AFTER 10 YEARS...
CHAPTER 1
Dear Diary,
Araw ng lunes na naman pala. Ito pa naman yung araw na pinaka-ayoko sa lahat.
Yes diary, kinasusuklaman ko talaga itong lunes. Kapag sumasapit ang lunes ay parang ayoko nang pumasok pa. Lagi kasi akong pinapapulot ng basura dahil dakilang late raw ako. Eto kasi ang punishment na binigay sa akin ng Professor ko sa tuwing hindi ko naaabutan ng eksaktong oras ang kanyang klase.
Aminado naman ako na hindi ko kayang pumasok nang maaga sa campus dahil masyadong malayo ang boarding house na tinutuluyan ko dito sa Manila.
Pero 'di bale, bukas na bukas feel to free na akong ma-late dahil ang balita ko, hindi na siya ang magiging Professor namin sa darating na second semester. Kaya wala nang rason pa para maging malungkot ako. Titiisin ko lang ngayong araw ang pamumulot ng basura. Dahil sa susunod na lunes, ibang Professor na ang makakaharap ko. At ayon sa mga chismis dito, isang binata raw ang papalit na Professor namin. Hindi lang yan diary, SINGLE pa siya.
Oh diba? Pak na pak! Talagang tinupad ni Lord ang hiling ko sa kanya na magkaroon ng kahit konting good news dito sa University. At feeling ko tuloy tadhana na ang naglalapit sa THE ONE ko. Baka yung new teacher namin ang para sa akin. Ayieee kinikilig ang bangs ko, charot! Eme eme lang!
So hanggang dito na muna diary at marami pa pala akong pupulutin na basura.
MATAPOS kong sulatin ang lahat na gusto kong sabihin sa aking diary ay itinago ko na ang aking notebook sa bag para mag-umpisa na akong mamulot ng mga kalat.
At dahil sanay na ako sa ganitong senaryo ay mabilis kong napulot ang lahat ng basura kung kaya't natapos ko ito na hindi lumalagpas sa ten minutes.
Actually, bagong salta lang ako sa University na ito. Lumipat ako sa Manila nang makatanggap akong impormasyon na isa na raw na ganap na Teacher ang lalaking gustong-gusto ko noong 12 years old ako.
Akala ko, kaya kong kalimutan ang binatang 'yon dahil nga't bata pa ako at wala pang alam sa pag-ibig. Kaya lang, kahit sampung taon na ang nakalipas, hindi ko maalis sa isipan ang taong 'yon. Naging parte na siya ng buhay ko at maituturing kong first love ko siya.
Kaya nang makalipat ako dito sa Manila University, hindi ako nawawalan ng pag-asa na magtatagpo muli ang landas namin. Ang kailangan ko lang siguro ay tamang panahon at oras ng aming pagtatagpo. Kung God's will man ito, talagang gagawa siya ng paraan upang kami ay magkita ulit.
Mabilis namang tumakbo ang oras nang pumasok ako sa klase. Halos maraming event lang sa college kaya madalas, two hours lang ang klase sa isang subject. Kaya ayon, nagsi-uwian na kami.
Nakahinga ako ng malalim at talagang sinulit ko ang aking pagiging malaya. Dahil tomorrow, is a new day. A new journey for me.
NANG SUMAPIT, ang bagong umaga, masaya akong naglalakad sa campus habang tinutungo ang classroom namin.
Kahit sobrang late na ako, taas-noo pa rin akong humahakbang na walang kaba sa aking dibdib.
Nang makatapak na ako sa loob nagsitinginan agad sa akin ang mga kaklase ko. Ang dating tuloy nito sa akin ay parang nasa THE VOICE of THE PHILIPPINES lang ako dahil sabay-sabay silang napaharap.
Pero omaygash... Bigla akong nagulat sa kanilang reaksyon. Nakita ko kasi ang mukha nila na bakas ang kanilang takot.
'Teka, mukha ba akong aswang?' Iyan
sana ang gusto kong itanong sa mga kaklase ko kaya lang biglang nagsalita si Sir na nasa unahan mismo.
"Ms.Samonte, tama ba?" tawag nito sa last name ko at nagawa pa akong tanungin.
"Y-yes sir.. Ako nga ho," tugon ko sa kanya.
Ngayon ay unti-unti ko nang naramdaman ang kaba na tila nabuhay ito dahil sa pagiging strikto ng baguhan naming teacher.
Akala ko pa naman ay jackpot na ako dahil wala na yung Professor namin na may galit sa akin. Pero tila itong pumalit ay mas malala pa yata.
Lumapit naman siya sa akin na hindi maalis ang pagsasalubong ng kilay niya.
"Base dito sa record mo, palagi kang late sa klase... Pero sa ginawa mo ngayon, hindi lang late ang tumatak sa isipan ko, CUTTING GIRL ka na rin, Ms. Samonte. Ganito ba talaga ang kinasanayan mo? Na okay lang sa'yo na pumasok ka nang ganitong oras kahit na alam mong half-hour ka ng late?" diin na sambit ng binatang nasa harapan ko.
Napalunok ako ng aking laway at napayuko.
"Sorry sir, malayo kasi ang boarding house na tinutuluyan ko... Dalawang jeep pa ang sinakyan ko bago makarating dito kaya hindi ko na po kasalanan kung mabagal magdrive ang jeepney driver. Kasi sa totoo lang, kailangan pang mapuno yung loob ng jeep bago si Manong bumiyahe," utal kong paliwanag.
"Kahit na... Hindi pa rin iyan sapat na rason para pumasok ka ng ganitong oras... Kung alam mong malayo ang boarding mo, sana ay gumigising ka ng maaga. That's not a valid reason or an excuse. Kaya mamarkahan pa rin kita dito ng absent," saad niya dahilan para hindi na ako makapagsalita pa.
Mukhang tinik din yata ang taong ito sa lalamunan ko dahil sa pagiging strikto niya.
"Mag-usap tayo mamaya sa office ko," tanging bigkas niya bilang patuloy.
Matapos sabihin ni Sir ang katagang 'yon, halos manlambot ang tuhod ko
dahil sa lamig na titig nito sa akin.
Gwapo sana siya, kaya lang ang tigas ng puso niya. Kahit anong paawa ng mukha ko ay hindi ito umeepekto sa kanya.
At gaya ng kanyang sinabi, after discussing his lesson and introducing himself, sumunod na ako rito para mag-usap kami sa kanyang opisina.
"Maupo ka," utos nito na akin namang sinunod.
"Sinabi mo sa akin kanina na malayo ang boarding house mo sa University na 'to. So I decided na do'n ka muna sa apartment ko tumira. Nang sa gano'n ay wala ka nang maging dahilan pa sa pagiging late mo," wika niya hudyat para lumaki ang aking bilugang mata.
"Ho?!" sambit ko na tila hindi ko matanggap ang kanyang desisyon. Baka nabibingi lang ako sa kanya.
"Kaysa naman palagi kang ma-late. Gugustuhin mo bang pinapagalitan ka araw-araw? At dahil sa pagiging late mo ay naaapektuhan ang pagtuturo ko. You are also wasting my time," ani nito na medyo may punto nga naman.
"Pero kasi--" Nakayukong tugon ko na animo'y hindi ko pa rin kayang tanggapin ang alok niya.
I am his student at teacher ko siya. Ano na lang ang iisipin ng mga kaklase ko sa amin?
"Gusto mo bang magkaroon ng punishment Ms. Samonte? Hindi ka ba nagsasawa sa kakapulot ng basura? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Think about it... Huwag mong pairalin ang pride mo. Dahil minsan, ang pride mo ang magiging dahilan ng pagbagsak mo sa subject ko," pananakot niya.
"Sir wala namang ganyanan," nakangusong turan ko.
"Yun naman pala, kaya huwag ka ng tumanggi pa," he said again.
"Ehh--"
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tiningnan na ako ni Sir sa aking mata na sobrang seryoso.
My ghad! Bakit ba ganito siya sa akin?
Kung makatingin siya ay akala mo naman kilala niya ako? Sino ba talaga ang lalaking ito?
Nang tingnan ko kasi ang mata niya ay parang may katulad. Hindi ko lang masigurado kung tama ba ang naiisip ko. Kasi napaka-imposible naman kung siya yung lalaking first love ko.
Hindi na nga ako nakapagtanggi pa sa naging desisyon ni Sir. Tamad naman talaga ako. Kaya kahit labag sa kalooban ko na tanggapin ang alok ni Sir ay tinanggap ko pa rin. Huwag lang ako magkaroon ng punishment.
Matapos ang walang kwentang pag-uusap namin, lumabas na ako ng kanyang office.
Pagbalik ko sa classroom, tiningnan ako ng mga kaklase ko mula paa hanggang ulo.
Suss. Inggit lang siguro sila dahil ako ang unang napansin ni Sir sa unang klase nito sa section namin.
Oh well, bakit ba kasi hindi nila ako gayahin diba? Magpa-late rin kaya sila ng maranasan nila ang sitwasyon ko.
After the class, lutang ang aking isip. Iniisip ko kasi kung ano ang mangyayari sa pagtira ko sa apartment ni Sir.
Kaya nang umuwi ako sa bahay, nag-browse muna ako sa social media para naman ma-enjoy ko ang sarili ko.
At dahil nga sa maganda ako, marami agad ang friend requests ko at isa na
ro'n si SIR?!
Ang bilis niya naman malaman ang social media account ko kahit ibang name ang aking ginamit.
"Hays. Sino ka ba talaga Sir? Ba't parang ang dami mong alam sa akin?"
Dahil sa friendly naman ako, inaccept ko si Sir na maging friends sa social media.
Nagawa ko muna siyang i-stalk kaya lang wala akong nakitang mga photos niya ten years ago. Lahat nang naipost niya ay mga bagong picture niya pa lang.
I was about to log-out my social media kaya lang biglang nagchat si Sir.
"Hi Ms. Samonte. Kumusta ka na? It's been a long time." Ito ang pagbasa ko sa chat niya kaya't napataas ako ng kabilang kilay.
Parang tumaas naman ang aking balbon dahil sa salitang 'long time' na nabasa ko. Napapaisip ako nang malalim sa naging message niya kaya na-seen ko lang ito nang wala sa oras.
"Wala man lang ba na hello? Ganyan ka na ba talaga Ms. Samonte? Hindi mo na ako nagagawang maalala." Pagmemensahe niya ulit.
Ang kabog ng dibdib ko, hindi ko maintindihan. Parang kilala ko na yata ang lalaking ito.
Pero pinipilit ng utak ko na imposibleng mangyari ang ganitong sitwasyon...
Hindi naman pagiging Teacher ang pangarap ng first love ko. Ang gusto niya sa buhay ay maging Engineer. Kaya malabo. Napaka-labo kung iisipin.
"Isang seen mo pa talaga Ms. Samonte at ibabagsak na kita pagdating sa grades mo."
Dahil sa kasunod niyang message ay mabilis akong napa-type at nawala sa husyo ko ang mga gumugulo sa isip ko.
"Good evening Sir! Sorry late reply... May ginagawa kasi ako eh. Kumain ka na ba? Kasi kung kumain ka na, kumain ka ulit para hindi ka magutom." pagchachat ko.
Pero isang pagtawa lamang ang naitugon niya sa chat.
"May nakakatawa po ba Sir?" tanong ko sa kanya sa messenger.
"Wala naman... Natutuwa lang ako dahil nagtagpo na ulit tayo at nakaka-chat pa kita ngayon... So pa'no, kita na lang tayo bukas. Goodnight Ms. Samonte." Huling mensahe niya.
Masyadong weird talaga ang lalaking 'to. Sa mga pinapakita at inaakto nito, parang may alam siya tungkol sa akin.
Pero ang inaalala ko ngayon, handa na ba akong makasama si Sir sa iisang bubong?