04

2195 Words
Francesca’s POV “Yes, siguradong tataas ang GPA mo kung ako ang magiging tutor mo. So, do you accept my offer, Francesca? Me as your tutor?” Aniya. Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Siya? Tutor ko? Mayor ng Manila? Wala na ba siyang magawa sa buhay niya kaya sinasayang niya na lang sa akin? Kahit nga ang pagdala niya lang sa akin dito sa bahay niya, nasasayang na siya ng oras paano pa kaya kung turuan pa niya ako? “Ok ka lang ba, Mayor Mikee?” Nag-aalalang tanong ko. Baka kasi nahibang siya o baka may nakain na mali. Bakit naman niya iaalok ang sarili niya sa tulad ko? Sinabi ko na sa kanya na mahirap akong turuan pero nagpatuloy pa rin siya. “Oo naman, kita mo naman ‘di ba? Nakatayo ako sa harapan mo mismo. Wala namang masakit sa akin. Bakit?” Kibit balikat na tanong niya. Sa sobrang bait ng mayor namin handa pa talaga siyang turuan ako. Bored na siguro siya sa city hall. “Mayor ka ng lungsod natin tapos gusto mo kong turuan? Mayor ka. Isang mayor na may mataas na katungkulan,” pagpapaalala ko sa kanya. Baka kasi nakalimutan na niya na isa siyang mayor o baka nabingi lang ako kanina at hindi naintindihan ang sinabi niya. Bakit nga naman mag aksaya ang mayor na tulad niya sa akin. Mayor na may mataas na gampanin sa buong maynila. “Oo, alam ko at wala naman problema kung tutulungan kitang mag-aral ‘di ba?. So, do you accept me as your tutor?” He asked. Nakakaloka. Isang mayor nag-aalok sa akin na tuturuan niya ako. Mayor ‘yun! Hindi ako makapaniwala. Nanaginip lang ba ako? Baka naman imahinasyon ko lang ‘to. Baka nahihibang lang ako dahil wala ngang laman ang utak ko. Gutom lang siguro ako. Oo, tama. Imahinasyon ko lang ‘to. Napasampal ako sa sarili ko at kinurot ang balat ko. “Hey, Francesca! What are you doing to yourself?” Kunot noong tanong niya sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Totoo nga. Hindi ko lang ‘to isang imahinasyon. Nasa harapan ko nga ang mayor ng Maynila at inaalok niya kong tuturuan niya ko. Mayor na magtuturo sa akin at walang bayad. Ang mayor na hinihiling ng buong kababaihan ay inaalok ako. “Ok ka lang ba?” Nag-aalalang tanong niya at napatango na lang ako. Dahil sa pagkagulat ko kaya hindi ko mabukas ang bibig ko para magsalita. Hindi ko alam ang dapat na sabihin ko sa kanya. I’m so speechless. “Sigurado ka? Bakit parang bigla kang natameme diyan? Magsalita ka nga,” utos niya sa akin at bakas sa boses niya ang pag-aalala. Ganito ba talaga siya dahil mayor siya? Teka, ano ba ‘tong pinag-iisip ko. Syempre ganito talaga pag mayor. Mabait sa lahat lalo na sa mga nasasakupan niya. “Magsalita ka, Francesca,” madiing utos niya sa akin. “O-ok l-lang ako,” nauutal na sambit ko. Nakahinga naman siya ng maluwag. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya na nakahawak pa rin hanggang ngayon sa dalawang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at parang ayaw akong pakawalan. “‘Y-yung kamay ko, Mayor,” nahihiyang saad ko. Bigla naman siyang napabitaw sa kamay ko at ibinalik sa bulsa ng slack niya ang magkabilang kamay niya. Ang lambot ng kamay niya at ang sarap pakiramdaman. Hinawakan ng isang mayor ang kamay ko, parang ayoko na tuloy basain. “Anyway, ano na ba ang desisyon mo?” Tanong niya. “Ayoko pong maging tutor ka,” mahinang sagot ko. Magiging sagabal lang ako sa kanya at nakakahiya kung wala akong matututunan mula sa kanya. Alam ko namang matalino siya pero kahit anong gawin niyang turo sa akin wala pa rin akong matututunan "Tinatanggihan mo ako? Ayaw mo sa akin?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mukhang hindi niya expected na e-re-reject ko siya. Oo nga pala, never pa siyang na re-reject kaya kagulat-gulat talaga. pero mukhang mas nakakagulat na isang tulad ko na mahina ang utak ang nag reject sa kanya. “Sorry, Mayor Mikee,” nahihiyang sambit ko. Sa susunod mapagtatanto rin naman niya na tama ang ginawa ko dahil hindi ko sinayang ang oras at panahon niya sa akin. Baka nga bukas makalawa tawanan niya nalang ako. “Ako na ang nag-aalok sa'yo tapos tinatanggihan mo pa? Give me a valid reason, Francesca,” seryosong sambit niya. Nawala bigla ang kaninang Mayor Mikee na nakangiti at napalitan ng seryosong mukha. Kung hindi ko siguro siya kilala baka natakot na ako sa mukha niya. Mukha siyang simpatiko na magagalit na sa akin dahil lang sa na tanggihan ko siya. “Ahm ayoko kasing mahati ang oras mo. Alam kong mahirap ang maging mayor ng lungsod natin. Marami kang inaasikaso sa city hall natin tapos dadagdag pa ang tulad ko. Masasayang lang ang oras mo sa akin na dapat ay nilaan mo na lang sa bayan,” pagpapaliwanag ko. Alam kong malaking bagay ang turuan ng isang matalinong mayor pero nakakahiya nalang kung sasayangin ko ang oras niya. Pwede naman akong mag self-study na lang “Anong magagawa mo kung gusto kitang paglaanan ng oras? Ang tulad mo ay karap-dapat na paglaanan ng oras at isa pa… kasama ka sa bayan na pinaglilingkuran ko, Francesca. Ipapaalala ko lang na dito ka sa Manila nakatira. Sa lugar na pinamumunuan ko kaya kasama ka sa bayan na sinasabi mo,” sambit niya. Sobrang lalim at parang may iba pang kahulugan. Masyadong matamis ang dila. “Pero hindi ko po talaga matatanggap, Mayor. I’m sorry,” mahinang sambit ko at napayuko na lang. kahit na nakita ko na kamukha niyang nadismaya sa akin, hinding hindi ko pa rin babaguhin ang desisyon ko dahil alam kong mas madidismaya siya kapag tinuruan niya ako at walang naging magandang bunga. “Ok lang, kung magbago ang isip mo pwede mo naman akong tawagan.” Saad ko. Napatingala ako at nakita kong nag labas siya ng wallet at hinugot niya mula sa wallet ang isang calling card. “Call me if you change your mind, Francesca,” he said. Inabot niya sa akin ang calling card at agad ko naman itinago sa bulsa ko kahit siguradong hindi naman na magbabago ang isip ko. “Gagawin mo rin ba ‘to sa iba?” Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang makasigurado dahil ayokong magkaroon ng false alarm. Dapat alam ko kung saan ako lulugar. Ayaw ko rin naman ma-fall sa kanya. Tama na ang paghanga. “Hindi,” sagot niya. Parang may kung anong mayroon sa loob ng tiyan ko. It feels like there is a butterflies inside my stomach. My heartbeat is so f*****g faster. Parang takbo ng kabayo sa sobrang bilis ng kabog. “Sa'yo ko lang ‘to gagawin, Francesca…” Aniya. “S-sa akin lang, Mayor?” Tanong ko habang mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Ngayon ko lang ‘to naramdaman sa buong buhay ko. May alam naman ako sa pakikipagrelasyon dahil mahilig ako sa romance movies and series. Pero possible ba talagang magkagusto ako sa mayor namin? I mean gusto ko naman na talaga siya umpisa pa lang. Humahanga ako sa kanya dahil sa mga ginagawa niya sa lungsod namin. Normal lang naman ‘to ‘di ba? “Oo, sa'yo lang Francesca.” Aniya. “B-bakit? Bakit ako lang, mayor?” Kinakabahang tanong ko. Wala namang special sa akin maliban sa pagiging maganda ko. ngayon lang di naman kami nagkakilala pero ang gaan na agad ng loob niya sa akin. “Nang makita kitang umiiyak mag-isa, sinabi ko sa sarili ko na ayokong nakakakita ng studyante na umiiyak sa sarili kong paaralan kaya naman gusto kitang tulungan,” sagot niya. Pero hindi ‘yun ang sagot na gusto kong makuha. Nagkataon na naman pala. Nagkataon na nga na ako ang na interview niya tapos nag kataon na naman na ako ang gusto niyang tulungan. Malaman kung hindi niya ako nakitang umiiyak, wala ako ngayon sa harapan niya. “Ah ganun ba,” mahinang sambit ko. Kung may makita pala siyang ibang studyante na umiiyak sigurong ayun ang aalokin niya at hindi ako. “Sigurado akong may ibang studyante pa diyan na deserving kesa sa akin,” saad ko. “Kaya ko naman mag self-study kaya hindi mo na ko kailangang tulungan,” dagdag ko pa. Baka hindi ko rin kaya makapag focus kung siya ang mag tuturo sa akin. Sa gwapong niyang taglay, natutulala nalang ako. “Pero kung mag bago ang isip mo, tawagan mo lang ako, Francesca. Kung gusto mo rin maglabas ng sama ng