Francesca’s POV
“Welcome to my house, Francesca,” sambit ni mayor Mikee at kasabay nun ay ang pagbukas ng malaking kulay ginto na doble doors niya.
Para akong may grand entrance habang dahan-dahan na bumubukas ang pintuan ng mansyon niya. Hindi na bago sa akin ang ganito kalaking bahay dahil malaki rin naman ang bahay namin pero mas malaki pa rin ang bahay niya kung ikukumpara sa bahay namin.
“Magandang gabi po, Mayor Mikee,” sabay-sabay na bati ng mga katulong niya na nakahilera pa. Dalawang pila ang nakahilera sa tapat namin. Nasa kanan ang mga katulong at nasa kaliwa naman ang mga body guard.
“Magandang gabi rin,” bati pabalik ni mayor Mikee.
Kahit ang mga katulong pala niya ay binabati niya rin. Hindi tulad ko na dedma lang kapag binabati ako.
“Mayor, nakahanda na po ang pagkain niyo sa hapag kainan,” sambit ng isang katulong na nasa pinakaunahan.
Mukha siya ang pinakamataas o ang tinatawag na mayordoma dahil iba ang suot niya sa ibang mga katulong. Hindi rin siya isang mayordama na palaging galit dahil ngiting-ngiting ang labi niya.
Humarap sa akin si mayor, “Let’s eat?” Anyaya niya.
Tumango naman ako at naglakad kami papunta sa dining area ng bahay niya. Ang tiles nila ang kumikinang sa sobrang linis. Pwede ka na rin manalamin dahil sa linaw nito.
Pagpasok namin sa dining room agad akong napatingin sa long table na sobrang daming pagkain. Iba’t ibang putahe ang nakahain pero lahat ay filipino dish. Wala man lang western food.
“Maupo ka,” turo niya sa isang upuan na malapit sa kabisera.
Naupo naman ako sa upuan na tinuro niya habang siya naman ay naupo sa kabisera ng lamesa malapit sa akin.
“Kumain ka na,” nakangiting sambit niya.
“Tayong dalawa lang ang kakain nito? Sobrang dami naman,” saad ko.
Mayaman kami pero hindi naman ganito karami ang pagkain na hinahanda sa amin tuwing kakain kami. ‘Yung sakto lang para sa amin ni daddy ang hinahain at ang iba ay para sa mga katulong na.
“Tama lang ‘yan sa'yo dahil ang payat-payat mo. Kaya siguro walang laman ang utak mo dahil kulang ka sa sustansya,” saad niya.
Mabuti na lang at walang ibang tao dito sa dining room kaya walang nakarinig ng sinabi niya. Alam ko naman na walang laman ang utak ko pero huwag naman niyang ipangalandakan. Hindi rin ako payat dahil sexy ako.
Kung hindi lang siya isang mayor baka sinigawan ko na siya para kasing nilalait na niya ako eh. Crush ko pa man din siya pero mukhang turn off na siya sa akin.
“Kumain ka na at baka lumamig pa ang pagkain,” aniya.
Tumango na lang ako at nagsandok na ng kanin at sinigang na hipon. Ayokong pinagsasabay-sabay ang mga ulam kaya ok na ako kahit sinigang na hipon lang. Nag-umpisa akong sumubo ng pagkain habang siya ay nakapalumbaba lang at pinapanood ako.
Naiilang ako sa titig niya sa akin kaya huminto ako sa pagsubo at binaba ang kutsara at tinidor na hawak ko.
Imbis na makakain ako parang nailang ako sa kanya.
“Hindi ka pa ba kakain?” Magalang na tanong ko sa kanya.
Wala naman kasi ako sa isang stage play para panoorin niyang kumain. Ang awkward rin kasi kapag may nanonood sa akin na kumain. Hindi ako komportable.
Para siyang naghihintay na mabiyayaan kahit na may pagkain naman na sa harapan niya.
“I enjoy this.”
“What?” Kunot noong tanong ko sa kanya.
Enjoy ba siya na pinapanood ako? God! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko? Wala namang ka enjoy-enjoy sa akin.
“Never mind,” he said.
Nagsandok na siya ng pagkain na para sa kanya at nag-umpisa ng kumain. Hinawakan ko ang kutsara at tinidor ko. Kumain na rin ako kasabay ang mayor ng Manila kahit na ramdam ko ang pasulyap-sulsap niya sa akin.
“Kumusta naman ang pagiging isang moon student? Dahil sa sinabi mo kanina mukhang nahihirapan ka,” aniya.
“Mahirap nga, Mayor. Kami na nga ang may mahinang utak at kami pa ang minamaliit. ‘Di ba dapat kami nga ang unang tinutulungan kesa sa mga matatalino? Porket wala kaming ambag sa university, kung ituring nila kami parang hindi isang studyante. Paano pa kaya ang ibang mahina ang utak at mahirap? Malamang mas kawawa sila,” sambit ko.
Pinilit naman naming mga mahihina ang utak na maging matalino pero hindi talaga namin magawa. Ang mga ibang professor naman ay pinapahiya ang tulad namin imbis na tulungan kami pero syempre may mga professor pa rin na palagi kaming tinatama ng walang halong pamamahiya, iilan nga lang sila.
Isa lang ang masasabi ko, hindi talaga maayos ang pagpapatupad nila sa Manila University kasi kung maayos e 'di sana hindi ako nakakaramdam ng pag ka outcast. Sana maayos pa rin ako at nakakakuha ng pantay na pag trato.
“Kaya kailangan mo talagang pataasin ang GPA mo kung gusto mong ituring ka ng maayos. Kasi kung ipagpapatuloy mo ang paggiging kampante sa mababang GPA sigurado akong patuloy ka rin nilang mamaliitin kahit na gaano ka pa kayaman pero wala ka naman nito” saad ni Mayor at itinuro ang sintido niya.
“That’s unfair. Dapat pantay-pantay lang ang pagtingin nila sa mga studyante. Bobo man o matalino. Mayaman o mahirap,” sambit ko.
Anong taon na pero wala pa ring pagbabago ang society namin kaya siguro hindi umuunlad ang buong pilipinas dahil sa mga mindset nila na pang basurahan.
“That’s our life. Sa panahon ngayon wala ng pantay. Anyway, kailangan mo ba ng tutor?” Tanong niya sa akin.
Iniba niya ang usapan dahil mukhang napansin niya ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
“Tutor? Hindi ko na ‘yun kailangan,” natatawang sagot ko.
Wala rin naman mangyayari kung magkakaroon ako ng tutor. Ilang beses na nag hire si daddy ng tutor para sa akin pero wala talaga. Palagi pa rin akong inaantok tuwing mag le-lesson na.
Hindi rin naman ako tinuturuan ng maayos nang tutor ako noon at inaantay lang nila ang pera ng daddy ko na ibabayad sa kanila.
“Bakit naman? May kilala akong magaling mag tutor. Pwede kitang ilapit sa kanya para tumaas ang grades mo at para makasali ka sa susunod na stage play,” aniya.
“Wala namang epekto sa akin ang pag tu-tutor na ‘yan. Ang mga nag tu-tutor rin sa akin at nauubusan ng pasensya dahil wala talaga kong natututunan,” sagot ko.
In-born na siguro talaga ‘tong kabobohan ko. Lalo na sa math, palagi na lang itlog ang score ko. Buti pa sa ibang subject naka hotdog ako. Hotdog ay isang puntos.
“Di ba gusto mong sumali sa stage play? Bakit hindi mo gawing inspirasyon ang pagsali sa stage play? Isipin mo ang pagiging bida sa stage play para sipagin kang mag-aral,” sambit niya.
Bigla naman akong napatigil at napaisip sa sinabi niya. Tama siya, dapat ko ngang gawing inspirasyon ang pagsali sa stage play. Ang tanga ko talaga! Ngayon ko lang nalaman na gawin ko dapat inspirasyon ang pagsali sa stage play.
“Thank you, Mayor Mikee. Na motivate ako biglang mag-aral,” nakangiting sambit ko.
Simula ngayon magbabasa na ako ng mga libro at mag se-self-study. Wala na rin naman kasing nagtatagal na tutor sa akin kaya mas mabuting mag self-study na lang ako o kaya mag patulong sa best friend kong si Charlotte.
“Gusto mo bang ipakilala kita sa magaling na tutor? Magaling siyang magturo at summa c*m laude rin siya ng grumaduate siya sa Manila University. Libre lang rin ang tutor sa kanya basta para sa tulad mo” sambit ni mayor.
“Huwag na, Mayor. Pwede naman akong mag self-study na lang. Wala rin naman magtatagal na tutor sa akin. Baka sumuko lang rin siya dahil mahirap akong turuan” pabirong sambit ko pero totoo naman.
Ang pinaka matagal ko na kasing naging tutor ay isang linggo lang. Ang iba kong naging tutor ay isang araw pa lang suko na agad at kinuha lang ang advance p*****t.
“Paano ka naman nakasisiguro na susuko lang sayo ang tutor na sinasabi ko? Mahaba ang pasensya niya lalo na sa mga tulad mong studyante,” nakangiting sambit niya.
“Base lang sa experience ko. Lahat kasi ng tutor ko ay umaayaw sa tulad kong sobrang bagal matuto,” sambit ko.
“Hindi naman pare-parehas ang tutor. May mga tao kasing mahaba ang pasensya tulad ng tutor na sinasabi ko sayo. Sigurado akong hinding-hindi ‘yun susuko sayo at tutulungan ka talaga niyang magkaroon ng mataas na GPA para makasali sa stage play. You should try it, Francesca,” aniya.
Para siyang nag sa-sales talk dahil nadadala niya ko sa mga sinasabi niya. Sino ba kasi ang tutor na sinasabi niya at puring-puri niya? Siguro magaling ngang magturo ang tutor na ‘yun dahil pinupuri siya ni Mayor Mikee. Baka siya na ang daan para talaga magkaroon ako ng mataas na GPA.
“Kailan ba pwedeng kausapin ang tutor na sinasabi mo? Base kasi sa sinabi mo mukhang pwedeng-pwede niya kong turuan. Gusto ko na tuloy siyang makilala para maayos ang schedule kung kailan niya ko tuturuan,” nakangiting sambit ko.
Desperada na talaga akong magkaroon ng mataas na GPA. Ito na ang huling taon ko sa University at gusto ko sana bago ako umalis ay makasali ako sa isang stage play. Ang pag-arte talaga ang pinakagusto kong gawin pero kahit kailan hindi ako napag bigyan na ipakita ang talent ko.
“Pumapayag ka na maging tutor siya?” Masayang tanong ni Mayor at tumango naman ako.
Hindi ko akalain na ganito pala talaga siya sa personal. Sobrang gwapo niya tuwing ngumingitin siya dahil nagiging singkit ang mapungay niyang mga mata. Ang swerte siguro ng babaeng magugustuhan ni Mayor Mikee dahil bukod sa gwapo siya, mabait, at parang lahat ng magandang katangian ay nasa kanya niya. Wala kang mapipintas kahit isa.
“Yes, why not? Mukha namang magaling ngang magturo ‘yang tutor na sinasabi mo. Baka siya na ang sagot sa mataas kong GPA at para na rin makasali ako sa stage play,” nakangiting sambit ko.
Tumayo siya sa pagkakaupo niya kaya napatingala ako. “Tara, ipapakilala kita sa kanya,” sambit niya at naglakad na siya.
Tumayo rin ako at agad na sumunod sa kanya, “Nandito rin siya sa bahay mo, Mayor?” Tanong ko.
“Yes,” masiglang sagot niya.
Pumunta kami sa malaking sala ng bahay niya at huminto kami sa tapat ng isang malaking picture frame. Humarap sa akin si Mayor Mikee at namulsa.
“Nasaan siya?” Nakangiting tanong ko at lumingon-lingon sa paligid namin..
Excited na kong makilala ang tutor na sinasabi niya. Sana lang at hindi strikto. Ano kayang itsura niya? Maganda kaya siya?
“Ito siya,” saad niya at tumingin sa malaking picture frame na nakadikit sa dingding ng bahay niya.
Isang lalaki ang nasa picture frame. Napaka gwapo nito habang nakasuot ng kulay puting suit. Seryoso lang ang mukha niya sa letrato habang naka dekwatro sa isang magandang sofa.
“Mayor Mikee? Sarili mo ang tinutukoy mong magiging tutor ko?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Hindi ako pwedeng magkamali. Kitang-kita ng dalawang mata ko na siya ang lalaki sa letrato. Siya ang mag tuturo sa akin? Para na rin niyang inalok ang sarili niya sa akin. Isang mayor ang magtuturo sa akin?
“Yes, siguradong tataas ang GPA mo kung ako ang magiging tutor mo. So, do you accept my offer, Francesca? Me as your tutor?”
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
To Be Continue...