CHAPTER 4
Ms. Samonte POV:
Sampal to the left.
Sampal to the right.
Malalakas na sampal ang aking ginagawa para lang matigil na itong kabaliwan ko.
Halos ilang beses ko nang sinasampal
ang aking sarili dahil sa ginawa kong kahihiyan ngayon. Para na akong katawa-tawa sa paningin ni Sir. Nilalagay ko mismo sa alanganin itong dignidad ko. Baka isipin ni Sir ay easy to get akong babae katulad ng pagiging patay na patay ko sa kanya noon.
Dapat hindi ko ipahalata sa kanya na meron pa akong pag-ibig na natitira rito. Ayoko namang magkaroon siya ng advantage na kunin ang loob ko dahil sa gusto ko siya. Gusto kong kunin ang loob niya dahil sa ginusto niya ito at hindi pinipilit. Nakakalito diba? Hayaan niyo na, intindihin niyo na lang ang pinupunto ko.
Yung kanina, aminado akong naakit na ako kay Sir. Ang aliwas niya kasi tingnan masyado. At higit sa lahat mukha siyang yummy. Hayss. Lintik na bungangang ito, pahamak talaga.
Pero sa togoo lang, inosente akong tao kaya wala akong alam sa mga ganyan.
Oh well, buo na ang desisyon ko. Hindi ako maaakit kay Sir. Siguro first time ko lang makakita ng abs sa personal kaya gano'n ang naging reaksyon ko. But it doesn't have a meaning. Na-attract lang ako.
Napahinga naman ako nang malalim at para hindi ako magmukhang ulol na ulol sa katawan ni Sir ay minabuti kong magluto muna ng makakain.
Ito naman talaga ang plano kong gawin kaso si Sir Nathan ay umeksena dahilan para mawala tuloy 'yon sa isip ko. But now, I need to do my job. Kasambahay ako rito at parte ng aking trabaho ay magluto. So kabilang sa mga trabaho ko ay ang maghugas at maglinis. Isama mo pa ang paglalaba.
Sa salitang paglalaba ay napangisi ako.
It sounds so exciting.
Ibig sabihin kasi nito ay lalabhan ko rin
ang brief ni Sir?
"OMG! Ano kaya ang size niya? Small, medium or large?" ani ng isipan ko.
Napakaltok naman ako sa aking ulo dahil sa pagiging makaulit at dirty minded kong babae.
Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko.
"Ms. Samonte, baliw ka talaga. Tigilan mo na 'yan, baka matuluyan ka nang ipasok sa mental," mahinang sambit ko.
Matapos kong kausapin ang sarili ko sa
isip, natapos na rin akong magluto.
Umupo na ako sa may upuan at nag-umpisa na akong kumain sapagkat kanina pa nga kumakalam ang aking sikmura.
"Hindi mo man lang ba ako aayain na kumain, Ms.Samonte? Bakit parang ikaw pa yata itong nangunguna?" sulpot na sambit ng lalaki sa aking harapan.
Yes, walang iba kundi si Sir Nathan, kami lang naman na dalawa ang nandito sa apartment. Wala kaming kasamang iba.
"Ah, eh, sorry po Sir. Nagugutom na ho kasi talaga ako. At akala ko kasi, ano.
Ah busy ka pa," sagot ko rito na medyo
nawawala sa sarili ang pagsasalita ko. Kinakabahan ang bibig ko na hindi ko maintindihan.
Habang sinasabi ko 'yon, iniiwas ko ang aking tingin kay Sir dahil masyadong nai-stress ang mata ko sa katawan niya.
Ayokong magkasala ngayong araw. Ayoko nang mapahiya.
Bakas pa rin kasi sa binata ang pagkapawis na mas lalong nagdulot ng
pagiging hot nito.
"Bakit di ka makatingin sa mata ko Ms.
Samonte? May problema ka ba? O baka
naman, gusto mo lang makita ang abs
ko pero nagpapakipot ka pa?" mapanlarong saad ni Sir.
Ngayon ko lang alam na masyadong
matabas yata ang kanyang dila. Katulad na katulad pa rin siya ng dating Nathan na nagustuhan ko. He never changed.
Bagkus, mas nadagdagan ang pagiging confident niya sa katawan. Masyadong mataas ang tingin ng taong 'to sa sarili niya.
"Hindi ko gustong makita ang abs mo. Kaya nga ako umiiwas dahil masyado akong naaalibadbaran sa katawan mo. Can you please respect the food here in the table? At saka may tanong ako
sayo, ano bang kinain mo at bakit parang feelingero ka," taas-kilay kong tugon naman.
"You know what Ms. Samonte, pagdating sa bunganga, hinding-hindi ka talaga nagpapatalo. Ang daming mong rebat. Wala kang pagbabago," natatawang sabi nito.
"Wala naman talagang dapat na baguhin sa akin noh. Kung ano ako noon, gano'n pa rin ako hanggang ngayon," bigkas ko na dahilan para umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Talaga? So ibig sabihin ba nito, inlove
ka pa rin sa akin until now?" he asked directly.
Agad namang kumabog ang puso ko dahil sa binitawan niyang tanong.
"Huh?"
"Sagutin mo ang tanong ko Ms. Samonte. Inlove ka pa rin ba sa akin?" ulit na tanong niya habang hinihintay ang aking sagot.
I don't know what to say. Parang napaurong ang dila ko.
"Alam mo Sir, gutom lang 'yan. Kumain
ka na nga.", tanging sabi ko rito para maiwasan ang tanong niya.
Ayoko kasing malagay ako sa alanganin. At ma-reject muli.
Dalaga na ako, at dobles sakit ang mararamdaman ko kung tatawanan niya ang magiging sagot ko.
Matagal rin bago ko sabihin 'yon.
Ang totoo n'yan, natatakot lang ako.
Ang hirap magkaroon ng trauma. Yung tipong sariwa pa rin sa ala-ala ko ang nakaraang pag-amin ko sa kanya, 10 years ago.
He laughed at me, and rejected me as he said na hindi kami bagay. Kaya dinamdam ko 'yon. I even promised to him na gagawin ko ang lahat maging bagay lang kaming dalawa.
But now that I see him being Professional, parang nanliit ako sa sarili ko. Masyado na siyang mataas, hindi ko na siya kayang abutin pa.
After eating, I decided to go back in my room. Nagawa ko na rin kasing maghugas nang pinagkainan. At gusto kong magsulat ngayon sa aking diary dahil hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang lungkot sa aking dibdib.
Dear diary,
Bakit ganon? Bakit sa tuwing naaalala ko ang ginawang pangreject ng first love ko, parang natatakot na akong umamin.
Siguro dahil sinabi niya dati na hindi kami pwede at hindi kami bagay.
Well, may punto naman siya dahil napakabata ko palang no'n. Lagi kong hawak no'n creamstick at lollipop. Hindi pa nga yata ako no'n nireregla. Pero kakaibang kilig ang siyang na-fefeel ko everytime I saw him.
Ewan ko ba at sa ganong edad ko naramdaman ang salitang pag-ibig. Pag-ibig na humantong sa pag pagkagusto ko sa kanya.
At ilang taon na rin ang nakalipas
simula mangyari 'yon diary. Ilang
taon ko siyang 'di nakita pero 'di ko
nakalimutan ang lahat. At ngayon na
nalaman ko na si Sir pala ang first love
ko, I admit na I feel so happy.
Pero diary, paano kung may iba na siyang gusto ngayon at may girlfriend na? Siguro, malulungkot lalo ako at masasabi na wala na talaga akong pag-asa na maging kami.
Sa kakasulat ko ng diary, bigla ko
namang narinig ang boses ni Sir na parang may kausap sa kabilang linya.
Dahil masyadong curious ako ay napatayo ako at pumunta sa may pinto
para silipin kung sino ba ang kausap ni
Sir.
At do'n ko napagtanto na may kausap
nga siya sa laptop which is ka-video
call niya ang taong 'yon. Kaya kahit medyo malayo ako, kitang-kita ko kung sino ang kanyang kausap.
Tila nadurog naman ang puso ko nang
masilayan ko na magandang babae
pala ang kausap ni Sir. She's perfect. Kahit on-screen ko lang nakikita ang mukha niya ay wala akong masabing negatibo sa dalaga.
Siguro ito na yata ang babaeng iniibig niya. Hindi naman imposible na magkaroon ng girlfriend si Nathan dahil nasa tamang edad na siya at propesyonal na.
At siguro tama nga yung hinala ko na
baka may girlfriend na siya.
When I realized that ay napayuko na lamang ako.
Babalik na sana ako sa kama para ipagpatuloy ang pagsusulat kaso narinig ko ang kanilang pag-uusap na nagpatigil sa akin.
"Kailan ka ba babalik sa Pilipinas Bhie?" tanong ni sir sa dalaga.
"I think next week. Medyo busy kasi
ako," rinig kong tugon naman ng kausap nito sa laptop.
"Ganon ba bhie? Sige, tawagan mo na lang ako ha? Para ako na ang magsundo sa'yo sa airport." malambing na sabi niya na halatang mahal niya ang babaeng 'yon.
"Yeah, yeah. Thank you, I love you talaga Nathan," natutuwang sabi naman ng dalaga.
"Sige na bhie, kailangan ko pang gumawa ng lesson plan. Bye, I love you too. Mag-iingat ka dyan," wika nito habang may matamis na tinig.
"Asusss. Ang sweet ha? See you soon," tugon nito.
Sa mga narinig ko, parang nanlambot bigla ang tuhod ko.
Bhie?
Bhie ang tawag ni Sir sa babaeng 'yon?
Isama mo pa na nagsalita siyang I love you? So ibig sabihin nito, girlfriend niya nga 'yon...
May girlfriend na ang first love ko.
At sa pangalawang beses, nabroken na
naman ang aking puso.