loob, pwedeng-pwede mo kong tawagan,” nakangiti niyang sambit. Pa fall naman pala ‘tong si Mayor Mikee eh. Kung marupok siguro ang puso ko baka kanina pa ako nadala sa mga sinasabi niya. “Gagawin mo rin ba ‘yan sa ibang studyante sa unibersidad mo?” Pabirong tanong ko sa kanya. “Hindi, sayo ko lang ‘to gagawin. Magkaibigan na tayo ‘di ba?” Nakangiting sambit niya. “Baka naman pati ang pakikipagkaibigan ay tanggihan mo pa?” “Syempre hindi,” agad na sagot ko. “Kagalakan sa akin na maging kaibigan ang mayor ng Manila. Ang gwapo at mabait na mayor namin,” dagdag ko pa. “Gwapo? Gwapo ako sa paningin mo?” Nakangiting tanong niya. “Oo naman, wala ka bang salamin dito sa bahay mo? Ang gwapo mo kaya at halos lahat ng mga tao ay humahanga sayo,” nakangiting sambit ko. Ang lalaking katulad niya ay hindi lang pang boyfriend material dahil pang husband material rin. “Kasama ka ba sa humahanga sa akin?” Nakangising tanong niya. “Ah h-hindi hah,” sagot ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya napayuko ang ulo ko. Nakakahiya kung makikita niyang namumula ang pisngi ko. Bakit ba kasi tinanong niya pa ‘yun? Syempre humahanga ako sa kanya. Crush ko kaya siya. Bigla naman niyang ibinaba ang ulo niya at pinagmasdan ang mukha ko. “Namumula ka,” sambit niya. Agad akong napaayos ng upo at tumalikod kay Mayor Mikee. Nakakahiya na talaga. Bigla siyang pumunta sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko kaya hindi ko naiwasan ang mapupungay niyang mga mata na taimtim akong pinagmamasdan. “Allergic ka ba sa kinain mo? Namumula ang pisngi mo,” nag-aalalang saad niya. “Ah o-ok lang ako, Mayor,” sagot ko. “Gusto mo bang tumawag ako ng doctor para ipa check-up ka? Baka allergic na ‘yan,” saad niya. “Naku, huwag na, Mayor Mikee. Ok lang talaga ako. A-ahm nag b-blush lang ako,” pag-aamin ko. Mabuti ng umamin kesa ang magpatawag pa siya ng doctor. Napahiya naman na ako kaya mas ok na mapahiya na lang ulit ako para isang bagsakan na lang. “Nag blu-blush ka lang?” Natatawang sambit niya. “You’re so cute, Francesca.” Mas lalo naman nag-init ang pisngi ko dahil sa pagtawa niya at pagpuri sa akin. Iba pala kapag siya ang nagsabi na cute ako. Para akong nakalutang sa langit. “Sa sobrang cute mo baka hindi na kita maiuwi sa bahay niyo,” sambit niya. “Hah?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Never mind,” he said. Inalis na niya ang kamay niya na nasa braso ko at iniligay niya sa likuran niya ang magkabilang kamay niya. Napatingin naman ako sa wall clock nila at nakita kong 9:05 na rin pala ng gabi. Sa haba ng pag-uusap namin ni Mayor Mikee, hindi ko man lang namalayan ang oras. “Uuwi na ako, Mayor,” sambit ko. “Uuwi ka na agad?” May panghihinayang sa boses niya. “Ah oo, may pasok pa kasi ako bukas,” saad ko. Gusto ko pa sana siyang maka-usap ng matagal pero kailangan ko ng magpahinga para gumising ng maaga bukas. Friday bukas kaya maaga ang una kong klase. “Ganun ba? Sayang naman,” aniya. Tulad niya, nanghihinayang rin ako. Kung pwede nga lang na buong araw kaming mag-usap ay gagawin ko eh kaya lang may mga kanya-kanya kaming ginagawa. Ang sarap pa naman niyang kausap at komportable ako sa kanya kahit na minsan ay nahihiya ako. Crush ko siya kaya normal lang na mahiya ako minsan kapag kausap ko siya. Crush ng bayan si Mayor Mikee kaya ang swerte ko dahil naka-usap ko siya kahit sandaling oras lang. “Anyway, pwede namang mag-usap na lang ulit tayo sa susunod. Bukas nga pwede ulit tayong mag-usap eh,” sambit niya. “Bukas?” Natatawang sambit ko. “Baka naman busy ka. Mayor ka kaya normal na busy ka. Ok lang kahit hindi tayo makapag-usap bukas. Sa susunod na lang kapag may free time ka na talaga. Kailangan ka ng bayan kaya focus ka na lang sa bayan. Salute to you, Mayor Mikee,” saad ko at sumaludo pa. As a fan of him, I am very proud of him. Nakaya niyang magpatakbo ng isang malaking lungsod sa edad ng 26. “Starting today, I have always a time to you, Francesca.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD