Episode 7? Francesca’s POV Hindi ako makahinga ng maayos habang dikit na dikit ang mga ilong namin ni Mayor Mikee. Pakiramdam ko malapit na kong maubusan ng hangin. Sobrang bilis rin ng kabog ng dibdib ko at para akong nasobrahan sa kape sa sobrang bilis nito. Hindi pa naman ako mamatay ‘di ba? “Really? Say it, Francesca. Say it, and I will listen to you.” He said in a low tone. Sobrang lamyos ng boses niya. Hindi ko alam kung may problema lang ba ang tenga ko pero parang inaakit ako ng boses niya. Inaakit ako na mas mapalapit pa sa kanya kahit na sobrang lapit na namin sa isa't isa. “Wala talaga, mayor,” tanggi ko muli. “Halata naman na meron eh. Bakit ba ayaw mo pang sabihin sa akin? Simple lang naman ang tanong ko hah,” aniya. “Saan mo gustong makasigurado? Napansin ko kasi na pal