SA SOBRANG DAMI, HINDI
KO MAKITA! TEKA, INVISIBLE YATA
ANG MGA PAGKAIN DITO? Ay, oo nga pala, tanging dalawang delata lang ang
nakita ko dito kahapon na tapos ko ng
lutuin! Tsk. Kung makapag-utos si Sir sa akin wala naman palang lulutuin! Gigil niya ako! Lakas makautos, wala namang pangluto," inis na wika ko habang nagsasalita akong mag-isa sa harapan ng refrigerator.
Dahil nga walang pagkain sa ref, naupo ako sa may sala at nanood na lamang ng T.V.
"Bahala ka dyan Sir kung walang
almusal. Kasalanan mo rin naman!" mahinang saad ko.
Sayang-saya ako na nanonood ng
teleserye nang biglang bumukas ang banyo hudyat na tapos na si Sir maligo kaya na siya.
Buti naman at naka-tshirt siya at least
kapag kinausap niya ako, edi hindi ako
mauutal-utal. And guess what? Talagang kusina agad ang kanyang pinuntahan just to check kung may naluto na ako.
Nakabalik din naman siya kaagad dahil
siguro nakita niyang walang pagkain sa lamesa.
"MS. SAMONTE." bigkas niya sa pangalan ko sa madiin na boses.
Sa pag-banggit niya palang ng aking pangalan ay napatayo na agad ako.
"Mawalang galang na po Sir. Bago mo
po ako pagalitan,pagalitan mo muna
ang sarili mo. Alam ko na kasi ang
sasabihin mo sa akin. Bakit wala akong linuto, tama ba? Oh well Sir, let me explain first para hindi humantong sa panenermon 'yang bunganga mo, okay? Ganito kasi 'yan, paano ako makakaluto kung wala namang iluluto? Binuksan ko yung ref at kahit isang delata, hotdog o itlog wala akong nakita. Ang linis ng ref mo sir. Hindi ko naman sigur 'yon kasalanan diba?" pangungunang litanya ko rito.
Pero ang gago, bigla niyang sinenyasan upang lumapit sa kanya.
"Tsk. Lumapit ka dito Ms. Samonte,"
sambit nito sa akin.
"Ayoko nga," sagot ko sa kanya.
"Isa..." pagbibilang niya naman.
"Dalawa." pabalang na saad ko.
Kaya't lumapit ito kasabay nang paghila niya sa akin papuntang kusina.
"Tumingin ka sa itaas." tugon nito.
Tumingin naman ako sa itaas bilang pagsunod sa kanya at laking gulat ko nang makita kung ano ang mga nandoon.
"OH MY GOD." ani ko habang nakanganga ang aking bunganga dahil sa mga nasaksihan ng mata ko.
"Ang daming delata, you see that? 'Yan kasi ang hirap sayo Ms. Samonte, masyado mong pinapairal ang bibig mo kaysa sa mata mo," iling na wika nito.
"Pasensya na Sir. Wala kasing ganyan sa
amin eh." Napakamot na lamang ako nang masabi ko yun.
Akalain mo ba naman, may cabinet na
nakadikit sa wall niya at ang nasa loob
no'n, mga delata. Iba-ibang can goods. Putek! Nakakaloka!
Kakasimula palang ng pagiging
kasambahay ko, feeling ko ang hirap na.
Lahat kasi ng mga gamit at pagkain dito nasa itaas.
Hirap talaga maging PANDAK!
Kailangan pa ng upuan para lang makuha ang bagay na kakailanganin.
So gaya nga ng nangyari, kinuha ko yung upuan para maabot ang mga delata.
Ito kasing si Sir tiningnan lang ako kahit kitang-kita niya naman na nahihirapan ako sa pagkuha ng de lata.
Nang maabot ko ang mga delata, narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sir.
Kaya awtomatikong napatingin ako sa
kanya dahil sa aking pagkapikon.
"Ano bang tinatawa-tawa mo d'yan ha?" inis na tanong ko.
"Wala naman... Masama bang tumawa?" sambit nito na may hagikhik pa.
"Tsk. Baliw," bulong ko na lamang.
"What?" he asked me.
"Wala! Sabi ko, gwapo ka!" singhal ko sa kanya.
"Then thank you," ngiting bigkas niya.
"Joke lang 'yon noh? 'Wag kang maniwala sa akin," pagbabawing salita ko.
Matapos kong sabihin 'yon, nagsimula
na akong magluto. Alam ko naman na nakatingin pa rin siya sa akin kasi nga bigla ulit syang nagsalita.
"Mabuti naman at marunong kang
lumuto Ms. Samonte." wika niya na tila nakita niya ang cooking skill ko.
"Syempre ako pa. Kahit medyo tamad
ako, marami akong talent," proud na
sambit ko.
May pagkatamad talaga akong tao, pero hindi maipagkakaila na marami akong kaalaman sa buhay.
"Talaga ba? Ano ba ang mga talent mo
bukod sa pagluto?" usisang tanong niya.
"Well, marunong akong kumanta, sumayaw at nevermind," sagot ko rito at hindi ko na naibanggit pa ang pangatlo.
"At ano Ms.Samonte?"
"Wala. Nevermind na lang 'yon. Hindi dapat 'yon shinishare dahil kakaibang talent 'yon," nakanguso kong saad
"Tsk. Sabihin mo na Ms.Samonte. Hindi
yung ililihim mo pa ang talent mo," wika nito na animo'y gusto talagang malaman ang ibang talento ko.
"Dahil kalihim-lihim naman talaga 'yon
Sir," turan ko rito.
"Ba't 'di mo kasi sabihin 'yon sa akin?"
"Gusto mo talagang malaman Sir?" panghahamon ko naman sa lalaki.
"Magtatanong ba ako kung hindi,
Ms. Samonte?" sambit niya na animo'y gusto nga nitong alamin ang lihim ko.
"Fine," bigkas ko at lumapit sa kanya para sa ganon, maging magkaharap kaming dalawa.
"TALENT KONG UMASA SA TAONG
ALAM KONG WALA AKONG PAG-ASA.
Eh ikaw Sir? Anong talent mo?" baling
na tanong ko sa kanya. Madiin ko pang binigkas ang katagang 'yon para ma-inform siya na siya ang tinutukoy ko.
Kaso bigla nitong linapit ang kanyang
mukha dahilan para ilang pulgada na
lang ay magdidikit na ang aming labi.
"Talent kong magmahal ng palihim sa babaeng ayaw kong masira ang buhay," seryosong bigkas niya.
Dahil sa sinagot ni Sir, parang bumilis
ang t***k ng puso ko.
"Huh?"
"Kalimutan mo na lang 'yon Ms. Samonte. So pa'no, total luto na siguro 'yan, mag-almusal na tayo," tanging sabi nito at ginulo pa talaga ang aking buhok.
Pumunta naman si Sir sa upuan at umupo na siya. Samantalang ako, nanatiling nakatayo.
Hanggang ngayon kasi iniisip ko ang
sinabi niya.
Pero teka, para kanino ba 'yon?
Pumunta naman si Sir sa upuan at
umupo na siya. Samantalang ako, nanatiling nakatayo.
Hanggang ngayon kasi iniisip ko ang
sinabi niya. Pero teka, para kanino ba 'yon? Siguro para sa babaeng kausap niya sa laptop. Haysss.