10

3201 Words

Episode 10 Francesca’s POV “Francesca, gising na,” narinig ko ang isang magandang boses na gumigising sa akin habang nakahiga ako sa malambot na kama at nakayakap sa malambot na unan na mas mabango pa sa akin.  “Hmmm, anong oras na ba, manang?” Tanong ko habang nakapikit pa rin ang mga mata. Gusto ko pang matulog dahil sobrang sarap kayakap ng unan na hawak ko at ang bango pa nito. Mas lalo pang lumambot ang kama ko at parang mas lumaki pa.  “Ala-singko na po ng umaga, ma’am Francesca,” sagot ng baritong boses. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang boses dito sa loob ng bahay namin o baka dahil inaantok lang ako kaya gumagana na naman ang pagiging magaling ko mag imagine. Maaga pa pala pero bakit ba nambubulabog na ang katulong namin? Wala naman akong sinabi na gisingin niya ko ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD