CHAPTER 2

1134 Words
FELIX together with his wife and son went to Baguio as a promise that he would take them for a vacation kahit isang linggo lang. May sarili namang resthouse si Felix sa Baguio kaya doon sila tumuloy at ang katabi ng resthouse nila ay ang isang restaurant kaya doon nila naisipang kumain ng lunch. Katabi naman ng restaurant ay isang café.   "Ang lamig dito." Sabi ni Anniza.   Natawa naman si Felix at niyakap ang asawa. "Yayakapin na lang kita para hindi ka lamigin."   Napangiti naman si Anniza. "Where's Aaron?"   "Mommy!"   "Anak, huwag kang masyadong tumakbo dahil baka madapa ka." Sabi ni Anniza sa anak.   "Sorry, Mommy."   "So saan na tayo ngayon?" Tanong ni Anniza kay Felix.   "Kumain muna tayo." Binuhat ni Felix ang anak at isinuot ang hood ng suot nitong jacket sa ulo nito para hindi ito malamigan.   Nagtungo sila sa restaurant na malapit sa resthouse.   "May café pala sa tabi ng restaurant." Pansin ni Anniza.   Tumango si Felix. "Ito ang ang café at restaurant na sikat ngayon ditto sa Baguio. Sabi rin nila magkapatid daw ang may-ari." Then he shrugged.   Pumasok sila sa restaurant. A waiter welcomed them.   "Table for three." Wika ni Felix sa waiter.   "This way, Sir."   Sinundan nila ang waiter. Iminuwestra nito ang kamay sa bakanteng pwesto.   "Thank you." Pasalamat ni Felix.   "Can I get your order, Sir?"   Ngumiti si Felix at tumingin sa asawa. "You pick."   Ngumiti naman ito at kinuha ang menu.   Habang nagsasabi si Anniza nag-order sa waiter. Hindi naman maiwasang tumingin si Felix sa loob ng restaurant. Hindi pa rin ito nagbago mula ng huli niyang punta rito. Wala pa siyang asawa no'n. Malawak ang restaurant. Anyone could afford the price of every dish that they serve.   "Wait for you order, Ma'am, Sir." Ani waiter at bahagya itong yumukod. Umalis na ito.   "Ang ganda ng restaurant na 'to." Komento ni Anniza.   Felix shrugged.   "Daddy, can we go to park after this?" Aaron asked.   "Sure."   Napangiti na lang si Anniza sa mabilis na pagpayag ni Felix sa gusto ng anak nila. Mukhang bumabawi nga ito dahil pagkatapos ng linggong 'to babalik na naman ito sa trabaho bilang isang sundalo.   Napailing siya. Ang amusement park kasi na gusto ni Aaron at biglang napalitan nang marinig nito na dadalhin sila ng ama nito dito sa Baguio.   Natigilan naman si Felix nang maramdaman na parang may nakatingin sa kanila kaya pasimple siyang tumingin sa paligid pero wala naman siyang makitang nakatingin sa kanila. Hindi na bago sa kaniya ang pakiramdam na 'to.   "Anniza, lalabas lang ako saglit."   Kumunot ang nuo ni Anniza. "Saan ka pupunta?"   "May titignan lang ako." Sabi ni Felix at tumayo.   Lumabas siya ng restaurant at tumingin sa paligid. Doon niya nakita ang isang itim na kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada na mabilis humarurot palayo. Kumunot ang nuo ni Felix at napailing. Babalik na sana siya sa loob ng restaurant nang may pumarada naman sa harapan niya na puting kotse at bumaba roon ang isang babae.   Maganda ang babae at simple lang manamit. Nakayuko ito dahil may tinitignan ito sa loob ng hawak nitong bag kaya hindi siya nito nakita at nabangga siya.   "Sorry." Mabilis na saad nito at tumingin sa kaniya.   Ngumiti si Felix. "Be careful next time, Miss." Sabi niya rito.   Tumango ang babae at nagmamadaling pumasok sa loob ng restaurant.   Hindi alam ni Felix kung ano ang nakakatawa at bigla siyang natawa ng mahina. Napailing siya at bumalik sa loob ng restaurant. Pagdating niya sa table nila. Dumating na ang order nila at kumakain na ang mag-ina niya.   "Ang tagal mo." Sabi ni Anniza habang pinupunasan nito ang bibig ni Aaron.   "Sorry."   Nakita naman ni Felix ang babaeng nakabangga sa kaniya kanina na pumasok sa pinto na may nakalagay na 'Authorized Personnel Only'.   Baka ito ang may-ari ng restaurant na kinaroroonan nila.   "Sinong tinitignan mo?" Tanong ni Anniza.   Umiling si Felix. "Wala. Kumain na tayo."   Masaya silang kumain ng lunch at pagkatapos nilang kumain. Sunod naman silang pumunta sa park na gusto ni Aaron. Pinanood nila ang mga batang naglalaro. Hindi naman kasi pwedeng makipaglaro si Aaron dahil baka madapa lang ito. Saka na lang kapag medyo lumaki na ito at kaya na nitong tumakbo ng mabilis.   "Mommy, saan pa po tayo pwedeng pumunta?" Tanong ni Aaron.   "Ikaw ano ba ang gusto mong gawin?" Tanong naman ni Anniza.   "I want to have rides!" Excited nitong sabi.   Both Felix and Anniza chuckled.   "Okay..." Kinarga ni Felix ang anak. "Let's go to Sky Ranch."   "Yey!"   Hindi dinala ni Felix ang kotse niya kaya nag-taxi sila papunta sa Sky Ranch.   Habang nasa Sky Ranch sila. Napapangiti na lang si Anniza habang pinapanuod ang mag-ama niya an tumatawa at halatang nag-e-enjoy ito sa mga rides na sinasakyan ng mga ito. Napailing si Anniza. Nag-isip bata na naman si Felix. But that's okay. He's cute, anyway.   She took pictures of them as remembrance. Minsan lang 'tong nangyayari kaya kailangan nilang sulitin ng anak niya.   Nanatili siya sa gilid at pinanunod ang dalawa hanggang sa matapos ng mga ito ang rides na kinasasakyan ng mga ito.   Sumunod naman na sinakyan ng mga ito ang Sky Cruiser. Her son is happy. She can say that by his smiles and giggles.   Iba't-ibang rides pa ang sinakyan ng mag-ama niya.   Tumatawa pa ang dalawa habang naglalakad ang dalawa palapit sa kaniya.   "You happy?" Tanong niya kay Aaron ng tuluyang makalapit ang mga ito.   "Very happy, Mommy." Her son said with a wide smile.   "That's good." Pinisil niya ang pisngi nito. Tumingin naman siya sa asawa. "Kaya mo pa?"   Ngumisi ito. "I'm strong, Ann."   Anniza chuckled. "Okay. Sabi mo, eh."   Tumingin si Felix kay Aaron. "Let's come back here before we go back to Manila."   "Yey! Thank you, Daddy." Masaya nitong saad.   Napangiti na lang si Anniza.   "It’s getting dusk. Umuwi na tayo."   "But mommy, I want to have more fun."   "Tomorrow, okay?"   "Okay."   Inakbayan ni Felix ang asawa. "I'm tired."   "Oh, akala ko ba malakas ka." Natatawang sabi ni Anniza.   Umiling si Felix. "Hindi. Umuwi na tayo, Ann. Kailangan na nating magpahinga but first dumaan muna tayo sa restaurant para kumain ng dinner."   "Wala bang stock na grocery sa resthouse?"   Umiling si Felix. "Wala."   "Then let's go to the mall tomorrow and buy grocery." Sabi ni Anniza.   "Okay." Sabi ni Felix.   Napatingin silang dalawa kay Aaron dahil hindi na ito umiimik. Nakatulog na pala ito dahil sa pagod na rin siguro.   "Let's go." Ani Felix. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at naglakad na sila paalis ng Sky Ranch.   Mula naman sa gilid ng isang ticketing booth. Lumabas ang isang lalaki at may kinausap ito sa cellphone.   "Ang sabi ni Boss huwag niyo silang gagalawin muna sa ngayon. Hayaan niyo na muna sila. Saka na lang kapag bumalik na sila ng Manila." Aniya at umalis na rin ng Sky Ranch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD