Francesca’s POV
“Ngayon wala ng halong biro. Seryoso lang. I am Mikee Angelo Sanchez, an alumni in this university and a Mayor of Manila. Nice to meet you, Ms. Francesca Louise Anderson.” Aniya.
Muli akong napatawa at napahawak sa tiyan ko. Akala siguro niya uto-uto ako at maniniwala. Nauto niya ko ng una pero hindi sa pangalawang beses. Tsaka paanong magiging Mayor ng Maynila ang makakatabi ko? Haler!
Bumukas ang ilaw ng buong theater room at lumingon ako sa katabi ko. Natigilan ako sa pagtawa at nalaglag ang panga habang nakatingin sa gwapong lalaki na katabi ko. Kung gaano siya ka gwapo...
He’s oval face, slim build, pointed nose, blond hair color at perpektong nakataas pa ‘yun. A f*****g handsome man. Ang mayor ng Manila ay nasa tabi ko. Ang lalaking dati ay pinapanood ko lang sa mga balita ay katabi ko na!
I can’t believe it! Ang mayor na hinahangaan ko dahil sa mga maganda niyang gawain ay nasa harapan ko mismo! God! Totoo ba ito? Anong ginawa ko sa buhay ko para makatabi ang lalaking isa sa mga hinahangaan ko?
“Oh my gosh,” mahinang sambit ko na parang mauubusan na ng hangin.
Nakatingin lang sa akin ang mga mapupungay niyang mga mata. Napaka perpektong mukha. Mabuting tao na siya at gwapo pa. Lahat ng babae ay siguradong nag kakandarapa sa Mayor ng Manila. Hindi ko akalain na mas ikaka gwapo pa pala siya. Gwapo na siya sa tv namin pero mas gwapo pa pala siya sa personal.
“Nice to meet you, Francesca. I’m Mikee Angelo Sanchez, the one and only mayor of Manila,” he said and smile to me. Inilahad niya ang kamay niya sa kaharap ko. Agad ko naman tinanggap ang kamay niya at nakipagkamay.
Sobrang lambot ng kamay niya at ma-ugat rin siya. Ang hahaba rin ng mga daliri niya sa kamay. Pati ang pag ngiti niya ang panglaglag panty! Mas gwapo siya sa malapitan kesa sa T.V, sa totoo lang. Kahit anong salita na makakasira sa kanya at wala akong masabi. Perpekto niya masyado.
“M-mayor, n-nice t-to meet you rin po,” magalang na sambit ko at nauutal-utal pa.
Sino ba naman ang hindi mauutal kung ang gwapong mayor ng Maynila ay nasa harapan ko na. Hindi lang siya basta gwapo dahil sikat rin siya. Hindi lang dito sa Manila dahil pati na rin sa ibang lungsod ay kilalang-kilala siya dahil sa pagpapa-unlad niya sa lungsod namin. Siya ang tinaguriang pinakabatang Mayor ng Maynila at ang pinakamagaling at marangal na Mayor sa buong Pilipinas.
“Huwag mo naman akong galangin masyado. Nagmumukha akong matanda eh samantalang nalalapit lang naman ang edad ko sayo. Drop the ‘po’ and don’t be too formal,” he said.
Sa edad niyang 26 ay na italaga na agad siya bilang mayor. 21 pa lang naman ako kaya malapit nga lang ang edad namin pero dapat ko pa rin siyang galangin dahil isa siyang mayor. Isang mataas na Mayor na pinakuwentuhan ko ng mga masasama tungkol sa pag-aari niyang Mataas na paaralan.
“Naku, hindi na po, ok lang po. Karangalan ko na mag bigay galang sa inyo, mayor,” saad ko.
Doble ang bilis ng t***k ng puso ko habang kinakausap ang mayor namin. Nararamdaman ko ang tingin ng ibang tao sa loob ng theater sa amin. Hindi naman ako sikat pero ang katabi ko ay sikat na sikat.
“Drop the ‘po’, Francesca Louise Anderson,” madiing sambit niya.
Sunod-sunod akong napalunok ng sambitin niya ang buong pangalan ko. That was f*****g sexy voice! Para kong hinahatak palapit sa kanya.
“S-sige, pero mayor pa rin ang itatawag ko sayo,” sambit ko.
Nakakahiya naman kasi kung Mikee lang ang itatawag ko sa kanya samantalang ang lahat ay mayor Mikee ang tawag sa kanya.
“That’s fine,” he said.
Tumayo siya sa inuupuan niya kaya tumayo na rin ako. Sigurado akong madilim na sa labas dahil tapos na ang pang gabing stage play.
“Let’s have a dinner,” anyaya niya sa akin at tumingin siya sa relong pambisig niya. “Sakto 7:30 na rin ng gabi.”
“Hah?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Isang mayor inimbitahan ang college student na kagaya ko? Isang magandang at mayaman na katulad ko pero isang bobo? Gulat na gulat ako ngayon habang nakatingin sa kanya.
“Masama akong tanggihan, Francesca. Wala pang kahit na sinong tumatanggi sa akin. So, I expect that you will not decline my invitation,” he said while smiling.
Ang ganda ng mga ngiti sa labi niya pero ayoko naman mawala ‘yun ng dahil sa tatanggihan ko lang siya. Paano ko ba ‘to ipapaliwanag?
“A-ah kasi may sundo ako na nag-aantay sa labas,” nahihiyang sambit ko.
Ayoko naman talaga siyang tanggihan kaya lang naghihintay talaga ang sundo ko sa labas.
“It’s ok,” nakangiting sambit niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil na tanggap niya ang sagot ko. Nakakahiya lang dahil mukhang ako yata ang unang tumanggi sa kanya.
“Pwede naman kitang ipaalam. Nasaaan ba ang sundo mo para makausap ko?” Tanong niya.
Muling nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman tinanggap na niya ang sagot ko pero mukhang desidido nga siya na makasama akong mag dinner ngayong gabi.
“N-nasa parking lot ang sundo ko,” sambit ko.
“Let’s go,” anyaya niya.
Namulsa niya at naglakad na palabas ng theater room. Agad ko naman siyang sinundan. Lahat ng mata ng mga studyante ang nakatingin kay Mayor Mikee dahil sa kakisigang taglay nito.
Biglang huminto sa paglalakad si mayor Mikee kaya napahinto na rin ako. Lumingon siya sa akin, “Bakit ang bagal mong maglakad?”
Pati pala ang paglalakad ko ng mabagal ay napansin niya pa rin. Sinadya ko talagang bagalan ang paglakad ko para hindi ko siya makasabay sa paglalakad. Nahihiya kasi akong makatabi siya sa paglalakad lalo na’t kung ano-ano ang pinagsasabi ko kanina.
Nakakahiya dahil sa isang mayor pala ako naglabas ng sama ng loob ko. Hindi ko man lang alam.
“Ok lang ako. Sige mauna ka na,” nakangiting sambit ko.
Naglakad siya palapit sa akin at huminto siya sa tapat ko. Ibinaba niya ang sarili niya dahil maliit ako at nagkatapat ang mga mukha namin. Sobrang lapit namin sa isa’t isa at hindi ako makahinga ng maayos.
“Ayaw mo bang makasabay sa paglalakad ang mayor ng maynila?” Mahinang aniya.
“H-hindi n-naman sa g-ganun. N-nahihiya lang talaga ko sayo dahil kung ano-ano ang pinagsasabi ko kanina sa loob ng theater,” saad ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.
Hindi ko kayang tagalan ang pakikipagtitigan sa kanya lalo na’t ganito kami kalapit sa isa’t isa. Umatras ako palayo sa kanya.
Umayos naman siya ng tayo niya, “nahihiya? Bakit ka naman mahihiya? Naglabas ka lang naman ng sama ng loob mo at pinakinggan lang naman kita. Hindi naman nakakasakit ng kapwa ang paglalabas ng sama ng loob kaya hindi ka dapat mahiya.”
“Pero mayor ka at ikaw ang may-ari ng paaralan na ‘to na para sa mga studyanteng matatalino at hindi para sa akin,” mahinang sambit ko.
Nakakahiya dahil sa mismong may-ari pa ng Manila University ako naglabas ng sama ng loob. Siguro dapat sa susunod hindi na ako magpadala sa agos ng damdamin ko at mag-ingat sa bawat salitang bibitawan ko.
“Wala kang dapat na ikahiya, Francesca. Tara na at puntahan na natin ang sundo mo para makakain na tayo. Gusto pa kita maka-usap ng matagal,” aniya.
Sabay kaming naglakad habang ang mga tauhan niya ay nakapalibot sa aming dalawa. Mayor siya kaya normal lang na may mga tauhan siyang nakapalilgid sa kanya. Iba pa naman ang politika. Maraming kaaway kahit na tama naman ang pamumuno.
“Studyante lang ako pero gusto mo kong makausap ng matagal? At isa pa, ngayon mo lang ako nakilala,” sambit ko.
“Gusto ko lang kausapin ang isa sa mga moon student dito sa Manila University. Katatapos ko lang kausapin ang isang star student kanina kaya ngayon ay ang moon student naman. Gusto kong malaman lahat ng opinyon ng dalawang panig. Isang moon at star student,” pagpapaliwanag niya.
“Hmmm, ganun pala,” saad ko.
Bakas sa boses ko ang panghihinayang. Akala ko pa naman kaya niya ko inimbitahan na mag dinner dahil nag enjoy siya na kausap ako pero ‘yun pala interview lang. Pero maswerte pa rin ako dahil ako ang napiling ma-interview. Sigurado akong maraming nagkakandarapa na mga studyante na gusto rin makausap si mayor kaya ng swerte-swerte ko talaga.
“Nasaan dito ang sasakyan na susundo sayo?” Tanong sa akin ni mayor Mikee ng makarating kami sa parking lot ng university.
“Ayun,” turo ko sa puting BMW.
Naglakad kami palapit sa service ko at lumabas naman ang driver na palaging naghahatid at sundo sa akin.
“Magandang gabi po ma’am Francesca,” bati ni manong Emil.
“Manong Emil, mauna na kayong umuwi. May interview pa kasi ako bilang representative ng moon student,” sambit ko.
“Paano po kayo niyan uuwi, ma’am Francesca?” Nag-aalalang tanong sa akin ni manong.
Matagal ko na siyang driver kaya ganyan na lang siya kung mag-alala. Matagal na rin kasi siyang nag tra-trabaho sa pamilya namin kaya malapit na rin siya sa amin.
“Ako na ang mag-uuwi sa kanya,” sambit ni Mayor Mikee.
Napalingon naman si Manong Emil kay Mayor at gulat na gulat siya ng makita niya na kasama ko si mayor.
“Magandang gabi po, mayor.” Magalang na sambit ni Manong Emil at nakipagkamay kay mayor.
“Magandang gabi rin ho,” bati pabalik ni Mayor. “Huwag niyo na pong alalahanin si Francesca, ako na ang mag-uuwi sa kanya ng ligtas.”
“Sige po, mayor. Ako na lang po ang bahalang magsabi kay Mr. Anderson,” sambit ni Manong Emil.
“Tara na, Francesca.”
Tumango naman ako at naglakad kami papunta sa isang black exclusive van. Binuksan ng isa sa mga tauhan niya ang pinto ng van.
“Mauna ka ng pumasok,” sambit ni mayor Mikee.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at nauna ng pumasok. Sunod naman siyang pumasok. Nabawasan ang pagkailang ko dahil medyo malayo ang upuan namin sa isa’t isa. Magkakahiwalay kasi ang upuan sa van na pag mamay-ari niya kaya medyo nagkalayo ang balat namin na kanina pa nagdidikit.
“Saan mo ba gustong kumain?” Tanong niya sa akin at umusad na ang van.
“Ikaw na lang ang mamili, mayor, hindi naman ako mapili sa mga pagkain,” saad ko.
Nakakahiya naman kasing mamili ng kakainan lalo na kung mayor ang kasama mo. Ganito rin kaya siya sa ibang studyante na kinausap niya? Niyaya niya rin kayang kumain?
“Kapag ako ang pinapili mo, pipiliin ko ang bahay ko. Masarap magluto ang mga chef ko. Ok lang ba sayo?” Tanong niya.
Sa bahay niya? Pupunta ako sa bahay niya? Grabe na ‘to. Hindi ko lang siya basta na kasabay mag dinner dahil nakatapak rin ako sa bahay niya. Isang malaking kagalakan na makatapak sa bahay ng butihing mayor ng Maynila.
“Ah ok lang sa akin kahit saang lugar,” sagot ko.
Ayokong tanggihan ang pagpunta sa bahay niya dahil alam ko sa sarili ko na gustong-gusto ko rin naman na makapunta doon. Minsan lang dumating ang pagkakataong ito kaya maling tanggihan ko. Always grab the opportunity.
“That’s good. We will have a dinner at my house, Francesca.”
____________________________________________________________
____________________________________________________________
To Be Continue....