SUMILIP si Relle sa kwarto ng kapatid niyang si Lexi at nakita niyang natutulog pa ito. Kunsabagay, hindi naman problema ang café nito kung sakali dahil may pastry chef naman ang pwedeng pumalit kung sakaling wala ito. Ganun din naman siya. May limang chef ang restaurant niya kaya hindi siya nag-aalala na hindi muna pumasok ngayon.
Kailangan niyang mag-grocery, eh. Wala na silang stock ng kapatid niya. Matakaw pa naman ito. Wala, eh. Spoiled na spoiled ito sa kanilang lahat lalo na sa Daddy nila. Ito kasi ang bunso nila pero napalaki naman ito ng maayos at alam nito ang mga limitasyon nito. Iyon ang maganda.
"Lexi, mamalengke lang ako." Paalam niya rito.
"Hmm..." Sagot lang naman nito.
"Sigurado ka bang hindi ka sasama?" Tanong niya.
"Hindi, Ate."
"Okay. Pero paggising mo pakitignan ang restaurant." Aniya.
"Hmm..."
Napailing si Relle at isinara ang kwarto ng kapatid at bumaba sa sala. Kinuha niya ang susi ng kotse sa fish bowl at lumabas ng bahay.
Dalawa lang sila ni Lexi dito sa Baguio. Nasa Manila ang iba nilang kapatid kasama ng mga ito ang kanilang mga magulang. Minsan ito ang bumibisita sa kanila at minsan silang dalawa ni Lexi ang bumibisita sa mga ito.
Bakit sila magkakahiwalay? Mas gusto nilang dalawa ni Lexi ang Baguio, eh. Pero kahit naman magkakahiwalay sila magkakasama naman sila ng mga espesyal na okasyon ng buhay nila. Like birthdays, their parents’ anniversary, Christmas and new year and many more important occasions.
Sumakay si Relle sa kotse at nagtungo sa pinakamalapit na grocery store.
Papasok na sana siya sa grocery store nang may makabangga siya.
"Sorry."
"Sorry, Miss."
Sabay nilang sabi at nagkatinginan silang dalawa.
Kumunot ang nuo ni Relle. Pamilyar sa kaniya ang lalaki. Hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita.
"Ikaw 'yong babae na bumangga rin sa akin kahapon, right?" Sabi nito.
Naalala kaagad ni Relle ang lalaki kahapon na nabangga niya bago siya pumasok sa restaurant.
Tumango si Relle. "Pasensiya na."
"I told you. Be careful next time pero nagkabanggaan pa rin tayo. I'm Felix." Inilahad nito ang kamay.
"Relle." Tinanggap ni Relle ang pakikipagkamay nito.
"I gotta go." Sabi ni Felix. "Baka tapos ng mag-grocery ang asawa ko, kasama niya kasi ang anak namin."
Tumango lang si Relle at pumasok na sa loob ng grocery store ganun din si Felix.
Nakasunod naman ang tingin ni Relle kay Felix. Nakita niyang lumapit ito sa magandang babae na may hawak kamay na bata na sa tingin niya ay three years old pa lang.
Napangiti si Relle. They look a happy family. Aniya sa sarili.
Kumuha siya ng cart at kumuha ng mga kailangan nila ng kapatid niya. Pinagdadasal niya lang na sana hindi magtetext ang kapatid at magpapabili ito ng paborito nitong condensada. Mabuti na lang at hindi ito nagkakaroon ng diabetes.
Nang tumunog ang cellphone niya. At ng tinignan niya. Kasasabi ko lang, eh.
From: Lexi the condensada
'Ate, pabili ng condensada.'
Natawa pa siya sa idinagdag niyang pangalan ng kapatid.
Napailing siya ng mabasa ang text nito.
'K.' She replied.
Dumeretso siya sa istante kung nasaan ang mga condensada. Kumuha siya ng sampung lata ng condensada at inilagay sa cart.
Kumuha rin siya ng prutas, meat and vegetables. Nang makuha na niya lahat, nagtungo na siya sa cashier.
Habang nasa cashier siya at nagbabayad. May bigla humila sa laylayan ng suot niyang damit. Pagtingin niya.
"Teka..." Parang ito 'yong anak ni Felix. "Baby, bakit? Are you lost?" Tanong niya sa bata.
Tumango ito.
Kumunot ang nuo niya. "Hindi ba't kasama mo kanina ang magulang mo?"
Kanina nakita niyang hawak ito ng ina nito. Paanong nawawala na ito ngayon?
"Wait, Baby." Sabi ni Relle at ibinigay ang debit card sa cashier.
Nang maibalik nito ang debit card. Kinarga niya ang bata. "Let's find your Mommy and Daddy."
"Aaron!"
Tumingin siya sa taong nagsalita sa likuran niya.
"Felix?"
Nanlaki ang mata ni Felix. "Relle?" Kapagkuwan kinuha nito ang bata sa kaniya.
"Are okay, kiddo?"
Tumango ang bata. Itinuro siya nito. "She helped me."
Nginitian ni Relle ang bata.
"Let's go. Nag-aalala na ang mommy mo sa 'yo." Tumingin sa kaniya si Felix.
"Thank you."
Ngumiti si Relle at tumango.
Umalis na ang mag-ama. Natawa si Relle nang kumaway sa kaniya ang bata. Kumaway rin siya pabalik.
Kinuha niya ang mga pinamili niya at lumabas ng grocery store. Nakadalawang balik pa siya para kunin ang mga pinamili niya.
PAGKAUWI niya. Tinulungan naman siya ng kapatid niya na ipasok ang mga pinamili niya. At may lunch na rin na naluto at nakahanda na rin ang mesa.
"Hmm… naglalambing ka 'no dahil hindi mo ako sinamahan sa grocery." Aniya sa kapatid.
"Love you, Ate." Malambing nitong saad at niyakap siya.
Napailing si Relle. "Oo na. Don't let the triplets know that you are saying 'I love you' to me. Alam mo naman na ang mga 'yon. Magseselos lang ang mga 'yon na parang mga bata."
Natawa naman si Lexi. "Hayaan mo na sila, Ate. Kumain na tayo."
"Okay. Gutom na rin ako."
Relle sighed. Umupo na siya at nilagyan ng pagkain ang plato niya.
Habang kumakain. Biglang pumasok sa isipan niya si Felix. Napangiti na lang siya. Sayang lang at may asawa na ito. Crush pa naman niya.
Napansin naman ni Lexi na iba ang ngiti ng Ate niya.
"Ate Relle, iba ang ngiti mo ngayon, ah."
Tumingin naman si Relle kay Lexi. "May nakilala kasi ako, eh. Gwapo siya kaya lang..."
"May asawa na." Pagtatapos ni Lexi sa sasabihin ng Ate niya.
Tumango si Relle.
Natawa ng mahina ni Lexi at napailing. "Hay naku, Ate, ang mabuti pa kalimutan mo na lang ang lalaking 'yon. May asawa na pala, eh. Maghanap ka na lang ng iba."
"Wow." Sabi ni Relle. "Kung magsalita ka naman diyan parang nagkaroon kami ng relasyon. To tell you, crush lang 'yon 'no. Mawawala rin."
Ngumisi si Lexi. "Iba ang ngiti mo, Ate."
Nagkibit ng balikat si Relle. "Ano naman ang kakaiba sa ngiti ko?"
Lexi shrugged. Nagpatuloy siya sa pagkain.
Napangiti na lang si Relle. Hindi naman masama ang magkagusto sa may asawa. At hindi naman siya katulad ng ibang babae na maninira ng ibang relasyon para lang sa pansariling kaligayahan. Iyon ang hindi niya maintindihan. Bakit may ibang tao na naninira sa relasyon ng ibang tao kahit alam na nila na hindi na malaya ang isang tao?
Lexi looked at her sister. "Ate, huwag masyado. Masakit 'yan kapag lumalim."
Natawa si Relle at napailing. "Alam ko. Huwag kang mag-alala. Hanggang inspirasyon lang naman."
"Okay. Sabi mo, eh."
Nagpatuloy silang dalawa sa pagkain.
Pero hindi mawala-wala ang ngiti ni Relle sa labi.