Francesca’s POV Wala ako sa sarili ko habang nakaupo sa waiting shed at nakatingin sa screen ng cellphone ko kung saan naka display ang conversation namin ni mayor Mikee. Tapos na ang buong klase ko ngayong araw at pinag iisipan ko na akong tatawagan ko ba si mayor o hahayaan na lang na bumagsak ako ng tuluyan. Dahan-dahan kong pinindot ang call button. At pagkapindot ko agad na may sumagot kaya inilagay ko na sa tapat ng tenga ko ang cellphone ko. Kinakabahan ako. "Francesca? Why? Nagbago na ba ang isip mo?" agad na bungad niya sa akin. Sigurado akong nakangiti na naman siya ngayon. Kabisado ko na kasi agad kung kailan siya nakangiti at kung kailan hindi naman. Marinig ko lang ang boses niya alam ko ng emosyon niya. “Ahm hindi ‘to tungkol sa pag tutor mo sa akin,” sambit ko at napati