CHAPTER 4

1167 Words
HINDI na nagulat si Relle nang makita kung sino ang babaeng pumasok sa restaurant niya. Ang aga naman yata niyang bumisita. Kabubukas lang nila at wala pang mga customer. Mga crew pa lang ang kasama niya sa restaurant at ilang chef.   Ano na naman kaya ang ginagawa nito sa restaurant niya? Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kaniya? Napabuntong-hininga na lang si Relle at sinalubong ang kaniyang Mommy Alice.   "Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa ina.   Nagtaas naman ng kilay si Alice. "Bakit masama ba na dalawin kita? O ayaw mo akong makita?"   "Hindi naman po sa ganun. Matagal rin po kayong hindi nagpakita sa akin kaya nagtataka po ako kung bakit kayo nagpakita sa akin ngayon? Dinalaw niyo po talaga ako o gusto niyong manghingi ng pera? Iniwan na naman po ba kayo ng kinakasama ninyo?" Sabi ni Relle.   Malakas na dumapo ang kamay ni Alice sa pisngi ni Relle.   "Miss Relle!" Ani ng mga tauhan niya.   Itinaas naman niya ang kamay para pigilan ang mga ito na huwag lumapit at makialam.   "Ang kapal naman ng mukha mo na sabihin sa akin 'yan, Rheenabelle! Ganiyan ba ang itinuro sa 'yo ng Yvette na 'yon?!"   "Huwag mong idamay si Mommy dito." Wika ni Relle at hinaplos ang nasaktang pisngi.   "So talagang mommy na ang tawag mo sa kaniya?" Napaismid ang ina. "Pero ako ang tunay mong ina kaya hindi mo dapat ako pinagsasalitaan ng ganiyan! Wala kang kwentang anak."   "Wala rin po kayong kwentang ina." Kalmado niyang saad.   Dadapo ulit sana ang kamay ni Alice sa pisngi ni Relle pero may pumigil dito.   "Felix?" Gulat na banggit ni Relle sa pangalan ng lalaki.   Binitawan ni Felix ang ina ng babae na tangkang manakit kay Relle.     "Ma'am, hindi naman po yata maganda na basta niyo na lang saktan si Relle." Wika ni Felix.   "Huwag kang makialam dito!" Galit na sabi ni Alice kay Felix. "Wala kang alam."   "Eh, talaga naman pong wala akong alam at wala kong balak makialam kung anuman ang gagawin niyo." Sabi ni Felix at tumingin kay Relle. "Are you okay?"   Tumango si Relle at tumingin sa ina.   "Umalis na lang po kayo bago mapilitan ang mga bodyguard ni Daddy na hilain kayo palabas." Sabay tingin niya sa mga bodyguard ng ama niya na nag-aayos kanina ng mesa ngunit tumigil ang mga ito ng dumating ang ina niya.   Naghihintay lang ng mga ito ng senyales niya bago ang mga ito gumalaw.   "Parang hindi na talaga ina ang turing mo sa akin."   "Bakit? Tinuring niyo rin ba akong anak niyo?" Balik ni Relle. "Umalis na po kayo, Mommy." Diniinan niya ang huling salita na sinambit niya.   Tinignan siya nito ng masama bago ito nagmartsa paalis.   Napabuga na lang ng hangin si Relle kapagkuwan napatingin siya kay Felix. Napakunot ang nuo ni Relle. "Anong ginagawa mo dito? Mamaya pa ang talagang bukas ng restaurant. Ang aga mo naman."   Felix shrugged. "Aalis na kasi kami at babalik na kami sa Maynila mamaya. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa 'yo dahil sa ginawa mo sa anak ko. So, I brought this for you." Sabay taas ni Felix ng hawak nitong cake nakalagay sa carton.   Natigilan si Relle. "Tatangapin ko 'to ngayon pero wala ng susunod." Aniya.   Natawa si Felix. "Don't worry. Wala ng susunod."   Relle shrugged. "Okay." Tinignan niya ang cake na nasa loob ng transparent na plastic ng carton. "Hmm...my favorite, Raspberry Cake." She sighed. "Namiss ko tuloy ang bake ni Mommy Yvette." Tumingin siya kay Felix. "Salamat. Saan mo 'to binili?"   "Sa Lexi's Café. I also brought cupcake for my wife and son." Ngumiti si Felix. "Anyway, dumaan lang ako dito para ibigay sa 'yo 'yan. Aalis na ako."   Tumango si Relle. "Salamat ulit."   Tumango si Felix at tumalikod na. Nang makalabas na ito ng restaurant. Nagtungo si Relle sa loob ng kaniyang opisina. Inilapag niya ang hawak na cake sa table at napahawak sa tapat ng kaniyang puso. Mabilis ang t***k nito.   Napailing si Relle. Mukhang hindi maganda sa kaniya ang nararamdaman niyang 'to.   Hindi maganda sa kalusugan.   Umupo si Relle sa swivel chair at nahilot ang sentido.   "Ate."   Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang boses ng kapatid. Kumunot ang nuo ni Relle nang Makita si Lexi. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.   Natigilan naman si Lexi nang makita ang pamilyar na box na nasa mesa ng kapatid.   "Bakit na sa 'yo 'yan?"   "Ha?" Nagtaka si Relle kung ano ang tinutukoy ni Lexi."   "'Yan." Itinuro ni Lexi ang box na nasa mesa ni Relle. "May lalaking bumili ng ganiyan. Ang sabi niya gusto niyang mag-thank you sa isang babae. Wala naman daw siyang maisip na flavors ng cake kaya 'yong paborito mong cake ang sinabi ko at 'yon ang binili niya. At 'yan ang cake na binili ng lalaking 'yon."   "Si Felix." Sabi ni Relle.   Lumaki ang mata ni Lexi at umupo sa upuan na nasa harapan ng desk ni Relle. "Siya si Felix, Ate?"   Tumango si Relle.   "Talaga? Ang gwapo niya, ah. Hindi na ako nagtataka kung bakit may crush ka sa kaniya. Gwapo, eh."   Natawa si Relle at tinignan ang cake.   "Pero bakit naman binigyan ka niya ng cake?" Tanong ni Lexi. "Gusto niya raw mag-thank you. Para saan?"   "Nawala kasi 'yong anak niya at sa akin pumunta 'yong bata. Ayun. The rest is history." Relle sighed.   "Bakit, Ate? May problema ka ba?"   "Pumunta dito si Mommy Alice."   "Ha? Sinaktan ka ba niya, Ate? Tell me. Tatawag ako kay Daddy."   "Huwag na, Lexi. Huwag mo ng sabihin kay Daddy dahil sinasabi ko sa 'yo, dadagdagan pa niya ang mga bodyguards natin." Sabi ni Relle.   "Ate, kahit naman hindi ko sabihin kay Daddy na nagpakita sa 'yo ang mommy mo. Malalaman at malalaman pa rin niya. Loyal ang mga tauhan ni Kuya Rayven sa kaniya at siguradong kanina pa nakapag-report ang mga tauhan niya at malamang sa malamang nasabi niya na rin kay Daddy ang tungkol kay Tita Alice." Lexi said and crossed her arms. "Remember your ex...noong nanggulo siya sa restaurant, kahit hindi mo sinabi sa kaniya. Nalaman niya pa rin kaya ayun tumagal ng dalawang buwan sa kulungan ang ex mo and worst pinabugbog pa ni Daddy ang ex mo kay Kuya Rayven."   Relle sighed. "Hindi ko nga alam kung bakit nandito si Mommy kanina? Hindi naman niya sinabi kung ano ang kailangan niya. Nagkapalitan lang kami ng masakit na salita at sinampal niya ako."   "Sinampal ka ni Tita Alice? No way. Kapag nalaman talaga 'to ni Daddy, lalo na si Mommy, siguradong hahanapin nila si Tita Alice." Sabi ni Lexi.   Napabuga ng hangin si Relle. "Hindi ko alam, Lexi. Pero talagang malayo ang loob ko sa sarili kong ina. She's maybe my biological mother but I felt that she's not and I always remember that pain she caused to me when I was still a kid."   Ngumiti si Lexi. "Huwag kang mag-alala, Ate. We're here for you. Hindi ka namin iiwan."   Relle smiled back. "I know and I'm glad that I am part of the Henderson family."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD