bc

My Possessive Mayor(Owning Series#5)

book_age16+
47.7K
FOLLOW
289.0K
READ
possessive
family
goodgirl
confident
drama
sweet
bxg
genius
witty
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

The dumb girl being owned by the possessive Mayor.

Nasa buhay na lahat ni Francesca ang lahat. Magarang bahay, maraming pera, mga damit, alahas pero ang stage play na gusto niyang salihan ay hindi niya masalihan dahil sa mababa niyang grade.

Dadating sa buhay niya ang maginoong Mayor ng Maynila na handa siyang tulungan makamit niya lang ang inaasam niya.

Subaybayan ang pag-angkin ng isang Mayor ng Maynila sa isang babae na mahina ang utak

chap-preview
Free preview
01
Francesca’s POV Nakatuon lang ang luhaan kong mga mata sa spotlight na nakatutok sa stage ng theater room namin dito sa Manila University. Ito ang unang play para sa semester namin ngayong taon. Ang unang play na sa kasamaang palad, hindi na naman ako nakasama. Taon-taon na lang bang ganito? “Dapat ako ‘yan eh,” bulong ko sa sarili ko habang patuloy pa rin sa pagluha.. Sa pinaka dulo ng theater ako naupo para walang makapansin sa akin na umiiyak ako. Mag-isa lang rin ako sa pwesto ko kaya walang nakakakita sa akin. Huling taon ko na sa Manila University at gra-graduate na ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakasali sa kahit isang play. Kahit extra lang ok lang naman sa akin pero bawal talaga ako sumali lalo na kung lagapak ang GPA ko. Ang mga may matataas na GPA lang kasi ang pwedeng sumali sa ganyan at hindi pwede ang mga mahihinang utak tulad ko. Mga matatalino lang kasi ang pinagbibigyan na makasali sa isang play. Sinubukan ko naman mag-aral pero kahit anong aral talaga ang gawin ko palagi na lang akong inaantok. Subukan ko man ng isang daang beses, wala talaga. Tanga pa rin ako. “Why are you crying?” Napalingon ako sa nagsalita na nasa likuran ko. Dahil madilim sa pwesto ko kaya hindi ko nakita ang mukha niya at tanging anino niya lang ang nakikita ko. Matangkad siyang lalaki ayon sa silhouette niya na nakikita ko sa dilim. Agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang t-shirt na suot ko, “hindi ako umiiyak. Sino ka ba?” Mataray na tanong ko sa kanya. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko kaya ibinalik ko na ang tingin ko sa stage. Nag-uumpisa na silang umarte. Isa sa mga bida ay ang best friend ko, si Charlotte. Top 1 kasi sa klase si Charlotte kaya taon-taon siyang kasali sa musical play na pinapangarap ko. “Punasan mo ang luha mo,” aniya ng baritong boses. Kinuha niya ang kamay ko at may inilagay doon na isang panyo. Agad ko namang inagaw ang kamay ko na hawak niya at ibinalik sa kanya ang panyo niya. Kung makahawak sa kamay ko akala mo close kami. Baka mamaya marumi pa pala ang kamay niya. “Sinabing, hindi nga ako umiiyak,” iritadong sambit ko. Ang pinaka-ayoko talaga sa lahat ay ‘yung may taong makakakita o makakarinig sa akin na umiiyak ako. Ayokong magmukhang kaawa-awa sa mata ng mga tao. Mukha na nga akong tanga at bobo tapos dadagdagan ko pa ng ka awa-awa baka sa MMK ako makapasok nito at hindi sa stage play. “Nakakabawas ba sa pagkatao mo kung aaminin mong umiiyak ka?” Tanong niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya na deretso lang ang tingin sa harapan kung saan mayroong nag pe-perform. Mapanga rin siya at kitang-kita ko rin sa silhouette niya ang adam’s apple niya. Kitang-kita ko rin ang matangos niyang ilong dahil naka side view siya sa akin. Silhouette pa lang niya mukhang prinsepe na agad, paano pa kayo kung makita ko ang mukha niya? Sana lang hindi ako ma-dissapoint. “Ano ba kasing pakielam mo kung umiiyak ako ngayon? Oo na at umiiyak nga ako,” mataray na sagot ko at muling humarap sa stage. “Napaka unfair ng university na ‘to. Porket bobo, hindi na agad pwedeng sumali sa mga stage play? Paano naman namin maipapakita ang talent namin kung bawal kaming sumali? Bobo na nga kami at gusto namin ipakita ang talent namin sa ibang paraan pero bawal dahil mababa ang grades namin? f**k that policy! f**k the university! At kung sino man ang nagpatupad ng pangit na policy!” Kung sino man ang nag patupad ng walang ka kwenta-kwentang policy at mga sumang-ayon, sana masarap ulam nila. “Sige lang, ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo. Magalit ka lang,” aniya. “Alam mo, kayang-kayang bilhin ng daddy ko ang university na ‘to para sa akin. Gusto ko na sanang ipabili ‘to kay daddy kaya lang iniisip ko pa rin ang mga scholar ng university pero itong university namin, iniisip lang nila ang mga matatalino. Nakapasok lang naman ako dito dahil sa mayaman ako eh pero kung mahirap ako at bobo pa baka wala ako sa university na ‘to,” saad ko. Mayaman kami at may mga kumpanya ang daddy ko sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ang Manila University ay mataas na paaralan para sa mga matatalino at hindi para sa tulad kong bobo. Dito lang ako ipinasok ni daddy dahil isa ito sa mga pinaka sikat na paaralan dito sa Pilipinas kahit na wala naman talagang kalaman-laman ang utak ko. “Wala namang bobo sa mundo, sadyang may matatalino lang talaga,” saad niya. “Hah?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. I don’t get it kung anong point ng sinabi niya. Boang na yata ang lalaking 'to. “Walang matatawag na matalino kung walang bobo sa mundo. Walang matatawag na maganda kung walang pangit sa mundo. Walang matatawag na mayaman kung walang mahirap sa mundo kaya huwag mong ibaba ang sarili mo. Lahat naman ng tao ay may halaga,” makahulugang sambit niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. Tama siya. May point naman pala siya. Kung wala kaming mga bobo dito sa mundo e 'di hindi sila matatawag na matalino pero hindi ma iintindihan ng mga matatalinong studyante ng Manila University iyon dahil mas gusto pa nilang laitin ang tulad kong bobo kesa ang tulungan. “Ang talino mo pala. Ang galing mo at naisip mo ang logic na ‘yun,” nakangiting sambit ko. Kahit pa paano gumaan ang loob ko na kanina ay sobrang bigat. Masarap siyang kausap at kampante ako sa kanya. Siguro isa rin siya sa mga studyante dito sa Manila University. “Star student ka ba dito?” Tanong ko sa kanya. Ang mga star student ay ang mga matatalinong studyante at ang tawag naman sa mga bobong studyante ay moon student. Hindi ko alam kung bakit moon pero siguro dahil palaging 0 ang score namin sa exam kaya moon. “Hindi,” sagot niya. “Ah so moon student ka rin gaya ko? Anong course mo?” Tanong ko sa kanya. Kapag talaga magaan na ang loob ko sa isang tao bigla na lang akong magiging feeling close. Mukha namang mabait siya dahil napagaan niya ang loob ko. Kahit kailan wala pang tao na nagpagaan ng loob ko. Ang daddy ko kasi ay busy palagi sa kumpanya namin at wala naman na kong mommy dahil namatay na ng ipanganak niya ako. Only child lang rin ako. Ang kaibigan ko naman puro kalokohan lang kami at minsan lang magseryoso kapag mag-uusap kami. “Hindi rin,” sagot niya. Bigla naman nanlaki ang mata ko at napatayo sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa pagkagulat ko. “P-Professor p-po kayo dito?” Kinakabahang tanong ko. Naku naman! Bakit kasi hindi ako nag-iingat sa pananalita ko tungkol sa university namin. Ayokong mapapunta sa dean’s office at ayoko rin na ipatawag ang daddy ko dahil sa bibig ko. “Bumalik ka nga sa upuan mo,” utos niya sa akin na agad ko naman sinunod kahit na kinakabahan ako. “Hindi ako professor dito.” Agad naman akong nakahinga ng maluwag. Akala ko kasi babagsak na ko sa dean office sa ka una-unahang pagkakataon. “Mabuti naman kung ganun. Kinabahan kasi talaga ako.” “Pero ako ang dean.” “What?!” Gulat na sigaw ko. Hinawakan naman niya ang bibig ko, “shhh, huwag ka ngang sumigaw.” Inalis niya ang kamay niya sa tapat ng bibig ko at umayos ng upo, “sorry po, dean,” kinakabahan na sambit ko. Hindi ko alam kung sino ba ang dean na kaharap ko ngayon dahil madilim nga at hindi ko makita nag mukha niya. Marami rin kasing dean sa Manila University. Mayroong faculty deans, student deans, and department deans. Sana lang at hindi siya ang pinakamataas na dean na masama raw ang ugali at walang awa kung mag parusa sa mga studyante. “Nagbibiro lang ako,” natatawang sambit niya. “Ang totoo alumni lang ako.” Ang sarap pakinggan ng pagtawa niya pero naiirita pa rin ako dahil nagawa niya kong takutin. “Tumigil ka na nga sa pagtawa diyan. Wala kayang nakakatawa,” sambit ko. Pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa niya. Mabuti na lang at malayo kami sa ibang studyanteng na nanonood ng stage play kaya walang nakakapansin sa amin. Kung malapit kami sa kanila baka magalit sila dahil ang lakas ng tawa ng katabi ko. Bawal pa naman ang maingay sa loob ng theater room. Napailing na lang ako at itinuon na lang ang tingin sa stage play pero na di-distract pa rin ako dahil naririnig ko pa rin ang pagtawa niya. “Hindi ka pa rin ba titigil sa pagtawa mo?” seryosong tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa niya at umayos na muli ng upo. “Anyway, what’s your name, crying girl?” He asked. “Louise,” sagot ko. “Louise? Panglalaki?” Nagtatakang tanong niya. Pati ba naman ang pangalan ko na nannahimik ay pinapansin pa niya. May Louise kayang pambabae at wala namang masama kung gagamit ng panlalaking pangalan ang isang babae. Ang cool pa nga e. “Kung ayaw mo sa pangalan ko, e 'di ‘wag mo,” iritadong sambit ko. Maganda kaya ang pangalan na Louise. Louise ang gusto kong itawag nila sa akin dahil si mommy daw ang nagpangalan no'n sa akin sabi ni daddy. “Full name? What’s your full name, Ms. Crying girl,” he asked. “Ano ba? Puro ka crying girl diyan hah. Baka kapag narinig ka ng iba, isipin pa nila iyakin ako,” sambit ko. Ayokong isipin ng iba na iyakin ako. Siguradong mas lalo nila kong mamaliitin kung malalaman nila na iyakin ako. Maliit na nga ako tapos maliliitin pa nila ako. Double kill na. “Ano ba kasi ang full name mo? Sigurado akong may iba ka pang pangalan maliban sa Louise,” aniya. “Francesca Louise Anderson,” sagot ko. “Hmmm Francesca… Ang gandang pangalan,” pagpuri niya sa pangalan ko. “Syempre, maganda rin ‘yung may-ari eh.” Taas noong sagot ko kahit na hindi naman namin nakikita ang isa’t isa dahil nga madiliman. Sa panahon ngayon ang kagandahan ko na lang talaga ang kaya kong panghawakan at wala ng iba. Beauty without brain muna kasi baka sa next life ko pa ang brain ko. “By the way, ano nga palang pangalan mo?” Tanong ko sa kanya. “Mikee Angelo Sanchez,” sagot niya na kinatawa ko. Mukhang niloloko na naman ako ng lalaking ‘to hah. Pati pangalan ng mayor ng Manila ay ginagamit na rin niya. Crush ko pa naman ang mayor namin kaya bakit ako maniniwala basta-basta sa kanya? “Tigilan mo na nga ako sa kakaloko mo. Kanina lang nagkunwari kang dean tapos ngayon mayor? Kakaiba ka, baka mamaya gamitin mo na ay pangalan ng presidente ng Pilipinas,” natatawang sambit ko. Nag-uumpisa ng magsara ang kurtina ng stage kaya ang ibig sabihin ay magbubukas na rin ang buong ilaw sa loob ng theater room. Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ang stage play dahil sa saral kausap ng taong katabi ko ngayon. “Ngayon wala ng halong biro. Seryoso lang. I am Mikee Angelo Sanchez, an alumni in this university and a Mayor of Manila. Nice to meet you, Ms. Francesca Louise Anderson.” ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ To Be Continue…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
454.5K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
345.1K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
349.2K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
456.4K
bc

My Godfather My husband

read
271.3K
bc

That Professor is my Husband

read
507.6K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
575.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook