KABANATA 3

1437 Words
Chapter 3 Ms. Samonte POV: After knowing everything about my Teacher, ay mabilis akong pumasok sa isang kwarto para doon ko ilabas ang sinisigaw ng aking puso. Bahala na kung kaninong kwarto ang napasukan ko. Ang mahalaga, ay maibuga ko ngayon ang aking kilig na may halong pagkagulat. Halo-halong emosyon talaga ang umaapaw sa aking damdamin ngayon. Kaya heto, pagulong-gulong sa may kama habang tumitili. Lahat ng mga ala-ala ko kay Nathan ay muling sumagi sa isipan ko. Yung mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan at yung mga rason kung bakit ako nagpursige at naging makulit para lang makarating dito sa Manila. He's the reason why I'm staying here in this place. "Yung first love ko at si Sir ay iisa? Ayieeee kinikilig talaga ko... Parang nakatama yata ako sa lotto nang mapagtanto kong iisa lang sila... Yung pagod at oras ko ay sobrang worth it! Buti na lang talaga at hindi na ako nag-inarte pa! At buti na lang, kinumbinsi ako ni Nathan na maging katulong niya. I think, destiny gives a way for it. Pabor na pabor siya sa love story namin ni Nathan. Eto na yata talaga ang tadhana naming dalawa. At mukhang ito na nga ang sinasabi nilang meant to be to each other. Me and Nathan is the end game! Gosh! Masyadong malawak ang overthink ko ngayon! Hindi ko na kayang pigilan pa itong kilig ko!" Sa mga sinasabi ko ay nagawa ko na ring tumalon-talon sa kama na parang bata dahil sa sobrang saya sa dibdib na animo'y sasabog na ito. Daig ko pa yung nabigyan ng maraming tsokolate dahil sa aking inaakto ngayon. But I don't care. Halos sampung taon ko siyang hinintay at hinanap. Sampung taon din akong humiling sa Panginoon na pagtagpuin na ulit kami. And now that God answered all my prayers, hindi ko na ito sasayangin pa. My love for Nathan is unconditionally. Nagawa ko nga siyang hintayin ng sampung taon eh, yung maging forever pa kaya? Sa kakatalon ko ay bigla na lang ako napatigil nang makita ko sa mismong pinto si Sir na tawang-tawa habang nakatingin sa akin. Base sa pagtawa niya ay halatang kanina niya pa ako pinagmamasdan. Ibig sabihin ay narinig niya yung mga sinabi ko? "Ahm, kanina ka pa ba nandyan Sir? Ano kasi, ahm ano--naglilinis ako. Tama! Inaayos ko ang kama, Sir," pagpapalusot kong sambit sa lalaking halos hinuhusgahan na yata ang buong pagkatao ko. "Ang galing mo palang mag-ayos Ms. Samonte. Sa sobrang galing, napapatalon ka habang naglilinis. Kaya ayan, sa halip na malinisan, ay nilukot mo lang ang bed sheet... At ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Ibang klase ka talaga, Ms. Samonte. Kung ano ka dati, ay hinding-hindi ka pa rin nagbabago," smirk na wika nito habang nakatingin ng diretsa sa mata ko. "Ahm, yes sir. You know, ganito talaga ako. I was born to be real hehe," ani ko at hindi ko alam kung ano ang nilalabas ng aking bibig. Bwisit! Nakakahiya! Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa nang makita niya ako sa ganitong akto. Ang tanga mo rin talaga Ms.Samonte. Ni hindi mo man lang nilock ang pinto. Minsan talaga ay may lahi kang pagka-bobo. "M-may kailangan ka po Sir?" tanong ko ulit sa kanya dahil sa lagkit ng kanyang titig sa akin. Hindi naman siya sumagot, sa halip ay lumapit siya sa gawi ko dahilan para magulat ako sa kanyang kilos. "S-sir?", nauutal kong bigkas nang makita kong kakaiba na ang tingin nito. But still, he continue walking towards to me. "S-sir, teka---" kinakabahang saad ko habang naka-wait sign pa talaga. Pero hindi man lang ito huminto at nagpatuloy sa paghakbang. Kaya yung pintig ng puso ko, hindi ko na magawang kontrolin pa. Hindi na ako marunong kumalma. "Anong gagawin mo Sir?" tanong ko sa kanya. Nagawa ko na ring takpan ang aking dibdib. Sapagkat, nagbabago ang kilos nito na tila may binabalak nang masama sa akin. "Sir teka, ano kasi--" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil bigla na akong napasanday sa dingding. "Gusto ko kasing mag--" he said while biting his lower lip. "Mag-ano po Sir? Huwag ka ngang ganyan! Bad 'yan! Hindi pa ako ready. Saka hindi pa ako naliligo, baka sabihin mong mabaho ako! Ayoko namang gawin natin 'yon na mabantot ako dahil baka maturn-off ka sa akin," maktol na wika ko rito. "Wala akong pakialam kung mabaho ka Ms.Samonte. Dahil para sa akin, ikaw ang pinaka-mabangong babae. Ang importante ngayon ay magawa mo akong--" Hindi ko na siya pinatuloy pa na matapos ang kanyang sasabihin dahil agad akong sumigaw. Sigaw na sobrang lakas nang sa gano'n ay magising ko ang kanyang diwa. "Sir, noooo. Ayoko! 'Wag ako pleasssee. Kahit ikaw pa ang first love ko. Hindi ako papayag! I will never give my virginity to you, hangga't wala pa tayong label!" sigaw na sabi ko sa kanya. "Ms.Samonte--" "Sir, kasambahay mo lang ako. Hindi ako pangkama. Hindi ako bayaran na dapat kang pagbigyan sa kagustuhan mo," ani ko naman. "Tsk. 'Wag na nga lang. Ang dami mong satsat. Magpapahilot lang naman ako dahil medyo masakit ang aking katawan. Pero tila ayaw mo naman yata, kaya huwag na," inis na sambit nito at tinalikuran na ako. "Hala? Nagtampo si Sir? Putek! Magpapahilot lang pala siya. Akala ko kung ano na eh!" bigkas ko sa aking sarili habang napapakamot ng ulo. Oh no! Yung first love ko, nag-walkout dahil sa pagiging madaldal kong babae. Dear diary, Ang cute pala magtampo ni Sir. Sa sobrang cute niya, parang gusto ko na siyang halikan kanina. Kaso naalala kong hindi pa ako nagtoothbrush at ayoko namang mandiri siya sa pagiging bad breath ko. At baka ayon pa ang maging rason kung bakit hindi niya ako magustuhan. Ay mali, wala naman na rason dahil simulat-umpisa ay hindi niya pala ako gusto. Dahil tuloy sa naisip kong ito ay tila kumirot ng bahagya ang puso ko, diary. Sa salitang, HINDI AKO GUSTO NI SIR. Pero sana mali yung nasa utak ko. Kasi first love ko siya. And I'm hoping na hindi siya ang maging rason ng pagkawasak ng damdamin ko. Anyway, I will never let that happen. Ngayon pa na magkasama na kami sa iisang bahay, hindi ko na siya papakawalan pa. Sisiguraduhin kong ma-iinlove siya sa akin. Operation: Make your Teacher, fall in love with you! Tinago ko na ang aking notebook matapos kong magsulat sa aking mahiwagang diary. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto para sana may gawin na ako. Gusto ko na kasing magsimulang maglinis. Kapag nakita ni Sir na masipag akong babae, ay mapapahanga ko kaagad siya. Gano'n naman kasi ang mga lalaki, gusto nila sa isang babae ay yung maasikaso. Kaya lang sa aking paglabas ay si Sir agad ang unang nasilayan ng mata ko habang nag-sstretching siya. May ginagaya siyang exercise sa harapan ng malaking flat screen TV na animo'y yon ang sinusunod niya. Sa halip na lumapit ako sa kanya ay pinili kong pagmasdan ang ginagawa ni Sir. Nakasuot lang ito ng sando kaya halatang pawis na pawis na siya. At kahit nakatalikod ang binata, kitang-kita ko ang macho niyang katawan dahil sa mga muscles. Siguro nahalata niyang nasa likod ako kaya napalingon siya sa aking gawi. And OMG! Ang hot nga ni Sir. Hindi ako magsasawang sabihin 'yan sa kanya. Napakagat-labi na lamang ako nang makita ko ang mapang-akit niyang ngiti. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kagaya noong ginawa niya kanina sa loob ng kwarta na para bang gusto niya akong halikan. "Ang ganda mo talaga Ms. Samonte. Hindi nakakasawang pagmasdan ang iyong ganda. Kaya bagay na bagay talaga tayo. Maaari ko bang mahalikan ang malambot mong labi, Binibini?" tanong nito na may pang-aakit sa kanyang boses at naakit din naman ako. "Yes Ser. Ene ke be. Pwedeng-pwede. Beste ekew," pabebe kong tugon habang kagat ko ang aking labi. Dahan-dahan naman akong napapikit ng mata para mas maging romantic ang aming halikan. Kaya lang mukhang hindi pa lumalapat ang labi niya sa labi ko dahil kanina pa ako naghihintay. Hinihintay ko sana ang pagdampi ng labi ni Sir sa akin kaso--- "Ms.Samonte?! Hey? Baliw ka na ba?" pitik nitong saad sa aking noo kaya napamulat ako ng mata. Dahil sa boses na 'yon, doon ko lang narealize na imagination lang pala ang lahat. Mga kathang-isip lang ang nangyari. "Ah hehe," nahihiyang bigkas ko. "Tsk. Itikom mo nga 'yang bibig mo. Baka tumulo ang laway mo Ms. Samonte. Hindi ko alam kung napano ka. Para kang sinasapian ng masamang espiritu." wika nito. Ano ba yan! Nakakahiya na! Hiyang-hiya na ako sa sarili ko! Eto na yata yung epekto ng mga creamstick na kinain ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD