Episode 11 Francesca’s POV “Thank you so much, Francesca. Sa susunod kung may hindi ka nagustuhan na ginawa ko, sabihin mo agad hah. Para maayos ko rin agad. Ayokong nagagalit ka sa akin, Francesca. Ayokong nagkakaroon ka ng sama ng loob sa akin,” nakangiting sambit niya sa akin. Ang boses niya parang nanlalambing. Mas humigpit ang paghawak ko sa mantle ng lamesa dahil parang mahihimatay na ako sa mga tingin sa akin ni Mayor Mikee. Ayoko pa naman mahimatay sa mismong harapan niya. Ayokong magmukha akong mahina sa harapan niya lalo na kapag nalaman pa niyang siya ang dahilan kung sakali man na mahimatay ako. Bobo na nga ko at ayoko naman na magmukhang mahina pa sa harap ni Mayor o kahit na kanino pa. Okay ng bobo ang tingin nila sa akin pero huwag lang ang pagiging mahinang babae. I kno