Episode 5 Francesca’s POV “God! Late na late na talaga ako,” natatarantang sambit ko at tumakbo pababa mula sa second floor ng bahay namin. Kakaisip ko kay Mayor Mikee kagabi, napuyat tuloy ako. Kung ano-ano kasing sinasabi ni mayor na nakakagulo ng isip ko. Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin ang sinabi niya kagabi. Hindi pa nga ko makahinga ng maayos kaya mabuti talaga na nagawa ko pang makatulog kagabi. “Starting today, I have always a time to you, Francesca.” God! Tuwing maaalala ko ‘yun bigla na lang nag-iinit ang pisngi ko. Totoo kaya ang sinabi niya? May time siya sa tulad ko? Isang mayor maglalaan ng oras sa studyanteng mahina ang utak? Special ko naman yata. Masyado ba kong malakas sa mayor namin? “Bye, dad! Pasok na po ako!” Sigaw ko at lalabas na sana ng magsalita si