bc

Love for the Second Time

book_age16+
4.0K
FOLLOW
15.6K
READ
revenge
independent
brave
confident
bxg
lighthearted
female lead
office/work place
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

When Felix's family died, his world became lifeless and worthless.

All he wanted is to avenge his family and after that he will follow them.

But everything change when he met Rheenabelle Henderson.

He saw again the light of life.

A smile appeared on his lips again.

And he finally felt happy again.

Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa dalaga at bigla niyang ginusto ang magkaroon ng panibagong buhay at kalimutan ang nakaraan.

Felix can't help but to ask himself, is there really a love for the second time?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
HINDI ininda ni Felix ang mga sugat dahil sa pag-akyat niya sa batuhan kanina. He's a soldier. Hindi niya dapat pansinin ang mga sugat niya. Kailangan ng matapos ang misyon nilang 'to ng mga kasama niya para makauwi na rin. Miss na niya ang asawa at anak niya.   Inasinta ni Felix ang hawak na rifle at itinutok sa isang kalaban na nagbabantay sa paligid ng bahay. But he stopped and looked around. Marami ang bantay ng bahay. Tumingin si Felix sa kaliwa.   Nakita niya ang mga kasamahan niyang sundalo na naghihintay ng 'go signal' niya kung kalian ang mga ito aatake.   "Ikutan niyo ang bahay. Over." Utos niya sa mga kasamahan sa hawak niyang radyo.   "Copy, Lieutenant Colonel. Over." Tugon ng mga kasama niya.   Sinenyasan niya naman ang iba na huwag gagawa ng hakbang at maghintay lang.   Tumango naman ang mga ito bilang tugon.   Muling tumingin si Felix sa bahay.   Alam niyang nandito ang target nila dahil sa dami ng mga bantay na nasa paligid ng bahay.   "Lt. Colonel, we are all in position. Over."   "Copy. Get ready. This is a sudden attack and they didn't expect this. Over."   "Yes, Lt. Colonel. Over."   Nagbilang si Felix.   One...   Two...   Three...   "Fire!"   It was a sudden attack and the enemy was surprised. Napangisi si Felix.   "Now. Where the hell are you?" Tanong niya habang nakikipagbaliran sa mga kalaban.   Halos hindi na ang mga ito makaganti dahil sa biglaan nilang pag-atake.   "Santos, cover me!"   "Yes, Sir!"   Mabilis siyang tumakbo patungo sa bahay. Nagtago siya sa gilid ng pader at binaril niya ang mga kalaban na naroon. When his rifle run out of bullet. Itinapon niya ito. He pulled out his gun and shoot his enemy.   Naghanap si Felix ng pwede niyang mapasukan para makapasok siya sa loob. Luckily, nakahanap siya kaagad. Pumasok siya sa loob at hindi niya inaasahan ang mga nakita niya.   So many grams of drugs.   Napabuga ng hangin si Felix at binaril ang nakita niyang kalaban na nasa loob ng kwartong 'yon.   Nakita niyang may pinto sa loob ng kwarto. Pumasok siya doon at may hagdanan ito pataas. Siguro papunta ito sa second floor ng bahay. Aniya sa sarili kaya umakyat siya doon.   Kumunot ang nuo niya ng makarinig siya ng ingay ng helicopter. Napamura si Felix ng maalala niyang may rooftop pala ang bahay na kinaroroonan niya at nakita niya kanina na may helicopter doon na nakaparada.   Mabilis siyang umakyat sa hagdan a tinungo ang rooftop.   Tuloy pa rin ang labanan ng mga kasamahan sa mga kalaban. Sana lang walang nasugatan sa mga kasamahan niya.   Pagkarating niya sa rooftop. Sinalubong siya ng bala ng mga kaaway.   Mabilis na nagtago si Felix. Nang makakuha siya ng pagkakataon. Mabilis niyang binaril ang piloto ng helicopter. Nakita niya rin sa loob ng helicopter ang target talaga nilang huliin.   Si William Jones. Isang leader ng isang Mafia Group.   Sunod naman niyang binaril ang mga tauhan nito.   "William Jones! Surrender!"   Tumigil naman na ang putok ng mga baril kaya alam niyang natapos na ang labanan at nagtagumpay sila ng mga kasamahan niyang sundalo.   Tumatawa si William Jones habang pababa ng helicopter.   "Lieutenant Colonel Felix Evans." Banggit nito sa pangalan niya.   "This is your end!"   "Oh. Really? I think this is not my end yet." Nakangisi nitong sabi.   Doon naman dumating ang mga kasamahan niya at hinuli ang target.   "Mission accomplished, General." Aniya sa radyo.   Napatingala siya ng marinig ang ingay ng helicopter. Dumating na ang helicopter nila.   Sinenyasan niya ang mga kasamahan na dalhin na si Willima Jones. May malawak na clearing sa hindi kalayuan at doon naglanding ang helicopter na magdadala kay William Jones patungo kung saan ito maikukulong.   Nang makarating sila sa clearing. Kaagad silang sumaludo sa mas nakakataas sa kanilang lahat.   "Congratulations, gentlemen." Anang General. "Now for Mr. William Jones, you will rot in cell."   "If you can put me behind bars." Nakangisi nitong saad.   "Of course, we can." Sagot ng General at tumingin kay Felix.   "Congratulations again, Lt. Colonel."   "Thank you, Sir."   Tumango ang General at inutusan nito ang isang sundalo na pasabugin na ang hide out ni William Jones.   Inasinta nito ang lugar gamit ang grenade launcher.   Nakatingin lang si Felix ng pasabugin ang bahay ni William Jones. At last, nawala na ang mga droga na sisira sana sa buhay ng maraming kabataan.   Umalis na sila sa lugar na 'yon at bumalik sa syudad sakay ng iba pang helicopter.   Gusto na niyang makita ang mag-ina niya.       NAPANGITI si Felix ng makita niya ang mag-ina niya na nasa veranda ng bahay nila.   "Daddy!" His three years old son shouted in happiness.   Mabilis na naglakad palapit si Felix sa mag-ina niya at niyakap ang mga ito.   "I missed you, Daddy."   "I missed you too, kiddo." Aniya.   "I'm glad you’re okay." Ani ng asawa.   Hinalikan naman niya ito sa nuo. "Oo naman. Para sa inyo ni Aaron. At isa ayaw ko naman na mag-aalala ka sa akin."   Ngumiti si Anniza. "Mabuti naman at iniisip mo na mag-aalala ako sa 'yo."   Niyakap ni Felix ang asawa. At hinalikan niya sa nuo ang anak.   "How's my son?"   "O-okay lang po ako, Daddy. Behave po ako."   "That's good. Huwag mong pahirapan ang mommy mo." Ginulo niya ang buhok nito.   "Daddy, stop messing my hair." Aaron complaint.   Pareho silang natawa ng asawa. Ayaw na ayaw talaga ng anak niya na nagugulo ang buhok nito.   "So ilang araw ang bakasyon mo?" Tanong ni Anniza.   Kumunot ang nuo ni Felix at napatingin sa kaniyang asawa. "Bakasyon ba ang tawag do'n kapag ilang araw?"   Nagkibit ng balikat si Anniza.   Natawa naman ng mahina si Felix. "Huwag kang mag-aalala, Anniza. Natapos ko ang misyon na ibinigay sa akin ni General kaya binigyan niya ako ng isang linggong bakasyon so sulitin natin. Let's go out tomorrow and have fun."     "Really, Daddy? Pumunta tayo sa amusement park." Hiling nito habang naglalaro ito sa sahig.   Ngumiti si Anniza at hinaplos ang buhok ni Aaron.   "Okay. Amusement park it is." Sabi ni Felix at kinindatan ang asawa.   "He missed you." Bulong ni Anniza kay Felix.   "I know kaya habang nasa bakasyon ako. Sulitin ko na dahil hindi ko alam kung kailan ko na naman siya makakabonding, pati na rin ikaw."   "Ikaw naman kasi. Malaki naman ang kinikita ng kumpanya mo. Bakit hindi ka na lang doon magpokus at magresign ka na." Sabi ni Anniza.   Felix sighed. "Anniza, alam mo naman na mahal mo ang trabaho ko hindi ba?"   "I know that. Kaya nga iniintindi kita."   Felix smiled and embraced his wife.   "Thank you, Anniza. I love you."   "I love you too."   "I love you both." Sabi naman ni Aaron.   Both Anniza at Felix chuckled.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook