Episode 9? Francesca’s POV “Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang magalit sayo. Kahit yata anong gawin mo sa akin, hindi pa rin ako magagalit sayo. Ewan ko ba Francesa pero gulong-gulo na ko sa nararamdaman ko sayo,” mahinang aniya. Hindi ko alam kung anong mayroon pero sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa naka side view niyang mukha. Ang matangos niyang ilong at ang panga na nakadepina na dahil sa kakisigan nito. Tulad niya, naguguluhan rin ako. Hindi ko rin alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. Bago lang sa akin ang ganitong pakiramdam. Ang mabilis na t***k ng puso ko at ang pag-aalala ko sa kanya tuwing nawawala ang mga ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung bakit iba na lang ang epekto sa akin kapag malungkot siya. Magulo na nga ang utak ko at mas lalo