Chapter 2
Ms. Samonte POV:
After the short convo between me and my Teacher ay naisipan kong magsulat muli sa aking diary.
Ito na ang naging libangan ko. Lahat ng nangyayari sa akin araw-araw ay sinusulat ko talaga, para sa gano'n ay meron akong maalalang memories kapag tumanda na ako.
Dear diary,
Bukas na pala ako titira sa apartment ni Sir na kasama siya. Hindi ko alam kung bakit biglaan akong pumayag na hindi man lang ito pinag-iisipan. Gusto ko sanang bawiin ang desisyon kong 'yon at magback-out na lang sana, pero paano? Paano ko magagawa ito lalo pa't mukhang nasisiraan ng ulo ang aking guro. I don't know him yet.
Kaso bakit ganon? Bakit parang naeexcite pa ako? Ay hindi, kinakabahan pala ako.
Hindi ko pa kasi kilala ng lubusan si
Sir. Hindi ko nga matukoy kung ano ba talaga ang pakay niya. Ang dami kong tanong. Pero ni isang sagot sa mga tanong ko ay hindi ko pa magawan ng paraan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa pagsasama namin simula bukas. Malay mo may pagnanasa pala sa akin si Sir.
Sabagay, maganda at sexy naman ako.
Kaya siguro naakit na agad sa akin si Sir. Oo na, medyo mayabang na ako dito sa part. Masyado akong gandang-ganda sa sarili ko, syempre dapat lang ano!
Pero jusko diary, huwag naman sana mangyari ang iniisip ko.
Kasi kahit gwapo pa yang si Sir, hindi
ako papayag na makuha niya ang p********e ko! Iningat-ingatan ko ito. Never been touch pa ako ng kahit sinong lalaki dahil nga't hinihintay ko na magtagpo ang landas namin ng aking ultimate first love. Siya ang goal ko dito sa Manila kaya nga ako lumipat ng University. And I know, time will come na magku-krus ulit ang landas naming dalawa.
But anyway, si Sir ang siyang pinoproblema ko ngayon. Kaya siya ang kailangan kong atupagin. Kailangan kong maging handa kung ano man ang binabalak ni Sir laban sa akin.
Nang masulat ko na lahat-lahat ang aking hinaing sa buhay ay isinara ko na ang diary.
Nagsimula na rin akong mag-impake
ng mga damit para wala na akong problemahin pa bukas.
Tinanong ako ng mga kasamahan ko sa boarding house kung saan ako pupunta kaya inexplain ko naman sa kanila ang lahat.
At abah! Talagang natuwa pa sila na aalis na ako. Feeling ko tuloy, ayaw nila akong kasama dito. Ang papanget nila ka-bonding kung gano'n.
Mabilis namang tumakbo ang oras.
Kaya sa pagsapit ng bagong umaga, maaga akong pumasok sa klase na dala ang aking mga gamit.
Nahihiya tuloy ako dahil naging sentro ako ng kanilang atensyon. Habang naglalakad ako ay narinig ko naman ang mga bulungan ng kaklase ko na talagang
pinagtatawanan pa nila ako dahil sa aking mga bitbit ngayon.
Dinaig ko pa ang nawalan ng bahay at naghahanap ng pwedeng lipatan. Evacuation center lang ang peg!
"Hindi nga nalate pero mukhang nabaliw na yata si Angel," ani nito.
"Sa pagkakaalam ko, wala namang camping dito sa campus ha? And oh my gosh, dinala niya pati ang termo? Naalog yata ang utak niya," pasegundang bulong ng isa.
"I think wala na siyang pambayad sa renta. That's why, she brings all the things. Kawawang Samonte. Poor na nga, panget pa." Someone said it.
Tiningnan ko naman sila nang masama at mas lalong kumulo ang aking dugo nang dumating si Sir at nakita ang mga dala ko. Bahagya ko kasing nakita ang kanyang pag-ngisi na tila tawang-tawa siya sa kanyang pinang-gagawa.
Mukhang trip niya yata ang paglaruan ako.
"Class, 'wag maingay!" pagsasaway ni Sir sa seryosong boses.
Mabuti naman at nagsitigil na silang lahat sa kakachismisan sa akin. Dahil kung hindi ay baka kanina ko pa naibitay ang mga nguso nila.
"Alam kong nagtataka kayo kay Ms. Samonte ngayon. But stop saying negative comments about her... Dahil ang totoo, kaya may dalang gamit si Ms. Samonte ay dahil titira na siya sa apartment ko bilang kasambahay ko", smirk na wika nito.
What the heck? Ano raw? Tama ba yung pagkakarinig ko sa sinabi niya? Hindi naman yata ako bingi para hindi ko marinig iyon.
Kinukuha niya akong isang kasambahay? Para ano? At para saan?
"Bakit Sir? Wala na ba silang makain
kaya magtatrabaho siya bilang katulong niyo? Sinasabi ko na nga ba, acting rich lang ang lola niya. Kasi ang katotohana ay isa siyang dukha," tanong ng isa kong kaklase na may panlalait pa talaga.
Masyado niyang minamaliit kaming mahihirap. Pero masyado nang makati ang dila niya kaya hindi na ako nakapagtimpi pa. Punong-puno na ako dahil nagawa pang magsitawanan ang iba kong mga kaklase dahilan para maging maingay ang loob ng silid.
"Excuse me, hindi ako acting rich. Kailan ko ba sinabi na mayaman ako? Kasalanan ko ba kung magaling ako magdala ng damit, kahit na ukay lang itong suot ko? Palibhasa, kahit anong brand new ng mga damit niyo o kahit anong original pa 'yang suot niya, nagmumukha pa rin kayong luma. And let me clear to all of you here, na kumakain pa rin ako ng three times a day!" mataray na bigkas ko at talagang pinatulan ko na sila.
Akala yata nila ay madadaan nila ako sa kanilang pambubully. Pwes hindi...
"Ms. Samonte!" sigaw ni Sir sa akin na animo'y ako pa ang kanyang pagagalitan.
"Hindi 'yan ang naging usapan natin kahapon, kaya bakit mo sinasabi 'yan?" gigil kong sambit at nagawa ko siyang tanungin.
Wala na akong pakialam kung Teacher ko siya. Dahil hindi makatarungan ang kanyang ginagawa sa akin.
"Pero 'yon talaga ang gusto kong
mangyari Ms. Samonte. Alangan naman
tumira ka sa apartment ko na walang
ginagawa... Hindi ba't parang siniswerte ka kung gano'n?" turan niya.
"Kung 'yan ang patutunguhan ko sa apartment niyo, mas mabuti pang magkaroon na lang ako ng punishment araw-araw kaysa makasama ka. You are so unfair. Wala kang isang salita, Sir," diretsahang bigkas ko.
Matapos kong sabihin ang katagang
'yon, tumalikod na ako sa kanya.
Kaya lang may pinahabol siyang salita dahilan para makaramdam ako ng takot.
"Okay. If that's what you want Ms. Samonte, then sige. I'll respect your decision. Pero huwag mo akong sisihin kung hindi ka makaka-graduate... Remember, that having a ten times of being late, will be mark as incomplete on my subject," pahayag niya para mapatigil ako at mapaharap muli sa kanya.
"Saan ba yung apartment mo Sir? Ano
bang oras tayo pupunta do'n? Alam mo bang excited na akong maglinis, maghugas, magluto at maglaba. All in one ako Sir. Flexible ang katawan ko kaya gora lang sa life. In short, excited ako na maging kasambahay mo," nakangiting sabi ko sa aking guro.
"After the class... Kaya mamaya ay sabay na tayong uuwi sa apartment." ngiting tugon din nito sa akin.
"Gago ka talaga Sir!" bigkas ko sa aking isipan.
Tumiklop ang tapang ko ngayon dahil takot ako na baka totohanin ni Sir ang paglalagay niya ng incomplete sa class card ko.
Naghintay naman ako ng ilang oras at pinili kong atupagin ang pag-aaral. And this is it! Wala na yata akong takas pa! At ganito na yata patungo ang aking buhay. Hindi ko na yata ito magagawang solusyon pa. Sa halip ay sasabay na lamang ako sa daloy ng pangyayari.
Sa ganda kong ito ay magiging kasambahay lang ako ng guro ko. And that's the reality for me.
Nagpalinga-linga naman ako ng aking ulo dahil hinihintay kong makita si Sir, baka kasi gusto niya ulit ako kausapin. Pero dahil hindi ko siya nakita ay napagdesisyunan kong ilabas ang aking diary at magsulat dito dahil sa naging karanasan ko ngayon.
Ibang klase kasi ang sumalubong sa akin na balita ngayong umaga. Kagimbal-gimbal.
Dear Diary,
Break time namin ngayon kaya nakapagsulat ulit ako. At sayo ko ibubuhos ang init ng aking ulo. I can't take this anymore!!! Arrrghhh! Naiinis ako ngayong araw na 'to, kung alam mo lang diary. Sa kakatakas kong magkaroon ng punishment sa school ay mas malala pa yata ang napunta sa akin.
Kasambahay! Kasambahay ako diary!
Parang 'di ko yata keri ito. Magiging katulong ako nang wala sa oras. But I don't have any choice kundi ang kayanin na lamang ito, kasi nandito na eh. Hindi na ako makaayaw pa... Hayst! Kung pwede lang sanang murahin si Sir, siguro busog na busog na 'yon sa kakamura ko. Kaya lang teacher ko siya, tapos ako ang magmumukhang mali kapag ginawa kong murahin ang gung-gong na iyon!
Sa kakasulat ko sa diary ay biglang namalat ang aking lalamunan nang marinig ko ang boses sa likuran ko.
"Mumurahin mo ako?" biglang sulpot nito.
And because of that boy, mabilis kong sinarado ang aking notebook at napatingin ako kay Sir.
"Bakit mo pa ako mumurahin? Kung pwede mo naman akong mahalin diba? Maling murahin ang katulad ko, dahil dapat minamahal ako," ngising sambit nito sa akin na tila nabasa niya ang aking sinulat.
"Huh?" ngangang tugon ko.
"Sulat ka nang sulat sa diary mo. Hindi
ka pa nga dyan kumakain. Nakikimosang ka agad sa notebook mong 'yan... Talagang ako pa ang ginawa mong topic dyan," pag-iiba nitong sabi.
"B-busog pa ako Sir," nahihiyang turan ko sa kanya.
"Busog? Tingnan mo nga 'yang katawan mo? Isang pitik na lang at matatanghay ka na agad. Maawa ka naman sa katawan mo Ms. Samonte, nagiging kalansay ka sa lagay mong 'yan," wika ng lalaki.
"Wow ha? Mukhang may malunggay
na yata ang mata mo Sir. Hindi mo ba
nakikita ang mala-coca colang hubog
ng katawan ko? Tapos ihahambing mo lang ako sa isang kalansya. I have a perfect body shape. So it means, hindi ako payat! Maka-judge ka naman sa akin, akala mo close tayo," mayabang na sabi ko upang ipagtanggol ang aking sarili.
"Alam mo Ms. Samonte, pagdating sa
ugali, wala ka ng pag-asa na makapasa.
Kung makapagsalita ka sa akin, parang hindi guro ang kaharap mo... Ganyan ba talaga ang asal mo?" saad nito na talagang ako pa ang pinagmukhang masama.
At dahil may gurong dumaan ay ako na mismo ang siyang nagbaba ng aking pride.
"Fine! Sorry na PO SIR," mariing bigkas ko.
"Good. So tara na, sabay na rin tayong
kumain para makauwi na agad tayo," wika nito.
Napatulala tuloy ako sa kanya. Para kasing may mali eh.
Oo, may mali nga sa lalaking 'to.
Masyado suyang mabait at minsan strikto sa akin.
Gulong-gulong ang isip ko, kung sino
ba talaga siya? Kahit anong tanong sa isipan ko, hindi ko talaga masagot, lalo lang sumasakit ang utak ko.
Pero gaya nang sinabi ni Sir, kumain
nga kami ng sabay. At matapos 'yon, bumalik na ako sa classroom at siya naman ay pumunta na ng kanyang office.
Hindi rin nagtagal, uwian na. Sumakay ako sa kanyang sasakyan. Wala akong kibo sa loob ng kanyang kotse dahil wala naman akong sasabihin.
Nagsimula na nga siyang magdrive patungo sa apartment kung saan magiging kasambahay na ako ng loko.
Wala akong maipipintas dahil maganda at malaki ang apartment ni Sir. Maaliwalas kung titingnan dahil sa kulay ng pintura. Higit sa lahat ay maganda ang arrangement ng mga gamit, isabay mo pa na malinis ito.
"Ang ganda pala ng apartment mo Sir. Nakakafresh ang paligid," komplimento ko naman.
Ilalagay ko na sana yung mga gamit ko sa sofa kaso naagaw ang tingin ko sa litratong nakadikit sa pader.
Litrato na sobrang pamilyar sa mata
ko. Teka, si Sir ba ito nung bata pa siya?
Bakit parang--parang kamukha niya yung first love ko na aking hinihintay?
OMG! Hindi kaya si Sir at ang first love ko ag iisa?
Sa naisip kong ito ay agad akong napatingin sa aking guro na ngayon ay nakangiti.
"I-ikaw? Ikaw yung lalaking first love ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes Ms. Samonte. Ako nga. Ako nga yung lalaking hinabol mo para lang sabihin na gusto mo ako. Mabuti naman at naalala mo ulit ako," pag-aamin nito at walang alinlangan na tiningnan niya ako sa mata.
Yung mukha ko, parang hindi maipinta ang reaksyon dahil sa kahihiyan.
Nagawa ko pa siyang pagsabihan ng kung ano-ano. Tapos ngayon ay malalaman ko na nasa harapan ko lang pala ang first love ko?
Kaya sino ba namang hidi mahihiya sa naging sitwasyon ko ngayong araw.
He is my first love. At hanggang ngayon ay siya pa rin talaga ang gusto ko. Pero tila hindi niya ako magugustuhan dahil isa na siyang guro at hamak na estudyante niya lamang ako.
Nakakahiya, na hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na mag-aaral akong mabuti. Dahil ako ang estudyante na puro reklamo sa mga gawain sa college.
Tanging paglunok naman ng laway ang nagawa ko at hindi ko na siya nagawang tingnan pa.
Bakit ba kasi ngayon ko lang 'to nahalata?!
Kung sabagay, long hair siya noon at maraming nagbago sa kanyang itsura ngayong binata na siya.
At sa pagkakataong ito, nasagot din sa wakas 'yong tanong ko, 'kung sino ba talaga si Sir?'